The 100th Guy Who Passed by H...
By FelipeNas
[One of 카지노후기's Most Recommended in 2012 and 2013.] [Story published under LIB.] Wala nang kulang sa buhay... More
[One of 카지노후기's Most Recommended in 2012 and 2013.] [Story published under LIB.] Wala nang kulang sa buhay... More
Chapter Ten
--The after effects almost killed me.--
“Grabe talaga yung taong yun.”
Pumasok na si Kuya Avril sa kotse matapos niyang ihatid si Maisen sa bahay nito. Tinandaan kong mabuti yung itsura ng bahay. Mayaman pala talaga si Maisen.
“Siguro may problema na naman yun. Haaaay…” pinaandar na ni Kuya ang kotse pauwi ng bahay namin.
“Kuya Avril,”
“Hmmm?”
“Di… Di ba s-si… M-Maisen yun? M-Mark Isen de la Fuente? N-ng Kyela Marjorene?” napiping pagtatanong ko dahil hindi ko alam kung tama bang itanong ko kay Kuya Avril.
“Yeah. Why?” saglit siyang tumingin sa ‘kin na parang may naalala. “Oo nga pala. Fan ka ng Kyela Marjorene. That’s why.”
Hindi ko naman tinatanong dahil fan ako ng Kyela Marjorene. Tinatanong ko dahil hindi ako makapaniwalang totoo ngang gusto ako ni Maisen… at hinahanap niya ako. “Kaibigan mo… Kaibigan mo siya?”
“Ah… Oo. Matagal na din. Actually dapat member din ako ng Kyela Marjorene. Kaso lumipat ako ng school, remember? You want to meet the guy?”
Umiling ako.
“Sus… Kunwari pang ayaw ng baby ko. Don’t worry. I’ll invite the band to sing on my wedding so you can meet them.”
“Ah… Kuya Avril… I… I…Ikakasal na ba si Maisen?” medyo pabulong at nahihiyang tanong ko. Nabagabag kasi ako sa sinabi niya. Totoo bang ikakasal na siya? Bakit? Pa’no?
“Kasal? I don’t know. Since high school naman, playboy na talaga ang pagkakakilala ko kay Maisen. So I wonder… Pero mabuti na rin yun,” napatingin ako bigla kay Kuya nang sabihin niyang mabuti ngang ikasal na si Maisen. “Mabuting ikasal na siya para magtino naman siya. Para magseryoso naman siya sa babae. Saan mo naman nasagap ‘yan?”
There was something inside me that hurt. Parang bigla akong nanghihina. “Ah… Nabanggit niya kasi kanina… Habang wala ka pa.”
“Really? So nagkausap pala kayo. Baka naman na-in love na yung isang yun nang tuluyan. Good for him.”
Napakapit ako sa seatbelt na nakakabit sa ‘kin. Pakiramdam ko ay mababangga ang sinasakyan namin ngayon. Ang lakas ng impact. Ang lakas-lakas.
“But we don’t know. Lasing siya. Pwedeng lahat ng sinasabi niya… gawa-gawa lang niya.”
Pwedeng lahat ng sinasabi niya… gawa-gawa lang niya.
Pwedeng lahat ng sinasabi niya… gawa-gawa lang niya.
Pwedeng lahat ng sinasabi niya… gawa-gawa lang niya.
Napahigpit ang pagkakahawak ko sa seatbelt. Nagpaulit-ulit sa pandinig ko ang mga sinabi ni kuya Avril. Lasing daw si Maisen. Kaya maaaring lahat ng mga sinasabi niya… ay agawa-gawa lang.
Pwedeng lahat ng sinasabi niya… gawa-gawa lang niya.
Paano ng akung ganun? Paano kung hindi naman talaga ako hinahanap ni Maisen? Paano nga kung gawa-gawa lang niya lahat ng sinabi niya sa ‘kin kanina?
Ang sakit.
“Midori… you want to meet Maisen again, right?”
Bigla akong napatingin kay Kuya Avril dahil sa sinabi niya. “H-Hindi! Grabe ka Kuya ha. Wala… Wala… Wala akong gusto dun! Hindi ko yun mahal. Grabe ka.”
Tumawa nang mahina si Kuya Avril. Itinigil na niya ang kotse. Nandito na pala kami sa tapat ng bahay namin.“Tinatanong ko kung gusto mo siyang makilala. Wala akong sinabing gusto o mahal mo siya.”
Napalunok ako bigla. Lalo pa kong kinabahan nang makita ko yung nakakapanlokong tingin ni Kuya Avril.
“Masyadong defensive. Ang baby ko… Dalaga na.”
Inilapit pa sa ‘kin ni Kuya Avril ang mukha niya at tiningnan ako diretso sa mga mata. Iniiwas ko naman kaagad ang tingin ko.
“Gotcha.”
*
“Mark Isen… bumangon ka na diyan.”
“Ano ba…”
“May practice pa tayo.”
“Teka…”
“Hoy itlog… bangon na!”
“Ten minutes…”
“Oh, Betty… bakit nandito ka?”
Bigla akong napabangon sa kama ko nang marinig ko ang pangalang iyon.
