The 100th Memory (Sequel to T...

By FelipeNas

51.9K 1.3K 229

A sequel to The 100th Guy Who Passed By Her (If you haven't read The 100th Guy Who Passed By Her, read it fir... More

What happened to the 100th guy?
Few Reminders Before Reading
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Important Announcement!

Chapter One

9.1K 281 55
By FelipeNas

“I’ll look back to the past, I’ll look back to the past. And this, I hope, would last.”

*  *  *  *  *

 

 

It’s not a happy ending.

          Maraming nagsasabi sa ‘kin, marami akong naririnig. Hindi raw masaya ang ending ng i온라인카지노게임a ko. “Bakit kailangan pang mamatay ni Midori?”, “Bakit umabot sa ganitong punto?”, “Hindi kayo magkasama sa huli.” Iba’t iba ang mga komentong naririnig kong lumalabas sa bibig ng mga tao. Pero maging ako, tinatanong sa sarili ko, bakit nga ba?

          Hindi naging madali ang mga bagay nang araw na iniwan niya ako… kaming lahat. Nang ilabas ang katawan niya sa kwarto ng ospital, walang may gustong sumama sa mga nurse sa pag-aasikaso sa kanya. Pinili ni Midori na i-cremate ang katawan niya. Iyon ang paulit-ulit na hiling niya sa mga magulang niya nang magsimula na siyang hindi makakita. Ayaw namin. Labag sa kalooban naming lahat na gawin yun. Pero yun ang gusto niya, ang huling kahilingan niya para sa sarili niya.

          Lumingon ako sa harapan ko at nakatayo doon si Jane. Mahigpit ang pagkakahawak niya sa podium at mabibigat rin ang paghinga niya.

          “High school kami nu’ng una kong makilala si Midori. Nakaupo ako nu’n sa detention room. Mag-isa. Tapos bigla siyang pumasok. Sabi niya, ‘Excuse me? Mag-isa ka lang ba?’ ‘Tapos akong bad trip, sinagot ko siya, ‘Mukha bang may kasama ako?’ Akala ko bubulyawan niya ‘ko. Kaya naisip ko, subukan niya lang. Ihuhulog ko siya mula sa second floor kung nasaan kami. Pero nagulat na lang ako kasi ngumiti siya. Sabi niya, ‘Ang ganda mo. Hindi bagay sa’yo ang nagagalit.’ Nakangiti lang siya, tapos palingon-lingon sa may pinto na parang may hinihintay. Hindi ko siya inaway, sinabihan niya ‘ko ng maganda eh!”

          Mahinang nagtawanan ang mga tao pati na rin si Jane.

          “’Tapos sabi niya, ‘Sige ha, aalis na ‘ko. May hinahanap pa kasi ako.’ Bigla naman akong na-guilty dahil ang bait niya. Kaya tinanong ko kung sino ‘yung hinahanap niya. Sabi niya si ‘Philippe’ daw. Kung kilala ko ba daw ‘yun. Si ‘Philippe Jan Lim’. Tinanong ko siya kung anong kailangan niya kay ‘Philippe’. Sabi niya, inutusan daw siya ng adviser niya na...” Saglit na tumigil si Jane. Tumungo siya na parang hirap na hirap magsalita at nagsimula nang umiyak. “Inutusan daw siya na ibigay ‘yung sanction for truancy ko. Sabi ko— Sabi ko, ‘Ako ‘yun.... A— Ako si Philippe Jan Lim.”

          Nahihirapan nang magsalita si Jane pero patuloy pa rin siya. Kung anong itinawa ng mga tao nang una beses siyang magsalita, ganoon naman ang iniiiyak nilang lahat ngayon. Kahit ako, parang gusto ko nang patigilin si Jane sa ginagawa niya. Pakiramdam ko ako ‘yung nahihirapan. Pero kahit putol-putol na ang salita niya, patuloy pa rin siya sa pagkukwento.

          “’Tapos nagulat siya. Hindi siya nagsalita. ‘Tapos bigla na lang siyang humiga sa sahig at pumikit. Ako naman... hindi ko maintindihan ang gagawin ko. Hindi ko alam kung bakit niya ‘yun ginawa. Pinapabangon ko siya pero sabi niya... sabi niya... ‘Sshh! Buhatin mo ‘ko.’ ‘Tapos sumigaw ako, sabi ko, ‘Bakit ko ‘yun gagawin?’ ‘Tapos sabi niya ‘Kun... Kunwari h-hindi mo na...na-receive ‘yung sanction. Kunwari niligtas mo ‘ko. Bilis!’ Kaya kahit hindi ako sigurado sa utos niya, sinunod ko siya. Ewan ko kung bakit. Matigas ang ulo ko. Pero sinunod ko ang isang taong noon ko lang nakilala.

