The 100th Guy Who Passed by H...

By FelipeNas

2.9M 29.9K 2.4K

[One of 카지노후기's Most Recommended in 2012 and 2013.] [Story published under LIB.] Wala nang kulang sa buhay... More

Dedications
[PROLOGUE] Because sometimes...
[CHAPTER ONE] Accepting...
[CHAPTER TWO] Count...
[CHAPTER THREE] Too much fame...
[CHAPTER FOUR] Because it's the beginning...
[CHAPTER FIVE] Accept the fact...
[CHAPTER SIX] Because there is...
[CHAPTER SEVEN] Meeting you again...
[CHAPTER EIGHT - 1] Words...
[CHAPTER EIGHT - 2] Words...
[CHAPTER NINE] Faces...
[CHAPTER TEN] The after effects...
[CHAPTER ELEVEN] Searching the world...
[CHAPTER TWELVE] Almost...
[CHAPTER THIRTEEN] Finally...
[CHAPTER FOURTEEN] Why...
[CHAPTER FIFTEEN] Saying... goodbye.
[CHAPTER SIXTEEN] Alone...
[CHAPTER SEVENTEEN] Just like the first time...
[CHAPTER EIGHTEEN] Happiness...
[CHAPTER NINETEEN] Nightmare...
[CHAPTER TWENTY] I just want...
[CHAPTER TWENTY-ONE] Twice the happiness...
[CHAPTER TWENTY-TWO] You're still...
[CHAPTER TWENTY-THREE] When destiny...
[CHAPTER TWENTY-FOUR] I love you but...
[EPILOGUE] To love...
SOFTCOPY, anyone?
A peek to The 100th Memory (A sequel to The 100th Guy Who Passed by Her)

[CHAPTER TWENTY-FIVE] I will live...

64.1K 725 65
By FelipeNas

Chapter Twenty Five

--I will live for you--

          “Maisen, ano bang pwede naming gawin?”

          Inihiga ko ang ulo ko sa sandalan ng sofa at pumikit habang pinapakinggan ang ‘words of wisdom’ ng mga kaibigan ko.

          “Craig, kanta ka na lang. Tutal naman masalimuot ang boses mo. Baka sakaling matawa si Maisen,” pangangantyaw ni Whammy kay Craig.

          “Napakasakit mong magsalita Whammy. ‘Pag ako naging vocalist ng Kyela Marjorene, ipamumukha ko sa’yong mukha kang hito sa pamamagitan ng kantang—”

          “Sssh!” pagputol ni Zerg sa mahabang litanya na naman sana ni Craig. “Maisen, kamusta na nga pala yung girlfriend mo?”

          Agad naman akong napamulat at napabangon sa tanong na iyon ni Zerg. Then, I remembered what Avril had told me on the phone just a while ago. I smiled.

          “Maisen, call this miracle. Call this miracle… but Midori…”

 

          “Woah, Avril. You seem to be happy,” na-e-excite kong sabi dahil ang saya-saya ng boses niya sa kabilang linya. Itinigil ko maging ang ginagawa ko para lang pakinggan nang mabuti ang sasabihin niya.

 

          “The doctor said there were improvements! My God, I’m just so happy!”

 

          “Ha? Tama ba ko ng pagkakarinig?”

 

          “Yes! There were really improvements on Midori. It’s not that huge but if she continues to improve just like that, then everything will really turn out right.”

 

          “Wow! I… I’m speechless… I’d like to go there now.”

 

          “But she’s not available for visiting now. She’s still under observation with those improvements. But you can visit her later. But… today is your wedding isn’t it?”

 

          I almost forgot that. “Yes. But I promise I’ll be there. Make her know that I’m coming. Wait for me.”

 

          Binuksan ni Violet ang nakasaradong pinto para tingnan kung sino ang kumakatok doon.

          “Kailangan mo na daw pumuntang simbahan, Maisen,” sabi niya sa ‘kin matapos kausapin ang taong kumatok. Isinarado niya ulit ang pintuan.

          Tumayo na ako sa kinauupuan ko at inayos muli ang suot ko nang hawakan ako ni Terrence sa braso.

          “Do you still have to do this?”

          Napalingon ako sa mga kaibigan ko nang sabay-sabay silang nagsitayuan.

          “Maisen, you don’t have to commit suicide. If you want to die then tell me and I’ll kill you. But not in this way,” nag-aalalang saad ni Greg.

          “That’s right, Maisen,” Chancel said, still sophisticated in his black suit. “You can’t marry just to solve a problem. There could be other ways.”

          Lumapit sa ‘kin si Violet at tinapik ako sa balikat. “Escape. We’ll help you. This isn’t your life. Run away, Mr. Groom.”

          Tningnan ko isa-isa ang mga kaibigan kong kasama ko ngayon sa silid na ‘to. Lahat sila seryoso ang ekspresyon sa mukha. Their eyes were looking straightly on mine as if saying, ‘Come on. Just run away.’ Ngayon ko lang nakita ang ganitong pangungumbinsi ng mga kaibigan ko. I’ve been with them for who knows how long but it was like meeting a new side of them for the first time.

          “Just run away.”

          “Maisen! Let’s go! The bride’s already in the church!”

          Nagmamadaling pumasok si Mommy at inayos ang kwelyo ng suot ko. Pero hindi pa rin naaalis ang tingin ko sa mga kaibigan ko at ganun din naman sila sa ‘kin.

          “Why?” tanong ni Mommy na lumingon din sa direksyong tnitingnan ko. “You boys… Just talk about your matters after the wedding. Tara na sa simabahan. Nandoon na ang mga Gustav, mga anak. The girls at the church already want to see you, hot bachelors. Tara na… tara na…”

          Hinigit na ako ni Mommy palabas ng kwarto at iiling-iling na lang na nagsisunuran ang mga kaibigan ko.

          “How many times ‘til I get this one right ‘til I give up the fight and just surrender. Surrender...”

 

          “Anong title niyang kinakanta mo?” rinig kong tanong ni Whammy kay Clyde habang papalabas na kami ng bahay.

          “Surrender by Katharine McPhee. Para sa mga taong gusto nang sumuko.”

          “Ah. Nakakarelate ako.”

          And then they all sang the song even inside the limousine.

          “And they say that you don’t know what you’ve got ‘til it’s gone so I’m holding on to you.”

*

           What are the odds of loving at a state of dying?

           “I thought everything’s turning fine! What’s this!”

           “Sir… sa labas lang po tayo.”

           “Sa labas? Kung sa kamag-anak mo ba nangyari yan papayag kang sa labas ka lang?”

           “Sorry Sir… Pero ‘wag po tayong maghysterical. We will do our best.”

           

           “Eh ganyan naman lagi ang linya niyo eh!”

           “Anak… humihanahon ka.”

           Could you just leave everything behind? That easily? Without hesitation?

           “Teka lang Dad!”

           “Anak, ano ba! Gagawin nila ang lahat, lumabas na tayo!”

           Sabi ko nung una, ayoko pa…  Sabi ko hindi ko pa pala kaya… Pero bigla kong narinig ang boses niya at mahihinang tawa. Sa tinagal-tagal ng panahong hindi ako nakarinig… narinig ko siya.

           “Maisen…”

           I was calling for him. Nasaan ka ba Maisen?  Nandito ka lang ba sa tabi ko? Ang sama ng pakiramdam ko. Ang sakit… Pwede mo ba kong hawakan para malaman ko kung nandyan ka? Kailangan kita ngayon…

 

           Kasama mo ba ang Daddy at Mommy mo? May problema ba sa ospital niyo? Busy ka ba sa pagtugtog? Alam mo bang nahihirapan na talaga ako? Nahihirapan ako… hindi sa sakit ko. Pero dahil sa ilang araw ko nang hindi nararamdaman ang presensya mo. Hindi mo man lang ba talaga ako dinadalaw dahil busy ka? O talagang namamanhid na lang ang pakiramdam ko at pati ikaw… hindi ko na maramdaman?

 

           Marami ka bang ginagawa? Ganun ba kadami? Sana mabisita mo ko kahit limang minuto lang. Sinubukan kong lumaban dahil nagbabaka-sakali akong mapapansin mo ulit ako. Nagbabaka-sakali akong pupuntahan mo ulit ako… gugustuhing makita. Kahit limang minuto lang. Kahit sa maigsing panahon lang.

 

           Pero hanggang dun na lang ang kinaya ko eh. Kaya magparamdam ka naman sa ‘kin oh. Nahihirapan akong umalis. Nagiging mahirap ang lahat. I want to set you free… but how? How could I set someone free if he’s not even with me?

 

           Can you hear me Maisen? Am I still loveable in your eyes? Kasi ikaw… walang nagbago. Mahal pa rin kita.

 

           Kaya nga ba at magpakita ka na sa ‘kin. Para maging maayos na ang lahat. Para gumaan na ang pakiramdam ko.

           “What’s happening?”

           “Sir please… nakakasira po tayo sa ginagawa ditto sa loob.”

           “Okay! Okay! But please really do your best or else…”

           And all of a sudden… my sight lightened up.

 

           At nakita ko siya. Nakatingin sa akin at nakangiti. And I smiled at him, too. I gripped my hand to the necklace I am holding and slowly closed my eyes… I imagined a world where I can be truly happy. Where I may not be able to be with him. A world where it is just me. A world where I can just look at him from afar.

 

           But whatever it takes. Wherever I go. My heart only belongs to him.

 

           But I have to let go.

*

           The bells that were supposed to sound like soft laughing of angels sounded like strong drum beats… more like pounding of my heart.

          The people all had their eyes at the aisle where a very gorgeous lady walks with her long white dress. They were all chattering, talking about how good she looks even with something covering her face. They were all smiling; looking at her then will shift their attention to me as I wait for her.

          Binalingan ko ang mga kaibigan ko na nasa ikalawang hanay ng mga pews mula sa unahan. They still had that look. Iyong tingin na parang binibigyan ako ng option. Napahigpit ang pagkakahugpo ng mga kamay ko.

          “My dear son, don’t disappoint your father.”

          I nodded as I glanced at my mother who is standing beside me. Huminga ako nang malalim habang papalapit siya nang papalapit sa ‘kin. Bawat paghakbang niya ay dagugdug sa puso ko. Parang bumagal ang paggalaw ng lahat ng bagay. Parang binibigyan ako ng pagkakataon na muling mag-isip.

          Binalingan kong muli ang mga kaibigan ko. Nagsitunguhan na lang sila at humarap na sa altar. Nilingon ko rin ang mga tao sa kasal na iyon. Lahat sila ay nakangiting nakatingin sa ‘kin. At doon ko lang nalaman na nasa harap ko na pala siya.

          I saw her sweet smile at the back of that veil. And everything was in slow motion- how I got her hand, how we both stepped in front of the altar. Everything was so slow. And then I heard completely nothing but soft laughter.

          Wala nang umokupa pa sa isip ko kundi mahihinang tawa ng babaeng bumago sa buhay ko sa paraang hindi ko inaasahan.

           “’Maisen, Di ba isang beses lang naman tayong nagkita? Paanong… paano mo nasasabi ‘yang mga ganyang bagay tungkol sa ‘kin?”

 

          “Biglaan at hindi ko alam kung paano nangyari, pero inamin ko sa sariling kong mahal nga kita. Sumuko ako, at sinubukan kong ipangako sa sarili kong ayoko na. Pero hindi ko naman magawa. Siguro dahil darating talaga ang panahon na makikita kita at matutupad lahat ng gusto kong mangyari noon pa man. Destiny brought us together. Sabi nga nila, “kung tayo para sa isa’t isa, tayo talaga”.”

 

           “Pwede ba kitang… yakapin?”

 

          Hindi ko inaakalang kaya ko din palang magseryoso sa buhay. Simula nang makilala ko siya, lumalim na ang pananaw ko sa buhay ko. Naging makabuluhan lahat para sa ‘kin. I would not be what I am now if she did not come to give colors to my life. Akala ko noon, masaya at kumpleto na ako. Nagagawa ko ang mga bagay na gusto ko sa paraang gusto ko. Pero nung dumating siya sa buhay ko, doon ko naisip na ang dami palang kulang… na ang lungkot pala nang buhay ko nung wala pa siya.

           And then suddenly, voices came out of nowhere. They were random. And those scraped my heart.

           “Do you still have to do this?”

 

          “Maisen, you don’t have to commit suicide. If you want to die then tell me and I’ll kill you. But not in this way.”

 

          “That’s right, Maisen. You can’t marry just to solve a problem. There could be other ways.”

 

          “Escape. We’ll help you. This isn’t your life. Run away, Mr. Groom.”

 

          “Just run away.”

           “Maisen… Maisen…”

           Nagising ako sa mula sa malalim kong pag-iisip. Nakita ko ang mukha ni Sirri na diretso ang tingin sa ‘kin. Nilapitan rin ako ng isang sakristan at inabutan ng tubig.

           “Namumutla ka, hijo. Okay ka lang ba?” malumanay na tanong sa ‘kin ng pari sa unahan namin.

           Then everything turned into slow motion again. The small glances of the guests to ask what’s happening, my mother’s slowly approaching to the altar, the priest’s bending of head to check if I am alright… even Sirri’s blinking of eyes. And even my heartbeat. It was slowly beating… but I can loudly hear it. Like my chest is a bass drum and the beater is hardly smashing to it.

           “And they say that you don’t know what you’ve got ‘til it’s gone so I’m holding on to you. How many times ‘til I get this one right, ‘til I give up the fight and just surrender… surrender…”

 

           I can’t surrender.

           “I’m sorry, Sirri.”

           Dali-dali akong nagtatakbo palabas ng simbahan. Pipigalan pa sana ako ni Mommy nang

Madaanan ko siya nang papunta siyang altar. Nagsisigaw siya para pigilan ako pero tuloy-tuloy lang ako sa pagtakbo. Lumingon muli ako sa likod ko at nakita ko ang walang tunog na pagpalakpak ng mga kaibigan ko, ang lihim nilang ngitian at pag-ha-high five. Napangiti ako. Lalo pang lumakas ang loob ko. I was damn motivated to stop my stupidity.

