The 100th Guy Who Passed by H...

By FelipeNas

2.9M 29.9K 2.4K

[One of 카지노후기's Most Recommended in 2012 and 2013.] [Story published under LIB.] Wala nang kulang sa buhay... More

Dedications
[PROLOGUE] Because sometimes...
[CHAPTER ONE] Accepting...
[CHAPTER TWO] Count...
[CHAPTER THREE] Too much fame...
[CHAPTER FOUR] Because it's the beginning...
[CHAPTER FIVE] Accept the fact...
[CHAPTER SIX] Because there is...
[CHAPTER SEVEN] Meeting you again...
[CHAPTER EIGHT - 1] Words...
[CHAPTER EIGHT - 2] Words...
[CHAPTER NINE] Faces...
[CHAPTER TEN] The after effects...
[CHAPTER ELEVEN] Searching the world...
[CHAPTER TWELVE] Almost...
[CHAPTER THIRTEEN] Finally...
[CHAPTER FIFTEEN] Saying... goodbye.
[CHAPTER SIXTEEN] Alone...
[CHAPTER SEVENTEEN] Just like the first time...
[CHAPTER EIGHTEEN] Happiness...
[CHAPTER NINETEEN] Nightmare...
[CHAPTER TWENTY] I just want...
[CHAPTER TWENTY-ONE] Twice the happiness...
[CHAPTER TWENTY-TWO] You're still...
[CHAPTER TWENTY-THREE] When destiny...
[CHAPTER TWENTY-FOUR] I love you but...
[CHAPTER TWENTY-FIVE] I will live...
[EPILOGUE] To love...
SOFTCOPY, anyone?
A peek to The 100th Memory (A sequel to The 100th Guy Who Passed by Her)

[CHAPTER FOURTEEN] Why...

70K 792 42
By FelipeNas

Chapter Fourteen

--Why do you have to do this to me?--

          Nagkakagulo ang lahat. Masaya silang lahat. Pero ako, hindi. Dahil kahit ano pang sabihin ko… Ipagpilitan ko mang ayaw ko na sa kanya. Hindi ko naman siya maalis sa isip ko.

          “I Have Found You! I Have Found You!” paulit-ulit na sigawan ng mga tao. Katatapos lang ng isa naming kanta at may mga nakalinya na kaming i-pe-perform para sa concert na ito pero hindi namin matanggihan ang request ng mga fans kaya naman tinugtuog na namin ang I Have Found You.

          Seryoso lang ako habang tinutugtog ang gitara ko. Nagkakagulo ang lahat dahil sa kanta. Lahat sila nakikisabay. Pero may isang taong nakaagaw ng atensyon ko.

          Napatigil ako sa pagtugtog nang mapatapat sa kanya ang spotlight. Nakapikit siya at sumasabay sa kanta. Pero kahit pa may kalayuan siya mula sa akin, alam kong hindi ako nagkakamali. Siya nga yun.

          Nagtataka ang mga tao nang tumigil ako sa pagtugtog ng rhythm guitar. Naging kasunod rin noon ang isa-isang pagtigil ng tugtog ng mga kasama ko sa banda. Maging sila ay nagtataka kung bakit ako tumigil bigla. Unti-unti akong naglakad palapit sa kanya. Sa pagkakataong ito, wala na akong pakialam pa sa paligid ko. Hindi ko pwedeng palampasin ang pagkakataong ito. Hindi ko pwedeng palampasin ang oras na ito kung saan pwede ko na siyang makasama ulit.

          Nakatingin lang sa ‘kin ang lahat habang ako ay dali-daling lumalapit sa kanya. Maging sila siguro ay hindi maintindihan kung ano ba ang gagawin ko. At dahil nga may pagtataka sa mga isipan nila, sa halip na pagkaguluhan ako nang pumunta ako sa audience area ay naghawian pa sila. Dahilan para siya lang ang maiwan sa lugar na iyon.

