The 100th Memory (Sequel to T...
By FelipeNas
A sequel to The 100th Guy Who Passed By Her (If you haven't read The 100th Guy Who Passed By Her, read it fir... More
A sequel to The 100th Guy Who Passed By Her (If you haven't read The 100th Guy Who Passed By Her, read it fir... More
Note muna before anything. PARA SA INYO 'TO :)
Sorry readers kung ang tagal kong i-update ito. Pero ayaw talaga mag-work ng 카지노후기 for a reason I don't know. Nakakatamad na nga. Pero kapag nakikita ko ang suporta niya, namo-motivate akong magsulat. Mas tama naman sigurong suklian ko kahit papa'no 'yung drive na binibigay niyo sa 'kin through updating here :)
Pero asahan na hindi pa rin mabilis ang updates dahil ibang device ang ginagamit ko sa pag-u-update. And I swear, it's not easy :/ But I do thank you all for supporting this. Mahal ko kayo, alam niyo 'yan :)
JOIN FELIPE NAS CIRCLE OF READERS GROUP ON FACEBOOK! (External link)
https://www.facebook.com/groups/276251645875447/
Wala pong bayad yan! Meron pala! Konting chika at kadaldalan, hehe.
--FN ♥
P.S. This 온라인카지노게임 is (medyo) UNEDITED.
* * * * * * * * * * * * * * * * * * *
“Once upon a time, we were a fairy tale.”
* * * * *
Tumama sa mukha ko ang sikat ng araw nang umagang ‘yon. Iniharang ko ang kamay ko sa mga mata ko pero hindi naman nakatulong ‘yun para hindi ako magising. Makalat ang kama ko, kahit ako, hindi pa nagpapalit ng damit ko mula kagabi. Napatingin rin ako sa kamay kong may hawak pang ballpen. Ibinaba ko iyon sa kama ko saka kinusot-kusot ang mga mata ko. Maraming nagkalat na gusot na papel sa sahig at marami namang papel na puno ng sulat ang nakapatong sa kama ko.
Pinulot at tiningnan ko isa-isa ang mga ‘yun. Then I just discovered that I wrote only a single line. Wala na akong naisulat kundi guri.
At katulad ng gawain ko tuwing umaga, tumingala ako, saka pinagsalikop ang mga kamay ko.
"Huy, ano na? Ang tagal mo nang wala, ah. Kailan ka ba babalik?"
Nanatili lang akong nakatingin sa mga papel na nakadikit pa rin sa kisame ko. Ilang buwan matapos akong iwan ni Midori, sa bahay na rin na 'to tumira ang Lola ko. At isang araw, pagkauwi ko galing sa ospital na bago kong pinagtatrabahuhan, nakita ko siyang inaabot ang mga 'yun. Balak niyang tanggalin. Kaya naman nagtatakbo ako sa kanya saka siya pinigilan. Sabi niya, bakit ko pa raw tinatago ang mga 'yun. Madumi na daw 'yun at puno ng alikabok. Hindi ko na rin naman daw 'yun mapapakinabangan. Nang marinig ko 'yun, nagalit ako sa kanya. Ipinagpilitan niyang wala na raw si Midori, at hindi na naman siya babalik. Pero hindi. Tinago ko pa rin ang mga papel na 'yun.
Hindi ako naniniwalang wala na siya. Alam kong nandito lang siya. Sa paligid. Pinapanood ako.
Wala naman talagang makakaintindi sa nararamdaman ko eh. Hindi naman sila 'yung nagmahal. Hindi sila 'yung iniwan. Hindi sila 'yung may malaking kasalanan kay Midori.
Maya-maya pa ay nag-ring ang cellphone ko, kaya naman pinulot ko ‘yun para sagutin,
“Hello?”
“Maisen, nasaan ka?”
Saglit kong inilayo sa tenga ko ang cellphone ko para tingnan kung sino ang nasa kabilang linya. “O, Gabe. Bakit? May lakad ba tayo?”
