The 100th Guy Who Passed by H...
By FelipeNas
[One of 카지노후기's Most Recommended in 2012 and 2013.] [Story published under LIB.] Wala nang kulang sa buhay... More
[One of 카지노후기's Most Recommended in 2012 and 2013.] [Story published under LIB.] Wala nang kulang sa buhay... More
Chapter Eleven
--Searching the world to find you.--
“So Sir, ito na po ba ang talagang itsura niya?”
“Yep! Ang ganda niya ‘no?” nakangiting tanong ko dun sa taong nag-sketch kay Betty. Desidido talaga akong ipahanap siya.
“Parang nakita ko na po ito Sir. Sa ospital niyo. Nurse po kasi dun ang anak ko kaya madalas po akong pumunta doon.”
Bigla akong napatigil doon sa sinabi ng lalaking kausap ko. “Sa ospital namin? Sigurado ka?”
“Opo. Dun po sa neurology hospital niyo. Pero hindi naman po ako sigurado. Hayaan niyo po. I-che-check ko din po yung lugar na yun.”
“Thank you. Galingan mo ang paghahanap. At kung pwede… pakibilisan.”
“Sobrang nagmamadali na po ba talaga kayo Sir na mahanap ‘to?”
“Aish… Ikaw kaya dyan ang araw-araw puyatin, hindi pakainin… kahit nga maligo ang hirap! Palagi na lang akong ginugulo niyan. Kaya pakibilisan po, kung pwede lang.”
“Ka-ano-ano niyo po ba ito Sir? At ano po ang gagawin ko kung mahanap ko na?”
“Fiancée ko. Hanapin mo lang then, mag-report ka sa ‘kin everyday. Siguraduhin mong hindi mahahawakan ng kahit sinong lalaki. Maliwanag?”
Nagpaalam na sa ‘kin yung lalaking maghahanap kay Betty matapos naming mag-usap. Ako naman ay naiwang nakangiti. Konti na lang, magkikita na kami. Patience, Maisen. Patience.
“Maisen, what happened?” umupo si Terrence sa couch sa harap ko. Nandito ako ngayon sa bahay nila. Siya kasi yung may contact doon sa investigator.
“Ang galing mag-drawing nun ha. Salamat ‘tol."
“Of course. Invited nga pala ang banda sa kasal ni Jan Avril. May ni-request na kanta si Avril na tugtugin natin.”
“Talaga? Ano?”
“I Have Found You.”
“Masyadong dramatic. Dapat yung masaya ni-request niya eh. Saka kanta natin yun ah. Bakit hindi siya mag-request ng ibang kanta?”
“What would you expect? We’re getting more and more original, more and more popular. Kaya ‘wag kang mag-alala. Oras na maipahanap mo si Betty, imposibleng tanggihan ka pa niya. I think she hears your name from people’s mouth. It’s just that, maybe, we are popular. She’s afraid to approach you.”
“Sana nga. Nakakapagod din kasing maging playboy. Ang sarap palang maging normal,” nakangiting sabi ko. Kaya oras talaga na mahanap ko si Betty, magse-seryoso na ko. Aayusin ko na ang buhay ko.
“By the way. Nasabi nga rin pala ni Jan Avril na favorite daw tayong banda ng kapatid niya. So, I think, we should call the little girl up onstage and let her sing with us. What do you think?”
“That’d be great. I heard Jan Avril’s sister has some brain disease. Sayang lang at hindi natin naging member si Avril, siguro mas masaya ngayon yung kapatid niya. What’s his sister’s name?”
Tiningnan ako ni Terrence sa mga mata ko na parang may kakaiba siyang pinapakahulugan. Pero kung ano man yun, wala akong ideya. “Her name is…
Midori.”
*
“Midori!”
Nagpalingon-lingon ako sa paligid ko para tingnan kung sinong tumawag sa ‘kin. Parang narinig ko kasi ang pangalan ko. Pero wala naman akong nakitang tao na kakilala ko dito sa mall. Kaya nagpatuloy na ako sa paglalakad.
“Midori!”
Tumingin ako sa likod ko dahil parang doon nanggaling yung boses. Pero wala naman akong nakita kundi mga taong hindi ko kakilala.
“Bulaga!”
“Ay! Kabayong buhay!” napahawak ako sa dibdib ko sa gulat nang pagharap ko para magpatuloy na ulit sa paglalakad ay nakita ko na lang sa unahan ko si Dwaine. “Ano ba naman Dwaine! ‘Wag ka ngang manggulat diyan!”
Tumawa siya nang mahina. “Ano? Tara na?”
“Saan?”
“’Di ba hinatid ka na ng Daddy at Mommy mo sa ospital? Tapos ikaw na matigas ang ulo, nagpunta pa dito sa mall. Sinusundo kita katulad ng sabi ni Tita Meg sa ‘kin.”
“Eh? Inutusan ka ni Mommy na sunduin ako?”
“Oo. At sabi ni Kuya Avril sa ‘kin, nandito ka daw para bumili ng concert tickets ng Kyela Marjorene kaya tara na,” inakbayan ako ni Dwaine at naglakad na kami papunta sa ticket outlet. “Bumili na tayo para maihatid na kita sa ospital.”
Tiningnan ko siya nang masama.
“O, ano ‘yang tingin mo na ‘yan?”
“Yung totoo… sumisipsip ka sa ‘kin ‘no? Kasi gusto mong ibili kita ng VIP ticket!”
“Ako? Sumisipsip sa’yo? Alalalala… hindi kaya!” Pinisil ni Dwaine yung ilong ko habang nakaakbay siya sa ‘kin dahilan naman para magkakawag ako at hindi makaalis sa posisyong iyon. Alam niya kasing may kiliti ako sa ilong kaya palagi niya ‘tong ginagawa sa ‘kin kapag nangungulit siya.
“Dwaine ano ba! Kakagatin kita dyan!” sinubukan kong lumayo sa kanya dahil nakikiliti na ako pero hindi naman niya ako pinakawalan. Pareho kaming masayang tumatawa ni Dwaine kaya naman hindi maiwasang mapatingin sa amin ang mga taong dumadaan sa tabi namin.
“Excuse me po,”
Napatigil kami sa pagkukulitan nang biglang may isang lalaking nakaitim na jacket ang lumapit sa amin.
“Ano po yun?” tanong ni Dwaine sa kanya.
“Bawal po ang PDA dito.”
“Ano!?” sabay kaming napasigaw ni Dwaine nang malakas. Pareho kaming nagulat sasinabi noong lalaki.
“Hindi po! Nagkakamali po kayo! Hindi po kami mag-on! Hindi po kami nagpi-PDA!” pagtatanggol ko. Nagulat lang ako dahil sadya namang parang magkapatid na kami ni Dwaine kung magkulitan. Wala lang naman talaga sa amin yun. Saka bawal bang magkulitan sa mall? Ngayon ko lang narinig yun.
“Saka sino po ba kayo?” tanong ni Dwaine doon sa lalaki.
“Ah… Eh… Ako naman ay nagmamalasakit lang. S-sige…” pagkasabing-pagkasabi niya nun ay nagmamadaling naglakad palayo na iyong lalaking naka-jacket.
Sa halip na pansinin yun ay nagkatinginan na lang kami ni Dwaine at naglakad na papunta sa ticket outlet dito sa mall. Hindi naman nagtagal ay nakabili na rin kami ng ticket. Malapit na nga raw mag-sold out kaya mabuti at nakaabot pa kami. First ever concert kasi ito ng Kyela Marjorene na gaganapin sa labas ng New Empire University kung saan sila nagmula kaya naman maraming tao ang gusto silang makita.
Pagkatapos noon ay napagpasyahan na namin ni Dwaine na maglakad na papunta sa ospital. Ngayon kasing mga nagdaang araw, hindi na nga ako madalas na nahihilo tulad dati, pero mas mabilis naman akong mapagod ngayon. Sa konting ginagawa ko pa lang, pakiramdam ko ay pagod na pagod na ako. Pero sinabi ko kay Dwaine na maglakad na lang kami papuntang ospital dahil isang linggo ko rin siyang hindi makikita. Bawal kasi akong dalawin sa ospital habang isang linggo akong sinusuri doon.
