The 100th Guy Who Passed by H...

By FelipeNas

2.9M 29.9K 2.4K

[One of 카지노후기's Most Recommended in 2012 and 2013.] [Story published under LIB.] Wala nang kulang sa buhay... More

Dedications
[PROLOGUE] Because sometimes...
[CHAPTER ONE] Accepting...
[CHAPTER TWO] Count...
[CHAPTER THREE] Too much fame...
[CHAPTER FOUR] Because it's the beginning...
[CHAPTER FIVE] Accept the fact...
[CHAPTER SIX] Because there is...
[CHAPTER SEVEN] Meeting you again...
[CHAPTER EIGHT - 1] Words...
[CHAPTER EIGHT - 2] Words...
[CHAPTER NINE] Faces...
[CHAPTER TEN] The after effects...
[CHAPTER ELEVEN] Searching the world...
[CHAPTER TWELVE] Almost...
[CHAPTER THIRTEEN] Finally...
[CHAPTER FOURTEEN] Why...
[CHAPTER FIFTEEN] Saying... goodbye.
[CHAPTER SIXTEEN] Alone...
[CHAPTER SEVENTEEN] Just like the first time...
[CHAPTER EIGHTEEN] Happiness...
[CHAPTER NINETEEN] Nightmare...
[CHAPTER TWENTY] I just want...
[CHAPTER TWENTY-ONE] Twice the happiness...
[CHAPTER TWENTY-THREE] When destiny...
[CHAPTER TWENTY-FOUR] I love you but...
[CHAPTER TWENTY-FIVE] I will live...
[EPILOGUE] To love...
SOFTCOPY, anyone?
A peek to The 100th Memory (A sequel to The 100th Guy Who Passed by Her)

[CHAPTER TWENTY-TWO] You're still...

61.7K 688 39
By FelipeNas

Chapter Twenty-Two

--You’re still the most beautiful girl in the world to me.--

          Wala akong silbi.

          Pakiramdam ko ay nakakulong ako sa isang madilim at tahimik na kwarto. Nararamdaman kong nakagagalaw ako, humihinga. Pero hindi ko maramdamang nabubuhay ako. Kahit ano pang gawin kong pagkilos ng katawan ko, nababalewala lahat iyon. Namamanhid rin ang pakiramdam ko. Hanggang sa umabot sa puntong, parang pati paggalaw, ayoko na ring gawin.

          Malinaw sa isip ko ang mga mukha nila. Malinaw pa sa pandinig ko ang mga boses nila. Pero hanggang kelan? Hanggang saan? Ano naman ang sunod na mawawala sa ‘kin?

          Naalala ko ang pamilya ko. Naalala ko ang mga kaibigan ko. Naalala ko siya.

          Paano ako magmamahal gayong wala akong nakikita, naririnig? Paano ko maipaparamdam ang pagmamahal ko sa mga taong ito gayong pakiramdam ko, wala na akong silbi?

          Wala akong ideya sa mga nangyayari sa paligid ko. Nararamdaman ko na lang na may humila sa ‘kin at binuhat ako. Matapos iyon ay iniupo ako. Huminga ako nang malalim at nilanghap ang paligid ko. Nasa sasakyan ako. Siguro ay sa ospital ako dadalhin. Kinapa ko ang paligid ko at naramdaman ko ang nakasaradong pinto.

          Napapikit ako. Sinubukan kong ibuka ang bibig ko. Pero kahit anong gawin kong pagsasalita, wala akong marinig. Ni hindi nga ako sigurado kung may lumalabas nga ba talagang boses sa akin.

          Hanggang sa naramdaman ko ang pagbubukas ng pinto sa tabi ko. At nanggilid ang mga luha ko nang malaman ko kung sino iyon…

          Maisen’s scent…

 

          Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Naisubsob ko na lang ang mukha ko sa mga palad ko at doon nag-iiyak. Isangiyaknapakiramdamko ay walang nakaririnig… walang nakakakita. Pakiramdam ko ay mag-isa lang ako. Hindi ko alam ang gagawin ko. Natatakot ako. Hindi ko alam kung karapat-dapat pa ba ako kay Maisen. Ang sakit-sakit… Ayokong maniwalasa biro nina Jane na maaaring nakahanap na nga si Maisen ng bago. May tiwala ako sa kanya. Mahal ko siya. Pero sa ganitong kalagayan ko… alam kong kahit anong oras… maaaring iwanan at ipagpalit na ako ng mga tao sa paligid ko.

          At ang nakakalungkot pa kung mangyari man iyon… hindi ko alam na iniwan na nga nila ako.

          Dahil hindi ko na sila nakikita, hindi ko na sila naririnig.

          Natanong ko nga sa sarili ko, sapat na nga ba ang nararamdaman ng isang tao? Nakakatawa. Dahil ang lumalabas sa isip ko, ang nagdidikta sa nararamdaman ng tao ay kung anong nakikita nila o naririnig sa iba.

          Pero may kung anong nagwawala dito sa puso ko. Kaya naman pinahi ko ang mga luha ko. Dahil sa huli… ang nasusunod pa rin ay kung anong idinidikta ng puso. Na kahit diktahan ng mata o tenga, o maging ng utak, walang makakatalo sa mismong nararamdaman ng puso.