“Joke lang! Itlog ka talaga. Maligo ka na!” hinatak ako ni Heart patayo sa kama ko.
Napahawak naman ako sa ulo ko dahil nahilo ako bigla nang tumayo ako. “Aaahh…”
“Nag-inom ka ba kagabi?”
Tumango ako. Humiga ulit ako sa kama ko at pumikit. “Mamaya na lang ako a-attend. Susunod ako. Pakisabi na lang…”
“Aish…” umupo si Heart sa tabi ko at iniharap ang mukha ko sa kanya. “Itlog… Ikakasal na ko.”
Bigla naman akong napamulat sa narinig ko. “Ha?”
“Ikakasal na ko.”
“Sira ulo…” pumikit ulit ako. “’Wag kang magbibiro ng ganyan. ‘Pag si Lord nagalit sa’yo.”
“Sheesh… Totoo! Ikakasal ako! Hindi ka ba nagtataka kung bakit pinuntahan pa kita dito? Kinukuha ka ngang best man ni Kei. Ewan ko ba dun sa isang yun kung bakit ikaw pa. Hindi naman kayo close…”
Nagmulat ako ng mata at pinitik ko siya sa noo. “Totoo ba ‘yang sinasabi mo?”
“Oo nga! Tingnan mo kaya yung damit ko,” tumayo si Heart at pinakita sa akin yung dress na suot niya. Hinawakan niya yun saka umikot. Itinaas pa niya yung pa niya para ipakita sa ‘kin na naka-high-heeled shoes siya. “May make-up pa nga ako. Ang kati-kati. Pero kailangan kong maging tunay na babae. Ayokong ipahiya si Kei.”
Napangiti ako. Ngayon ko lang napansin. Ang laki na nga ng pinagbago ni Heart. Samantalang naaalala ko pa kung gaano siya ka-boyish dati. Masasaya na ang mga kaibigan ko. Si Violet hinahabol-habol ni Xaiza. Si Terrence naman nagsisimula nang manligaw kay Harmony. At eto namang si Heart… sinong mag-aakalang ikakasal na siya? Sa isang mayamang Japanese heir pa na first heart break niya.
Tapos ako… Heto…
Napabangon ako nang may maalala ako sa nangyari kagabi. Si Betty ba talaga yung nakita ko? Aish… Kahit saan talaga nakikita ko siya. Mapamulat man o mapapikit. Epal siya palagi sa imaginations ko.
“Ano… Okay ka na bang maging best man?” tanong sa ‘kin ni Heart.
“Oo naman.”
“Aye! Haaay… Naaawa ako sa’yo Maisen Egg. Ikaw na lang ang walang love life.”
Tahimik na nakangiti lang ako kay Heart. Napansin din pala niya.
“Masaya ka na ba diyan sa pagiging babaero mo? Masaya ka bang wala kang sineseryoso? Itigil mo na ‘yan. Kaibigan kita. Kaya gusto kong maranasan mo yung saya na nararanasan naming tatlo ngayon. Yung natural na manliligaw ka… natural kang mag-aalala para sa isang tao. Kapag naisip mo siya, pwede mo siyang tawagan o kaya i-text para sabihan ng “I miss you.” Kapag may mahalagang okasyon, reregaluhan mo siya. At bago ka makapili ng regalo, nailabas mo na lahat ng pawis mo. Yung pakiramdam ba na, ‘pag may problema ka hindi ka malulungkot kasi naiisip mo pa lang siya, nawawala na lahat ng negative feelings mo. Gusto kong maranasan mo yun.”
“Heart…”
“Hmm?”
“Alam mo… sa tingin ko… yung cholesterol na nakabara sa puso ko. Hindi lang basta cholesterol yun eh. Heart, sa tingin ko may gusto talaga ako kay Betty.”
“E… eh? Ano? Sure ka ba dyan?”
“Kahit saan ako lumingon, siya yung nakikita ko. Siya lang yung gusto kong makita. Wala na rin akong pakialam sa ibang babae. Actually, I have no girlfriend right now. Ayoko na. Hinihintay ko na lang talaga si Betty. Sigurado ako gusto ko siya.”
“Grabe… Oh… Eh bakit hindi mo siya puntahan?”
Napakamot ako sa ulo ko. “How? She said she has no contact number. How could that be possible?”
“Ang weak mo talaga mag-isip!” kinuha ni Heart yung cellphone niya at may tinawagan. “Hello, Terrence. ‘Di ba marami kang alam na investigating teams? Tulungan mo nga itong si Maisen at ang hinang mag-isip. Ipapahanap niya kasi si Betty Boop. Okay… Sige… Thank you, Egg.”
“Ano daw?” sabi ko pagkababa ni Heart ng telepono niya.
“Pumunta ka raw sa bahay nila at pag-usapan niyo. Okay?”
“Thank you, Heart! Thank you!”
Betty… Gustong-gusto na kitang makita ulit. Hindi ko alam kung gaano pa katagal yun. Pero maghihintay ako. At sisiguraduhin kong sa pagkikita natin… hinding-hindi na tayo magkakahiwalay.
Pangako ‘yan.