          Bigla siyang tumigil sa pagkanta at nagmulat ng mga mata niya. Tumingin pa siya sa paligid at nagulat nang lahat ay nakatingin sa kanya. HInawakan ko ang dibdib ko. Nahihirapan na ko. Hindi ko na kaya. Isa pang beses na mawala siya sa paningin ko… isa pang beses na hindi ko siya makausap, aatakihin na talaga ako sa puso.

          Kaya naman hinawakan ko ang kamay niya at hinigit ko siya papalapit sa ‘kin.

          “The day I have found you,” pagdugtong ko sa kanta niya na tila tugma sa pagkikita namin ngayon. Sa wakas… nakita na rin kita.

                    “I have found you. Please don’t leave. Please,” pagmamakaawa ko sa kanya. “Betty… o Midori, kung sino ka man. ‘Wag ka nang umalis. ‘Wag mo na kong pahirapan. Please.”

          Saglit na katahimikan ang namayani sa aming lahat na nadito sa concert hall. Walang nagsasalita. Walang humihiyaw. Walang nagrereklamo. O talaga lang sigurong hindi ko na napansin ang mga komento ng mga tao sa paligid ko dahil sa pagkakataong ito, siya lang ang nakikita ko.

          Hinigpitan ko pa ang pagkakayakap ko sa kanya. Ayaw ko na siyang pakawalan. Gusto kong maging akin na siya. Pero bigla na lang akong nagulat.

          Dahil marahas na itinulak niya ako palayo sa kanya. At matapos iyon ay tumakbo siya papalayo.

          Gulat na gulat ako sa ginawa niya kaya namang saglit akong naestatwa sa kinatatayuan ko.

          “Maisen, sundan mo!”

          “Bilisan mo! Mabilis ka namang tumakbo eh!”

          “Maisen, you can do it! You can leave the concert!”

          Napatingin ako sa entablado kung saan nandoroon ang mga kaibigan ko. Nagsisigawan silang sundan ko siya. Napangiti naman ako at mabilis na tumakbo para sundan siya.

          “Midori!” sa wakas ay pagtawag ko sa kanya sa tunay niyang pangalan. Nagpalingon-lingon ako sa paligid ko para hanapin kung nasaan siya pero hindi ko siya makita.

          “Midori! Midori please! Nagmamakaawa ako!”

          Paulit-ulit ko pang tinawag ang pangalan niya habang nagpapatuloy lang ako sa pagtakbo.

          Pero napatigil ako nang makita ko siya. Nakaupo siya sa tabi ng kalsada habang nakahawak sa pasamano sa tabi niya.

          Dali-dali akong tumakbo at lumapit sa kanya.

          “Midori!” agad ko siyang niyakap pero katulad kanina, itinulak niya muli ako palayo.

          Masama niya akong tiningnan habang naglalabas ng mabibigat na paghinga na para bang pagod na pagod siya. “Sino ka?”

          “Midori, si Maisen ‘to. Hindi mo ba ko naaalala? Nag-date tayo dati. Midori,” hahawakan ko sana siya sa balikat pero pinalis lang niya ang kamay ko.

          “Sinungaling ka! Lumayo ka sa ‘kin! Ayaw kitang makita! Hindi naman kita kilala eh! Lumayo ka sabi!” paulit-ulit niyang sambit habang paulit-ulit niya rin akong pinagtutulukan palayo. May halong takot at galit sa boses niya.

          Sinubukan kong hawakan ang mga kamay niyang nagwawala para pigilan siya sa ginagawa niya pero patuloy niyang binabawi ito. “Midori, tama na. Masasaktan ka diyan sa ginagawa mo eh… Midori, ano ba…”

          Bigla siyang tumigil sa ginagawa niya at nakatulalang tinitigan lang ako.

