The 100th Guy Who Passed by H...
By FelipeNas
[One of 카지노후기's Most Recommended in 2012 and 2013.] [Story published under LIB.] Wala nang kulang sa buhay... More
[One of 카지노후기's Most Recommended in 2012 and 2013.] [Story published under LIB.] Wala nang kulang sa buhay... More
EPILOGUE
--To love someone the way I love you--
“Coffee through the day, coffee through the night. How could I live without you on my sight? You keep me warm, oh… You make me feel… Se-e-afe… I wake up in the morning, see you and I smile. If I sleep at the evening, wanna be by your side. Like a coffee, I want you day and night. Like a coffee, you make my heart sigh. Like a coffee, you’re the only who makes me smile.”
“Oh… You complete me. Like a coffee.”
Napangiti siya sa sabay-sabay na pagsabay ng klase sa huling linya ng kanta. Nagtawanan rin ang mga ito at saglit na napatigil sa ginagawang seatwork.
“Kaya gustong-gusto ko si Sir eh! May music palagi kapag may seatworks! ‘Di katulad nung ibang prof. Kausap lang yung whiteboard!”
Nagtawanan ulit ang klase niya dahil sa sinabi ng isa sa mga ito na tila may pinatatamaan.
“Sir, alam niyo po ‘yang kantang ‘yan?”
Nakangiting tumango siya sa tanong ng isa niyang babaeng estudyante.
“Talag Sir? Fan pala kayo ng JPop eh!”
“Oo nga po. ‘Di ba yung sikat na Japanese singer po ang kumanta niyan?”
“Oo!” pagsang-ayon pa ng isa sa mga ito at napatuon na ang atensyon ng lahat sa usapan ng tatlong babae kesa sa seatwork. Kapag kasi ang isang ito ang nagsalita, interesadong makinig ang lahat. Numero una chismosa kasi ito ng klase. “Alam niyo ba, Pilipino ang nag-compose niyang kantang ‘yan! Alam niyo ba yun Sir? Hindi niyo yun alam Sir! Ako lang may alam nun!”
Tahimik na natawa naman siya sa sinabi nito. Nangalumbaba siya at itinuon ang atensyon sa usapang iyon kesa sa paggawa ng summary ng lesson niya.
“Bakit mo naman alam eh—”
“Mamaya ka magsalita! Patapusin mo muna ako!” sabi nito sa sumabad na kaklase at saka tumikhim at umayos ng upo. “Yung nag-compose niyan, dito graduate! Member ng isang sikat na banda na mabilis ding nawalan ng ningning. At ang sabi pa, iyang composition na ‘yan daw eh pa-project lang ng isang prof sa music dito rin sa NEU! Pero patay na yung prof—”
“And may he rest in peace,” pagsingit niya.
“Yes Sir! That’s right! May he rest in peace. At ayun nga. Inspired daw ‘yang kantang ‘yan sa girlfriend ng tawagin na lang natin na si Guy A. In love si Guy A kay Girl A pero hindi yata nag-work ang relationship sa hindi ko alam na dahilan. Basta, ang sure ako, eh ‘yang kantang ‘yan ay ‘singko’ ang nakuhang grade sa Music.”
“Maganda naman ah! Bakit ‘singko’ lang?” pagtutol ng isang lalaking kaklase ng mga ito.
“Ewan ko! Itanong mo sa pumanaw na prof! Pero blockmates, alam niyo ba… Kahit bagsak ang grade ng kantang ‘yan, i-pinursue pa rin daw ni Guy A na ma-i-record at see naman! Isang international artist pa ang kumanta! Mahal na mahal siguro ni Guy A si Girl A.”
“Do your seatwork now…”
“Sir,” pagbaling sa kanya ng nagkukwento na parang binalewala lang ang sinabi niya. “Kilala niyo po ba yun? ‘Di ba nag-aral po kayo ng Music dito sa NEU? Baka naman may ma-i-she-share kayo dyan, Sir!”
“Hay, Miss Bernardo. Paano mo naman nalaman ‘yan? Dapat hindi ka nag-BS Bio. Dapat nag-BA Broadcast Communication ka. Parang mas okay ka dun,” aniyang itinaas ang record ng grades ng klase.
