The 100th Guy Who Passed by H...
By FelipeNas
[One of 카지노후기's Most Recommended in 2012 and 2013.] [Story published under LIB.] Wala nang kulang sa buhay... More
[One of 카지노후기's Most Recommended in 2012 and 2013.] [Story published under LIB.] Wala nang kulang sa buhay... More
Chapter Sixteen
--Alone and without you.--
[Three months later]
“Nanalo kayo ng limang awards sa Asia Golden Music Awards. Correct me if I’m wrong, ang mga ito ay Best Music Video, People’s Choice Award for Best Band, Crowd’s Favorite, Artist of the Year at ang pinaka-highlight nitong AGMA, ang Song of the Year. How do you feel? Lalo na noong nandun na kayo sa entablado?”
“Bess, pwedeng pakilaksan mo ng konti yung TV?” pakikiusap ko kay Jane.
“Sure, Bess. Ayan oh, nalaksan ko na. Naririnig mo ba nang maayos?”
“Oo, Bess. Salamat,” nakangiting sabi ko sa kanya.
“Ah. Super happy. Medyo na-star struck pa nga kami pagtuntong namin ng stage kasi doon namin nakita sa stage yung dami ng very good artists sa Asia na nandun sa AGMA. And our favorite bands were also there… Versailles, Ellegarden, Alice Nine. Ang dami. We are proud kasi nangibabaw ng gabing yun yung pagka-Pilipino namin.”
“Talagang proud to be Filipino! Ang galing-galing! Well, congrats! At isa pang congrats dahil kayo raw ay nominated sa World Music Awards for… what? Is this true? Seven categories?”
“Ah… Opo. That’s right. Yung ma-nominate pa lamang ay napakalaking bagay na para sa isang baguhang banda sa international market kaya ngayon pa lang po ay nagpapasalamat na ako, kami, on behalf of my band, the Kyela Marjorene. Thank you po sa lahat ng fans na sumusuporta sa amin. Sa mga nag-vo-vote, sa mga nagtatanggol sa amin, sa mga patuloy na nakikinig, bumibili, at sumusuporta sa musika namin at sa mga nagmamahal sa aming mga members, maraming maraming salamat po.”
“Grabe, Bess. Ang galing naman ng Kyela Marjorene,” manghang-mangahang sabi ni Jane.
“Oo nga eh,” nakangiti namang pagsang-ayon ko sa kanya.
“At grabe ang gwapo ni Papa Maisen ha. Parang ang sarap-sarap niyang amuyin eh. Hmm!”
Tumawa ako nang mahina dahil sa sinabi niya. “Anong kulay ng suot niya?”
“Ah. Naka-long sleeve na stripes na grey and white na medyo body fit. Tapos naka-fit na pants na makintab and color black. Tapos naka-bulldog shoes na may glitters na silver. Tapos yung buhok niya medyo nakatirik na medyo naka-side. Simple lang naman pero iba yung dating sa kanya eh. Na-imagine mo na ba Bessie?”
Nakangiting tumango ako.
“Halika na, ihatid na kaya kita sa inyo.”
“’Wag muna, Jane. Tatapusin ko lang ‘tong interview niya pagkatapos ihatid mo na ako,”
Nagpatuloy lang ako sa pakikinig sa interview ni Maisen. Tatlong buwan na rin ang nakakalipas simula nang huli kaming magkita. Tatlong buwan na ang nakakaraan simula nang magpaalam ako sa kanya. Iyon na ang pinakamasakit na pamamaalam na naranasan ko. Pero tiniis ko yun para sa ikabubuti naming dalawa. Hindi na rin ako namamalagi sa ospital dahil napag-alaman kong sina Maisen pala ang may-ari nun. Ama niya pala si Dr. Arc de la Fuente, kaya pala’t pareho sila ng apelyido.
Lumipat na rin kami ng bahay. Nagpatayo na rin si Kuya ng resto niya malapit sa tinitirahan namin ngayon, at iyong resto niya kung saan ko nakita dati si Maisen ay ipinamahala na niya sa iba. Hindi na kami bumabalik doon. Hindi rin kami nag-iwan ng kahit anong bakas na nanirahan kami doon.
Marami nang nagbago. Sikat na sikat na si Maisen at masaya naman ako doon. Kapag may mga issue tugkol sa kanya, kay Jane ako naglalabas ng sama ng loob. At ako naman, heto, patuloy na nilalabanan ang sakit ko. Mabuti na lang talaga at hindi ko na siya dinala pa sa ganitong sitwasyon. Dalawang nakakatakot na bagay lang naman ang pwedeng mangyari: ang madamay siya sa sakit na nararamdaman ko o ang iwan niya ako dahil sa kalagayan ko. Kaya naman pinili ko ang kung saan mas magiging maayos ang lahat. Yun ay ang iwan siya sa pinakamadaling paraan. Kahit na sa huli, mahirap pa rin.
“So, Maisen, ano nga ba ang iyong real name?”
“Mark Isen de la Fuente po,” napangiti ako. Naaalala ko yung unang beses naming nagkita. Yun yung araw na ipinagsigawan niya yung pangalan niya sa harap ng maraming tao. Ayan tuloy, pinagkaguluhan siya. At ako naman, nakatago sa likod ng puno at tatawa-tawa.
“Ah so, kaya pala Maisen. Aside from music, ano pang pinagkakaabalahan mo? Are you studying?”
“Hindi na po. Ako po ay doctor na. Pediatrician po ako sa hospital namin.”
“Ah, so may ospital kayo? Wow!”
“Yes, I am the son of Dr. Arc de la Fuente, he’s a popular brain surgeon,” pinilit kong alalahanin sa isip ko yung pagkakataon na nagkausap kami ni Maisen sa opisina ni Dr. Arc. Nakakatawa. Iyon na yata ang pinaka-awkard na pangyayari sa buong buhay ko. At ang masaklap pa, hindi ko alam na si Maisen pala ang kasama ko sa awkward na moment na iyon.
“Yes, yes. I know him. Anak ka pala nya. Proud daddy siguro siya. Nakakagulat ang mga nalalaman natin dito kay Maisen. How about school? Nag-aaral ka pa ba?”
“Nope. Hindi na po. Masyado na pong mahaba ang ginugol kong time sa pagdo-doktor. Pero um-attend po ako ng special classes sa Bachelor in Music and Theatre Arts sa New Empire University.”
“Role model ka pala. That’s good! Maraming performers ngayon ang hindi na nagpapatuloy sa pag-aaral kaya you are really a role model,” nagpalakpakan ang mga tao sa studio.” “How about… eto ang gustong-gustong malaman ng mga girls. Love life!”
Tumawa siya nang mahinhin. “No, no. Hindi po ako role model pagdating sa lovelife.”
Natawa naman ako nang mahina doon. Naalala ko din yung panahong nakasakay kami ng ferris wheel at inamin niya sa ‘king marami daw siyang girlfriend. Nang mga panahong yun parang proud pa siyang marami siyang girlfriend. “Hindi naman papayag niyan ang mga fans mo. Sige na, at baka gawan ka pa nila ng loveteam.”
Tatawa-tawa si Maisen. Na-imagine ko naman ang itsura niya kapag tumatawa. “Wala po. Next question po.”
“Wala? Eh ano itong nababalita noon, na kaya raw napahinto ang concert niyo ay dahil daw may hinabol ka raw na isang babae na ni-reject ka? Ay! Totoo ba ito? Pabulaanan mo Maisen.”
Saglit na katahimikan ang narinig ko. Tumibok na naman nang malakas ang puso ko. Pinilit kong huwag nang alalahanin pa ang pangyayaring iyon.
“I… I won’t say it’s not true. That girl back then, I really love her. But it’s just that… it seems like we’re not meant to be. So, I have to move on. And I am doing my best to move on, most especially, for my fans.”
“Doing your best, ibig sabihin, hindi ka pa nakaka-move on nang lubusan?”
“Ganun na nga siguro. But tanggap ko naman po na hindi talaga pwede. Talagang, it just takes time to heal.”
“Oh… Nakaka-sad naman ‘yan. Any message for her.”
“Message? Oh… Uhm… Wherever you are now, I pray to God that you’re happy with your life. I hope we see each other some time… as friends. And I really believe that we met as written in our destiny and we separated as written in our destiny also. Yun lang. Be happy.”
“Oh… Palakpakan naman natin si Maisen!” nagpalakpakan naman ulit ang mga audience sa studiokatulad ng sinabi ng host. “’Yan naman ang isa sa pinakagusto ng fans niyo sa inyo, ang pagiging honest ng bandang ito.”
“Jane, tara na,” pagyayaya ko kay Jane. Hindi ko na kasi alam kung ano pang mga sunod na pwedeng mangyari kapag napakinggan ko pa ang interview ni Maisen. Ayokong sa huli ay pagsisihan ko ang nagging desisyon ko.
“Akala ko tatapusin mo?”
“Hindi na, baka gabihin tayo. Tara na.”
“Sige, sabi mo eh,” pinatay na ni Jane ang TV at inakay na niya ko palabas ng bahay niya.
Kung ano man ang mga narinig ko, ilalagay ko iyon lahat sa alaala ko. Pero hindi ko iyon hahayaang makarating sa puso ko. Ayokong magdesisyon na naman nang dahil lang sa sinasabi ng puso ko. Mas ayos na iyong ganito. Yung masaya siya kahit wala ako. Yung hindi na siya kasama sa paghihirap ko.
Dahil darating ang araw, mawawala din lahat ng paghihirap ko… kasabay ng pagkawala ng buhay ko. Pero habang nakikibaka pa ako, habang ginagawa ko pa ang mga bagay na pwede kong gawin para mabuhay, kakayanin ko muna ang lahat. Kahit masakit, pipilitin kong maging masaya.
