BINABASA MO ANG

The 100th Memory (Sequel to The 100th Guy Who Passed By Her) HIATUS

Romance

A sequel to The 100th Guy Who Passed By Her (If you haven't read The 100th Guy Who Passed By Her, read it first and don't get spoiled. Click the external link to read it. Thank you! ?) What happened to the 100th guy? It has been years since Midori h...

#100th #felipe #guy #inspirational #life #maisen #memory #midori #nas #passed #tragic

Chapter Two

5.9K 193 27
                                        

Note muna before anything. PARA SA INYO 'TO :)

Sorry readers kung ang tagal kong i-update ito. Pero ayaw talaga mag-work ng 카지노후기 for a reason I don't know. Nakakatamad na nga. Pero kapag nakikita ko ang suporta niya, namo-motivate akong magsulat. Mas tama naman sigurong suklian ko kahit papa'no 'yung drive na binibigay niyo sa 'kin through updating here :)

Pero asahan na hindi pa rin mabilis ang updates dahil ibang device ang ginagamit ko sa pag-u-update. And I swear, it's not easy :/ But I do thank you all for supporting this. Mahal ko kayo, alam niyo 'yan :)

JOIN FELIPE NAS CIRCLE OF READERS GROUP ON FACEBOOK! (External link)

https://www.facebook.com/groups/276251645875447/

Wala pong bayad yan! Meron pala! Konting chika at kadaldalan, hehe.

--FN ♥

P.S. This 온라인카지노게임 is (medyo) UNEDITED.

*  *  *  *  *  *  *  *  *  *  *  *  *  *  *  *  *  *  * 

“Once upon a time, we were a fairy tale.”

*  *  *  *  *

Tumama sa mukha ko ang sikat ng araw nang umagang ‘yon. Iniharang ko ang kamay ko sa mga mata ko pero hindi naman nakatulong ‘yun para hindi ako magising. Makalat ang kama ko, kahit ako, hindi pa nagpapalit ng damit ko mula kagabi. Napatingin rin ako sa kamay kong may hawak pang ballpen. Ibinaba ko iyon sa kama ko saka kinusot-kusot ang mga mata ko. Maraming nagkalat na gusot na papel sa sahig at marami namang papel na puno ng sulat ang nakapatong sa kama ko.

            Pinulot at tiningnan ko isa-isa ang mga ‘yun. Then I just discovered that I wrote only a single line. Wala na akong naisulat kundi guri.

            At katulad ng gawain ko tuwing umaga, tumingala ako, saka pinagsalikop ang mga kamay ko.

            "Huy, ano na? Ang tagal mo nang wala, ah. Kailan ka ba babalik?"

            Nanatili lang akong nakatingin sa mga papel na nakadikit pa rin sa kisame ko. Ilang buwan matapos akong iwan ni Midori, sa bahay na rin na 'to tumira ang Lola ko. At isang araw, pagkauwi ko galing sa ospital na bago kong pinagtatrabahuhan, nakita ko siyang inaabot ang mga 'yun. Balak niyang tanggalin. Kaya naman nagtatakbo ako sa kanya saka siya pinigilan. Sabi niya, bakit ko pa raw tinatago ang mga 'yun. Madumi na daw 'yun at puno ng alikabok. Hindi ko na rin naman daw 'yun mapapakinabangan. Nang marinig ko 'yun, nagalit ako sa kanya. Ipinagpilitan niyang wala na raw si Midori, at hindi na naman siya babalik. Pero hindi. Tinago ko pa rin ang mga papel na 'yun.

            Hindi ako naniniwalang wala na siya. Alam kong nandito lang siya. Sa paligid. Pinapanood ako.

            Wala naman talagang makakaintindi sa nararamdaman ko eh. Hindi naman sila 'yung nagmahal. Hindi sila 'yung iniwan. Hindi sila 'yung may malaking kasalanan kay Midori.

            Maya-maya pa ay nag-ring ang cellphone ko, kaya naman pinulot ko ‘yun para sagutin,

            “Hello?”

            “Maisen, nasaan ka?”

            Saglit kong inilayo sa tenga ko ang cellphone ko para tingnan kung sino ang nasa kabilang linya. “O, Gabe. Bakit? May lakad ba tayo?”

The 100th Memory (Sequel to The 100th Guy Who Passed By Her) HIATUSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon