The 100th Guy Who Passed by H...
By FelipeNas
[One of 카지노후기's Most Recommended in 2012 and 2013.] [Story published under LIB.] Wala nang kulang sa buhay... More
[One of 카지노후기's Most Recommended in 2012 and 2013.] [Story published under LIB.] Wala nang kulang sa buhay... More
Chapter Thirteen
--Finally… we meet again--
“After a week, ngayon ka lang nagpakita sa ‘kin. Sa tingin mo natutuwa ako?”
“Sorry po talaga Sir,” nakatungong paghingi ng tawad sa ‘kin nung imbestigador. “Siniguro ko lang po na kapag humarap ako sa inyo, maayos na detalye na po ang maihaharap ko.”
“Explain.”
“Una ko pong nakita siya ay noong tumawag ako sa inyo. Noong inihatid po siya sa ospital nung isang babae at isang lalaki na para pong mga magulang niya. May dala po silang isang maleta noon kaya naisip kong pasyente niyo po sila.”
“That’s right. I checked the whole hospital but she’s not there.” Matapos rin ang paghahanap ko noon ay paulit-ulit na bumalik pa rin ako sa ospital namin sa mga sumunod na araw. Pero wala pa ring Betty na na-a-admit doon.
“Yun na nga po Sir eh. Pagkaalis po kasi nung dalawang kasama niya ay lumabas po ulit siya ng ospital. Sinundan ko po siya. Katulad po niya naglakad din ako para hindi po siya makatakas sa paningin ko. Eh hindi ko naman po namalayan na naiwan ko po ang cellphone ko sa sasakyan, Sir. Pasensya na po. Pero kung babalikan ko naman po yun, baka mawala bigla iyong pinapahanap niyo. Tapos napag-alaman ko po na sa mall pala siya nagpunta. Tapos Sir… Ano po…”
I knotted my forehead as I leaned my back on the couch. “Ano yun?”
“Ano po kasi… May… ‘Wag po kayong magagalit, Sir.”
“Ano nga yun?”
“May bigla pong lalaking dumating tapos… Tapos… Inakbayan po siya.”
Muntikan na akong mabulunan kahit wala naman akong kinakain o iniinom. “Anong sabi mo?”
“Inakbayan po siya. Mas matangkad po yung lalaki eh. Mga kasintangkad niyo po. Tapos ang saya pa nga po nila. Nagkukulitan po sila habang naglalakad sa mall.”
Nakagat ko ang ibabang labi ko kasabay nang pagsingkit ng mga mata ko. Oo, inaamin ko, nagseselos ako! “Aba’t… Baka naman nagkakamali ka ng tingin?!”
Bahagya siyang napaatras nang itutok ko sa kanya yung flower vase na nadampot ko sa coffee table sa pagitan namin. “H-hindi po Sir! Sigurado po akong siya yun!”
Ikinawag-kawag ko pa yung flower vase hanggang sa lumapat na iyong bulaklak sa mukha niya. “TAPOS WALA KA MAN LANG GINAWA?!”
“S-sir! T-teka lang po! Sir! Pinaghiwalay ko naman po sila eh!”
Nang marinig ko iyong huling sinabi niya ay ibinaba ko na yung vase at kinalma ang sarili ko.
“Tapos sabi naman po nung babaeng pinapahanap niyo hindi naman daw po sila mag-on kaya iniwan ko na po sila. Baka naman po kasi kapatid lang niya yun o pinsan…”
Saglit akong tumahimik. Sino naman kaya iyong lalaking iyon? May boyfriend na ba si Betty? Bakit siya nakipag-date sa ‘kin? Hindi naman siguro siya whore. Napaka-conservative nga niya nung nag-date kami eh.
“Pero Sir…” Napalingon ulit ako doon sa imbestigador na hanggang ngayon ay hindi ko pa alam ang pangalan. “Sa tingin ko po may pagkakamali kayo eh.”
“Ha?”
“Kasi… nung naihatid na po nung lalaki yung pinapahanap niyo sa ospital. Tinawag niya po yung babae sa pangalan nito. At nagtaka po ako dahil ang pagkakaalala ko po ay ‘Betty’ ang pangalan nitong pinapahanap niyo. Tama po ba?”
Tumango ako nang marahan dahil iniisip ko kung anong pagkakamali ko.
“Iba po yung pangalan na itinawag niya dun sa babae. Tapos nung pagkatapos po nun, sinundan ko yung lalaki. Nagpunta po sa club at nag-inom. Ngayon naman po, sinaluhan ko. Tapos pasimple ko pong kinaibigan at tinanong tungkol doon sa babae. Konti lang naman po ang nalaman ko pero hindi na po mahalaga yun. May isang bagay lang po talaga tayong dapat pagtuunang-pansin. Hindi po Betty ang pangalan ng pinapahanap niyo.”
“Anong sabi mo?”
“Midori Vivero po. Iyon po ang pangalang nabanggit nung lalaki na Dwaine ang pangalan.”
“What?” Midori Vivero? At sino naman iyon? Saan ko nga ba narinig yung pangalan na iyon?
Saglit muna akong nanahimik at sinubukan kong i-digest sa utak ko lahat ng sinabi niya sa ‘kin. Kung hindi Betty ang pangalan niya, bakit siya nagpakilala bilang Betty?
Napatungo na lang ako sa lamesa. Grabe! Sa buong buhay ko, ngayon lang nangyari sa akin ‘to. Sa buong buhay ko, ngayon lang ako naloko at nagpaloko sa babae. Siguro pinaglalaruan lang naman yata talaga ako ng Betty… o Midori na ‘yan! Siguro isa siya sa mga nagging girlfriend ko at ngayon, gumaganti siya sa ‘kin. Sinadya niyang mahulog ang loob ko sa kanya. At ako naman, nagpauto sa kanya.
Paano ba nangyayari ‘to? Ito ba yung karma na tinatawag? Na kung dati ako ang nanloloko ng mga babae ngayon ako na ang niloloko? Isang simpleng pangalan lang, naloko ako? Sa isang pekeng pangalan ng babaeng isang beses ko lang nakita, pakiramdam ko ‘in love’ na kaagad ako? At umabot pa sa puntong nabago ang buhay ko at pinahanap ko pa siya sa private investigator? Sinasabi ko na! Hindi dapat ako naniniwala diyan sa ‘love’ na ‘yan. Sino ba naman kasing hangal ang nagpauso niyan. Grabe, Maisen! What’s happening to you now!?
“Sir Maisen, pinapasabi po ni Sir Violet na kayo na lang daw po ang hinihintay sa concert area.”
Nag-angat ako ng tingin sa kasambahay namin na tumawag sa ‘kin mula sa pinto ng bahay. Tinanguan ko siya at tumayo na sa upuan ko.
I have to get back to my senses. Kailangan kong bumalik sa dating Maisen. Ginulo ni Betty ang buhay ko. Mali namang habambuhay akong maging ganito nang dahil lang sa kanya. Nang dahil sa panloloko niya.
Tandaan mo ‘to Betty. Nagkamali ka ng nauto…
Ayoko na sa’yo.
*
“Do you see, how precious you are
In my eyes?
I die a hundred times
Whenever I see you wrapped around him
Oh, I swear I would die a hundred times
Another night you hold him tight
Oh, I swear, I swear
Wouldn’t it be nice
To hold you… for another time?”
Nandito pa lang ako sa labas pero rinig na rinig ko na ang malakas na sigawan ng mga tao sa loob ng concert hall. Mas malakas pa sa kanta ng Kyela Marjorene ang pagsabay nila sa awitin. Pero bukod doon, may naririnig pa akong isang mas malakas na tunog.
Yung tibok ng puso ko…
Na habang palapit ako nang palapit sa entrance ng concert hall ay palakas rin nang palakas. Na habang tumatagal ay iyon na lang ang naririnig ko. Habang palapit ako ng palapit kay Maisen, mas nagwawala yung puso ko. Na parang sinasabi na, “Heto na, malapit na yung nagmamay-ari sa ‘kin.”
Pagkatuntong na pagkatuntong ko palang ng loob ng concert hall ay kitang-kita ko na ang dami ng tao. May pauli-uli pang spotlight sa audience area. Lahat ng tao, masaya. Lahat sila, nakikiisa sa banda.
Pero ako… nalulungkot. Pagkatapos kasi nito, hindi ko na alam ang kaya ko pang gawin para kay Maisen.
“Doc, normal lang po ba na kung minsan… nawawala yung pandinig ko? O kaya naman po minsan, parang gusto kong magsalita, o kumilos, pero hindi ko magawa?”
Iyon ang kauna-unahang katanungan ko kay Dr. Arc nang dumating siya sa ospital. Katatapos lang ng 1-week therapy ko at hindi pa nila inilalabas ang resulta ng mga tests. Pero sa loob ng isang linggong iyon na parang ang igsi lang, naranasan ko ang iba’t ibang mga panakot ng sakit ko. Kung minsan, wala akong marinig, hindi ako makakilos, hindi ako makapag-isip ng maayos na parang laging naglo-‘loading’ ang utak ko. Sumasakit din ang ulo ko katulad noon pero ngayon, mas madalang ngunit mas masakit ang nararamdaman ko. Nagsusuka din ako.
Mababaw lang naman daw iyon, sabi ni Dr. Arc. Pero hindi ko alam kung pinapalakas lang niya ang loob ko o nagsasabi siya ng totoo.
“I’ll have to say this to you but you are not getting any better Midori.”
Iyon ang sinabi sa ‘kin ng isang doctor na nag-asikaso sa akin nang saglit mawala si Dr. Arc. Tinapat na niya ako. At sinabi niya na noon pa man, wala pang nagiging improvement sa sakit ko. Napangiti na lang ako. Hindi kasi ganoon ang sinabi sa akin ni Dr. Arc. Palagi niyang sinasabi na gagaling daw ako at malaki ang pag-asang mawala ang cancer ko. Madali lang daw iyon at kayang-kaya ko iyon. Palagi niyang pinapalakas ang loob ko. Kahit umabot pa sa puntong hindi na sya nagsasabi ng totoo.
At dahil sa mga bagay na ito, na-extend ang therapy ko. At tumakas nga lang ako sa ospital para makapanood ng concert ng Kyela Marjorene.
“Don’t you want to remember
How we were before?
Before the day, that I left you
And you cried for me, ohh…”
Nang matapos ang kanta ng Kyela Marjorene na “Another Time” ay nakahanap na ako ng pwesto. Napangiti naman ako kaagad nang matanaw ko si Maisen na hawak-hawak ang gitara niya. Nasa upper box ako kung saan konti lang ang tao. Ayokong pumunta sa masyadong malapit sa stage dahil baka makita ako ni Maisen kung masyado akong malapit. Tama na iyong tinatanaw ko siya dito sa malayo.
Naghiyawan ang mga tao at nagpalakpakan at sabay-sabay silang nagsigawan at nag-request ng “I Have Found You”. Napangiti naman ako. Favorite song ko kasi iyon. Love song iyon na tungkol sa isang lalaki na matagal nang hinahanap ang nawawalang girlfriend niya. Pero nung nahanap na niya ito, may iba na ‘tong mahal. Malungkot talaga iyong kanta pero nagustuhan ko talaga iyon.
Hindi pa nagtagal ay tinugtog na nga iyon ng Kyela Marjorene. At nang magsimula nang kumanta ang napakagaling na vocalist nila, napapikit ako. Hinawakan ko ang dibdib ko at pinakiramdaman ang puso ko. Mabilis pa rin iyong tumitibok. Dinama ko lamang ang kanta habang iniisip ko yung unang beses na nagkita kami ni Maisen. Yun yung panahon na masaya ako. Doon ako simulang kinulit ng puso ko pero hindi ko iyon pinansin. Pero hindi ko rin matiis si Maisen kaya heto ako ngayon, pinapanood siya kahit sa malayo.
“I thought it was happy, when I saw you down the same place where we meet. I thought it was good, to see you smiling…” pagsabay ko sa chorus ng kanta. “But then he came out of nowhere, it strike my heart somewhere. That’s when I proved, that the saddest day was…”
“The day I have found you.”
Napatigil ako sa pagkanta nang may marinig akong isang taong sumabay sa kanta ko. Doon ko na lang napagtantong napakatahimik nap ala ng buong lugar at ako na lamang ang kumakanta. Tahimik ang paligid at wala akong marinig.
At nang unti-unti kong idinilat ang mga mata ko, may liwanag na nakatutok sa akin. At lahat ng mga mata ay nasa akin.
Tiningnan ko lang sila na may pagtataka sa isip ko. Ganun ba kalakas ang naging pagkanta ko? Pangit ba ang boses ko? Nasira ko ba ang concert?
Nagulat na lang ako nang biglang may humila sa akin at niyakap ako.
Ito rin ang pakiramdam nang may isang taong yumakap sa akin dati. At alam kong sa pagkakataong ito, siya ulit ang gumawa nito. Dahil kung ano ang nararamdaman ko noon. Ito pa rin ang nararamdaman ko ngayon.
“I have found you. Please don’t leave. Please,” at lalo pa niyang hinigpitan ang pagkakayakap sa akin. Iyon yung yakap na parang ayaw na niya akong pakawalan.
Gulat na gulat lang ako at hindi ako makaibo sa kinatatayuan ko. Wala akong masabi. Hindi ko alam ang dapat kong gawin. Hanggang sa naramdaman ko na lamang na may tumulong luha sa mga mata ko.
Bakit ganyan ka Maisen?
Do you despise me that you made me fall for you this much?