          Dahil kahit ano mang idikta sa’yo ng mundo, sa huli, ang susundin mo pa rin ay ang sinasabi ng puso mo.

*

          “So, ganun pala ang nangyari…”

          Marahan akong tumango. Nakatulala lang si Jane, marahil iniisip ang mga sinasabi ko.

          Bigla siyang matamang tumingin sa ‘kin. “Pero kahit na. Sana sinabi mo na lang kay Midori yung totoo. Na may problema ang pamilya niyo. Hindi naman gaga ang bestfriend ko ‘no. Maiintindihan nya yun. Sigurado ako.”

          Huminga ako nang malalim at muling pinaliwanag sa kanya ang bagay na iyon na ilang ulit ko nang sinasabi sa kanya. “Jane, hindi nga ganung kadali yun. Siguro nga maintindihan ni Midori na kailangan kong gawin yun, pero alam ba natin kung anong totoong mararamdaman niya sa loob niya? Pwedeng sabihin niya sa ‘tin na ayos lang yun, pero hindi niya pa rin maiiwasang hindi masaktan. Ayoko nang mangyari pa yun. Ayoko nang mamroblema pa sa ‘kin si Midori.”

          Huminga muna nang malalim si Jane bago siya nagsalita. “Oo na, sige na. Pinapatawad na kita. Ano pa nga bang magagawa ko?”

           “Pero Jane, sa tingin ko, hindi lang ako basta-basta pinakawalan ni Sirri.” Tiningnan niya akonang may pagtataka. “Kanina, bago umalis sina Avril at Midori, sinabi ko kay Avril na sasama ako. Pero ang sabi niya lang sa ‘kin, sinungaling daw ako. Naisip ko, sinabi ni Sirri sa kanya yung tungkol sa ‘min. Baka na-misinterpret ni Avril ang mga pangyayari.”

           “I told him that.”

          Sabay kaming napalingon ni Jane sa nagsalita mula sa likod naman para lang makita kung kanino nagmula ang boses na iyon.

          Napatayo ako sa kinauupuan ko at matamang tumingin sa kanya. Binigyan ko siya ng isang tingin na may halong panunumbat at pagtataka.

           “Dwaine,” napatayo rin si Jane sa kinauupuan at katulad ko ay may pagtataka rin sa mga mata niya.

          Unti-unting lumapit sa ‘min si Dwaine. Confidently, he spoke to us… He was so confident it made me hate him. “Ayoko nang sinasaktan mo si Midori.”

           “Wala kang alam—”

           “Wala nga ba? Hindi ba ikaw ang walang alam? Were you here when Midori needed you the most… just like a while ago? Wala ka dito! You don’t know how much she suffered. Enough is enough, you idiot!”

           “Dwaine! Ano ba!”

          Bagaman sinaway na ni Jane ay nagpatuloy pa rin si Dwaine sa pagsasalita. “Alam naming lahat kung gaano na kalala ang sakit ni Midori. Nagdesisyon na ang pamilya niya na ipagamot na siya sa ibang bansa. Pero ayaw sumama ni Midori. Ayaw niyang magpagamot. Ganun niya katanggap na mawawala na nga siya balang araw. Kahit ikaw isinuko na niya! Umiiyak siya gabi-gabi, nagdadasal na sana maging maayos ang pamilya niya… pati ikaw Maisen ipinagdadasal niya! Nakita ko kung gaano siya naghihirap. Bagay na hindi mo maiintindihan dahil wala ka sa tabi niya nang mga panahong hirap na hirap na siya!”

          Trying to control my anger, I clenched my fist. Hindi ko alam kung saang parte ako nagagalit. Sa pagsusumbong ba ni Dwaine kay Avril o sa katotohanang sinasabi niya. Hindi ko alam. “Sinabi mo yun kay Avril dahil may gusto ka kay Midori. Hindi ba Dwaine?”

          Sarkastikong tumawa si Dwaine. “’Wag mo ngang iniiba ang usapan Maisen. Alam kong babaero ka. Sa tagal na nating magkaibigan alam ko ang takbo ng isip mo pagdating sa babae. Nakita ko nun si Midori sa park, mag-isa at hinahanap ka. Tapos nakita na lang kita na may kausap na ibang babae, tapos ano? Iniwan mo pa si Midori nang hindi man lang sinasabi ang totoo sa kanya! Alam mo ba kung gaano ko nilaksan ang loob ko na paglapitin kayong dalawa? Binigyan ko ng pag-asa si Midori nang mga panahong wala ka. Palagi kong sinasabi sa kanya na magkikita pa kayo, kaya kailangan niyang magpagaling. Oo, may gusto ako kay Midori! Pero Maisen naman! Isinuko ko na nga yung nararamdaman ko sa kanya dahil alam kong sa’yo siya magiging masaya… tapos ano? Anong ginagawa mo?”

          Napapikit na lang ako sa mga narinig ko. Hindi ko talaga alam ang dapat kong gawin. Sumasakit na ang ulo ko. Parang nagkabuhol-buhol ang utak ko.

