BINABASA MO ANG

The 100th Memory (Sequel to The 100th Guy Who Passed By Her) HIATUS

Romance

A sequel to The 100th Guy Who Passed By Her (If you haven't read The 100th Guy Who Passed By Her, read it first and don't get spoiled. Click the external link to read it. Thank you! ?) What happened to the 100th guy? It has been years since Midori h...

#100th #felipe #guy #inspirational #life #maisen #memory #midori #nas #passed #tragic

                                        

          Umiyak na naman si Jane. Sumandal si Tita Meg sa balikat ni Tito Rocky at tahimik na umiyak.

          “Mahal na mahal ko ‘yung tao eh. Bakit biglang nawala? Ba... bakit? Ako ‘yung mas masama eh. Bakit siya pa ‘yung nauna? Ang bata niya pa eh— Ang... ang dami pa niyang pwedeng gawin— Ang masakit kasi dito, ‘yung kamay ko ‘yung huling hinawakan ni Midori bago siya tuluyang... tuluyang...”

          Humagulhol si Jane kasabay ng kanya-kanyang pag-iyak ng mga tao sa likod ko. Nakaupo lang ako. Pinipigil ang sarili ko sa kung anomang emosyon ang pwede kong maramdaman.

          “Hindi ko alam kung makakahanap pa ba ‘ko ng katulad niya. Ang hirap... Ang hirap-hirap...”

          Pinagsalikop ko ang mga kamay ko at saka ako pumikit. Ayokong umiyak. Ayokong magpakita ng kahit anong palatandaan na mahina ako, na bibigay ako. Nahihiya ako kay Midori. Ayokong makita niya ang kahinaan ko.

           “Maisen, it’s your turn.”

          Nag-angat ako ng tingin kay Tita Meg, ang Mommy ni Midori. Nakangiti siya sa ‘kin, umiiyak sa likod ng mga salamin sa mga mata niya. Tumayo ako at saglit siyang niyakap, saka lumapit sa podium at hinarap ang lahat ng tao.

          Nanginginig ako sa pwesto ko, hindi alam kung paano magsisimula sa sasabihin ko. Ilang hakbang sa tabi ko, nandoon si Midori, sa ibabaw ng lamesa na walang sinoman ang gustong lumapit. Hanggang ngayon masakit pa rin. Ilang araw na ang nakakalipas pero ang hirap pa rin. Lahat kami nakakapit pa rin, walang gustong bumitaw, walang gustong magpalaya.

          Huminga ako nang malalim, saka unti-unting binitbit ang tingin ko sa nakakatakot na lugar na iyon. At nagawa kong tumingin sa kanya, sa alaala niya. Doon ko napatunayang mahina ako, dahil hindi ko na napigilan ang pagbagsak ng isang luha mula sa mata ko. Agad ko iyong pinahi at nag-iwas ng tingin. Hinarap ko na lang ulit ang mga tao, kahit gaano pa kahirap ang lahat, kahit parang hinihigit ng direksyong yun ang atensyon ko.

          “Good afternoon,” bati ko sa lahat kasunod ang isang malalim na paghinga. Mula sa unahan, nakikita ko ang lahat, ang dami ng taong hindi ko inaakalang nagmamahal kay Midori. “My Mom would always ask me what more do I want. I have her. I have my Dad. I have all the luxurious things that I could boast to my friends. Pero may isang bagay pa ang gusto kong makuha. Photographic memory. She asked me why. Then I told her, ‘Because I have everything that doesn’t last forever. At least with memory, I could live with them for a lifetime.’

          Then she died after some years. Ilang taon na ang nakakalipas. Tanggap ko na naman ‘yun. Pero nalulungkot ako sa isang bagay. Wala na akong maalala tungkol sa kanya. Hindi ko alam kung bakit. Ayoko siyang malimutan. Gusto ko siyang maalala palagi. Pero ngayon, kapag iniisip ko siya, I feel so drained. I can’t remember any particular event in my life where she’s in. And now, I’m scared. I keep praying to God that He can take everything away from me. Just give me a photographic memory. Because I don’t want to forget Midori. Ayokong dumating ang panahon na alam ko kung ano siya sa buhay ko. Pero wala na akong alaala niya.

          “It’s not easy to let go,” pagpapatuloy ko. “It’s not easy to move on. And it will never be easy to live without her. I know that time will come, but I don’t want it to happen. Midori taught me to live, to love and to smile amidst everything. She’s my angel—”

          Napatigil ako sa pagsasalita dahil nagsisimula nang tumulo ang mga luha sa mga mata ko. Hindi ko inaakalang iiyak ako sa harap ng maraming taong umiiyak rin kagaya ko. Ang hirap magsalita. Pakiramdam ko, sa bawat salitang binibitawan ko, sa bawat salitang nagsasabing hindi ko siya kayang pakawalan, unti-unti niya akong binibitawan. Pero heto ako, patuloy na naghahanap ng makakapitan ‘wag lang siyang mawala.

The 100th Memory (Sequel to The 100th Guy Who Passed By Her) HIATUSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon