The 100th Guy Who Passed by H...

By FelipeNas

2.9M 29.9K 2.4K

[One of 카지노후기's Most Recommended in 2012 and 2013.] [Story published under LIB.] Wala nang kulang sa buhay... More

Dedications
[PROLOGUE] Because sometimes...
[CHAPTER ONE] Accepting...
[CHAPTER TWO] Count...
[CHAPTER THREE] Too much fame...
[CHAPTER FOUR] Because it's the beginning...
[CHAPTER FIVE] Accept the fact...
[CHAPTER SIX] Because there is...
[CHAPTER SEVEN] Meeting you again...
[CHAPTER EIGHT - 1] Words...
[CHAPTER EIGHT - 2] Words...
[CHAPTER NINE] Faces...
[CHAPTER TEN] The after effects...
[CHAPTER ELEVEN] Searching the world...
[CHAPTER TWELVE] Almost...
[CHAPTER THIRTEEN] Finally...
[CHAPTER FOURTEEN] Why...
[CHAPTER FIFTEEN] Saying... goodbye.
[CHAPTER SIXTEEN] Alone...
[CHAPTER SEVENTEEN] Just like the first time...
[CHAPTER EIGHTEEN] Happiness...
[CHAPTER NINETEEN] Nightmare...
[CHAPTER TWENTY-ONE] Twice the happiness...
[CHAPTER TWENTY-TWO] You're still...
[CHAPTER TWENTY-THREE] When destiny...
[CHAPTER TWENTY-FOUR] I love you but...
[CHAPTER TWENTY-FIVE] I will live...
[EPILOGUE] To love...
SOFTCOPY, anyone?
A peek to The 100th Memory (A sequel to The 100th Guy Who Passed by Her)

[CHAPTER TWENTY] I just want...

65.5K 629 29
By FelipeNas

Chapter Twenty

--I just want you to be happy.--

           “Nakalabas ka na pala ng ospital. Hindi man lang kita napuntahan. Sorry.”

          Ngumiti si Midori nang marinig niya ang boses ko. Sinabi sa ‘kin ni Avril na gusto raw akong makita ni Midori kaya’t dinala niya ito sa isang park kung saan naghihintay siya ngayon sa ‘kin. “Maisen, kanina ka pa ba dito?”

          Umupo ako sa tabi niya. “Kadarating ko lang. I’m so sorry. I promised Avril na babalik ako kahapon pero hindi ko naman nagawa. May nangyari kasing emergency—”

          “Hindi ba emergency yung nangyari sa ‘kin?”

          Saglit akong hindi nakaimik sa sinabi niya. Nakangiti naman niyang sinabi yun pero para akong sinabugan ng bomba.

          Pero bigla siyang tumawa. “Biro lang. Alam ko naman yung ‘emergency’ na tinutukoy mo eh. Sabi ni Daddy, kinuha mo raw yung mga gamit nating naiwan dun sa seashore kaya ka biglang nawala. Ikaw talaga. Emergency na ba yun? Sobrang halaga ko ba sa’yo at ganun mo tawagin yun?”

          Nagtatakang natigilan ako sa sinabi niya. Kung alam mo lang kung ano yung ‘emergency’ na pinagpalit ko sa’yo. “Ah… Oo. Gusto mo kumain tayo? Tara, may alam—”

          “Hindi,” pagpigil niya sa sinabi ko. “May gusto lang akong sabihin sa’yo. Mahalagang bagay.”

          “Ano yun? Parang ang seryoso yata niyan?”

          “Ah… Maisen… magpapa-chemo therapy na ko. Hindi na kasi maganda ang lagay ko. Ano… kasi… Malala na ang sakit ko.”

          Nag-aalala ang tono niya kaya naman pinilit kong maging masaya para kahit papaano ay mapawi iyon. “Yun ba ang pinag-aalala mo? Walang malalang sakit. Kakayanin mo ‘yang chemo, Midori. Sasamahan kita. At hinding-hindi ako aalis sa tabi mo. ‘Wag kang matatakot kasi nandito lang naman kami. Gagaling ka ‘di ba? Ikakasal pa tayo sa future at magkakaanak. Kiss lang katapat niyan. Kaya nga ba’t sagutin mo na--”

          “Maisen, hindi.”

          Unti-unti akong napalingon sa kanya nang punong-puno ng pagtataka. “Ha?”

          “Naisip ko kasi…” ngumiti siya at pinilit na maging masaya kahit naman halatang napipilitan lang siya. “Syempre. Hindi naman ordinaryo ang kalagayan ko. Mamaya niyan bigla na lang akong mangisay diyan. Hehe. Ano kasi… Malala na talaga yung sakit ko. Hindi na normal ang buhay ko. Tapos ikaw, napakarami mo pang pwedeng magawa. Lalo na at sikat ka. Kaya gawin mong normal yung buhay mo. Mas magiging matagumpay ka kung… kung wala ako—”

          Napahawak ako sa dibdib ko nang may maramdaman akong kakaiba doon. “What do you mean?”

          “Maisen,” huminga siya nang malalim. “Maisen, itigil na natin ‘to. Sa tingin ko mas magiging masaya tayong dalawa kung… kung magkanya-kanya tayo. Ikaw, hindi mo na ko poproblemahin—”

          “Naiintindihan mo ba ‘yang mga sinasabi mo?” naluluhang sabi ko. Hindi ko sana ilalabas ang ganitong nararamdaman ko dahil baka makaapekto iyon kay Midori. Pero hindi ko kasi matanggap itong iniaalok niya sa ‘kin ngayon.

          “Ang sa ‘kin lang naman, sa tingin ko, mas magiging masaya ka kung wala ako.”

          “Ha?” sarkastikong tumawa ako. “So that’s what you think. Tatanungin kita. Magiging mas masaya ka ba kung wala ako sa buhay mo?”

          Umiling siya.

          “Eh bakit mo ginagawa ‘to? Bakit kaligayahan ko lang ang iniisip mo? Alam mo bang hindi ko alam kung kakayanin ko pang mawala ka ulit sa ‘kin, lalo pa ngayon at nakita na kita? Alam mo ba kung gaano kahirap yung ang tagal kong nagtiis na hindi ka nakikita? Alam mo ba kung gaano ko muntikang saktan ang sarili ko nang malaman kong ganito na ang kalagayan mo pagkatapos wala man lang akong nagawa? Midori naman! ‘Wag naman ganito…”

          “Maisen… ano lang kasi…”

          “May problema ba sa ‘kin? Sabihin mo lang, babaguhin ko. Para sa’yo. Pero ‘wag mo naman akong alisin sa buhay mo. Midori… please…”

           Kumapa siya sa hangin at nang maabot ang balikat ko ay niyakap niya ako. “Sorry Maisen. Binabawi ko na yung sinasabi ko. Hindi ko na uulitin. Akala ko lang kasi mas magiging maayos ang lahat kapag ginawa natin yun. Sorry.”

          Niyakap ko rin siya habang pinapawi ang namumuong luha sa mga mata ko. “I won’t leave you, okay? So please hold on tight. Gagaling ka, Midori. You’re cancer will never be a big deal to me.”

          “Sorry, Maisen,” nanginginig ang boses na sabi niya, dahilan para mapahiwalay ako sa yakap niya.

          “Hey… don’t cry.”

          “Iniisip ko lang kasi… Ang bait-bait mo sa ‘kin. Nakakairita na siguro yung kalagayan ko. Hindi ako nakakakita. Kung ano-anong nangyayari sa ‘kin. Tapos ikaw palaging nandyan para sa ‘kin.”

          “Because it’s you. Kung sa ibang tao hindi ko gagawin ‘to. Pero dahil ikaw ‘yan, ginagawa ko ang best ko. ‘Coz I really really love you. Do you love me, too?”

          Tumango siya habang pinapahi ang mga luha niya. “And if you’d ask me again… Yes. I want to be your girlfriend.”