“Gusto mo talaga si Maisen?”
Napalingon ako sa tanong na iyon ni Dwaine. Nginitian niya ko. Pero hindi ko siya sinagot. Kahit kasi ako naguguluhan pa sa sarili ko. Hindi naman kasi ako naniniwala sa ‘love-at-first-sight’ na katulad ng sinabi sa ‘kin ni Maisen noong una ko siyang makilala. Pero kasi… iba talaga yung nararamdaman ko.
“I see. So hanggang ganito ka na lang ba? Panood-nood sa concerts nila?”
Tumango ako. Hanggang dito na nga lang ba ako? Nakakalungkot dahil ‘oo’ ang lumalabas na sagot sa isip ko.
“Ayaw mo talagang magpakilala sa kanya? Marami namang paraan para makita ulit siya eh. May alam ako—”
“Dwaine,” pagputol ko sa sasabihin niya. Ayokong marinig yung paraan na alam niya para magkakilala ulit kami ni Maisen. Baka kasi hindi ko tanggihan iyon. “Hanggang tingin na lang ako. Habang dumadami ang taong malapit sa ‘kin, dadami rin ang mga taong malulungkot kapag nag-evaporate na ko sa mundo.”
“Hindi ka naman mag-e-evaporate eh.”
“Paano kung mag-evaporate ako?”
“Paano kung hindi?”
Huminga ako nang malalim. “Kahit saan naman pumunta si Maisen, mababalitaan ko naman siya eh. Kasi sikat naman siya. ‘Pag may mabuting nangyari sa kanya malalaman ko. At isa ako sa magiging masaya para sa kanya. Kapag malungkot naman, mababalitaan ko pa rin. Pero ako, mabuti na yung hindi niya alam kung anong nangyayari sa ‘kin. Mabuti na yung mabubuhay siya sa sarili niyang mundo nang hindi niya iniisip kung kamusta na ko... ano na bang nangyari sa sakit ko. Mas mabuti kung mabuhay siya nang masaya at nang hindi sinasayang ang panahon niya sa isang katulad ko. Sa isang mag-e-evaoprate na sa Earth na katulad ko.”
Hinawakan ko sa balikat si Dwaine at nginitian ko siya.
“Thank you, Dwaine.”
Noon lang siya natauhan na nandito na pala kami sa tapat ng ospital. Ang bilis ng oras. Ang bilis-bilis.
Habang naglalakad ako palayo kay Dwaine ay dumami pa ang takot na bumabalot sa ‘kin. Ano nga bang susunod na mangyayari sa ‘kin? Gaano nga ba kabilis ang oras ko? May paraan ba para pabagalin ko iyon? Hindi ko alam. At kahit kailan, hindi ko malalaman ang sagot.
“Midori!”
Bago pa man ako tuluyang makapasok sa ospital ay napatigil ako nang tawagin ako ni Dwaine. Nanatiili lang akong nakatalikod sa kanya dahil ayokong makita niyang nalulungkot ako.
“Midori, gusto kong malaman mo… Na napakabuti mong tao. You deserve more than this. Magpagaling ka! ‘Wag kang panghihinaan ng loob! At ‘pag maayos ka na, hanapin mo si Maisen. Tutulungan kita. Gusto kong maging masaya ka, Midori. Kasi… kasi… Katulad ng dati, hindi pa rin nagbabago ang tingin ko sa’yo. Mahal pa rin kita. At nasasaktan akong nawawalan ka ng pag-asa. Kayanin mo, Midori. Gusto kitang maging masaya dahil mahal kita.”
Huminga muna ako nang malalim saka ko hinarap si Dwaine. Paano ko ba siya dapat harapin? May dapat ba akong sabihin sa kanya? Kung meron, ano?
Pero sa halip na magsabi ng kahit na ano ay isa lang ang nagawa ko bago ko siya iwan.
Iyon ay ang ngitian siya.
Dahil iyon lang ang kaya kong gawin para sa kanya.
At iyong pagmamahal na sinasabi niya, hindi ko yun kayang ibalik sa kanya. Dahil sa isang tao ko lang yun kayang ibigay.
Kay Maisen lang.