The 100th Guy Who Passed by H...
By FelipeNas
[One of 카지노후기's Most Recommended in 2012 and 2013.] [Story published under LIB.] Wala nang kulang sa buhay... More
[One of 카지노후기's Most Recommended in 2012 and 2013.] [Story published under LIB.] Wala nang kulang sa buhay... More
Chapter Seventeen
--Just like the first time, it’s happy.--
“Avril… hindi ako nakikipagbiruan sa’yo. Totoo ba ‘yang sinasabi mo?”
Tumango si Avril dahilan para tila unti-unting gumuho ang mundo ko. Hindi ako makapaniwala na naririnig ko ang mga bagay na ito ngayon pa kung kelan dapat ay masaya ako dahil magkikita na ulit kami ni Midori. “Ayaw ka niyang harapin. Pero alam ko namang hindi talaga yun ang gusto ng kapatid ko. Kaya sige na, Maisen. Puntahan mo na siya.”
Pagkasabing-pagkasabi niya noon ay agad-agad akong nagtatakbo paakyat sa bahay nila nang bigla ulit tawagin ni Avril ang atensyon ko.
“Pangatlong kwarto sa kaliwa, katabi ng music room. Oras na makita mo si Midori, ‘wag na ‘wag mo siyang sasaktan o iiwan.”
Tumango ako bilang pagsang-ayon sa kanya. Kahit hindi sabihin iyon ni Avril, alam ko na ang dapat kong gawin. Matagal kong hinintay itong pagkakataong ito. At ngayon na nasa akin na, hindi ko na ‘to pakakawalan. Sabi nga ng isang sikat na linya, “Bago ka bumitiw, isipin mo muna kung bakit ka kumapit nang ganyang katagal.” Matagal kong hinintay si Midori kahit pa nakakatawang sabihin kong sinusubukan kong mag-“move on” kahit hindi naman kami. Pero nandito na siya malapit sa ‘kin. Wala nang rason para maduwag pa ako.
Nang marating ko na ang kwartong tinutukoy ni Avril ay dahan-dahan kong binuksan ang pintuang iyon. Natagpuan ko siya roon, nakaupo sa kama niya, nakatingin sa akin kahit alam kong wala namang direksyon ang mga tingin niya.
“Kuya…” pagtawag niya. Akala niya siguro ay ako si Avril. “Kuya, anong sabi niya? Umalis na ba siya?”
Dahan-dahan akong lumapit sa kanya. Umupo ako sa tabi niya at iniangat ang mga kamay ko para hawakan ang mukha niya. At nang magawa ko iyon, bigla na lang may tumulong luha sa mata niya.
“Kuya naman eh… ‘wag mo nga kong takutin. Bakit ‘di ka sumasagot?”
Pinalis niya ang kamay ko nang hindi pa rin ako magsalita.
“Sino ka? Si Kuya Avril ka ba? Alam mo bang natatakot na ako ngayon? Sumagot ka nga! Si Kuya Avril ka ba?”
“Midori,”
Nang marinig ang boses na iyon ay bakas ang gulat sa mga mata niya. At lalo pang nagpatuloy ang mga luha sa paglabas doon kahit pa pinipilit niyang pigilan ang mga iyon.
“Pinag-alala mo ko.”
“S-sino ka?”
“Maisen. Kung hindi mo naaalala, ako si Maisen.”
“Bakit ka nandito?” pilit niyang pinatatag ang nanghihina niyang boses. Tumingin pa siya sa direksyon ko, nagpapanggap na maayos siya. Pero kahit kelan, kahit isang beses lang kaming nagkasama, alam ko kung kelan nahihirapan siya. Alam kong may gusto siyang itago sa ‘kin.
“Kasi nandito ka,” matapat na sagot ko. “Midori, kung alam mo lang kung gaano kahirap nung mga panahong wala ka. Mababaliw ako. Dahil sa isang babaeng isa beses ko lang namang nakita, mababaliw ako.”
“A-alam mo na ba?” nag-aalalang tanong niya na ang tinutukoy ay ang sakit niya. Alam ko na. Alam kong may brain cancer siya at malala na iyon. Alam kong hindi na siya nakakakita. Alam kong unti-unti na ring kinakain na sakit niya ang kakayahang niyang makarinig. Sinabi sa akin ni Avril ang mga bagay na naging dahilan kung bakit sa matagal na panahon ay hindi nagawa ni Midori na kilalanin pa ako.
Tumango ako na parang nakikita niya ang ginawa ko. Pero sapat na ang katahimikan para malaman niya ang sagot ko sa tanong na iyon.
“Kaya ka ba nandito… dahil alam mo na? Kasi naaawa ka sa 'kin?” kalmadong tanong niya kasabay ng pilit niyang ngiti.
“Hindi. Nandito ako kasi hindi ko kayang pakawalan yung pagkakataong ‘to. Matagal ko nang hinihintay ‘to. At kahit anong mangyari, hinding-hindi na ako aalis sa tabi mo.”
“Pero, Maisen…”
“Bakit? Ayaw mo ba kong makasama?” tanong ko kasabay ng paghawak sa kamay niya.
“Mali ‘to. Hi… Hindi na ko nakakakita,” biglang nagkaroon ng halong lungkot at pag-aalala sa boses niya. “Malapit na rin akong mawalan ng pandinig. Darating rin ang panahong hindi na ko makakapagsalita… makakakilos…”
“Hindi ‘yan totoo…” pagpigil ko sa mga sinasabi niya pero nagpatuloy pa rin siya sa pagsasalita at lalo pa niyang nilaksan ang boses niya.
“Hindi na ko makakagawa ng kahit na ano. Baka dumating rin ang panahon, mawalan na rin ako ng nararamdaman. Maraming pwedeng mangyari, Maisen. Marami! Mali ‘to, dahil darating ang panahong mamamatay rin ako!”
“Hindi ka mamamatay!” pagsigaw ko na ikinagulat naman niya. Sinubukan kong kalmahin muna ang sarili ko at huwag umiyak. Ayokong maging mahina. Kailangan ni Midori nang magpapalakas ng loob niya at sisiguraduhin kong magagawa ko iyon. “Alam mo ba kung bakit namatay si ***? Kasi palagi niyang sinasabi na mamamatay na siya! Dito ka lang sa tabi ko, Midori. ‘Wag kang matakot. Po-protektahan kita hangga’t kaya ko. At kakayanin ko hanggang sa mawala na ko sa mundo. Hindi ka mamamatay. Malalabanan mo ang sakit mo.”
“Natatakot ako…” unti-unti siyang nanlumo at umiyak sa mga palad niya.
Niyakap ko siya nang mahigpit. Nasasaktan ako. Sobra. Pakiramdam ko ang daming sandali ang nasayang. Bakit nga ba kasi hindi ko ipinagpatuloy ang paghahanap kay Midori? Bakit nga ba tinanggap ko nang ganun-ganun na lang ang pamamaalam niya sa akin?
Naging duwag akong harapin siya dahil natatakot akong iwanan na naman niya ako habang ako, ipinagpipilitan ang sarili ko sa kanya. Pero ngayon, sisiguraduhin kong ako ang magiging pinakamatapang na taong hindi aalis sa tabi niya. Kailangan niya ko, at mas lalong kailangan ko siya sa buhay ko. Lalabanan namin ang problemang ‘to. Matatapos rin ‘to.
“Kaya mo ‘yan. Kung nakaya kong hanapin ka kahit gaano katagal, makakaya mong labanan ang sakit mo kahit gaano katagal. Kaya mo ‘yan, Midori.”
Patuloy lang siyang umiyak hanggang sa magtagal at mapagod ay makatulog na siya. Inihiga ko na siya sa kama niya at tahimik na pinanood ang pagtulog niya.
“Kanina ka pa ba dito?” napalingon ako sa may pintuan para makita ang isang babae doon.
“Ah. Hindi naman po.”
Ngumiti siya at lumapit sa akin habang nakatingin kay Midori. “Masaya siguro ang anak ko. Masaya ka ba?”
Nakangiting tumango ako sa tanong na iyon.