“Wala. Pero pumunta ka dito sa cafe. May ipapakilala ako sa'yo!"masayang sabi niya.
I suddenly came back to my senses hearing him. "Sino 'yan?"
“Siguradong matutuwa ka. Bilisan mo ha!”
Napatingin na lang ako sa telepono ko dahil ibinaba na ni Gabe 'yung kanya. Dali-dali akong nagtatakbo papunta sa banyo para ayusin ang sarili ko. Hindi ko na nga na-check kung terno ba ang suot kong damit, o kung maayos ba ang buhok ko. Nakangiti ako sa buong byahe, 'yung tipong muntikan na akong masabitan ng kaskaserong motorista, iiwas lang ako. Then I'll drive without cursing, smile, then hum to myself.
Pagkababa ko ng kotse ay agad kong nilabas sa bulsa ko ang mga piraso ng papel kung saan nandoon ang mga kantang isinulat ko. Napatingin ako sa entrance ng cafe at nakangiting dumiretso doon. Nakita ko naman kaagad si Gabe nang kawayan niya ako.
Umupo ako sa couch sa tapat niya. He was smiling when I came, so was I.
"Ang ganda yata ng gising mo ah!" bati niyang hinawakan pa ang manggas ng suot ko na para bang sinusuri ako.
“Who's that you're going to introduce to me?" tanong ko sa kanya
"So that's what boosts you today?" He posed a big smile as he tapped my shoulder. "Teka lang, nag--"
"What company?" putol ko sa kanya. Napaatras naman siya sa tanong ko.
"Woah! I did not think you're interested in status symbol now," tatango-tangong sabi niya. "Well, not that much of a status symbol though. Pero future owner ng See Side Publishing House."
Biglang nagtagpo ang mga kilay ko dahil sa narinig ko. "A publishing company of novels?" naguguluhang tanong ko na tinanguan naman ni Gabe. "W-Wait-- What?"
"Gabe, I'm back!"
Napalingon ako sa may likuran ko. Nilampasan ako ng isang babae mula doon at umupo sa tabi ni Gabe. "Hi," nakangiting bati niya sa 'kin saka siya tumingin kay Gabe, "He's Maisen, right?"
Tumango si Gabe. Tumingin sa 'kin ang babaeng 'yun saka inilahad sa 'kin ang kamay niya."Reese."
Naguguluhang tumingin ako kay Gabe. Pinandilatan niya ako na parang sinasabing abutin ko ang kamay ng babaeng 'yun, kaya naman ginawa ko. "Maisen."
"Of course I know you! I was a big fan of Kyela Marjorene kahit nu'ng nasa New Empire University pa lang kayo. Pero bigla kayong nawala. May I know why?"
My eyebrows were meeting as I looked at her, then to Gabe. Naguguluhan ako. Who is she? And what has an heiress of a publishing company something to do with my songs?
"Ah! 'Yun ba?" singit ni Gabe nang hindi ako sumagot at nanatili lang nakatingin sa kanya. "A-Ano kasi... Nagkaro'n ng kanya-kanyang problema 'yung members. May kanya-kanya na silang buhay. 'Tapos wala nang panahon sa music kaya 'ayun, napagdesisyunang buwagin na lang muna 'yung banda."
"Sayang naman!" nanghihinayang na sabi nu'ng babae. "Eh nasaan na 'yung ibang members? Si Heart Alden? 'Di ba ikakasal na siya? May anak na ba siya?"
"Ah--"
"Si Terrence, kamusta na rin? Hindi na ba siya kumakanta? Sayang naman..."
"Kasi--"
"Si Violet na lang 'yung may balita ako eh. Ikakasal na ba talaga siya? Ang bilis ng panahon..."
"Excuse us for a while," singit ko. Nagtatakang napatingin naman siya sa 'kin.
"Oh, no! Did I say something offensive?"
"No, I just need to talk to Gabe. For a second," sagot ko. Hinawakan ko si Gabe na parang naguguluhan na rin sa mga nangyayari, saka ko siya kinaladkad papunta sa men's room.
"Ano 'yun?" tanong ko sa kanya nang makarating kami doon. Mabuti na lang at walang tao.
"'Di ba sabi ko may ipapakilaka ako sa'yo?"
"Oo nga. Pero sino 'yung madaldal na 'yun?"
"Reese Avaceda--"
"Oo nga. Tagapagmana ng See Side. Pero ano 'yun? Is she there to slap hard to my face that I was the reason why Kyela Marjorene disappeared? Writer ba 'yun? Magsusulat siya tungkol sa 'kin? Then tell the world how I, a once popular musician, am now desperate to have his fail compositions published?"
"'Tol, kalma lang!" mahinahong sabi niya. "Fan niyo lang talaga 'yung tao. Saka hindi naman ikaw ang dahilan ng biglaang paghihiwa-hiwalay niyo. Heart had to fix something, Terrence too. Si Violet lang naman ang naiwang binding force niyo noon. And admit it, siya na rin ang ang nagdesisyong ma-disband na lang kayo dahil wala na rin namang nangyayari. It's not entirely your fault. You don't have to act like that."
"Okay, okay," sabi kong sinubukang kalmahin ang sarili ko."But who is she? Anong kinalaman niya sa kanta ko?"
"Anong 'anong kinalaman' sa kanta mo?" Saglit niya akong tinitigan bago magsalita ulit. "Wait-- Don't tell me iniisip mong i-re-record niya ang kanta mo?"
"Bakit? Hindi ba?"
Biglang tumawa si Gabe. Mahinang sinuntok ko naman siya sa braso saka medyo nahihiyang nagsalita.
"'Wag mo nga akong pagtawanan..."
Tawa lang siya nang tawa at nang medyo nakaka-recover na siya ay tinapik niya ang balikat ko. "Pare, ayan ka na naman ng pag-i-ilusyon mo, eh. Chicks si Reese. Ipapa-date ko sa'yo."
Nanlaki ang mga mata ko sa narinig ko. Bigla kong naitulak si Gabe palayo sa 'kin. "Tigilan mo nga ako! Anong date?"
"Nabanggit kasi sa 'kin ni Reese na fan siya ng Kyela Marjorene. 'Tapos ikaw daw 'yung pinakagusto niya. So naisip kong ipa-date siya sa'yo--"
"Ano ba naman 'yan, Gabe!"
"'Tol, ano ka ba? Parang hindi ka ganito dati. 'Di ba, ikaw nga ang may pinakamaraming babae sa 'tin nu'ng college? It's now time to be back to the old you! Malay mo, si Reese na pala ang totoong para sa'yo."
"No one's ever right for me but Midori," umiiling na sabi ko. Palabas na sana ako ng pinto nang pigilan niya ako.
"'Yan na naman tayo sa debate natin, eh. Anong palagay mo kay Midori? Paso? Nanggaling sa gabok tapos ma-mo-mold ulit na tao? Tigilan mo na nga 'yang pagiging idealist mo. Hindi ka si Don Quixote de La Mancha."
Saglit ko siyang tinitigan, saka ako umiling. "Ayoko." Tinalikuran ko na ulit siya at binuksan na ang pinto pero hinila na naman niya ako pabalik. "Gabe naman eh! Akala mo ba ganun-ganun lang 'yun? Akala mo ba ganun lang kadaling makipag-date? 'Yung tumingin nga sa ibang babae, ang hirap. Ang tingin ko sa lahat ng babae pare-pareho lang. Na kahit anong gawin ko wala akong maramdaman."
"Kasi hindi mo sinusubukan. Palagi mong gina-ground ang sarili mo. Maisen, take this opportunity. Malay mo..." Tumigil sa pagsasalita si Gabe, saka nag-iwas ng tingin sa 'kin.
"Malay ko ano?"
"Malay mo...
...Malimutan mo rin si Midori."
* * *
"Do you feel better now?"
