Masisisi Mo Ba Ako? (Short St...
By FelipeNas
Sa isang relasyon kung saan ayaw na niya at gusto mo pa, masisisi niyo nga ba ang isa't isa? More
Sa isang relasyon kung saan ayaw na niya at gusto mo pa, masisisi niyo nga ba ang isa't isa? More
Consider this as my Christmas gift to all of you. I DON'T MEAN TO BREAK YOUR HEART ON CHRISTMAS DAY! :D This 온라인카지노게임 has many underlinings, hidden messages, and structural meanings so you will learn a lot if you analyze this carefully. Medyo madumi pa yung pagkaka-type at malaki ang posibilidad namaraming typographical error dahil unedited ito.
Ang i온라인카지노게임ang ito ang nagpapatunay na #WalangForever. Ay, joke lang! Naniniwala pa rin ako sa forever :)
I love you all and I want to thank you all for being so cute (omg) and for being so kind to me. ♥
Merry Christmas!
--FN♥
* * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * *
Masisisi mo ba ako kung mahal pa rin kita?
Masisisi mo ba ako kung ayaw ko na?
* * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * *
Nagtititigan. Nagbabasahan ng isip.
“Bibilang ako ng sampu!” sigaw ko sa kanya nang talikuran niya 'ko. Naglalakad na siya palayo. Hindi ko alam kung anong nasa isip niya, hindi ko alam kung saan siya pupunta. Pero isa lang naman ang gusto ko… “Kapag hindi ka bumalik… kapag hindi ka bumalik!”
“Isa! Dalawa!”
“Pwede ba kitang ligawan?”
Hindi ko alam ang isasagot ko. Parang sampung taon na kaming magkakilala, pero ngayon ko lang napagtanto na may ganito na pala siyang nararamdaman. Hindi ko naman inakala na gusto niya rin ako. Sa tagal na naming magkaklase, tatanungin niya ako ngayon? Ngayon lang? Sa tagal ko nang ipinagsisigawan sa classroom na may gusto ako sa kanya, ngayon lang siya nag-react?
Nahihiyang tumalikod siya, may kung anong ginagawa. Sinisilip ko kung ano 'yun pero hindi ko naman makita. Hanggang sa harapin niya 'ko, kuhanin ang kamay ko at mag-iwan ng isang singsing doon. Saka siya nagtatakbo palayo. Tatawa-tawang naiwan ako sa kinatatayuan ako. Ganun pala siya, mahiyain. Pero sayang lang, hindi niya nakita kung paanong nakangiting isinuot ko ang singsing na 'yun. Kung paanong sinabi ko ang salitang “oo” nang hindi ako nagsasalita. Sayang.
“Sayang. Hindi ka ba nanghihinayang?” sigaw ko ulit, nagbabanta na ang mga luhang pumatak sa mga mata ko. Ayokong umiyak. Ayokong marinig niya na umiiyak ako. Ayokong kaawaan niya 'ko. Gusto kong bumalik siya, hindi dahil sa awa, pero dahil mahal pa rin niya ako.
“Matapos mo kong ligawan, matapos maging tayo, ganito na lang ba? Hindi ka ba nanghihinayang sa mga panahong nilaan mo sa ‘kin? Hindi ka ba nanghihinayang sa mga bagay na isinakripisyo mo makasama lang ako?”
Gusto kong isipin na ang pagtalikod niya ay dahil lang sa isang simpleng bagay. Mahiyain siya. Iyon na nga lang sana 'yun, mahiyain siya. Nahihiya siya sa ‘kin. Pero hindi. Lakas-loob niya 'kong kinausap. Lakas-loob niyang isinampal sa ‘kin ang mga salitang ayoko na, pagod na ako. Tama na.
“Tatlo! Apat! Lima!”
Naging kami rin matapos ang isang taong panliligaw niya. Kung tutuusin, mahabang panahon pa nga 'yun. Wala na naman kasi siyang kailangang patunayan pa sa ‘kin. Dahil alam ko sa sarili ko na napakabuti niyang tao. Alam ko kung paanong mahal siya ng buong klase namin dahil sa kabaitan niya. Alam ko kung paanong mahal siya ng pamilya niya dahil sa ngiti niya. At alam ng puso ko na mahal ko siya dahil walang makapapantay sa kanya.