          “Simula nu’n palagi na kaming magkasama. ‘Tapos totoo palang palagi siyang nahihimatay. Kinwento niya sa ‘kin dati, nagpa-check up daw sila ni Tita Meg, pero wala naman daw nakitang kakaiba sa kanya. Kaya binibiro lang namin ‘yung sakit niya. Kapag dumudugo ‘yung ilong niya, sasabihin lang niya, ‘English ka kasi nang English!’. Kapag naman sumasakit ‘yung ulo niya, sasabihin ko, ‘’Wag ka kasing masyadong mag-aral!’ Hindi ko naman alam na aabot sa ganitong punto.”

          Umiyak na naman si Jane. Sumandal si Tita Meg sa balikat ni Tito Rocky at tahimik na umiyak.

          “Mahal na mahal ko ‘yung tao eh. Bakit biglang nawala? Ba... bakit? Ako ‘yung mas masama eh. Bakit siya pa ‘yung nauna? Ang bata niya pa eh— Ang... ang dami pa niyang pwedeng gawin— Ang masakit kasi dito, ‘yung kamay ko ‘yung huling hinawakan ni Midori bago siya tuluyang... tuluyang...”

          Humagulhol si Jane kasabay ng kanya-kanyang pag-iyak ng mga tao sa likod ko. Nakaupo lang ako. Pinipigil ang sarili ko sa kung anomang emosyon ang pwede kong maramdaman.

          “Hindi ko alam kung makakahanap pa ba ‘ko ng katulad niya. Ang hirap... Ang hirap-hirap...”

          Pinagsalikop ko ang mga kamay ko at saka ako pumikit. Ayokong umiyak. Ayokong magpakita ng kahit anong palatandaan na mahina ako, na bibigay ako. Nahihiya ako kay Midori. Ayokong makita niya ang kahinaan ko.

           “Maisen, it’s your turn.”

          Nag-angat ako ng tingin kay Tita Meg, ang Mommy ni Midori. Nakangiti siya sa ‘kin, umiiyak sa likod ng mga salamin sa mga mata niya. Tumayo ako at saglit siyang niyakap, saka lumapit sa podium at hinarap ang lahat ng tao.

          Nanginginig ako sa pwesto ko, hindi alam kung paano magsisimula sa sasabihin ko. Ilang hakbang sa tabi ko, nandoon si Midori, sa ibabaw ng lamesa na walang sinoman ang gustong lumapit. Hanggang ngayon masakit pa rin. Ilang araw na ang nakakalipas pero ang hirap pa rin. Lahat kami nakakapit pa rin, walang gustong bumitaw, walang gustong magpalaya.

          Huminga ako nang malalim, saka unti-unting binitbit ang tingin ko sa nakakatakot na lugar na iyon. At nagawa kong tumingin sa kanya, sa alaala niya. Doon ko napatunayang mahina ako, dahil hindi ko na napigilan ang pagbagsak ng isang luha mula sa mata ko. Agad ko iyong pinahi at nag-iwas ng tingin. Hinarap ko na lang ulit ang mga tao, kahit gaano pa kahirap ang lahat, kahit parang hinihigit ng direksyong yun ang atensyon ko.

          “Good afternoon,” bati ko sa lahat kasunod ang isang malalim na paghinga. Mula sa unahan, nakikita ko ang lahat, ang dami ng taong hindi ko inaakalang nagmamahal kay Midori. “My Mom would always ask me what more do I want. I have her. I have my Dad. I have all the luxurious things that I could boast to my friends. Pero may isang bagay pa ang gusto kong makuha. Photographic memory. She asked me why. Then I told her, ‘Because I have everything that doesn’t last forever. At least with memory, I could live with them for a lifetime.’

          Then she died after some years. Ilang taon na ang nakakalipas. Tanggap ko na naman ‘yun. Pero nalulungkot ako sa isang bagay. Wala na akong maalala tungkol sa kanya. Hindi ko alam kung bakit. Ayoko siyang malimutan. Gusto ko siyang maalala palagi. Pero ngayon, kapag iniisip ko siya, I feel so drained. I can’t remember any particular event in my life where she’s in. And now, I’m scared. I keep praying to God that He can take everything away from me. Just give me a photographic memory. Because I don’t want to forget Midori. Ayokong dumating ang panahon na alam ko kung ano siya sa buhay ko. Pero wala na akong alaala niya.

          “It’s not easy to let go,” pagpapatuloy ko. “It’s not easy to move on. And it will never be easy to live without her. I know that time will come, but I don’t want it to happen. Midori taught me to live, to love and to smile amidst everything. She’s my angel—”

          Napatigil ako sa pagsasalita dahil nagsisimula nang tumulo ang mga luha sa mga mata ko. Hindi ko inaakalang iiyak ako sa harap ng maraming taong umiiyak rin kagaya ko. Ang hirap magsalita. Pakiramdam ko, sa bawat salitang binibitawan ko, sa bawat salitang nagsasabing hindi ko siya kayang pakawalan, unti-unti niya akong binibitawan. Pero heto ako, patuloy na naghahanap ng makakapitan ‘wag lang siyang mawala.

          “I will always love her. And I don’t know what my tomorrow would be now that she’s not with me. But, Midori, wherever you would be and whatever you’d be doing…

            “You’ll always be my girl.”

 

*  *  *  *  *

Maisen.”

          Ibinangon ko ang ulo ko mula sa pagkakahiga sa sandalan ng kinauupuan ko. Pumasok si Gabe sa opisina saka umupo sa isa pang swivel chair sa tapat ko. Ibinalik ko ang ulo ko sa pagkakahiga saka ulit pumikit.

          “Maisen, kunin mo ‘to—”

          “Ano ‘yan?” tanong kong nakapikit pa rin. Hanggang sa naramdaman ko na lang na may tumatapik-tapik sa may hita ko. Nagmulat ako at nakita kong nakapatong doon ang isang puting sobre.

          Tumingin ako kay Gabe, saka kinuha ‘yun.

          “Ano ‘to?” tanong ko sa kanya.

          “Tingnan mo na lang.”

          Binuksan ko naman ‘yun at nakita ko ang isang sulat. Galing sa isang recording company. Ilang beses na akong nakatanggap ng ganitong sulat. ‘Yung isa, kinukuha akong solo artist. May isa pang galing sa Japan, kinukuha akong music coach. Marami pang dumating. Pero itong isang ito, nagulat ako sa iniaalok sa ‘kin.

          Tiningnan ko si Gabe na nakataas ang magkabilang kilay saka ko isinarado ‘yung sulat.

          “Imposible,” sabi ko saka tumayo at inayos ang mga gamit ko sa lamesa papasok sa isang malaking kahon.

          Tumayo naman si Gabe at hinarap ako. “’Tol, hindi ka ba natutuwa? Inaalok ka nila para maging gitarista ulit. I thought you want to go back to music?”

          “I do,” sabi ko saka sinalansan ang mga gamit na inayos ko.

          “O, gusto mo pala eh. Grab the opportunity! Minsan lang ‘yan dumating. Kung hindi ako pintor, kung musician ako, kukunin ko ‘yan! Hindi naman biro ‘yung kumpanyang nagtatanong sa’yo. Saka ang dami nang kumpanyang nagpadala ng sulat sa’yo at hindi naman biro ang ini-o-offer nila. Pero sinayang mo lang lahat ‘yun.”

          Nginitian ko si Gabe saka yumukod para kunin ang iba ko pang gamit. “I do want to go back to music. Not as a guitarist but—” isinarado ko ang kahon saka malakas na pinalo ang itaas noon. “As a composer.”

          “Ano?” natatawang tanong niya. “Composer? Eh hindi ka naman magaling mag-compose eh.”

          “Anong sabi mo?” naiinis na tanong ko sa kanya.

          “Aminin mo, Maisen. Trying hard ka pagdating sa pagko-compose. Eh sino bang composer dati ng Kyela Marjorene? Si Terrence ‘di ba?” tatawa-tawang sabi niya. Inabot ko ‘yung unan sa ibabaw ng swivel chair saka ibinato kay Gabe na tatawa-tawa pa rin. “Come on, dude. Grab this once-in-a-lifetime opportunity—”

          Natigil siya sa pagsasalita nang biglang may kumatok sa pintuan at nagbukas iyon.

          “Dr. de la Fuente, ‘wag niyo na raw pong hintayin si Dr. Velez. Kakausapin na lang daw po niya kayo sa ibang araw.”

          Nginitian ko ‘yung nurse sa may pinto.” Sige, salamat.”

          Lumapit na ‘ko sa mga gamit na hinanda ko. Kinukuha ko na ‘yung isang kahon nang mapansin kong nakatingin lang sa ‘kin si Gabe.

          “Hoy, baka balak mo ‘kong tulungan.”

          Kumurap-kurap lang ‘yung mga mata niya. “B-Bakit? Anong gagawin mo? Sa’n ka pupunta?”

          “Hindi ba halatang aalis na ‘ko? Bilisan mo, kunin mo ‘tong isang kahon.”

          “H-Ha?” tanong niyang parang naguguluhan pa sa gagawin. Naglakad na ‘ko papalabas ng pinto. Maya-maya pa ay nasa tabi ko na rin siya at buhat-buhat na ‘yung isang kahon. “Maisen, what’s the meaning of this?”

          “I resigned.”

          “Ano?” gulat an gulat an tanong niya. “’Yung ganda ng posisyon mo sa ospital na ‘yun, nag-resign ka? Nababaliw ka na ba?”

           “I need space.”

          “Space? Ang bading mo p’re!” Natatawang umuna na ako kay Gabe papasok sa elevator. “Bakit ka nag-resign? Seryoso ka ba? Ganu’n na lang kadali ‘yun sa’yo? Matapos mong magpakahirap? Saka pa’no ‘yung Daddy mo?”

          Bigla akong natigilan dahil sa tanong niya. Mabuti na lang at nagbukas na rin ‘yung elevator dahil hindi naman ganoong kataas ang pinanggalingan namin. Bumaba na ako at nagdire-diretso sa kinalalagyan ng sasakyan ko.

          “Magre-resign ka pala, eh ‘di sana tinanggap mo na ‘yung offer ng New Empire University na magturo ka sa kanila,’ sabi niya saka inilagay ‘yung kahong hawak niya sa backseat katabi ng kahong hawak ko kanina. Sumakay na kami sa sasakyan at patatakbuhin ko na sana ‘yun pero pinigilan niya ako. “Sa dami ng tanong ko, wala ka man lang ni isang nasagot. Ano ba talagang plano mo?”

          Sumandal ako saka huminga nang malalim. “Music. I’ll go back to music.”

          “O, kaya nga! Bakit hindi mo pa tanggapin ‘yung offer sa’yo?”

          “I don’t want to be a guitarist. I want to be a—”

          “Composer?” pagputol niya sa ‘kin. “Composer na naman?”

          Natahimik lang ako sa tanong niya. Oo, ‘yun nga ang gusto ko. Ang maging composer.

          Pero pinagtawanan lang ako ni Gabe. “Maisen, alam nating dalawa ang totoo. Ilang beses ka na bang nag-submit ng kanta? Ilang beses ka na bang na-reject? ‘Tol, mag-iisang taon nang wala ‘yung tao. Iwan mo na ‘yung pangarap mong ‘yan na alam naman nating dalawa na hindi mo—”

          “I want to be a composer,” I firmly told him. “I know I can make a good song. I know time will come that my song will be published. And I want the world to know her. I want the world to know us. I want the world to know how much I love her.”

          “But she’s already dead.”

          Napahigpit ang pagkakahawak ko sa manibela nang marinig ko ang mga salitang ‘yun. Tama naman si Gabe eh. Mag-iisang taon na nang iwan niya ako. Pero bakit ganun? Pakiramdam ko kahapon lang kasama ko pa siya. Pakiramdam ko, sa bawat umagang gigising ako, makikita ko siya. Kahit pa mag-iisang taon na nang mawala siya.

          “Come on, tell me. You resigned from being a doctor because you want to focus on composing, right?” Hindi ako nagsalita. Tumawa lang nang pagak si Gabe saka iiling-iling na nag-iwas ng tingin sa ‘kin. “See? Pati buhay mo naaapektuhan na niyan. Maisen, you’re trying hard on things that will never come true. The world may now how much you love her, and then what’s next? Gagawa ka ng bagong kanta na tungkol ulit sa kanya?”

          “I love her—”

          “Yes! Of course you love her! But what’s next? Will she come back?” Narinig kong huminga siya nang malalim. “Maisen, you know what makes moving on hard? It’s the fact that you’re still holding on. You’re holding on to nothing.”

          Napalingon ako sa kanya nang marinig kong bumukas ang pinto ng sasakyan. “Sa’n ka pupunta?”

          “You’re frustrating me! Argh!” sigaw niya sa parking lot na para bang inis na inis siya. “Hindi ko alam kung bakit ako naiinis. Siguro kasi may kaibigan akong tanga. Uuwi na lang akong mag-isa,” sabi niya saka naglakad na palayo. Pero bago pa man tuluyang makalayo ay tumingin muna siya sa direksyon ko. “Alam mo naming artist ako! Emosyonal! Ido-drawing kita pag-uwi ko!” sigaw niyang itinuro pa ako saka nagmartsa na palayo.

          Pinaandar ko na ang sasakyan ko at nagmaneho pauwi ng bahay. Nadatnan ko doon si Lola, nakaupo saharapan ng TV. Lumapit ako sa kanya at hinalikan siya sa pisngi.

          “Ano na pong balita kay Daddy?” tanong ko sa kanya.

          Umiling siya sa ‘kin saka malungkot na ngumiti. “Ganu’n pa rin.”

          Hinawakan ko si Lola sa balikat saka nagpaalam. “Aakyat po muna ako.”

          Tumango naman siya at naglakad na ako papunta sa kwarto ko. Mag-iisang taon na ring commathose si Daddy. Walang malay. Parang lantang gulay. Ilang araw matapos akong tumakbo sa kasal ni Sirri ay inatake ulit siya. At hanggang ngayon nga ay hindi pa siya nagigising. Ilang beses na kaming sinubok. May mga pagkakataong nawawalan na kami ng pag-asa. Halos magdesisyon na kami ni Lola na tanggalin na ang life support niya. Euthanasia. Pero hindi ko kaya. Malaki na rin ang nagagastos namin sa kanya, pero ayos lang. Hanggang ngayon, nagbabaka-sakali pa rin akong gigising pa si Daddy. Na buhay pa siya. At hindi totoo ang sinabi ng doctor na makina na lang ang bumubuhay sa kanya.

          Humiga ako sa kama ko at nakita ko na naman ang mga piraso ng papel sa kisame ko. Hindi na sila kasingputi at kasingkinis nang dati. Pero nakasulat pa rin doon ang mga bagay na dahilan kung bakit ako nabubuhay. At umaasa.

          Umaasa? Umaasa saan?

          “But she’s already dead.”

          Bumalik sa pandinig ko ang sinabi ni Gabe. Wala na raw si Midori. Patay na siya. At wala nang dahilan pa para umasa ako. Pero hindi naman ganu’ng kadaling lumimot eh. Hindi ganu’ng kadali ang magpalaya lalo na at mahal na mahal ko siya. Alam kong wala na siya, pero umaasa pa rin akong magkikita kami. Hindi ko alam kung paano. Hindi ko alam kung kailan at saan. Basta alam kong darating ‘yung araw na makikita ko ulit siya. Ngingitian namin ang isa’t isa. Makikita ko ulit kung ga’no kaganda ‘yung mga mata niya, at sasabihin niya ulit kung ga’no niya kagusto ang makitang nakangiti ako.

          Sa gitna ng pag-iisip ko ay bigla na lang tumunog ‘yung music box sa side table ko. It’s already four p.m. May isang babae at isang lalaking magkahawak na nagsasayaw habang nagpapaikot-ikot sa ibabaw ng music box. Napatitig na naman ako doon. Araw-araw ko naman ‘yung nakikita, pero hindi pa rin ako nagsasawang tingnan ‘yun.

          At kahit sa mga susunod na araw siguro, patuloy ko pa ring mamahalin ang bagay na ‘yun. Kahit pa dumating ang araw na hindi na ‘yun tumatakbo.

*  *  *  *  *

What’s this?”

          Natatawang hinawakan ko ang kamay ni Midori na nakatakip sa mga mata ko. Tatawa-tawa rin naman siya sa likod ko. “’Wag kang malikot! Wala akong makita!”

          I sat firmly and kissed her other hand which I was holding. “What surprise is this?”

          “Teka lang, maghintay lang— Ayan!”

