BINABASA MO ANG

The 100th Memory (Sequel to The 100th Guy Who Passed By Her) HIATUS

Romance

A sequel to The 100th Guy Who Passed By Her (If you haven't read The 100th Guy Who Passed By Her, read it first and don't get spoiled. Click the external link to read it. Thank you! ?) What happened to the 100th guy? It has been years since Midori h...

#100th #felipe #guy #inspirational #life #maisen #memory #midori #nas #passed #tragic

Chapter Three

Magsimula sa umpisa
                                        

            Ilang sandali pa akong nakaupo doon. Pinapanood lang ang mga taong dumadaan sa harapan ko. Iba-ibang mukha. Iba-ibang tao. Merong mga-isa. Merong may kasama. Merong parang iniwan na ang mundo. Merong parang pag-aari niya ang mundo.

            Hanggang sa tumama ang mga mata ko sa dalawang taong dumaan sa harap ko.

            There were two people, holding hands as they walk. They were laughing. Embracing each other. Talking about things. Probably, the girl’s evil boss. Or the guy’s new job. Magkausap lang naman sila at nakangiti sa isa’t isa. Marami namang ganoong tao sa paligid ko ngayon. Pero sila ‘yung totoong nakakuha ng atensyon ko.

            Tumingala ako sa langit saka inihiga ang ulo ko sa sandalan at saglit na pumikit.

            Paano kaya kung hindi namatay si Midori? Paano kung iba ang naging kapalaran namin? Paano kung hindi siya nagkasakit?

            What if we had a better destiny?

            Would she still love me? Would I still love her?

            Or would another guy hold her hand and I would be holding another girl’s hand?

*   *   *   *   *

Maisen... Maisen...”

                Iniiwas ko ang braso ko sa nang may maramdaman akong tumutusok doon.

            “Maisen...”

            Unti-unti akong nagmulat ng mga mata ko. Nasa kaparehong parke pa rin ako. Umaga pa rin. Marami pa ring mga tao.

            “Tara na?”

            Unti-unti akong tumingin sa tabi ko nang marinig ko ang boses na ‘yun. Napakapamilyar noon. At nagulat na lang ako sa nakita ko.

            Si Midori. Nakangiti sa ‘kin.

            Napatayo akong bigla sa kinauupuan ko at dumistansya sa kanya. Napakunot naman ang noo niya dahil sa ginawa ko.

            “B-Bakit? Anong problema?” tanong niya.

            Nanlalaki ang mga matang tinitigan ko lang siya. Hindi pa rin ako makapaniwala sa nakikita ko. Hindi ako kumisap. Hindi ako pumikit o nagkusto ng mga mata. Dahil natatakot akong mawala siya sa paningin ko bigla. Natatakot akong malaman na namamalik-mata lang ako.

            Tumayo siya sa kinauupuan niya at unti-unting lumapit sa ‘kin. Humakbang ako palayo, pero palapit lang siya nang palapit. Hanggang sa maramdaman kong pade na pala ang nasa likod ko at hindi na ako pwedeng umatras pa.

            Nakapamywang na lumapit lang siya sa ‘kin. At nang isang hakbang na lang ang layo namin sa isa’t isa, tumigil siya. Saka tumiyad, at tinitigan ako sa mga mata.

            Ilang saglit kaming nagtititigan lang. Nakatingin lang ako sa mga mata niya. Those eyes that would always melt my heart and make me go crazy. At doon lang ako nagkalakas ng loob na kumurap-kurap. Palihim ko pang kinurot ang sarili ko. Pero hindi nawala si Midori. Totoong nandito siya. Sa harap ko.

            “May ginawa kang kalokohan ‘no?” sabi niya sa ‘kin. Nagulat na lang ako nang hampasin niya ako sa braso. Napasigaw pa ako dahil totoo nga! Nahahawakan niya ako! “Nambababae ka ‘no?”

            Sa halip na sagutin ang tanong niya ay nanlalaki ang mga matang tinitigan ko lang siya. Hindi ko na alam ang itsura ko ngayon. Mukha na siguro akong nagpipigil ng kung ano. ‘Yung tipong nag-droga ako kagabi tapos mag hang-over pa ako hanggang ngayon.

            Tinitigan niya ako saglit. Saka niya ibinaba ang mga kamay niya. Then her mad face just a while ago became sad. “Bakit hindi ka makasagot?”

            Sinubukan kong ibuka ang bibig ko. Pero walang mga salitang lumabas mula doon. Nakatingin lang sa ‘kin si Midori, naghihintay na may sabihin ako. Pero wala. Wala talaga.

            “Maisen, ano bang problema?” tanong ulit niya sa nanginginig na boses.

            Huminga muna ako nang malalim. Saka ko unti-unting hinawakan ang kamay niya. At nang mahawakan ko ‘yun, wala na akong nagawa kundi hilahin siya palapit sa ‘kin at yakapin.

            I was all frozen, I even wanted to ask myself what was that all about. But then, I did not bother to answer my own question. Bakit pa? Nandito na si Midori sa harap ko. Tamang sagot na sa mga tanong ko ang presensya niya.

            Niyakap ko siya nang mahigpit. ‘Yung yakap na nagsasabing hinding-hindi ko na siya pakakawalan. ‘Yung yakap na nagsasabing ‘wag na niya ako ulit iiwan.

            And then I felt her arms wrapped around my neck. And with that feeling, I already knew. Midori’s real. She’s alive. She has not left me yet. And she’s here to stay.

            And I realized that even if things changed, we will still love each other. And it will still beher hand that I will be holding.

            Always.

The 100th Memory (Sequel to The 100th Guy Who Passed By Her) HIATUSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon