The 100th Guy Who Passed by H...

By FelipeNas

2.9M 29.9K 2.4K

[One of 카지노후기's Most Recommended in 2012 and 2013.] [Story published under LIB.] Wala nang kulang sa buhay... More

Dedications
[PROLOGUE] Because sometimes...
[CHAPTER ONE] Accepting...
[CHAPTER TWO] Count...
[CHAPTER THREE] Too much fame...
[CHAPTER FOUR] Because it's the beginning...
[CHAPTER FIVE] Accept the fact...
[CHAPTER SIX] Because there is...
[CHAPTER SEVEN] Meeting you again...
[CHAPTER EIGHT - 2] Words...
[CHAPTER NINE] Faces...
[CHAPTER TEN] The after effects...
[CHAPTER ELEVEN] Searching the world...
[CHAPTER TWELVE] Almost...
[CHAPTER THIRTEEN] Finally...
[CHAPTER FOURTEEN] Why...
[CHAPTER FIFTEEN] Saying... goodbye.
[CHAPTER SIXTEEN] Alone...
[CHAPTER SEVENTEEN] Just like the first time...
[CHAPTER EIGHTEEN] Happiness...
[CHAPTER NINETEEN] Nightmare...
[CHAPTER TWENTY] I just want...
[CHAPTER TWENTY-ONE] Twice the happiness...
[CHAPTER TWENTY-TWO] You're still...
[CHAPTER TWENTY-THREE] When destiny...
[CHAPTER TWENTY-FOUR] I love you but...
[CHAPTER TWENTY-FIVE] I will live...
[EPILOGUE] To love...
SOFTCOPY, anyone?
A peek to The 100th Memory (A sequel to The 100th Guy Who Passed by Her)

[CHAPTER EIGHT - 1] Words...

79.8K 861 25
By FelipeNas

Chapter Eight Part One

--Words left unspoken--

          “Ang gulo…”

          Isinuot ni Dwaine yung reading glasses niya at muling tinitigan yung sketch ko.

          “Tingnan mo ha… Sabi mo, you felt something. Like you want to see him again. Eh bakit hindi ka pa nagpakilala sa kanya?”

          Binawi ko ang sketch ko. Nakalagay doon ang 'scientific explanation' kung paano ko nakilala ang isang lalaking gumugulo sa buhay ko ngayon. “Eh kasi nga… may sakit ako ‘di ba?”

          “Oh? So? Dahil lang sa isang sakit na gagaling din naman pinutol mo ang kaligayahan mo?”

          I leaned backward on my chair. Nandito kami ngayon ni Dwaine sa restaurant ni Kuya. Pumunta siya dito dahil ibinalita ko na rin sa kanya ang tungkol sa sakit ko. Katulad ng naging reaksyon ni Daddy, Mommy, Lolo, Kuya at Ate Flip, parang wala lang sa kanya ang sinabi ko. At katulad din nila, sinabi rin niyang gagaling din ako kaya’t hindi ako dapat mag-alala. Bigla namang gumaan ang pakiramdam ko. Si Jane lang talaga yata ang OA na umiyak para sa ‘kin. Haaaay.

          Pero sa halip na ang sakit ko ang pag-usapan naming ay naikwento ko kay Dwaine ang tungkol kay maisen. At heto nga… parang nagtatalo na kami ngayon dahil sa magkaibang pagtingin naming sa kento ko.

          “Ang kulit mo naman Dwaine eh.”

          “Eh ang gulo mo kaya. Listen, baby. Kung mawala ‘yang sakit mo, ‘di ba nakakapanghinayang na hindi mo pinansin ang isang Mark Isen de la Fuente ng sikat at pinagkakaguluhang Kyela Marjorene? O, halimbawa naman na matuloy ‘yang sakit mo,” kumatok siya sa kahoy na upuan. “Hindi ba at mas tama ngang ipakilala mo sa kanya ang sarili mo? Sulitin ang mga araw! That’s just it.”

          “Eh pa’no kung magkagusto talaga ako sakanya? O kaya siya sa ‘kin? ‘Di ba sobrang mahihirapan lang kami kapag… alam mo na.”

          “Hay,bahala ka na nga Midori. Basta kung ako ang nasa posisyon mo, hindi ko sasabihing Betty ang pangalan ko. At lalong hindi ko sasabihing wala akong contact number gayong halos lahat yata ng network ay meron ka. Malamang ngayon, pinaghahahanap ka na nun.”

          “Pero sabi naman niya chickboy siya. Madami daw siyang girlfriend. Baka saktan lang niya ako. Baka sayangin lang niya ang pagmamahal ko.”

          “Walang nagmahal na hindi nasaktan. Halimbawa… Ako Nung minahal kita.

          Bigla kong nasipa ang binti ni Dwaine sa ilalim ng lamesa. “Kelangan pa bang ibalik yung nakaraan!?”

          “Aish… Ang sakit… Sorry naman! Hindi ka mabiro diyan.”

          “P-pero Dwaine… ‘DI ba may concert sa isang linggo ang Kyela Marjorene?”

          “Oh, akala ko ba ayaw mo sa kanya? Kasi ‘may sakit ka’ at ‘baka sayangin lang niya ang pagmamahal mo’?” aniya na ginaya pa ang pagsasalita ko.

          “Samahan mo naman ako! Nood tayo! Please!” Pakikiusap ko sa kanya. Nag-puppy eyes pa ako para mas mukha talaga akong nakakaawa. Siguro nga tinanggihan ko ang kapalaran nang tangkain nitong ibigay sa ‘kin si Maisen. Pero gusto ko siyang makita. Hindi ko alam kung bakit, pero yun ang gusto kong gawin. “Isang beses lang, Dwaine! Last na ‘to! Pagkatapos nito… ayoko na talaga siyang makita. Please!”

          “Aish… Itigil mo nga ‘yang mukha mong ‘yan. Wala nang bawian! Sabi mo ayaw mo na eh!”

          “Eh ‘di ba sabi mo, ‘sulitin ang bawat araw’,” sabi kong ginaya ko rin ang pagsasalita niya.

          “Kiss muna.”

          “Kiss mo patay na kuko ko.”

          “Kadiri talaga… Oo na. Libre mo ko ha!”

          “Of course! VIP tickets akin. Tama na sa’yo ang Gen Ad.”

          “Napakadaya!”

          “Oo na nga,” sabi kong natatawa na dahil sa itsura niya. “With backstage passes yung sa’yo.”

          Nanatili lang akong tumatawa. Napatigil lang ako nang ilapit ni Dwaine ang mukha niya sa 'kin at ngitian niya ako.

          “I still love you.”

          Nabitawan ko ang basong hawak ko.

You'll Also Like

506 0 21
" I fall for you when I laid my eyes in your smile." She's happily contented living with her so many plot-twisted life: -Falling in love with a perso...
1.6K 91 24
You were just walking by the neighborhood when you met her. A girl bruised all over her body, running towards you. You thought at first she might att...
264K 4.7K 39
The Bride's Man Series (Book 2) "We never fall in love for the person we're supposed to" Mabel left behind when her parents died. Three years of bein...
145K 2.2K 54
Some people assume na once they fall in love madly and deeply sa isang tao, masasabi na nilang 'Siya na yun. Siya na talaga.' Pero lingid sa kaalaman...