The 100th Guy Who Passed by H...

By FelipeNas

2.9M 29.9K 2.4K

[One of 카지노후기's Most Recommended in 2012 and 2013.] [Story published under LIB.] Wala nang kulang sa buhay... More

Dedications
[PROLOGUE] Because sometimes...
[CHAPTER ONE] Accepting...
[CHAPTER TWO] Count...
[CHAPTER THREE] Too much fame...
[CHAPTER FOUR] Because it's the beginning...
[CHAPTER FIVE] Accept the fact...
[CHAPTER SIX] Because there is...
[CHAPTER SEVEN] Meeting you again...
[CHAPTER EIGHT - 1] Words...
[CHAPTER EIGHT - 2] Words...
[CHAPTER NINE] Faces...
[CHAPTER TEN] The after effects...
[CHAPTER ELEVEN] Searching the world...
[CHAPTER TWELVE] Almost...
[CHAPTER THIRTEEN] Finally...
[CHAPTER FOURTEEN] Why...
[CHAPTER FIFTEEN] Saying... goodbye.
[CHAPTER SIXTEEN] Alone...
[CHAPTER SEVENTEEN] Just like the first time...
[CHAPTER EIGHTEEN] Happiness...
[CHAPTER TWENTY] I just want...
[CHAPTER TWENTY-ONE] Twice the happiness...
[CHAPTER TWENTY-TWO] You're still...
[CHAPTER TWENTY-THREE] When destiny...
[CHAPTER TWENTY-FOUR] I love you but...
[CHAPTER TWENTY-FIVE] I will live...
[EPILOGUE] To love...
SOFTCOPY, anyone?
A peek to The 100th Memory (A sequel to The 100th Guy Who Passed by Her)

[CHAPTER NINETEEN] Nightmare...

66.3K 667 48
By FelipeNas

Chapter Nineteen

--Nightmare of the past and present.--

          “Avril, she’ll be fine, right?”

          “Yes, of course.”

          “Maisen,” nilingon ko ang tatay ni Midori na kalmadong tinawag ang pangalan ko. “Did you two do anything very tiring? Why did she collapse?”

          “Hindi po. Actually, I brought her to the seashore. We were just talking and I was just explaining things to her. And then… it happened. I’m so sorry, Tito.”

          “No, it’s not your fault. Just you two,” aniyang ang tinutukoy ay kaming dalawa ni Avril. “’Wag niyo na muna itong ipapaalam kay Meg. Ako na ang bahalang magsabi sa kanya.”

          Tumango kami ni Avril bilang pagsagot. Kasabay noon ay ang pag-ring ng cellphone ko.

          “Excuse me,” sabi ko sa kanila kasabay ang paglayo at pagsagot doon. “Hello, Dad?”

          “I haven’t seen you in this house for millions of years,” my Dad exaggerated.

          “Dito ako sa condo natin sa Viewland natutulog. And Dad. You have some things to explain to me. Buti na lang naalala ko,” sabi ko na ang tinutukoy ay ang paglilihim niya sa ‘kin na may malalang sakit si Midori.

          “Yes, I really have a lot to explain to you. Kaya nga ba’t nagpasundo ako sa’yo noon sa Viewland at namalagi dito sa bahay. Tapos hindi mo naman ako sinundo at ngayon, ikaw naman ang wala dito.”

          Nanatili lang akong tahimik. Sa totoo lang, hindi naman ako interesado sa kung anomang ipapaliwanag niya. My mind is occupied with my girl’s condition. Nag-aalala ako para kay Midori.

          “Just go home now.”

          “What?” gulat kong tanong. Ang akala ko ay kaya siya tumawag ay para lang kamustahin ako. “But Dad, I can’t. I’m in a very important situation right now. I can’t leave.”

          “Fine. Then just forget about the family. Napakahalaga ng dapat nating pag-usapan. They are waiting for you.”

          “Who ‘they’?”

          “Don’t ask anymore. You should know who. Just go home now if you don’t want to be the downfall of your precious father. Take my command, Mark Isen de la Fuente,” seryosong sabi niya. At kabisado ko ang tatay ko. He’s really serious and I’m dead meat if I don’t take his orders right away.

          Wala na akong nagawa kundi ang kapalan ang mukha kong magpaalam at humingi ng tawad sa tatay at kapatid ni Midori. I know she’ll be fine. She has to. Pero sa ngayon, kailangan ko munang puntahan si Daddy.

          “I’m sure ikaw ang una niyang hahanapin paggising niya,” pahabol na wika ni Avril na dahilan para muntikan na akong hindi umalis.

          “Pakisabi sa kanya, babalik ako, pangako.”

*

          “Midori, how are you feeling?”

          Narinig ko ang boses ni Kuya Avril sa mula sa kaliwang bahagi ko. Pero sa halip na sagutin ang tanong niya ay ibang bagay ang unang pumasok sa isip ko. “S-si Maisen, Kuya? Asan siya?”

          “Ah… Ano kasi…”

          “Kinukuha lang niya yung mga naiwan mong gamit dun sa pinuntahan niyo kanina. Babalik din yun,” pagsabad ni Daddy. “Kamusta ka na?”

          Ngumiti ako. Akala ko ay panaginip alng lahat ng nangyari kanina. Totoo pala. At kung bakit man wala si Maisen ngayon dito ay ako pa rin ang dahilan. Palagi na lang niya kong inuuuna. “Maayos naman po ang pakiramdam ko. Normal lang po, katulad ng dati.”

          “Ano ba talagang nangyari sa’yo kanina? We’re worried,” nag-aalalang tanong ni Kuya Avril kasabay ng paghawak niya sa kaliwang kamay ko.

          “Hindi ko nga maintindihan. Parang bigla na lang akong nakatulog. Para kong halamang nalanta. Hindi ako makaibo. Pero nairirinig ko naman yung boses ni Maisen. Hindi ko talaga alam.”

          Saglit na katahimikan ang namagitan sa amin bago magsalita si Daddy. “Anak…”

          “Po?”

          “Kailangan mo nang magpa-chemo therapy.”

          “Daddy… alam niyo naman pong ayoko ‘di ba?”

          “Pero Midori, kailangang-kailangan mo nang sumailalim dun.”

          Humiga muli ako at ipinikit ang mga mata ko para magpanggap na mas gugustuhin ko pang matulog kaysa marinig ang pangungulit nila sa ‘kin na sumailalim sa ganoong therapy.

          “We want you to live, Midori,” mariing sabi ni Kuya Avril. “I want to see you get a career. I want you to marry a good guy, have children, and raise a family. Midori, hindi na maganda ang kalagayan mo—”

          “Jan Avril…” pagtawag ni Daddy sa pangalan ni Kuya na parang inuutusan itong huwag nang ituloy ang sasabihin.

          Pero nagpatuloy pa rin si Kuya sa pagsasalita dahilan para mapamulat ako. “Sabi ng doktor malapit ka na raw hindi makarinig—“

          “Jan Avril!”

          “Sabi rin ng doctor na kung hindi ka magpapachemo therapy, baka hindi na tumagal ng isang buwan ang buhay mo.”

          Kasabay ng tila pagsabog ng bomba sa puso ko dahil sa narinig ko ay ang isang malakas ng pagbagsak ng kamay na mas lalong ikinagulat ko.

          “Sige, Daddy…” nanginginig ang boses na sabi ni Kuya Avril. “Sige, sampalin mo ko. Paulit-ulit. Pero hindi ko na babawiin ang sinabi ko. Hanggang kelan ba natin itatago kay Midori ang kalagayan niya? Paano siya papayag kung ang palaging iniisip niya ay tatagal pa siya gayong maaaring hindi na naman? Alam ba natin ang mangyayari sa kanya bukas? O sa isang araw? Walang nakakaalam!”

          Nanatili ang katahimikan. Nanggigilid na ang mga luha sa mga mata ko.

          “Ang problema kasi sa inyo palagi niyong pinapaasa si Midori na okay pa siya. Dad naman! Kailangan niyang malaman ang totoo!”

          Wala na akong kung anomang narinig pa kundi ang pagbagsak ng pintuan. Maaring hudyat na lumabas doon si Kuya Avril.