          Hawak-hawak ko pa rin ang mga kamay niya. Hindi ko alam kung bakit siya nagkakaganito. Kaya naman niyakap ko siya. “Midori, galit ka ba sa ‘kin? Naging tayo ba? Isa ka ba sa mga niloko at pinaglaruan ko noon? Sorry, Midori kung nagawa ko yun. Pero nagsisisi na ko. Midori, mahal kita. Mahirap mang ipaliwanag pero mahal kita. Pwede bang ‘wag mo na kong iwan ulit? ‘Wag mo na kong pahirapan, parang awa mo na.”

          Nanatili siyang hindi umiibo. Naramdaman kong nanlalamig ang buo niyang katawan kaya naman hinawakan ko siya sa balikat at inihiwalay siya sa pagkakayakap sa ‘kin.

          “Midori, okay ka lang ba?” nagtatakang tanong ko.

          Nagulat na lang ako nang biglaan ay para siyang nawalan ng malay at unti-unting napahiga. Mabuti na lang at nasalo ko kaagad siya.

          “Midori! Midori!” paulit-ulit kong pagtawag ng pangalan niya habang sinusubukan ko siyang gisingin.

          Lalo pa akong kinabahan nang makita kong nakamulat naman siya. Inilapit ko ang tenga ko sa dibdib niya at napag-alaman kong tumitibok pa naman ang puso niya. Humihinga pa rin siya. Pero bakit ganun? Bakit hindi siya kumikibo man lang? Ano bang nangyayari?

          Sesenyasan ko sana iyong puting sasakyan na dadaan sa harap namin para humingi ng tulong pero kusa iyong tumigil sa tapat namin.

          “Midori!” pagsigaw ng isang babae na bumaba mula doon sa sasakyan.

          Agad niyang kinuha sa akin si Midori at inakay ito habang nagsisimula nang tumulo ang mga luha sa mga mata niya.

          Pero nagulat ako sa mga sumunod na nangyari. Binuhat si Midori ng isang lalaki pero mas nagulat ako nang makita ko kung sino iyong lalaking iyon.

          “Dwaine?”

          Hindi niya ako nilingon dahil dali-dali niyang isinakay si Midori sa puting van.

          “Dwaine, sandali!” muling pagtawag ko sa kanya at sa pagkakataong ito ay nilingon niya ako.

          “Sorry, bro. Pero emergency ‘to. Saka na lang tayo mag-usap,” sabi niya habang naglakad siya papasok sa passenger’s sear ng van at dali-dali na nilang pinaalis ang sasakyan.

          “Ano bang… ano yun?” tanong ko sa sarili kong puno ng pagtataka.

          Napaupo na lang ako sa sahig at isinandal ang ulo ko sa pasamano sa likod ko. Nasabunutan ko ang sarili ko sa inis.

          Wala akong maintindihan sa nangyari.

          Kung bakit parang nawalan ng malay si Midori, hindi ko alam.

          Ang alam ko na lang… tumutulo na ang mga luha sa mga mata ko.

          Sabi niya hindi raw niya ko kilala. Sabi niya ayaw niya sa’kin. Sabi niya lumayo daw ako sa kanya.

          Magagawa ko ba yun, Midori? Sa tingin mo, magagawa ko ba yun?

You'll Also Like

506 0 21
" I fall for you when I laid my eyes in your smile." She's happily contented living with her so many plot-twisted life: -Falling in love with a perso...
736 53 23
[COMPLETED] (Buhay Torpe #2 : READ THE BOOK ONE FIRST BEFORE READING THIS) "Nakalimutan ka man ng isip ko, hindi ka nakalimutan ng puso ko. Kasi sayo...
11.9K 390 21
Their love 온라인카지노게임 started so fast. A simple transferee student who apparently fall in love with the campus heartthrob. The guy who make her life miser...
245 6 20
"Love is controlled by destiny." Yan ang paniniwala ni Python Fuentebella. For a cynical like him, he still believes in love when it knocks him off h...