          Bigla niyang tinanggal ‘yung kamay niya na nakatakip sa mga mata ko nang may marinig kaming tumunog. Kinisap-kisap ko ang mga mata ko dahil sa biglang liwanag. Noong una, malabo pa sa paningin ko ‘yung bagay na ‘yun. Pero nang nagtagal, naging maliwanag sa ‘kin kung ano ‘yun.

          Isa ‘yung music box. May isang babae at isang babaeng nagsasayaw sa ibabaw noon habang nagpapaikot-ikot. I just found myself smiling as I watch it. Paulit-ulit lang naman ang pag-ikot noon, pero tuwang-tuwa ako. Then I just found myself humming that sweet xylophone playing repetitively until the music faded.

          Nilingon ko si Midori na nasa likod ko. “Is that a gift?”

          Ngumiti siya saka tumango. “Maganda ba?”

          Tumango rin ako, kahit pa alam kong hindi naman niya ako nakikita. “I like it.”

          Hindi niya mapigilang ngumiti. Namamayat na siya at malalim na rin ang mga mata niya. Pero tuwing ngumingiti siya, para sa ‘kin, wala naman talagang nagbago. Maganda pa rin siya. “Nakita ‘yan ni Mommy sa mall kahapon. ‘Tapos binili niya para sa ‘kin. Kaso, nu’ng narinig ko ‘yung music, naalala kita. Naisip kong ibigay sa’yo. Para may maiwan man lang ako sa’yo—”

          “Hey,” saway ko sa kanya kasabay ng pagpisil sa kamay niyang hawak-hawak ko. Palagi kasi siyang ganu’n eh. Parang laging paalis.

          Mahinhing natawa lang siya. “Sorry.”

          Tumayo ako mula sa kinauupuan ko saka siya hinarap. “Do you know how it looks like?” Umiling siya. “It’s a music box with a small clock on its side. On top of it is a girl in pink dress. And she’s dancing with a boy in his coat.”

            She smiled, enough to make my heart melt. “Parang tayo?”

            Tumango ako. “Parang tayo.” Saka ko siya niyakap. We just stayed like that until we discovered ourselves dancing to the endless tune of that same sweet music in our heads. We were like the figurines on top of the music box, just embracing each other, dancing through the very own music we made, and cherishing the moment like it was the most magical one that we ever had.

          “Maisen,” tawag niya sa ‘kin. “’Di ba sabi mo, parang tayo ‘yung dalawang tao sa ibabaw ng music box?”

          “Yeah. Why?”

          “Alam mo ba na naka-set ‘yung alarm nu’ng music box tuwing four o’ clock ng hapon? Tutunog ‘yung music box pagsapit ng four o’clock. ‘Tapos titigil ‘yun pagkatapos ng isang minuto. Ganu’n rin ba tayo?”

          Umiling ako at mas hinigpitan pa ang pagkakayakap sa kanya. “No. There’s no time limit for us, Midori. I love you, you know that. And even time won’t be able to stop how I feel for you.”

          Natigil kami sa pagsayaw. But we just stayed like that. She’s in my arms, and I’m in hers.

          “Maisen, if tomorrow comes, today will be our past. And I’ll always look at our past and forever I’ll pray that this would last.”

*  *  *  *  *

Nagmulat ako ng mga mata at bumangon sa kama ko. Dali-dali kong kinuha ang papel at lapis sa ibabaw ng lamesa. Isinulat ko doon ang linyang pumasok sa isipan ko. Nang makita ko ‘yun ay hindi ko maipaliwanag kung gaano ako kasaya.

          My song still has no title, no theme, no track. Just a plain single line from my heart.

          And I know that I would be able to see her because of this.

          She has not left me yet. Magkikita pa kami ni Midori.

          Magkikita pa kami.

You'll Also Like

1K 205 34
Noli Tagore, a successful young filipino writer was never been used to his friend's hardheadedness. He is passionate in terms of composing a novel bu...
4.8K 414 20
Sanquez Series #1 "Everyone has a happy ending, if your not happy then its not the end" Mika is just a simple girl who wants to experience being in...
64.2K 1.1K 54
Bianca was raised to never disobey - to follow her aunt's every word and to wait for love until college is over. But her deep admiration for Ismael i...
558K 8.5K 38
- "Because out of all beautiful ladies dancing, you're the first and the last woman who swayed me" "And I will definitely go back just to be swayed...