May ibang nagsasabi na hindi raw kami bagay. Ilang beses nang sinubok ang relasyon namin. Wala namang relasyon na hindi nagkakaproblema. Walang perpektong relasyon. Ang tunay naman na sukatan ay hindi sa dami nang nalusutang problema, kundi kung paano niyo nilutas ang mga iyon nang magkasama.
Isang araw, napahiya ako sa stage. May program nu'n, nagsasayaw kami, nang aksidenteng maitulak ako ng isang kasamahan ko sa sayaw. Nasugatan ako, sa ulo. Dumugo 'yun nang pagkatagal-tagal. Hanggang sa dinala na ko sa ospital at napurnada ang program. Ilang araw akong nawala. At pagbalik ko, nalaman kong tatlong araw na siyang hindi pumapasok. Nang puntahan ko siya sa kanila, nadiskubre kong ang dami niyang sugat sa mukha at katawan.
“One-week suspension,” sagot niya sa ‘kin nang itanong ko kung anong nangyari sa kanya. Nang mga panahong 'yun, kumukulo na ang dugo ko. Naiinis talaga ako kapag ganito siya, walang pakialam sa sarili niya. Ako kasi yung nasasaktan. Kung paanong ikinukwentoniya isa-isa kung paano siya nakipag-away at nakipagsuntukan, pakiramdam ko, ako 'yung nasa posisyon niya. Kaya pinaglitan ko siya.
“Bakit ba kasi hindi ka nag-iingat? Siguro dahil sa mga kabarkada mo na naman 'no? Sila ba ang nagdala sa’yo diyan? Sinasabi ko namang mga sira ulo 'yung mga 'yun tapos hindi ka marunong makinig diyan! Ilang araw lang akong nawala tapos ganito na?”
“Anong gusto mong gawin namin? ‘Wag lumaban? Buti nga kasama ko sila kasi kung hindi baka mas malala pa dito ang inabot ko!”
Naiinis ako. Bakit ba kailangan pa niyang ipagtanggol yung mga kabarkada niyang walang ibang alam gawin kundi mag-inom at manigarilyo pagkatapos ng klase? Nagagalit ako. Naiiyak. 'Yung mga dapat niyang maramdaman dahil sa nangyari sa kanya, nararamdaman ko rin. At ayoko nu'n. Dahil sobrang sakit ng nararamdaman ko at alam kong ganun rin kasakit 'yung nararamdaman niya.
“Saan ka pupunta?” tanong ko sa kanya nang tumayo siya at talikuran ako.
“Magpapahinga na 'ko.”
Alam kong nagalit siya, ramdam ko. “Sorry. Hindi ko naman gustong magtaas ng boses. Nag-aalala lang talaga ako. Ako 'yung nasasaktan para sa’yo. Sorry. Pero sana makinig ka. ‘Wag ka nang makikipag-away sa susunod. Ayokong makita kang ganito.”
“Hindi ko kaya,” sagot niya. Tinitigan ko lang siya, nagtataka. Iniisip kong malaki na siguro ang impluwensya ng mga kabarkada niya. “Hindi ko kayang hayaan na lang sila na pagtawanan ka. Hindi ko kayang tumayo lang sa isang sulok at panoorin kung paanong pinagkakatuwaan ka nilang lahat habang wala ka. ‘Di bale nang masaktan kung ikaw naman ang dahilan.”
HInihintay kong umikot siya, humarap sa ‘kin, at bumalik. Hinihintay kong mangyari ang katulad ng dati, nang talikuran niya ako. Gusto ko ulit makarinig ng magandang rason kung bakit nagkaganito. Gusto kong balikan niya 'ko at sabihing mahal pa niya ako.
“’Di ba lahat ng problema kayang lampasan? ‘Di ba lahat ng problema masosolusyonan? Basta magkasama tayong dalawa?”
Humakbang pauna ang kanang paa ko. Humakbang pa ulit ang kaliwa. Kung paanong tumakbo ako palapit sa kanya nang araw na tinalikuran niya ako, kung paanong niyakap niya 'ko sa pagtakbo kong iyon, ganu'n rin ang gusto kong mangyari ngayon.
Kaya tumakbo ako palapit sa kanya, at niyakap siya.
“Mahal mo ko, ‘di ba?” nanginginig ang boses na tanong ko. Pero 'yung mga kamay kong nakapulupot sa kanya, 'yung mga kamay kong hinawakan niya nang ilang taon, yung mga kamay kong nag-aalaga sa kanya, itinapon lang niyang parang basura.
Tatlong taon.
Third year college na kami, at tatlong taon na rin ang relasyon namin. Magkahiwalay kami ng unibersidad na pinasukan. 'Yung sa kanya, top university sa Pilipinas. Matalino siya, eh. 'Yung sa ‘kin, isa sa mga pinakakilala at maganda rin naman. Pero kahit hindi ako katalinuhan, ‘di tulad ng ine-expect sa ‘kin ng iba nang malaman nilang sa university na 'yun ako nag-aaral, pera talaga ang nagdala sa ‘kin sa loob.
Matagal kung magkita kami. Masyado kasing mahirap sa unibersidad na pinapasukan niya. Pero malaki talaga ang tiwala ko sa kanya. Sobrang bait niya at kahit pa gago ang mga kabarkada niya, malayo siya sa mga 'yun. Nagtityaga ako sa patingin-tingin ng picture niya, sa pa-text-text kahit hindi siya minsan nag-re-reply, sa tawagan naming dalawa. At naniniwala akong mahal pa rin namin ang isa’t isa. Kung gaano ako ka-excited na makita siya, alam kong ganu'n rin siya.
Hanggang sa mapadpad ako sa isang lugar na nandoon siya. At ang nakakagulat lang, may kahalikan siyang ibang babae. Sa isang club 'yun, Biyernes, alas-diyes ng gabi. Kasama ko ang mga kaibigan kong babae tulad ng nakagawian namin pagkakatapos ng weekdays, magpa-party. Nang mapagod ako sa pakikipagsayaw sa kanila, naupo ako sa isang upuan sa may sulok na table. Nang lumingon ako sa likod ko, nakita ko siya, sa kabilang panig ng upuang 'yun. May kahalikan. 'Yung mga kamay niya, naglalakbay sa katawan nu'ng babae, ganun rin naman 'yung babae. Ayoko pang maniwala na siya 'yun. Madilim lang. Maingay. Magulo. Pagod lang ako. At na-mi-miss ko lang siya. Kaya siguro kahit saan, nakikita ko siya. Nang matapos ang gabing 'yun, hinanap ko kung nasa paligid siya, sadyang makulit lang ako at sadista siguro para kumpirmahin kung siya nga 'yun. At hindi naman ako nagkamali, nasaktan ako sa huli. Nag-sorry siya. At pinatawad ko siya. Ilang beses pang naulit 'yun, pero pinatwad ko pa rin siya. Kasi mahal ko siya.
“Bakit mo nga ba 'yun ginawa?” tanong ko nang isang beses kaming magkausap.
Ngumiti siya at niyakap ako. “Nagkamali ako.”
Naglakad na ulit siya palayo sa ‘kin. Pero hindi ako susuko. Kailan ba naman ako sumuko para sa kanya? Mahal ko siya, at walang dahilan para hayaan ko lang siyang lumayo.
“Anim. Pito,” patuloy ko nang pagbilang. Masakit na makita siyang lumalayo sa ‘kin. Habang palapit nang palapit ang sampu, pahina rin nang pahina ang boses ko. Pero alam kong babalik siya. Babalik siya. Hihintayin kong harapin niya ko at sabihing “nagkamali ako.” Nagkamali siyang talikuran ako.
Baliw ako. Gusto ko lang talagang malaman kung mahal nga niya ako. Sa dami ng babaeng naka-relasyon niya habang kami pa, gusto ko lang maniguro na totoo ngang ako na lang talaga sa buhay niya.
Isang araw, may reunion ang batch namin noong high school. Sa isang resort. May spin the bottle game kami. Nang matapat ang bote sa isa kong kaklaseng may gusto sa ‘kin noon, ang consequence ay hahalikan niya 'ko. Alam ko 'yun. Dahil kinausap ko nang palihim ang isa kong kaklase na 'yun ang ibigay na consequence sa kanya kung sakali.
Wala naman ako talagang balak magpahalik. Gusto ko lang makitang pigilan niya ang consequence na 'yun. Pero nagulat na lang ako nang halikan ako ng dati kong kaklaseng 'yun. Wala man lang siyang ka-rea-reaksyon. Hindi man lang niya pinigilan, hindi rin siya nagalit.
“Sorry ha,” sabi ko sa kanya nang gabing 'yun matapos ang laro namin. “Hindi ko naman talaga gustong magpahalik—”
“Okay lang 'yun. May tiwala ako sa’yo.”
Pero ramdam ko na nang gabing iyon, hindi tiwala ang dahilan kung bakit wala man lang siyang naging reaksyon sa nangyari.
“Walo, siyam…” Nagsimula nang tumulo ang mga luha sa mga mata ko. Isang bilang na lang, sampu na. Nagsimula na akong kabahan, mailto, ma-praning. Paano kung hindi siya bumalik? Paano kung tuluyan na lang siyang maglakad palayo?
“Ano bang ginawa ko? Ano bang mali sa ‘kin? Ginawa ko naman ang lahat para maayos ang relasyon natin. Ginawa ko lahat para tumibay pa tayo. Ano bang kulang? Sabihin mo lang. Hindi naman kailangang umabot sa ganitong punto, na iiwan mo 'ko. Nang dahil saan? Sa ayaw mo na? Yun ang sabi mo ‘di ba? Alam kong may iba pang dahilan. Hindi lang 'yun.”
Huminga ako nang malalim, ito na nga siguro ang katapusan.
“Sa—”
Naputol ang sasabihin ko at saglit na natigil ang mundo ko. Bigla siyang humarap siya sa ‘kin. At naglakad pabalik. Pabalik sa ‘kin.
Mahirap maghintay. Pero kapag nagtagumpay ka, mawawala ang lahat ng hirap.
**
Mahirap maglakad palayo. Kung mahirap maghintay, mahirap rin ang maglakad palayo sa isang taong matagal mo'ng nakasama, sa taong minahal mo.
“Bakit ka nakikipaghiwalay? May problema ba? Ano 'yun?”
Hinawakan niya 'ko sa mga balikat, yayakapin sana, pero marahan ko siyang inilayo sa ‘kin. “Pagod na 'ko. Ayoko na.”
Tinalikuran ko siya, kasabay noon ay ang tuluyang pagtalikod ng mundo ko sa mundo niya. “Ano bang problema? Ipaliwanag mo naman muna.”
“Ayoko na. 'Yun lang talaga, ayoko na.”
Nagsimula akong humakbang palayo. Gusto ko ‘to, oo. Pero mahirap pa rin. Mahirap iwan ang isang taong naging bahagi na ng buhay ko at bumuo sa pagkatao ko. Parang kailangan kong punitin ang malaking bahagi ng sarili ko at iwan iyon sa isang lugar na hindi ko na mababalikan pa.
“Bibilang ako ng sampu! Kapag hindi ka bumalik! Kapag hindi ka bumalik!” At nagsimula nga siyang magbilang. “Isa! Dalawa!”
Matagal ko na siyang pinalaya. Hindi lang niya alam. Nagsimula 'yun nu'ng reunion ng batch namin nu'ng high school. Nagkatuwaang maglaro. Spin-the-bottle daw. Thrid year college na kami pero ang sarap balikan ng mga gawain namin dati kahit parang hindi na angkop sa edad namin.
Hanggang sa tumapat 'yung bote sa isang kaklase namin noon na nanligaw sa kanya. At ang consequence, halikan siya. Hinihintay kong mag-init ako, pero hindi. Wala akong naramdaman. Hanggang sa halikan na nga siya at kitang-kita ko kung paanong humalik rin siya pabalik. Kinantyawan ako ng mga kabarkada ko, pero ngumiti lang ako. Dahil maging ako sa sarili ko, may hindi maintindihan.
“Sorry ha,” sabi niya sa ‘kin nang magkasarinlan kaming dalawa nang gabing 'yun. “Hindi ko naman talaga gustong magpahalik—”
“Okay lang. May tiwala naman ako sa’yo,” nakangiting sabi ko. Pero totoo 'yung sinabi ko na okay lang 'yun. Dahil sa totoo lang, wala akong naramdaman. Selos. Galit. Inggit. Wala. Pero 'yung dahilan na may tiwala ako sa kanya, doon ako hindi sigurado. Hindi ko alam kung iyon nga ang dahilan. Hindi ko alam kung dahil nga ba sa tiwala kaya’t okay lang sa ‘kin ang nasaksihan ko.
“Bakit hindi ka man lang nagalit?”
“Bakit hindi ka man lang umiwas?”
Pagkatapos noon, hinayaan ko na siyang gumawa ng mga bagay na gusto niya. Hindi ko siya pinagbawalan. Hinayaan ko siya makalipad sa sarili niyang pakpak, nang hindi dumadapo ang mga paa niya sa kamay ko.
Gabi-gabi akong naghahanap ng ibang babae. Babaeng mahahalikan at mayayakap. Hindi dahil sa gusto ko siyang pagtaksilan, pero dahil gusto ko lang malaman ang tunay na problema. Gabi-gabi kong hinahangad na sana, makonsensya naman ako sa ginagawa ko. At isang bagay ang nadiskubre ko, sa bawat halik sa ibang babae, hindi man lang siya sumasagi sa isip ko. Hindi man lang ako nakokonsensya na baka masaktan ko siya kahit ilang beses na niya akong nahuhuli.
Hanggang sa matauhan na ko sa katotohanan. Alam ko na ang problema.
“Sayang. Hindi ka ba nanghihinayang? Matapos mo 'kong ligawan, matapos maging tayo, ganito na lang ba? Hindi ka ba nanghihinayang sa mga panahong nilaan mo sa ‘kin? Hindi ka ba nanghihinayang sa mga bagay na sinakripisyo mo makasama lang ako?”
Gusto kong humarap sa kanya at sagutin ang lahat ng tanong niya. Pero para saan pa? Tatalikuran ko rin lang naman siya sa huli. At alam kong doble ang sakit kapag hinarap ko pa siya. Kaya kahit gusto kong sabihin na hindi ko na pinanghihinayangan ang nakaraan, na wala na 'kong magagawa pa sa mga oras na nagamit na, na hindi ko na mababawi ang sulit na pagod na inilaan ko para sa kanya, mas pinili kong maglakad palayo.
“’Di ba lahat ng problema kayang lampasan? ‘Di ba lahat ng problema masosolusyonan? Basta magkasama tayong dalawa?”
Nagulat na lang ako nang maramdaman kong nakapulupot na ang mga braso niya sa bewang ko. At alam kong iba na ang yakap na 'yun. Wala na 'yung emosyon. Hindi katulad ng dati.
"Bakit ba kasi hindi ka nag-iingat? Siguro dahil sa mga kabarkada mo na naman 'no? Sila ba ang nagdala sa’yo diyan? Sinasabi ko namang mga sira ulo 'yung mga 'yun tapos hindi ka marunong makinig diyan! Ilang araw lang akong nawala tapos ganito na?”
Naluluha ako nang harapin niya 'ko. Kitang-kita ko kung paanong disappointed siyang makita ako. Pati mga kabarkada kong tumulong sa ‘kin, nasisi pa niya. Nasaktan ako noon. Iniisip ko kasi, yayakapin niya 'ko, na makikisimpatiya siya. Pero sermon pa ang nakuha ko sa kanya, kung kailan naman mas kailangan ko ang yakap niya kesa sa salita niya. Kaya naman tumayo na 'ko.
“Saan ka pupunta?” tanong niya sa ‘kin.
“Magpapahinga na 'ko.”
“Sorry.”
Nilingon ko siya nang marinig ko ang salitang 'yun. At nakita kong umiiyak na siya. Nakonsensiya ako. Kung may isang bagay na hindi ko kaya, 'yun ay ang makita siyang umiyak.
“Hindi ko naman gustong magtaas ng boses. Nag-aalala lang talaga ako. Ako yung nasasaktan para sa’yo. Sorry. Pero sana makinig ka. ‘Wag ka nang makikipag-away sa susunod. Ayokong makita kang ganito.”
“Hindi ko kaya,” sagot ko, kasabay ang paglalahad sa kanya ng katotohanan. Ayaw ko sanang sabihin dahil ayaw kong makonsensya siya at isipin niyang kasalanan niya ‘to lahat. Pero hindi ko na napigilan. “Hindi ko kayang hayaan na lang sila na pagtawanan ka. Hindi ko kayang tumayo lang sa isang sulok at panoorin kung paanong pinagkakatuwaan ka nilang lahat habang wala ka. ‘Di bale nang masaktan kung ikaw naman ang dahilan.”
Tumakbo siya palapit sa ‘kin at niyakap ako. At niyakap ko rin siya.
Inalis ko ang mga kamay niya sa bewang ko. Sa kabila ng tanong niya sa ‘king “Mahal mo ko, ‘di ba?” Isang lakad palayo lang ang isinagot ko. Ipinagdadasal kong sana maintindihan niya. Alam kong nasasaktan na siya sa mga nangyayari, at ayokong madagdagan pa 'yun kapag sa bibig ko na mismo nanggaling ang sagot sa katanungan niya.
“Anim, pito, walo, siyam…” Tumigil siya sa pagbibilang. Isang bilang, isang hakbang palayo, at tuluyan na kaming magiging malaya sa isa’t isa. “Ano bang ginawa ko? Ano bang mali sa ‘kin? Ginawa ko naman ang lahat para maayos ang relasyon natin. Ginawa ko lahat para tumibay pa tayo. Ano bang kulang? Sabihin mo lang. Hindi naman kailangang umabot sa ganitong punto, na iiwan mo 'ko. Nang dahil saan? Sa ayaw mo na? 'Yun ang sabi mo ‘di ba? Alam kong may iba pang dahilan. Hindi lang 'yun.”
Iyon lang talaga ang dahilan. Ayoko na. Hindi na 'ko masaya. Hindi ko siya iiwan dahil sa may iba akong nakita. Hindi ko siya iiwan dahil sa ayaw ko talaga sa kanya. Pero dahil hindi na 'ko masaya sa relasyon namin. Hindi ko rin alam kung paano at bakit, pero iyon lang talaga ang nararamdaman ko.
Alam kong hindi niya 'ko kayang pakawalan katulad nang dati. Kaya ako na ang magpapalaya. Kung gaanong nakakapagod ang naging pagtakbo namin nang magkahawak ang kamay, ganu'n namang kadaling bumitaw, maglakad na lang, at panoorin siyang tumakbong mag-isa, nang wala ako sa tabi niya.
“Sa—”
Naglakad ako pabalik sa kanya. Para hindi na kami mahirapan pa. Para maging madali na ang lahat.
“Pwede ba kitang ligawan?”
Tinanong ko siya. Diretso. Matagal na 'kong may gusto sa kanya at hindi ko lang maamin dahil wala pa 'kong lakas ng loob. Masyadong mataas ang energy niya araw-araw, mahirap pantayan. Baka mag-expect siya sa ‘kin pero kulang ang maibigay ko sa kanya. Kaya ngayon lang, ngayong nakaipon na 'ko… ng lakas ng loob at kapal ng mukha.
Hindi siya sumagot, namumulang tinitigan lang niya ako at nahiya ako roon. Kaya naman tumalikod ako at kinuha ang singsing sa bulsa ko. Kasabay ng pag-iipon ko ng lakas ng loob ay ang pag-iipon ko ng isang magandang regalo sa kanya.
Kinuha ko ang kamay niya.
Kinuha ko ang kamay niya.
Inilagay ko doon ang singsing.
Inalis ko doon ang singsing.
Saka ako nagtatakbong palayo para hindi niya makitang nahihiya ako.
Saka ako nagtatakbong palayo para hindi ko makita ang pag-iyak niya.
Masisisi mo ba ako kung ayoko na? Masisisi mo ba ako kung bumitiw ako dahil hindi na ko masaya? Ginawa ko naman naman ang lahat. Pero talagang dumating na lang sa ganitong punto. Na kailangan ko na siyang iwan. Kaysa naman manatili ako sa tabi niya at masaktan ko pa siya dahil sa nagpatali ako sa relasyong hindi ko na gusto. Sa isang relasyong sawa na ako.
Kung iniisip mong masakit ang maiwan, masakit rin ang mang-iwan. Pareho kaming nasasaktan. Darating at darating ang panahon na magtatagpo ulit ang landas namin. Magkikita kami. Babalik ang lahat ng alaala. Wala mang emosyon pero nandoon pa rin ang bahagi kong tatalon sa tuwa dahil makikita ko ulit ang nawalang parte ng pagkatao ko. Palihim akong mapapangiti, kahit pa hindi kami mag-usap. Kahit pa wala kaming pwedeng gawin kundi…
Magtitigan. Magbasahan ng isip.
* * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * *
Masisisi Mo Ba Ako? © 2013
A 온라인카지노게임 by Felipe Nas
All Rights Reserved