“Alam mo ba, palagi kang pinapanood ng anak ko sa TV. Kapag may interview ka o ang banda mo, kapag nasa balita kayo. Nagpapabili pa siya ng dyaryo o magazine kapag na-feature kayo. Hanggang sa computer, ikaw pa rin ang pinapanood niya. Araw-araw, ginagawa niya yun. Hanggang sa unti-unti nang mawala ang paningin niya at tuluyan ka na niyang hindi makita.”
“Ma-matagal na po bang hindi siya… nakakakita?”
“Wala pang tatlong linggo. Kaya hanggang ngayon, hirap pa rin siyang mag-adjust. Pero hindi pa rin siya sumuko sa’yo. Pinapakinggan pa rin niya ang mga interviews mo o kapag nagpe-perform kayo sa TV. Nagpapabasa rin siya sa amin ng balita o magazine kung nandoon man kayo. Kapag naman may masamang balita tungkol sa inyo, naku… Ang anak ko… Hanggang sa pagtulog namin, reklamo nang reklamo at pinagtatanggol kayo.”
Tumingin ako kay Midori at hinawakan ang kamay niya. Hindi ko alam lahat nang iyon. Buong pag-aakala ko, may galit talaga siya sa akin at sinadya niyang mahulog ako sa kanya para lang sa huli ay iwan ako. Pero nang marinig ko ang mga bagay na iyon, lalong lumakas ang loob kong huwag umalis sa tabi niya. Buo na ang loob ko. Hinding-hindi ko siya iiwan.
“Gagaling po siya ‘di ba?”
Saglit na hindi nagsalita ang nanay ni Midori. Bakas ko sa mukha niya ang biglang pagkalungkot. “Sa totoo lang… tinapat na kami ng mga doktor. Mahihirapan si Midori. Sobrang mahihirapan siya. Hindi natin alam, bukas… o sa isang araw… hindi na lang bigla gumana ang utak niya. Maaaring magkaroon siya ng mental impairment, biglaang pagkalimot o hallucinations… maraming pwedeng mangyari. Hindi natin alam. Pero araw-araw, nagdadasal ako na sana, kung ano mang plano ng Diyos sa kanya, matanggap ko.”
Nanatili lang ako sa kwato ni Midori habang pinapanood ko siyang matulog nang mahimbing. Tinawagan ko na rin ang driver namin para siya na lang ang sumundo kay Daddy. Marami rin akong dapat sabihin sa kanya dahil sa pagsisinungaling na ginawa niya sa akin.
Pero sa ngayon, dito muna ako… sa tabi ni Midori.
“Maisen, nandyan ka pa ba?”
Nag-angat ako ng tingin nang marinig ko ang boses ni Midori. Gising na siya at nakaupo na sa kama niya, tila may hinahanap kahit wala naman siyang nakikita. “Nandito pa ako.”
Nginitian niya ako. Iniangat niya ang kamay niya at inilapit iyon nang dahan-dahan sa mukha ko na parang kinakapa kung nasaan iyon. “Wow… Ang kinis-kinis ng mukha mo. Mas makinis pa yata kesa sa ‘kin. Ang gwapo mo na siguro lalo ngayon ‘no?”
“Syempre. Matagal na naman akong gwapo eh,” pabirong sabi ko.
Tinapik niya nang mahina ang mukha ko. “Ang yabang mo pa rin. Naaalala ko nung una tayong nagkita, ang yabang-yabang mo, nakakainis. Buti na lang na-discover kong napakahina mo naman pala. Simpleng bagay kinatatakutan.”
“Hoy! Anong mahina? Anong takot ang sinasabi mo dyan ha? Hindi ah!”
“Takot ka kaya sa horror house!”
“H-hindi ah…” nahihiyang sabi ko. Sa totoo lang kasi, takot talaga ako sa multo. Naalala ko naman bigla yung gabing nanggaling kami ni Midori sa horror house. Nakakahiya siguro ang itsura ko nang mga panahong yun.
Tumatawa siya nang bigla kong hawakan ang kamay niya. “Congrats ha.”
“Saan?”
“Ang dami niyong awards eh. Sikat na sikat na kayo. Lahat nang tao kilala na kayo,” inalis niya ang kamay kong nakahawak sa kanya. “Siguro madami ka na ring girlfriend. Balita ko marami raw nagkakagusto sa’yo eh. ‘Di ba kasali ka nga sa Top Ten Hottest Bachelors in the Philippines? Tapos may gusto daw sa’yo yung sikat na artista. Ano nga bang pangalan nun? Ah! Si Avis C.!”
Pinisil ko ang pisngi niya. “Wala akong girlfriend. May babae kasing matigas ang ulo na matagal ko nang hinahanap, pero parang tinataguan naman ako. Matapos niya kong yayaing makipag-date sa isang cheap na park, iiwan ako bigla at sasabihing “Thank you” sa oras? Tapos hindi man lang nag-iwan ng contact number. Tapos nagpanggap pa sa ibang pangalan. At ang masaklap pa, iniwan ako sa gitna ng maraming fans! Grabe talaga siya. Tapos ngayon sasabihin niyang marami na kong girlfriend samantalang siya lang naman ang hinihintay ko? Pinamimigay yata niya ako eh.”
“Maisen,” seryosong pagtawag niya sa pangalan ko.
“Hmm?”
“’Di ba isang beses lang naman tayong nagkita? Paanong… paano mo nasasabi ‘yang mga ganyang bagay tungkol sa ‘kin?”
“Alam mo ba yung kwento ng isang lalaki at ng alarm clock niya?”
“Ha?”
“May isang lalaking palaging na-le-late sa trabaho niya dahil ang tanghali na niyang gumising. Kaya nang magpunta siya sa mall at nakakita ng isang magandang alarm clock, binili niya agad yun. Yung alarm clock, katulad lang naman yun ng ibang nandoon sa mall. Pero yun yung pinili niya dahil naagaw nun ang atensyon niya. Ginamit niya yun para gisingin siya nang maaga. At dahil doon, palagi nang maagap yung lalaki. Na-promote pa siya sa trabaho niya. Hanggang sa isang araw ay tinago niya bigla yung alarm clock niya.”
“Bakit naman niya tinago yun?”
Ngumiti ako at hinawakan ko ulit ang kamay niya. “Kasi nagising na lang siya isang araw at nalaman niyang mahal niya yung alarm clock niya. Ayaw niya yung masira o magasgasan. At lalong ayaw na niya yung gamitin para lang sa pansariling ikabubuti niya. Naintindihan mo ba?”
Hindi sumasagot si Midori kaya ipinagpatuloy ko ang pagpapaliwanag sa kanya.
“Sa totoo lang, hindi ko pa rin maintindihan yung ilang kahulugan ng kwentong yun. Pero may isang magandang bagay mula dun na gusto kong malaman mo. Biglaan at hindi ko alam kung paano nangyari, pero inamin ko sa sariling kong mahal nga kita. Sumuko ako, at sinubukan kong ipangako sa sarili kong ayoko na. Pero hindi ko naman magawa. Siguro dahil darating talaga ang panahon na makikita kita at matutupad lahat ng gusto kong mangyari noon pa man. Destiny brought us together. Sabi nga nila, “kung tayo para sa isa’t isa, tayo talaga”.”
“Pwede ba kitang… yakapin?”
Ngumiti ako at niyakap si Midori. Sinong mag-aakalang magiging ganito ang takbo ng buhay ko? Kahit ako, hindi ko inasahang mangyayari ‘to. Akong dating palikero, halos mabaliw nang dahil lang sa isang babaeng isang beses ko pa lang namang nakikita. We can really never know what God has on the table for us.
Pero sa ngayon, masasabi kong masaya ako.
“Maisen, sobrang saya ko. Pwede bang mag-date ulit tayo bukas? Katulad nung unang beses nating magkita? Pwede ba yun?”
“Oo naman.”
And they lived happily ever after.
Pero hindi fairy tale ang buhay ng tao. Masaya ako ngayon pero sa likod ng isip ko naglalaro ang mga salitang…
Hanggang kelan nga ba ‘to?