Nasapo ko na lang ang noo ko. Halos maging dyamante na kasi ang mga mata niya dahil sa sand castle na ginawa namin. Pero ang totoo niyan, mukha lang ‘yung isang tumpok ng buhangin na may flag sa itaas. ‘yung tipong nag-ipon ka lang ng kaunting buhangin at nilagyan mo ng maliit na sangang may isang pirasong dahon sa itaas.
“I can’t believe we made something like this!”
I lightly bumped her from the side. “Niloloko mo naman ako eh.”
“Hindi ah! Ang galing kaya! First time kong makagawa ng ganitong work of art!”
Natatawang tiningnan ko siya. Hindi ko alam kung sarcastic ba o totoo ‘yung sinabi niya. “’Wag mo kong paasahin. Baka maniwala ako.”
“Pero maganda talaga siya!” Lumapit siya sa ginawa namin at umupo sa tabi nu’n. “Bahay natin ‘to. ‘Tapos ito,” sabi niyang itinuro ‘yung gitnang parte sa unahan noon. “Ito ‘yung pintuan natin. Ito naman ‘yung bintana. Tapos dito ‘yung second floor.”
Umupo ako sa harap ng sand castle na ginawa namin at pinanood ang ginagawa niya.
“’Tapos ito ‘yung kusina. ‘Yung salas. ‘Yung banyo. ‘Tapos ito ‘yung kwarto natin. Yehe—”
Naputol ang sasabihin niya nang higitin niya iyong flag sa itaas na sand castle para itaas ‘yun ay biglang gumuho ang ‘pinaghirapan’ namin. Tatawa-tawa namang tiningnan ko siya dahil sa itsura niya.
“Hala, ‘yung bahay natin—”
Sinubukan niyan ayusin ulit ‘yun pero piniglan ko ang mga kamay niya. “Hayaan mo na ‘yan.”
Umiling lang siya saka gumawa ulit ng maliit na tumpok ng buhangin at ibinalik ‘yung sanga sa taas. Pero sa ikalawang pagkakataon, gumuho lang ulit ‘yun.
Kinuha ko ‘yung sanga saka tinapon ‘yun sa kung saan. “Hayaan mo na ‘yun. Ipaggagawa na lang kita ng sarili nating palasyo.”
“Marunong ka ba?” tanong niya na parang hinahamon ako.
“Oo naman! Lahat kaya kong gawin. Baka nalilimutan mong perfect ako,”
“Ayun naman pala!” sabi niyang pinisil ang ilong ko. “Ang yabang mo! Forever and ever!”
Inalis ko ang kamay niya sa ilong ko saka pinanggigilan ko naman ‘yung magkabilang pisngi niya. “Hindi ako mayabang. Nagsasabi ako ng totoo!”
Nang makita kong namumula na siya ay tinantanan ko rin siya. Tumatawang tiningnan lang niya ako. Then we both lay on the sand and stared at the blue sky. Nakahiga lang kami at pinapanood ang ganda nu’n kahit ang totoo naman ay walang espesyal doon kung hindi nakakapayapa ng kalooban ang langit na ‘yun.
“Maisen...” tawag niya sa ‘kin.
“Hmm?”

BINABASA MO ANG
The 100th Memory (Sequel to The 100th Guy Who Passed By Her) HIATUS
RomanceA sequel to The 100th Guy Who Passed By Her (If you haven't read The 100th Guy Who Passed By Her, read it first and don't get spoiled. Click the external link to read it. Thank you! ?) What happened to the 100th guy? It has been years since Midori h...
Chapter Four
Magsimula sa umpisa