Inayos ko ang kumot sa ibabaw ni Midori. Saglit siyang pumikit at huminga nang malalim, saka nagmulat ng mga mata. Halata ko sa mga iyon na pagod na siya at kailangan niya nang magpahinga.
She just experienced her usual vomit sessions. Dati, may partikular na oras kung kailan lang siya nagsusuka, pero ngayon, biglaan na lang niyang nararamdaman. Kasunod noon ay mahihilo siya, manghihina. Ang mahirap pa diyan, walang ganang kumain si Midori. Isusubo pa lang niya ang pagkain, gusto na niya 'yung iluwa. Ang laki na rin ng ipinayat niya at malaki ang pinagbago ng itsura niya.
"You should take your rest now," I said as I kissed her hand. Pero umiling lang siya. "Bakit?"
Dahan-dahan siyang bumangon saka lumapit sa pinakatabing bahagi ng kama niya at kinapa-kapa 'yun. Saka niya binuklat ang ilalim noon. Pagbalik niya sa pwesto niya kanina ay may hawak na siyang libro. "Read this to me first. Before I go to sleep."
Tiningnan ko lang siya at ang librong iniaabot niya sa 'kin.
"Please?" mahinang pakiusap niya kasabay ang mabagal na pagpikit at pagmulat ng nanghihina niyang mga mata.
Nakangiting tumango naman ako at kinuha ang librong 'yun sa kanya. Saka ako humiga sa tabi ni Midori.
"Once upon a time, in a far away kingdom, there was a beautiful princess whose beauty was like a rose..." Nagpatuloy lang ako ng pagkukwento sa kanya. The 온라인카지노게임 was Sleeping Beauty. Nang mga panahong 'yun, iniisip kong iyon ang pinababasa niya sa 'kin dahil 'yun ang paborito niya. Kaya kahit nagtataka ako, tuloy-tuloy lang ko sa pagbabasa. Kahit nga ako, nadala na rin sa ginagawa ko. I'd never read any fairy tale. It was never part of my interest. Mga mahihinang babaeng naka-gown at mga malalakas na lalaking akala mo, superhero. I had never liked it.
Then came Midori. Then there was magic, like the fairies appeared and spread magic dusts the first night I saw her. All of a sudden, I believed in fairy tales. Because our 온라인카지노게임 is very magical, it's like a real-life fairy tale.
"And they lived happily ever after..." Isinarado ko ang librong binabasa ko at saka ko siya nilingon. "Ang corny naman nito. Ilang taon? One hundred years na tulog? 'Tapos buhay pa? 'Yung na-commathose nga na may kung ano-anong nakakabit na machine, hindi makatagal ng one hundred years. 'Tapos siya? High-tech pala 'to eh."
Tatawa-tawang tinapik ni Midori ang dibdib ko. "Hindi naman totoong buhay 'yan. Fairy tale nga eh."
"Pero naisip ko lang, ang tagal niyang walang malay. But she still remembers everything exactly? Ang galing ah..."
Tawa lang nang tawa si Midori sa tabi ko. Humarap ako sa kanya saka itinuon ang kamay ko sa may ulo ko.
"Kapag ikaw ba, nakatulog nang matagal, malilimutan mo ba 'ko?" tanong ko sa kanya.
"Hindi ko alam," natatawa pa ring sagot niya.
Mahina at pabirong itinulak ko siya. "Bakit hindi mo alam? Ang daya! May sagot ako, eh. Ako, tanungin mo. Bilis!"
"O, sige," sabi niyang 'di mapigilan ang ngiti. "Kapag nakatulog ka ba nang one hundred years, paggising mo ba, maaalala mo pa 'ko?"
"Oo naman."
"Bakit? Hindi ba medyo imposibleng maalala mo pa 'ko?"
"Oo. Pero maaalala pa rin kita. Not because I'll remember you... But because I will never ever forget you."