          Gaano nga ba ako kasigurado? Saan nga ba papunta ang buhay ko? Hindi ko alam. Pero natatakot ako. Noon, sinabi ko sa sarili kong okay lang na mamatay na ko. Maayos na naman ang lahat ng tao sa paligid ko eh. Kahit wala ako, mabubuhay pa rin sila. Pero habang tumatagal, mas lalo kong nararamdaman na gusto ko pang mabuhay. Napakaraming dahilan kung bakit. At binabawi ko na ang sinabi kong ayos lang na mawala na ako sa mundo.

          “Daddy… naniniwala ka ba sa himala?”

*

          “Why are you here?”

          Masamang tiningnan ko ang babaeng nakangiting nakaupo sa sofa ng living room namin. “You’re so harsh. Didi you miss me?”

          “Shut up.”

          “Maisen,” pagtawag sa ‘kin ng Daddy ko na nasa kabilang sofa. “It’s not a good way to welcome visitors.”

          “Magpapaliwanag ka pa sa ‘kin Dad.”

          Tiningnan muna ng Daddy ko si Sirri na hindi nawawala ang ngiti sa mukha. “Sirri, you can leave, tutal your parents had already left, too. Ako na ang bahalang kumausap kay Maisen.”

          Tumayo si Sirri at hinalikan ako sa pisngi at saka siya nagpaalam. Nang makaalis na siya ay agad kong kinuwestyon si Daddy.

          “Bakit hindi mo sa ‘kin sinabing may brain cancer pala si Midori Vivero?”

          “Dahil kung sinabi ko sa’yo, hindi mangyayari ang araw na ito.”

          Kunot-noong nilingon ko siya.

          “Just a year ago, nasilip ng Gustav Group of Companies na may anomalyang nagaganap sa ospital natin. Bagay na hindi ko napansin dahil nang mga panahong iyon ay nasa ibang bansa ako. We were frauded by the VP of our hospitals. At ngayon ko nararamdaman lahat ng epekto ng ginawa niyang iyon.

          “Our hospitals are facing a major problem, my son. We even have to shut down our hospitals in Maguindanao and Cebu City just for the other hospitals to be unaffected. But I doubt na hindi nga sila maaapektuhan. Dahil ang pinakamahalagang ospital natin ay malapit na ring magsara.”

          “Are you talking about the neurology hospital?”

          “Exactly.”

          “So, anong kinalaman nito sa paglilihim na ginawa mo?”

           “With Sirri Gustav, simula ngayon araw na ito… You’ll be busy with your wedding.”

          “What?” gulat na gulat na tanong ko na may kasunod pang sarkastikong pagtawa. “You gotta be kidding me.”

          “This is the only way, Maisen, to save our precious business. Matagal ko nang nakausap ang mga Gustav tungkol sa bagay na ito. Inilihim ko sa’yo ang kalagayan ni Midori dahil gusto kitang ilayo sa kanya. Napakabait nga ng mga Gustav, lalo na si Sirri. Siya ang nag-volunteer na pa-imbestigahan ang anomalyang iyon and now look… Nakakulong na ang mga may sala.”

          “Nasisiraan ka na ba ng bait Dad? Can’t you see? May ibang intensyon talaga si Sirri kaya niya iyon ginawa. Una pa lang, malamang naka-plano na lahat ito. Iipitin niya akong magpakasal sa kanya para maisalba ang mga ospital natin at bilang utang na loob na rin. You know that Sirri is crazy. She even attempted suicide just so she could get me. She entered our mental hospital in Visayas and even escaped for many times just so she could see me. Dad, she just wants me!”

          “Whatever it is, Maisen, I don’t really care. You will marry, Sirri. It’s final.”

          Doon ako tuluyang bumigay. Hindi ko inaakalang aabot sa ganitong punto si Daddy, na handa siyang ipamigay ako para lang sa ikabubuti ng negosyo namin. “Eh ano ba naman ngayon kung magsara ‘yang mga ospital na ‘yan? Kaya ko kayong buhayin ni Mommy. I’m an international artist, Dad. Marami rin naman tayong ipon sa bangko. Ako rin. Kaya nating mabuhay kahit wala ‘yang ospital na ‘yan.”

          Dali-daling lumapit sa ‘kin si Daddy at kinuwelyuhan ako. “Idiot! Isa tayo sa mga malalaking establisyimento na nakatutulong sa paglago ng ekonomiya ng bansa. Kapag nawala tayo sa industriya, isipin mo na lang ang mangyayari. Kahihiyan yun ng pamilya natin! Sa tingin mo, sisikat ka parin pagkatapos nun? Maisen, ikaw ang nasisiraan ng bait. Isipin mo na lang ang dami ng mga taong nakadepende sa ospital natin. Yung mga taong umaasa sa murang pagpapagamot, sa scholarship… We are actually helping our country. And if you don’t care about those people depending on us, well you have nothing to do because I still insist you marry Sirri.”

           “Why Dad? Why now!” naluluhang sigaw ko. “Kailangan ako ni Midori. She’s suffering brain cancer. Dad, nasa ospital nga siya ngayon pero iniwan ko siya para dito sa walang kwentang sasabihin mo! Bakit mo ko ilalayo sa isang taong kailangang-kailangan ako. Ha?!”

          Binitiwan niya ako at naglagay ng wine sa wine glass na nakapatong sa coffee table. “Anyway, mamamatay rin naman siya.”

          Galit na kinuha ko ang wine glass na hawak niya at itinapon iyon sa kung saan. “What did you just say?! How dare you say that! Ano bang nangyayari sa’yo? Hindi ka naman ganyan dati ah! Dati, ako palagi ang iniisip mo. And how could you say that to someone who’s fighting against cancer?! Isipin mo na lang si lola nung namatay siya! Ang sama mo!”

           “Iyon ang katotohanan Maisen. Mamatay rin si Midori. Mahalin mo man siya ngayon pero mawawala rin siya sa huli. Sasayangin mo lang ang mga panahon mo at kay Sirri ka pa rin babagsak. Kaya ngayon pa lang, pag-aralan mo nang iwan ‘yang girlfriend mong malubha na ang kalagayan para hindi ka na mag-iiiyak kung sakaling mawala na siya.”

          Pigil na pigil ang galit kong iniyukom ang mga palad ko. Nakakagalit, nakakainis. Pero wala akong magawa. Malaki pa rin ang respeto at pagmamahal ko sa tatay ko. Kaya bago pa iyon tuluyang mawala ay nagtatakbo na ako papunta sa kwarto ko. Paanong nasasabi niya ang mga ganoong bagay?

           “Choose, Maisen. That girl. Or your family. If you choose her, then leave us and let thousands of people blame you for your cowardice. But if you choose us, you’ll just have to go with Sirri in planning your wedding, marry her and be happier than ever.”

          Ano nga ba ang tamang piliin ko? Mahal na mahal ko si Midori at hindi ko makakayanang magpakasal sa iba. Naniniwala akong hindi siya mamamatay. She’ll live… for me. For us. Sa kanya ko nakikita ang hinaharap ko. Sa kanya lang ako magiging masaya.

          Pero mahal ko rin ang pamilya ko. Tama naman si Daddy eh. Maraming tao ang nakadepende sa ospital namin. At hindi ko kakayaning mawala ang pag-asa nila nang dahil lang sa ‘kin. Ang hirap. Sobrang hirap.

         

          But if you choose us, you’ll just have to go with Sirri in planning your wedding…

 

          Sa ngayon, gagawin ko muna ang maliit na bagay na pwede kong gawin para masolosyunan ang problema kong ito.

          “Midori… patawarin mo ko.”

You'll Also Like

736 53 23
[COMPLETED] (Buhay Torpe #2 : READ THE BOOK ONE FIRST BEFORE READING THIS) "Nakalimutan ka man ng isip ko, hindi ka nakalimutan ng puso ko. Kasi sayo...
57 1 22
this is an imaginary fiction through my ideal guy/boyfriend.. lahat nang nangyari is kathang isio lamang sa buhay ko... and yes ako Yong nagsulat nit...
1K 32 20
You cheated on her. She left then you realized you love her. Pero pano kung nang subukan mong bumalik sa buhay niya, hindi ka na niya naaalala? At ma...
181 0 22
"Desiring Him" Love and Hatred. Happenings in life is consistent, that's what she thought. Life is full of sorrow and pain, that what she feels. But...