Kahit pa mag-isa ako, at wala siya.
*
“Maisen, maging masaya ka. Para maging masaya rin si Midori J ”
Nakahiga ako sa kama habang tinititigan ko iyong natatangin piraso ng papel na iyon na nakadikit sa kisame ko.
Galing iyon sa sketch pad na iniwan sa ‘kin ni Midori tatlong buwan na ang nakakaraan. Iyon ang pahinang nadiskubre at nabasa ko lang noong isang buwan. Bawat pahina ng sketch pad na iyon na sinulatan niya ay idinikit ko sa kisame ko para bago ako matulog at sa paggising ko, maipaalala sa ‘kin ng mga iyon na maging masaya ako. At kailangan kong mag-move on.
Pero alam kong kalokohan namang idikit iyon doon para maging masaya ako. Mas lalo akong nahihirapang pakawalan si Midori at lumingon sa ibang babae habang nakikita ko ang mga iyon. Pero mas gusto ko iyong ganitong pakiramdam. Iyong minamahal ko siya kahit pa hindi ko na siya nakikita. Sana lang maging maayos siya kung nasaan man siya ngayon.
Napag-alaman kong kapatid niya pala si Avril at kaibigan niya si Dwaine. Nalaman kong nagpagamot rin siya ospital namin pero sabi naman ni Daddy ay hindi raw seryoso ang sakit niya. Maliit na bagay lang daw iyon kaya’t ‘wag ko nang problemahin. Nakuha ko ang address nila sa bahay pero nalaman kong lumipat na pala sila. Pati iyong restaurant ni Avril, iba na rin ang namamahala. Wala na akong makitang paraan para mahanap siya. Kaya naman hinayaan ko na lang. Mukha namang ‘dumaan’ lang talaga siya sa buhay ko. Parang stop over lang. Saglit sya tumigil, pero umalis rin. Hinayaan ko na lang. Tutal parang iyon naman ang gusto niya. Parang doon siya mas sasaya.
Eh ako, masaya ba ako?
Napabangon ako sa kama ko nang mag-ring ang cellphone ko. Sinagot ko iyon. “Hello, Daddy?”
“Maisen, nasiraan ako ng sasakyan. Sunduin mo ako mamayang six p.m. dito sa Viewland.”
Pagkatapos ng bilin na iyon ay nagpaalam na si Daddy. Nagbihis na rin ako para puntahan siya dahil may kalayuan ang Viewland simula dito sa ‘min. Ayaw pa man din ni Daddy ng na-le-late.
Matapos ang isa’t kalahating oras ay nakarating din ako. Pero may isang oras pa bago mag-six p.m. kaya naman nag-park muna ako ng sasakyan sa isang lugar kung saan magkakatabi lang ang food chains at naghanap ng makakain.
Panay paulit-ulit na pagkain lang ang meron sa mga food chains na nakita ko. Hanggang sa paglalakad ko ay may nakita akong isang restaurant sa kabilang panig ng kalsada. Isang napaka-pamilyar na restaurant.
“Sweet Haven,” tatawid na sana ako ng kalsada para pumunta doon nang may makita akong isang babaeng nakaupo sa may gilid ng restaurant. Nakatulala lang siya sa direksyon ko.
Hindi ko alam ang dapat kong gawin. Pero bigla akong naiyak sa tuwa. Kahit malayo man, alam kong siya yun. Hindi ako maaaring magkamali.
“Midori!” pagtawag ko sa kanya. “Midori Vivero!”
Paulit-ulit ko pa siyang tinawag. Pinagtitinginan na nga ako ng mga tao dahil para akong sira ulong masayang-masaya dito pero hinayaan ko na lang. Sobrang saya ng puso ko. Kaya naman nang mag-red light na ay dali-dali akong nagpunta sa kanya.
Huminto ako nang may kalayuan sa kanya. Nakatitig pa rin siya sa ‘kin. Nginitian ko siya pero walang ekspresyon sa mukha niya.
“Kuya! Kuya Avril! Ipasok mo na ko sa loob! Kuya!” pagtawag niya. Biglang may kung anong kumurot sa puso ko. Ayaw niya ba akong makita? Galit ba siya sa akin?
Maya-maya pa ay lumabas si Avril mula sa restaurant at may iniabot na tungkod sa kanya. Inakay niya si Midori para makatayo.
Nagulat ako sa nakita ko. Totoo ba iyon?
Ang mas nakapagpabilis pa ng tibok ng puso ko ay nang marinig ko ang usapan nilang dalawa bago sila tuluyan mawala sa paningin ko.
“Pakiramdam ko Kuya may tumatawag sa ‘kin eh. Mamaya, si Maisen yun.”
“Wala ka na naman bang marinig?”
“Medyo mahina eh…
Ang hirap talaga nang walang nakikita Kuya Avril.”