Biglang sumeryoso ang mukha niya. 'Yung ngiti niya ngayon, iba sa ngiti niya kanina. "Pero Maisen, mapipili mo ba talaga 'yung mga bagay na gusto mong alalahanin at 'yung mga bagay na gusto mong kalimutan? Can you really hold on to a memory which in the first place is just a fragment of the landscape?"
Hinawakan ko ang kamay niya saka ko hinalikan 'yun. "Alam mo ba, nu'ng bata ako, sabi ko, gusto kong magka-photographic memory para maalala ko lahat ng magagandang nangyari sa buhay ko. But I realized, I don't really need it. Maaalala mo ang isang bagay kung pipiliin mong hindi 'yun kalimutan. Remembering is a product of your choice not to forget."
"So you're choosing not to forget me whatever happens?"
"Do I still have to answer the obvious?"
Then, I just found myself watching her eyes slowly closed as she went to sleep.
Sinaulo ko ang mukhang 'yun. Pati boses niya na huli kong narinig, itinatak ko sa isip ko. At pinangako ko sa sarili ko nang gabing 'yun na kahit anong mangyari, hindi ko pipiliing kalimutan siya.
Hinding-hindi.
* * *
"So, what are you into these days?"
Isinarado ni Reese ang pinto ng condominium unit niya saka dumiretso sa mini bar niya.
Niluwagan ko ang polo ko saka naupo sa couch niya sa may harap ng T.V. I liked the place. Maraming nakasabit na painting doon. May lugar rin kung saan nakalagay ang maraming libro at maraming CDs. "Well, I'm trying music composition."
Lumapit siya sa 'kin na may hawak na dalawang wine glass at isang bote ng wine, saka umupo sa tabi ko. "That's good. Pero pa'no na ang pagdodoktor mo?"
Umiling ako. "I had to stop."
"Why? Sayang naman kasi..."
Reese just went on with her talking habang ako naman ay palihim na palingon-lingon sa relo ko at sa pinto. Inip na inip na ako. Sabi kasi ni Gabe ay susunod daw siya dito para makaalis ako nang maaga. Ayoko na talaga sanang aprubahan ang paanyaya ni Reese kung hindi lang inunahan akong sumagot ni Gabe. Hindi naman na ako nakatanggi. After all, she's just a woman wanting to meet me even just once.
"Maisen?" tawag niya sa 'kin nang mapansin niyang lumilipad ang isip ko.
"I-I'm sorry. What did you say again?"
"I was asking about your love life," nakangiting sabi niya saka iniabot sa 'kin ang wine glass.
Kinuha ko naman 'yun sa kanya. "A-Ah... I-I don't have a girlfriend right now."
Bigla siyang lumapit sa tabi ko. Ibinaba niya ang wine glass na hawak niya at pati na rin ang nasa kamay ko. Then she leaned to me and spoke to my ear. "Do you want to try?"
"Try what?"
She ran her finger through my leg, then to my chest. Her other hand started roaming around my nape. Kunot-noong tiningnan ko lang siya. She looke straight into my eyes, then she went putting small kisses to my neck. And the next thing I knew, she was already sitting on my lap. She aimed for my cheek, then my lips, her fingers now smoothing my head.
Nandoon lang ako, nakaupo, mulat na pinapanood siya. But the moment was too strong. Para 'yung malakas na alon na hindi mo kayang labanan at sa huli, malulunod ka na lang. I suddenly closed my eyes. Noong una, maging ako naguguluhan sa mga nangyayari. Pero hindi ko alam kung bakit bigla na rin lang akong pumikit. At katulad hg ginagawa niya, hinalikan ko rin siya.
We were just like that, going wih the stream of our emotions. I was even almost forgetting the world. Nang biglang may marinig akong mahihinang mga tawa...
Paulit-ulit ang tawang 'yun. Parang dinadala ako pabalik sa lugar kung saan ako dapat naroon. At maya-maya pa ay tinatawag na ng boses na 'yun ang pangalan ko. Paulit-ulit. Walang sawa.
Pakiramdam ko ay nasa tabi ko lang siya. Dito sa paligid. Malapit sa 'kin. Kaya naman nagmulat ako ng mata. At nagulat na lang ako nang makita ko siya.
