BINABASA MO ANG

The 100th Memory (Sequel to The 100th Guy Who Passed By Her) HIATUS

Romance

A sequel to The 100th Guy Who Passed By Her (If you haven't read The 100th Guy Who Passed By Her, read it first and don't get spoiled. Click the external link to read it. Thank you! ?) What happened to the 100th guy? It has been years since Midori h...

#100th #felipe #guy #inspirational #life #maisen #memory #midori #nas #passed #tragic

Chapter Three

Magsimula sa umpisa
                                        

            “Siguro duwag ako. Pero hinahanap ko pa kasi ‘yung tamang timing eh. Kung kailan ba dapat bumitaw. Kung kailan ba dapat tanggapin na lang ang lahat. Pero anong malay natin, gusimising siya ‘di ba?”

            Saglit kong pinaasa ang sarili ko sa bagay na ‘yun. Na gigising pa siya. Kahit matagal nang naisampal sa ‘kin ang katotohanan. That he is brain dead. And only the machines are keeping him alive.

            “Avril, do you believe in miracles?” bigla kong naitanong sa kanya na kahit ako, hindi ko alam kung saan nanggaling.

            “Midori...” Napalingon ako sa kanya nang mabanggit niya ang pangalan ‘yun. And for no particular reason, my heart started to dance slowly with a soundless music playing. Sumandal siya sa upuan niya saka ipinatong ang ulo niya sa sandalan noon. “Midori kept asking me and Dad if we believe in miracles. Then came one time, she herself answered her own question.”

            “What did she say?”

            Nag-angat siya ng tingin sa ‘kin saka ngumiti. “You. You are her definition of miracle, Maisen.”

            Hindi ko alam ang sasabihin ko nang marinig ko ‘yun. Bumalik na naman sa ‘kin ang pakiramdam na nandito pa rin siya sa paligid. Tumatawa, nagsasalita, nakikipag-usap katulad namin. Na nandoon siya sa bahay nila, hinihintay ang pag-uwi ni Avril habang nakaupo siya sa hagdan. Na nanonood siya ng TV habang hinihintay ang tawag ko sa cellphone sa tabi niya.

            Minsan, hindi ko na alam ang gagawin ko. I admit, I have never moved on. It has been years but I still have not moved on. Because my heart won’t. How can I even replace someone irreplaceable? How can I forget someone unforgettable? How can I unlove someone who taught me what love is? Someone who taught me that it may take forever to meet the one you love, but it may only take a single heartbeat to love that someone. Someone who showed me that life can always be beautiful if only we will have good choices.

            “Avril,” tawag ko. “What if... What if Midori did not leave us?”

            “If she did not leave us...

            ...then I’d be glad to see her walk along the aisle. Towards you.”

*   *   *   *   *

Ibinaba ko ang lapis na hawak ko saka tumingin sa langit. Hanggang ngayon, hindi ko pa rin masundan ang dalawang linya ng kantang isinusulat ko. Gustong-gusto ko nang tapusin ‘to hangga’t maaari. Pero wala naman akong maisulat.

            Tiningnan ko ang mga salitang nakasulat sa papel sa kamay ko.

            I’ll look back to the past, I’ll look back to the past. And this I hope, would last.

            Ibinalik ko ang lapis sa kamay ko at inilapat ‘yun sa papel na hawak-hawak ko kanina pa. Pero hindi ko pa rin kaya.

            Napapikit na lang ako. At hindi na napigilan ng isip ko na balikan ang mga sinabi ni Avril sa ‘kin kanina.

            “You are her definition of miracle.”

            Paano ako naging isang ‘miracle’ sa buhay ni Midori?

Ang dami kong gustong itanong sa kanya. Ang dami kong gusting marinig na isasagot niya.

            “Pero imposible,” nasabi ko na lang sa sarili ko.

The 100th Memory (Sequel to The 100th Guy Who Passed By Her) HIATUSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon