The 100th Guy Who Passed by H...
By FelipeNas
[One of 카지노후기's Most Recommended in 2012 and 2013.] [Story published under LIB.] Wala nang kulang sa buhay... More
[One of 카지노후기's Most Recommended in 2012 and 2013.] [Story published under LIB.] Wala nang kulang sa buhay... More
Chapter Fifteen
--Saying the most painful goodbye.--
How could you just forget someone who changed your life?
Halos dalawang buwan na rin ang nakalilipas nang huli kong makita si Midori. Kung sino siya, kung bakit niya nasabi ang mga bagay na iyon, kung bakit siya biglang tila nawalan ng malay, kung anong nangyari matapos iyon, kung bakit nandoon si Dwaine ng gabing iyon… hindi ko na inalam pa. Nawalan ako ng lakas ng loob. Hindi ko na alam kung paano ko haharapin si Midori matapos ang lahat ng sinabi niya sa akin. Siguro nga ay malaki ang galit niya sa ‘kin.
Sapat na’ng lahat ng iyon para maintindihan ko kung ano ang kahulugan ng lahat ng ito. Siguro, tinuturuan ako ng magandang aral ni Lord. Effective naman, nagawa kong magbago. Pero hindi ko inaakalang ganito pala talaga kasakit yun. Ang hirap palang magmahal. Siguro nga, naituro Niya sa ‘kin ang magandang leksyong nagpabago sa buhay ko. Pero yung magmahal ulit ng katulad ng pagmamahal ko kay Midori? Kahit ituro Niya yun sa ‘kin, parang hindi ko yun kayang gawin sa iba.
Nandito ako ngayon sa kasal ni Jan Avril at Flip Armaddi. Hindi na ako naka-attend ng mismong church wedding nila, maiinggit lang ako dun eh. Kaya sa reception na lang ako naka-attend. Masquerade ang theme ng after-wedding party na ito kaya kailangan ang lahat ng guests magsuot ng maskara. I-re-reveal lang ang mga taong may suot ng maskara kapag sumapit na ang twelve o’clok midnight. Doon rin magaganap ang couple’s kiss nina Flip at Avril.
Tutugtog dapat kami sa gabing ito pero may issue pa kasi kaming kinakaharap kaugnay ng nangyaring concert namin na biglang pinutol dahil sa eksenang ginawa ko. Marami naman ang natuwa pero hindi maiwasang may mga manira sa amin lalo’t higit ang ilang myembro ng media na noong simula pa man ay gusto na kaming pabagsakin.
At ngayon ay nandito ako sa rooftop ng building. Nag-iinom mag-isa habang nagkakasiyahan sila sa hall. Mas mabuti sigurong mapag-isa ako. Ilang araw ko na din kasing pnipilit na bumalik sa dating energetic na Maisen kahit sa loob ko, alam kong nagpapaka-trying hard lang ako.
Napalingon ako sa likuran ko nang may marinig akong nagtutunugang mga takong. At nakita ko doon ang isang babaeng naka-long gown. Wala akong ideya kung sino siya dahil sakop ng buong maskara ang buong mukha niya.
Tinitigan ko lang siya habang papalapit siya sa ‘kin. Kumaway siya sa ‘kin kaya’t kinawayan ko rin siya.
Tinabihan niya ako at nagsulat siya sa hawak-hawak niyang sketch pad. Ako naman ay nakatingin lang sa kanya at nagtataka kung sino siya. Hindi naman siguro si Heart ‘to. Hindi naman siguro siya magpapalit pa ng damit para lang pag-tripan ako.
“Hello! :) ” nakasulat sa sketch pad na niharap niya sa ‘kin.
[A/N: Ang lahat po ng replies nung ‘babae’ dito sa rooftop conversation na ito ay nakasulat sa sketch pad :)]
Tnanguan ko siya at bahagyang nginitian bilang pagbati.
“Bakit ka mag-isa? Emo ka ba?”
Mahinang napatawa ako sa tanong niyang iyon. “No. I just want to be alone. How about you? Why are you here?”
“Nakita kasi kita kaninang umakyat papunta dito. Gusto lang kitang makita :)”
“Are you stalking me?” Lalo tuloy akong napaisip kung sino siya. Mamaya ex-girlfriend ko pala ito.
“Hindi naman. Ngayon lang :D”
“Then who are you? Wait...” napatigil ako bigla nang may maalala akong tao. “Don’t tell me you’re Sirri Gustav?”
“Sino yun?”
Nakahinga ako nang maluwag sa tanong na iyon. Sa bagay, kung siya si Sirri, hindi na yun magmamasakara pa at lalong hindi niya isusulat ang mga sinasabi niya dahil napakadaldal niya. At isa pa, hindi naman siya invited dito.
“Tawagin mo na lang akong ‘Girl Wannabe’.”
