“We built our own castles, flew our own planes.”
* * * * *
“Bilisan mo!”
Tumakbo ako at sumunod kay Midori habang hawak-hawak niya ang kamay ko. Tatawa-tawa siyang nagtatakbo hanggang sa mapatigil ako.
“Tara! Bilisan mo!”
Hinigit niya ako pero hinigit ko siya pabalik nang makita ko kung saan siya papunta. “Maliligo tayo diyan?” tanong ko sa kanya.
Nakangiting tumango siya. “’Di ba sabi mo, nu’ng bata ka, naliligo ka rin dito? Tara!”
Hihigitin niya pa sana ako papunta sa dagat pero hinigit ko na siya pabalik sa baybay. “No,” pagtanggi ko sa kanya. She was pouting when I looked at her. Titingin siya sa ‘kin, saka titingin sa dagat na parang nakikipag-mental telepathy sa ‘kin na maligo kami doon. “Kalalabas ko lang ng ospital. Mahina pa ‘yung katawan ko.”
Bahagyang nagulat naman siya sa sinabi ko. “Na-ospital ka?” nag-aalalang tanong niya.
Tumango ako. “You were the last one I saw before I discovered myself locked up in a hospital room.”
“Talaga?”
“Talagang-talaga.”
Saglit niya akong tinitigan, saka siya tumango-tango at naupo sa buhangin.
Dito kami nagpunta sa dagat kung saan ako nag-propose sa kanya para maging girlfriend ko siya. Itong lugar na naglalaman ng lahat ng sama ng loob ko noong bata ako, pero saksi kung gaano ko siya kamahal.
The orange sky was not here today. The sky was a serene blue. It was clear, only a few puff of clouds were at sight.
Umupo ako sa tabi ni Midori nang hindi siya magsalita. “Are you mad?”
Tumingin siya sa ‘kin. Saka ibinalik ang mga mata niya sa dagat kung saan siya nakatingin kanina. “Hindi.”
“Why do you want to swim? You did not even bring extra clothes with you,” sabi ko sa kanya.
“Sabi mo kasi dati, kapag may problema ka, dito ka pumupunta,” sagot niya. “’Tapos bigla ka na lang maghuhubad. Tatakbo sa dagat. Saka maglalangoy.” Nilingon niya ako. ‘Yung mga ngiti sa mukha niya kanina, nawala. She was all serious as she was looking straight into my eyes. “Sa ganu’ng paraan mo nalilimutan ‘yung mga problema mo ‘di ba?”
I inched closer to her until our arms brushed. I got the chance to closely look at her. And just then I proved, with all empirical proofs existing, that I truly missed her.

BINABASA MO ANG
The 100th Memory (Sequel to The 100th Guy Who Passed By Her) HIATUS
RomanceA sequel to The 100th Guy Who Passed By Her (If you haven't read The 100th Guy Who Passed By Her, read it first and don't get spoiled. Click the external link to read it. Thank you! ?) What happened to the 100th guy? It has been years since Midori h...