“Naku Sir! Inaasar niyo lang ako dahil bagsak ang mga quiz ko! Babawi po ako ‘no! Pasalamat ka Sir gwapo ka. May girlfriend ka na ba Sir?”
Iiling-iling na lang siya sa mga estudyante niya. Nang balingan niya ang klase ay lahat ng mga ito ay tahimik na naghihintay ng sagot niya.
“I’m 28. I can manage.”
Nang matapos ang klase niya sa section na iyon ay agad siyang nagpunta sa Hungry Corner kung saan matatagpuan ang mahigit limampung foodchains sa campus. Kanina pa niya tinitiis ang gutom. Panahon naman siguro para magtakaw siya.
Hindi pa man siya nakakarating ay napangiti siya sa natanaw niya sa di-kalayuan.
She’s waiting for her again.
Nilapitan niya ito. Agad naman itong tumayo nang makita siya.
“Kanina ka pa ba diyan?”
Umiling ito.
“Midori, you always wait for me here.” Umupo siya para mapantayan ang lebel nito. He patted the little girl on her head. “You should tell your Daddy Avril and Mommy Flip to fetch you as early as possible, hmm? It’s not safe for you to stay here alone.”
The little girl smiled so brightly. Tila may kung anong kumirot sa puso niya nang Makita niya ang mga ngiti nito. Ganito rin kaya ang itusra ng babaeng minamahal niya noong bata pa ito? Kapag tinatawag niya ang pangalan nito, iba ang unang lumalabas sa isip niya. Ibang babae ang bigla na lang nagpapakita sa imahinasyon niya.
Nanatili lang itong nakatitig sa kanya at nakangiti. “B-bakit?”
Napaatras siya para analisahin kung anong gustong sabihin nito nang biglang mahagip ng mga mata niya ang nakasakbit sa leeg nito na ipinapakita nito sa kanya.
“Sa… saan mo nakuha ‘yan?”
He touched the necklace on Midori’s neck. It was the very same one.
Tumuro ito at nang lingunin niya ang direksyong pinupunto nito ay agad niyang nakita ang kumpol ng mga lalaki sa gilid ng Hungry Corner.
“Dito ka lang Midori. Hintayin mo si Tito, okay?”
Agad siyang nagtatakbo papunta sa kumpol ng mga lalaking iyon. Ang iba sa kanila ay estudyante, ang iba naman ay mga guro. Meron ding mga outsiders.
“O, Sir! Bili ka na! Two hundred-fifty lang! Pambigay sa girlfriend o asawa mo, Sir! May bonus pa ‘yan!”
Itinaas ng babae ang mga plastic bags na naglalaman ng mga kwintas.
“Sa-saan mo nakuha ‘yan?”
“Bakit mo natanong?” nag-aalangang balik-tanong nito sa kanya habang kumukuha ng bayad at nagbibigay ng sukli.
“Just answer me.”
“Sige ba, basta bibili ka ng paninda ko, gwapong Sir!”
Tumango na lang siya at naglabas ng pera. Iniabot naman nito sa kanya ang isang plastic bag na may lamang kwintas. “So?”
Nilingon siya nito saglit at saka bumaling ulit sa iba pang bumibili. “Mga brad! Bukas na lang ulit! May appointment pa ako eh! Sensya na! Kitakits na lang tayo bukas! Dito ulit!”
Bagaman nagrereklamo at gusto pang bumili, nag-alisan din ang mga lalaking iyon. Lumingon-lingon muna ito sa paligid saka pabulong na kinausap siya.
“Sikreto lang natin ‘to ha. Pirated ‘yan.”
Kunot-noong tiningnan niya lang ito at naghintay ng iba pang paliwanag. “Eh… Kailangan kong rumaket bossing eh. Kaya nung nakita ko yung pinagkopyahan ko ng kwintas na ‘yan eh kinopya ko agad. ‘Di ko naman mapakinabangan dahil sira na. Ginamitan ko na lang ng Mighty Bond tapos kinopya ko.”
Nakangising tatango-tango pa sa kanya ang babae. Wala naman sa itsura nito ang naghihirap. Sa kinis at puti ng kutis nito, baka ipambibili lang nito ng Glutathione ang napagkakitaan nito.