           “Such a stupid brat!” I told myself as I continued running while looking for a taxi. Kung bakit nga ba naman pumayag akong magpakasal kay Sirri. I hurt her feelings. Kahit pa alam niyang labag din sa kalooban ko ang magpakasal sa kanya, alam kong nasaktan ko pa rin siya. Pero mahal ko talaga si Midori eh. Oras na magkasama kaming muli, pupuntahan ko si Sirri at hihingi ng tawad sa kanya. Ako na rin ang bahalang rumesolba ng problema ng ospital namin. Magsisikap ako.

           But as for now, I must see her. Sobrang saya ko nang makaalis ako sa kasal na iyon. I was like a bird so free to roam the heavens. Buong buhay ko, palaging mali ang nagiging desisyon ko, kaya nga ba at hindi ako marunong magdesisyon para sa sarili ko. Kailangan laging may ‘daddy’ o ‘mommy’ na nandyan para mapagtanungan kung ano nga bang dapat kong gawin. But this time, what I want to do is not their choice for me. And I can’t go with them.

           Si Midori ang dahilan ng pinakaunang magandang desisyong nagawa ko para sa sarili ko. Siya na naman. At alam kong sa unang pagkakataong ito… hindi mali ang naging desisyon ko.

           Tagaktak ang pawis ko nang makarating ako sa ospital. Walang nagawa ang airconditioner ng taxi na sinakyan ko sa kabang nararamdaman ko.

           Dali-dali akong umakyat sa fourth floor kung saan nadoroon ang kwarto ni Midori. Avril said she’s improving. And I am damn excited to see her! Kaya sa halip na gumamit pa ng elevator na may katagalang mag-load ay sa hagdan na ako dumaan.

           Tumigil ako saglit at napahawak sa mga tuhod ko habang parang sirang ngiti nang ngiti. Kung nakamamatay ang ngiti, malamang double dead na ko. Sobrang saya ko at biglang gumaan ang pakiramdam ko nang maabot ng tanaw ko ang pintuan ng kwarto niya. Naglakad ako papunta roon para ma-i-kondisyon ko ang sarili ko sa pagkikita namin.

           “Excuse me po, bossing!”

           Gumilid ako nang mula sa likod ko ay may dumaang dalawang lalaking nurse na may akay-akay na stretcher. Napangiwi ako nang makita kong may laman iyong…

           “Time of death nito, brad?” tanong nung isang nurse sa kasama niya.

           “9:35 a.m., brad. Mga five minutes ago lang.”

           Iniiwas ko ang tingin ko sa unahan ko. I really don’t like seeing dead people. I did not even glance at Lola when she died. It just brings me the creeps.

           Nang magkaroon nang agawat sa pagitan namin ay nagpatuloy na akong maglakad. Nang biglang may isang lalaking tatakbong nilampasan ako. Nabangga niya ang kaliwang balikat ko dahil sa pagkaripas niya ng takbo.

           And I just knotted my forehead when I saw the retreated back of the man.

           And then I heard a screech when he stepped on something.

           Marahan akong naglakad papunta sa bagay na iyon na natapakan niya dahil pamilyar talaga iyon sa akin. Kahit pa nasa malayo iyon… alam ko…

           Punong-puno ng kabang dinampot ko ang nahulog na iyon. And when I saw it, I was scared to touch it. Bigla kong nabitawan iyon. Biglang binalot ng takot at kaba ang puso ko. Pakiramdam ko ay nananaginip lang ako. Parang… parnag hindi totoo. Parang may mali.

           And like slow motion… I fell on my knees and my tears started to fall on the granite floor.

           My chest hurt so bad I almost lye on the floor crying. Because I’m stupid. Because I’m really stupid.

           “Crumple it, step on it, and crush it if you want to.”

 

           And she did. And now my heart is broken.

           Just like the broken heart pendant on the floor and the broken lace of a golden necklace.

You'll Also Like

2.8K 138 38
They started on the wrong foot kaya tila isang epic scene sa teleserye ang una nilang pagkikita. The least she wants is for a man to totally humiliat...
2.6M 65.5K 45
Cover Edit: NayinK Illustration: viahebumuno Toby had the mishap of falling for his best friend. But unlike any other best friend-themed love sto...
97.2K 1.2K 10
She was raise in a slum near the Pasig River, Isa siyang batang putok sa buho kung tawagin ng mga tsismosa nilang kapit bahay. By the way her mom is...
181 0 22
"Desiring Him" Love and Hatred. Happenings in life is consistent, that's what she thought. Life is full of sorrow and pain, that what she feels. But...