          Namuo muli ang mga luha sa mga mata ko. Masasayang luha sa isang pakiramdam na ngayon ko lang naramdaman. Niyakap ko muli sa si Midori dahil sa sobrang saya ko. “Thank you! I’ll do my best to make you happy. I’ll be always by your side when you need me. I promise, Midori.”

          “You don’t have to. You just have to be happy, and that will make me happy, too.”

          Kaligayahan. Yun yung nararamdaman ko ngayon. Inalis ko lahat ng pangamba sa isip ko. Inisip kong normal lang ang takbo ng buhay ko. Na para bang wala akong problema. Na para bang kami lang ni Midori ang tao sa mundo at wala kaming takot gawin ang mga bagay-bagay na makapagpapasaya sa amin.

          Pero nawala ang lahat ng ngiti ko…

          Nang sa di-kalayuan ay nakita ko ang isang taong pilit na gumugulo sa buhay ko. Papalapit siya sa amin dala-dala ang isang ngiti na ikinabilis ng tibok ng puso ko.

          “Midori, teka lang...”

          Humiwalay ako sa kanya at nagtatakbo papunta sa babaeng iyon.

          “So… you broke up with her?”

          Isang nakagugulat na tango lang ang naisagot ko. Kung ‘hindi’ kasi ang isinagot ko, siguradong gagawa ng eksena itong si Sirri. Ayoko nang madamay pa si Midori dito.

          “Let’s go. The designer’s waiting. I want to be married as soon as possible.”

          “Ayokong magpakasal sa’yo.”

          “Really, Mark Isen?” she said forming an evil smile on her lips. “Pero kahit ayaw mo, kailangan eh. Your Dad owed us a huge amount of money. Oops! Hindi niya nga pala nabanggit sa’yo yun. Well, nadulas na ko, ano pa nga bang magagawa ko. Eh kasi naman… maghihiwalay sila ng Mommy mo kapag hindi siya nakakuha ng ganung kalaking halaga ng pera. Nabanggit niya naman sa’yo yun hindi ba?”

          Sa halip na magtanong pa tungkol sa mga mabibigat na rebelasyon ni Sirri ay naiyukom ko na lang ang mga palad ko kasabay ng paniningkit ng mga mata ko. “What do you want?”

          “You. I want you, Maisen. And I want to be Sirri de la Fuente. Isn’t that a good name?”

          “Kung pakakasalan kita, anong kapalit?”

          “Your wealth. Your turned down hospitals. Your father’s dignity. Your Mom’s woe. Reunion of the de la Fuente family. Your reputation. And of course… you’ll have me.”

          Iniiwas ko ang tingin ko kay Sirri dahil kapag nagtagal pa iyon, baka kung ano na ang magawa ko sa kanya.

          “So… what now? Deal?”

          Huminga muna ako nang malalim bago binitawan ang isang salitang labag man sa kalooban ko, pero paulit-ulit na idinidikta ng isipan ko.

          “Deal.”

*

          “Midori!”

          Pinakiramdaman kong mabuti kung saan galing ang boses na tumawag sa kin at kung sino iyong tumawag sa pangalan ko. “Dwaine?”

          “Bakit mag-isa ka?” naramdaman kong may umupo sa kanan ko, kung saan nakaupo si Maisen bago siya saglit na umalis.

          “Ah. Kasama ko si Maisen kanina. Bigla siyang umalis saglit. Pero babalik rin naman yun. Nandito lang ba siya sa paligid ngayon? Nakikita mo ba siya?”

          “May kausap siyang babae—”

          “Ha?” kunot-noong tanong ko.

          “Ah. H-hindi. Biro lang! Wala yun. Ano… wala naman si Maisen dito sa paligid eh. Baka may… baka may binibili lang,” tumikhim muna siya bago nagsalita ulit. “Midori, mahal na mahal mo ba talaga si Maisen?”

          Huminga ako nang malalim bago sumagot sa tanong niya. “Oo naman. Bakit?”

          “Sa tingin mo, mahal ka ba niya? Ramdam mo bang mahal ka niya? Sa tingin mo, hindi ka ba niya lolokohin o paaasahin lang?”