Pero kahit ganun, hindi mawala sa isip niya ang paliwanag nito. Could it be that the original one was the one that he gave to Midori?
“Excuse me, can I have—”
Bago pa man niya masabi na gusto niyang bilhin ang orihinal na kwintas ay sumingit agad ito. “Sir! Wala namang ganyanan! Nabili niyo na yung kwintas eh. Bonus pa nga na sinabi kong pirated ‘yan. Pero wala na pong bawian! Maganda naman eh. Pwede po ‘yan sa girlfriend niyo o asawa.”
“But, I just—”
Hinagip nito ang plastic bag at kinuha ang kwintas sa loob noon. “Sir! May papel sa loob ng bawat heart na pendant nung kwintas. Kunin niyo yun tapos kung anong number ang nakasulat, titingnan ko dito sa listahan ko kung anong kaakibat na consequence. Ayan Sir ha! Ang dami niyo nang bonus sa ‘kin. Malay niyo ‘win one million pesos’ yung nakalagay diyan. May isa kasi akong nilagyan ng ganun eh.”
Iiling-iling na lang na kinuha niya ang papel na nakasingit sa pendant. Hindi naman siya naniniwalang may ‘win one million pesos’ nga itong nilagay doon. Alam niyang kalokohan lang iyon ng babaeng ito.
Binuksan niya ang papel at pinakita dito ang numerong nakasulat doon. “One hundred.”
Agad na binuksan nito ang notebook at hinanap ang kaakibat na consequence, kung totoo ngang may nakasulat doon. “Date a beautiful girl! O ayan Sir! Tiba-tiba ka na diyan!”
Saglit lang niyang tinitigan ito. Nawiwirduhan siya dito. Halatang dinaraya lang siya. Malamang papayag itong may consequence dahil hindi naman ito maaapektuhan. Kung makapag-date man siya ng isang babae, ano naming epekto noon dito? Wala.
“Maganda ka ba?”
“Oo naman Sir! Hindi niyo naitatanong—”
Inakbayan niya ito at kinaladkad sa pinakamalapit na kainan. “Eh ‘di mag-date tayo.”
“Aba… Sir! Teka!” Pilit nitong tinatanggal ang pagkakaakbay niya pero hindi naman nito magawa. “Wala ‘yan sa usapan!”
“Choosy ka pa! Ikaw na nga ang i-de-date ko. Hindi mo naitatanong, yung mga ex-girlfriend ko, split ends ka lang nila! Mga model, beauty queens… Ikaw lang yata ang dukhang i-de-date ko…”
“Hoy, Mister! Hindi ako dukha! Mayaman ang pamilya namin!”
“Eh bakit rumaraket –raket ka lang ng ganyan?”
“Kasi naglayas ako! Aish! Bakit ba ko nagpapaliwanag sa’yo. Makaalis na nga.”
Tinalikuran siya nito pero nagawa pa rin niyang hawakan ito sa braso. “Subukan mo, hahalikan kita.”
Inirapan lang siya nito at akmang maglalakad na sana. Pero dahil hawak niya ito sa braso ay mabilis niyang nahigit ito pabalik. And he plotted his plan…
He kissed her.
Tulalang napahawak ang babae sa mga labi nito nang humiwalay siya dito.
“Haaaayyy… It’s been a long time.”
Nauna na siyang naglakad dito nang tawagin siya nito muli. “Hoy! Sira ulo ka! Isinusumpa ko! Hinding-hindi ka magkaka-love life!”
“Isinusumpa ko din!” balik niyang sigaw dito. “Magkaka-love life ka na!”
Tatawa-tawang tinalikuran niya ito.
It feels good to live again like this. To live a normal life again.To be back to the old Maisen. Do you see me now? Are you up there? Please watch over me. Because today, I am happy. But what make that happiness incomplete is the thought that I cannot love again the way I love you.
I wish I can be with you, Midori. And help me to love again and to take care of girl the way I did to you. Even though I had this thought in mind that…
I can love no one but you.
* * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * *
The 100th Guy Who Passed By Her © 2014
A 온라인카지노게임 by Felipe Nas
Copyright by Precious Pages Corporation
All Rights Reserved