"Midori!"
Nakatayo siya sa harap ko. She was biting her lips while tears were warning to run down from her eyes. Nakatingin lang siya sa 'kin, na parang galit at nasaktan dahil sa ginawa ko.
"Ah! Aray!"
Napalingon ako kay Reese na nakaupo sa sahig dahil sa pagkakatulak ko sa kanya. Nakasalampak siya doon habang hawak-hawak ang likuran niyang halatang nasaktan. At nagulat na lang ako nang mapansin kong wala na siyang suot. She was baring her chest, and it grew more the guilt in me.
Lumingon ako sa paligid para hanapin ang damit niya. Nakita ko 'yun sa may paanan ko at hindi na ako nagdalawang-isip pa na iabot 'yun sa kanya.
"Why are you giving this back?" sabi niyang ibinato pabalik sa 'kin ang damit niya. Tatayo pa sana siya para halikan ulit ako pero lumabas na ako ng kwartong iyon. Ng nakakatakot na kwartong iyon.
Tumakbo ako. Hindi ko alam kung saan ako papunta. Basta patuloy lang ako sa pagtakbo. Wala akong nasa isip kung hindi ang malayo lang sa lugar na 'yun. Hanggang sa unti-unti akong manghina at mapaluhod.
Umupo ako sa gitna ng kalsadang 'yun na walang laman kung hindi ako lang. Saka ko isinubsob ang mukha ko sa mga palad ko at doon nag-iiyak.
Bakit nando'n si Midori? Binabantayan niya ba ako? Nagalit ba siya dahil sa nakita niya?
Pakiramdam ko, ang laki ng kasalanang nagawa ko sa kanya. Para sa isang taong hindi ko alam kung totoo nga bang iniwan na ako o babalik pa, nagkakaganito ako. Hindi ko alam, pero wala na akong nagawa kundi ang maiyak na lang.
"Maisen..."
Narinig ko ang pagtawag na 'yun sa 'kin. At naramdaman ko na lang na may humawak sa mga kamay ko at dahan-dahan 'yung inalis mula sa pagkakatakip sa mga mata ko.
At nang magmulat ako, nakita ko si Midori sa harap ko. Malungkot na nakangiti. Hanggang sa may isang luhang kumawala na rin sa mata niya.
"May problema ba?"
Nang marinig ko ang tanong niyang 'yun, hindi ko na ulit napigilan ang pag-iyak ko. Tumango ako sa kanya. Ang dami kong gustong sabihin. Ang dami kong problemang gustong banggitin sa kanya. Pero isang tanong lang ang nasabi ko. "Midori, kailan ka ba babalik?"
Tumingin lang siya sa 'kin. At katulad ko, nagsimula na rin siyang umiyak sa kabila ng ngiti niya.
"Kailan ka ba babalik?" tanong ko ulit kasabay ng paghawak sa kamay niya. "Hindi ko na kaya. Bakit ka pa kasi umalis? Bakit kailangan mo pang mang-iwan?"
"Maisen, hindi naman ganung kadali 'yun eh..."
"Iniisip mo man lang ba ako? Masaya ka ba ngayon? Midori, ako hindi. Pakiramdam ko lahat ng gagawin ko may kulang. Pakiramdam ko bawat desisyong gawin ko, mali. Kasi hindi kita kasama. Kasi wala ka."
Niyakap niya ako palapit sa kanya. Paulit-ulit akong nakikiusap na 'wag na siyang umalis. Na 'wag na niya akong iwan. Pero wala akong narinig na sinabi niya.
Pagmulat ko ng mga mata ko, nadiskubre ko na lang na nasa isang kwarto na ako. Puti ang buong paligid at wala akong naririnig kundi katahimikan.
Lumingon ako sa paligid ko. Wala na ang kalsadang kinauupuan ko. Wala na rin ang mga luha sa mga mata ko.
At pati si Midori… wala na rin sa tabi ko.