           “Jane,” pagtawag ko. “Pakibigay sa ‘kin ng address ng ospital.”

          Tatakbong kinuha ni Jane ang isang reseta na nakapatong sa coffee table at iniabot iyon sa akin. Agad akong nagtatakbo palabas ng bahay nina Midori para puntahan siya sa ospital. Napakarami kong dapat ipaliwanag. Napakarami kong dapat sabihin.

           “Teka,” pagpigil sana sa ‘kin ni Dwaine pero hinawakan siya ni Jane sa braso ng akmang susunod siya sa ‘kin.

           “Mag-usap nga tayo.”

          Nang makalabas na ako ng bahay ay agad akong pumara ng taxi. Biglang nag-ring ang cellphone ko. Nakita kong tumatawag si Daddy. Kinansela ko ang tawag na iyon at pinatay ang cellphone ko.

          Kung dati ay iniwan ko si Midori para sabihin sa ‘kin ni Daddy na ikakasal na kami ni Sirri, hinding-hindi ko na uulitin iyon. Sa pagkakataong ito, hindi ko na kaya pang ipagpalit si Midori.

*

          I bit my lower lip as I try to ease the pain that I’m feeling. Nakita ko siya, nakatulala at may mga luhang tumutulo sa mga mata. Tahimik siyang umiiyak habang nakaupo sa nakakatakot na kama ng ospital na iyon.

          Unti-unti akong lumapit sa kanya. Tahimik akong nagwawala. Alam kong hindi na nga siya nakakarinig at nakakakita, pero alam kong alam niya kapag nandito ako. Alam ko. Alam yun ng puso ko.

          “Maisen…”

          Pinahi niya ang mga luha niya nang tawagin niya ang pangalan ko. Kung paanong nalaman niyang nandito ako, wala rin akong ideya.

          “Maisen, nandyan ka ‘di ba?” pilit siyang ngumiti. Ipinaling-paling niya ang ulo niya na para bang hinahanap ako. “Nakikita mo ba ako?”

          Matapos kong pahiin ang mga luha sa mga mata ko ay may pumatak ulit mula roon nang marinig ko ang tanong na iyon ni Midori.

          At katulad ko… tumulo ulit ang mga luha sa mga mata niya. Nakangiti siyang umiiyak. Dahilan para lalo akong masaktan. Masaya ba siya talaga? O pinipilit lang niya dahil alam niyang nandito ako? “Nakikita mo ba ko? Naririnig mo ba ko? Kasi ako… hindi na. Hindi na kita nakikita at naririnig.”

 

          May lungkot sa huling pangungusap niyang iyon. Kaya lumapit ako sa kanya at umupo sa tabi niya. Kinuha ko ang kamay niya at inilagay iyon sa pisngi ko. Ngayon ko lang nakita ang ganitong uri ng Midori, iyong takot at maraming pangamba.

          “Hindi ko nga alam kung may lumalabas bang salita sa mga bibig ko ngayon. Wala akong naririnig mula sa sarili ko. Meron ba Maisen? Meron ba?”

          Tumango ako habang nasa psingi ko ang kamay niya, dahilan para maramdaman niya ang pag-oo ko.

          “Maisen, hindi na ko maganda. ‘Di ba sabi mo… ‘di ba sabi mo…” putol-putol niyang salita dahil sa pigil niyang pag-iyak. “Sabi mo hindi ako kasingganda nung iba? Wala na kong makita at marinig. Wala nang natirang kagandahan sa ‘kin. Wala na.”

          “Midori,” niyakap ko siya at narinig ko ang paghagulhol niya. Ramdam ko ang takot na nararamdaman niya. Nagpatuloy lang ako sa  pagsasalita kahit alam kong hindi na niya maririnig ang mga sasabihin ko. “Kung dumating man ang panahong hindi ka na rin nakakapagsalita o nakakakilos, kung dumating man yung araw na hindi mo na ko kilala. Kahit mawala man lahat sa’yo, ikaw pa rin ang pinakamagandang babae sa paningin ko.”

          At kung may magandang regalo man ang pagiging palikero ko, yun ay ang nakilala ko si Midori.

          Kaya’t ipinikit ko ang mga mata ko at nagdasal…

          Na sana, huwag dumating yung araw na ang pinakamagandang regalong natanggap ko… bawiin sa ‘kin ng Maybigay nito.

          Lord, please. Just this one.

You'll Also Like

736 53 23
[COMPLETED] (Buhay Torpe #2 : READ THE BOOK ONE FIRST BEFORE READING THIS) "Nakalimutan ka man ng isip ko, hindi ka nakalimutan ng puso ko. Kasi sayo...
27 0 12
"Love is something beautiful." But love sometimes bring a pain in our life. "Love is magical." But love can't magic our heart to love back to the per...
1.6K 91 24
You were just walking by the neighborhood when you met her. A girl bruised all over her body, running towards you. You thought at first she might att...
264K 4.7K 39
The Bride's Man Series (Book 2) "We never fall in love for the person we're supposed to" Mabel left behind when her parents died. Three years of bein...