          Kunot-noong bumaling ako sa direksyon kung saan nagmumula ang boses ni Dwaine. “Mahal niya ko at hindi niya gagawin yun. Bakit parang biglaang ayaw mo yata kay Maisen? ‘Di ba sabi mo naging kaibigan mo siya at sabi mo rin sa ‘kin dati, mabuting tao siya. ‘Di ba?”

          “Ah, oo. Oo naman. Pero tinatanong ko lang kung gaano ka kasigurado. Ayoko kasing masaktan ka sa huli.”

          “Bakit naman ako masasaktan?”

          “Hay… wala yun. Never mind. By the way, nakilala ko na nga pala yung bestfriend mong si Jane. Schoolmate pala natin siya nung high school. Maganda siya ha.”

          Napangiti ako dahil sa sinabi ni Dwaine. “Ikaw Dwaine ha. Type mo si Jane ‘no?”

          “Bakit? Masama ba? Mahal pa rin kita pero hanggang veins ka na lang. Tutal may Maisen ka na rin naman at kahit anong gawin ko, hanggang friends lang tayo. Tanggap ko na yun. Pero si Jane, nasa oxygenated blood cells ko na siya at papunta na siya sa puso ko. Malapit na.”

          “Grabe, eh isang beses pa lang naman yata kayong nagkakakilala,” natatawang sabi ko. Naaalala ko na naman yung mga panahong bina-basted ni Jane ang mga manliligaw niya. Napaka-choosy niya kasi sa lalaki. Kapag may nakita siyang ayaw niya, katulad ng mahahabang kuko sa lalaki, kahit pa gaano kabait ang nanliligaw ay i-re-reject niya iyon. “’Wag na ‘wag mong sasaktan o lolokohin si Jane ha. Kundi lagot ka sa ‘kin.”

          “Midori…”

          Nag-angat ako ng tingin nang marinig ko ang boses na iyon. “Maisen, saan ka galing?”

          “Ah… I need to go now. I’m so sorry, I can’t drive you home. I’ll just call Avril, is that okay?”

          “Bakit? Saan ka pupunta?”

          “Emergency. Teka, tatawagan ko lang—”

          “Hindi p’re. Ako na,” pagsingit ni Dwaine. “Ako na ang bahala kay Midori. Tutal naman parang may mas mahalaga kang gagawin.”

 

          “Dwaine,” pagsaway ko sa kanya dahil sa sarkastikong tono ng pananalita niya. “Mahalaga naman siguro talaga yung gagawin ni Maisen. Sige na, Maisen. Umuna ka na.”

          “I’m so sorry. I’m really really sorry. Don’t worry, babawi ako. Promise,” At matapos nyang mamaalam ay mga yabag na lang niya na unti-unting nawawala ang narinig ko.

          “Ihatid mo na ko pauwi!” nakangiti at masiglang sabi ko kay Dwaine. Para kasing na-bad trip siya sa biglang pamamaalam ni Maisen na wala namang kaso sa ‘kin. Baka naman kasi importante talaga yung gagawin niya.

          Hinila niya ako patayo at nagsimula na kaming maglakad nang mabilis.

          “Uy! Dahan-dahan naman! Baka madapa ako niyan!”

          “Hindi kita ihahatid pauwi!”

          “Aba, saan mo ko dadalhin?”

          “Sabihin mo sa ‘kin kung saan nakatira ang bestfriend mo. Pupuntahan natin si Jane. Kaya bilisan mong maglakad! Bad trip oh!”

You'll Also Like

1.6K 91 24
You were just walking by the neighborhood when you met her. A girl bruised all over her body, running towards you. You thought at first she might att...
3.9K 131 24
They will leave and they'll back?do you want to take the risk para balikan yung taong nagpaguho ng mundo mo?
2.8K 138 38
They started on the wrong foot kaya tila isang epic scene sa teleserye ang una nilang pagkikita. The least she wants is for a man to totally humiliat...
465 20 12
"But I'll abide for my time right now. Pero darating din ang araw na mas bibigyan pa kita ng mas higit pa sa nakukuha mo mula sa trabaho mo ngayon...