Napangiti ako sa pangalang iyon na binigay niya. Napakamasayahin siguro niyang tao. “So nice meeting you, Girl Wannabe.”
Inabot niya ang nakalahad kong kamay at tumango-tango. “Na-in love ka na ba?”
Nagulat ako sa tanong niyang iyon. “Why do you ask?”
“Hindi ba pwede?”
“Well, I am actually. And I’m planning to stop this, but I can’t. Can you teach me how? Or… do you know how?”
“Bakit mo naman ititigil? Hindi ba masayang ma-in love? :)”
I heaved out a deep sigh. “I thought so. Well, akala ko mag-wo-work eh. Pero hindi naman pala. Pinagtabuyan niya ko palayo eh. It hurts like hell, really. Up until now, it still hurts like one gddmn hell. Pero tama na siguro yun. Lesson learned.”
“Kanino ka na-in love?”
“Hindi mo naman kilala eh,” nanatili lang siyang nakatingin sa akin na parang naghihintay ng sagot. Hindi ko naman siya ganoong kakilala para magbahagi ng nararamdaman ko sa kanya. Pero wala naman sigurong masama, tutal mukha namang hindi talaga kami magkakilala. “Okay… okay… At first she told me, her name’s Betty. But I learned in the end that she’s not Betty but Midori,”
“O.O *shocked*”
“What’s so shocking?”
“Akala ko ako kasi sa ‘kin eh, hehehe. Joke lang!” Natawa naman ako doon at alam kong natawa rin siya kahit pa nakamaskara siya. Ibinaba niya yung sketch pad niya at nagsulat ulit. Medyo nagtagal rin yung isinulat niya bago niya iyon maipakita sa ‘kin. “Move on :) Sabi nga nila, masakit naman daw talaga magmahal. Pero payo ko lang, kalimutan mo na yung Betty slash Midori na yun. Tama yung sinabi mong plano mong itigil nang mahalin siya. Maghanap ka ng babae na hindi niya katulad. Yung hindi mahina kagaya niya.”
Inilipat niya ang pahina ng sketch pad at nagpatuloy ako sa pagbabasa nun sa isip ko.
“Maghanap ka ng babaeng kaya kang panindigan hanggang sa huli. Yung babaeng mamahalin ka at walang ibang issue sa sarili niya. Mahalin mo siya ng higit pa sa pagmamahal mo kay Midori. Maging masaya ka at kalimutan mo siya :)”
Inilipat niya muli ang pahina ng sketch pad habang ako naman ay saglit na napatingin sa kanya at nagsimula nang mag-isip ng iba’t ibang bagay tungkol sa babaeng iyon.
“Sige, mauna na ko. Bye! :)” Tinalikuran na niya ako at nagsimula nang maglakad palayo habang ako naman ay parang naestatwa sa kinatatayuan ko.
“Girl Wannabe, teka lang!” pagpigil ko sa kanya. Hindi man niya ako hinarap pero tumigil siya sa paglalakad. “Paano mo nasabi lahat yun? Kilala mo ba si Midori?”
Kinuha niyang muli ang sketch pad niya at nagsulat doon. Nang matapos na sa ginagawa niya ay lumapit siya muli at iniabot iyon sa akin.
“Hindi ko siya kilala. Matalino lang talaga ako, medyo may lahing manghuhula din :)"
Tiningnan ko siya nang may pagtataka pa rin. Inilipat niya sa kasunod na pahina iyong sketch pad na nasa mga kamay ko.
“Mangako ka sa ‘kin na magiging masaya ka, Mark Isen de la Fuente :)”
Nang mag-angat ako ng tingin sa kanya ay naka-extend ang kamay niya sa ‘kin na nakikipag-‘pinky swear’.
Inabot ko naman iyon at tinanguan ko siya kahit pa may pagkalito pa rin sa isip ko. Kilala ko ba ang babaeng ito?
Sa kalagitnaan ng pag-iisip ko ay bigla na lang niya akong niyakap. At matapos iyon ay nagtatakbo na siya palayo. Ako naman ay naiwang nakatulala lamang. Pilit kong iniisip ang bawat nangyari. Parang naglo-‘loading’ pa ang utak ko, kumbaga sa video sa YouTube, ‘buffering’.
Limang segundong niyakap niya ako.
Limang segundong, may ipina-realize siya sa ‘kin.
Hindi ako pwedeng magkamali.
Alam ko ang yakap na iyon.
“Midori…”
Iyon na lamang ang huling nasabi ko. Hindi ko na siya nagawang habulin pa para kausapin. Dahil nang mga sandaling iyon, nalaman kong hindi naman talaga akin si Midori. At hindi siya magiging akin.
At matapos ang gabing iyon, hindi ko na siya nakita pa. Wala na kong nabalitaan tungkol sa kanya.
Wala na…