The 100th Guy Who Passed by H...

By FelipeNas

2.9M 29.9K 2.4K

[One of 카지노후기's Most Recommended in 2012 and 2013.] [Story published under LIB.] Wala nang kulang sa buhay... More

Dedications
[PROLOGUE] Because sometimes...
[CHAPTER ONE] Accepting...
[CHAPTER TWO] Count...
[CHAPTER THREE] Too much fame...
[CHAPTER FOUR] Because it's the beginning...
[CHAPTER FIVE] Accept the fact...
[CHAPTER SIX] Because there is...
[CHAPTER EIGHT - 1] Words...
[CHAPTER EIGHT - 2] Words...
[CHAPTER NINE] Faces...
[CHAPTER TEN] The after effects...
[CHAPTER ELEVEN] Searching the world...
[CHAPTER TWELVE] Almost...
[CHAPTER THIRTEEN] Finally...
[CHAPTER FOURTEEN] Why...
[CHAPTER FIFTEEN] Saying... goodbye.
[CHAPTER SIXTEEN] Alone...
[CHAPTER SEVENTEEN] Just like the first time...
[CHAPTER EIGHTEEN] Happiness...
[CHAPTER NINETEEN] Nightmare...
[CHAPTER TWENTY] I just want...
[CHAPTER TWENTY-ONE] Twice the happiness...
[CHAPTER TWENTY-TWO] You're still...
[CHAPTER TWENTY-THREE] When destiny...
[CHAPTER TWENTY-FOUR] I love you but...
[CHAPTER TWENTY-FIVE] I will live...
[EPILOGUE] To love...
SOFTCOPY, anyone?
A peek to The 100th Memory (A sequel to The 100th Guy Who Passed by Her)

[CHAPTER SEVEN] Meeting you again...

87.3K 978 43
By FelipeNas

Chapter Seven

Meeting you again is is traced in our destiny.

 

--Midori to Maisen's Shadow--

 

           “Tik... tok... tik… tok…”

          Nakapikit kong pinakikinggan ang tunog ng orasan. Bawat pag-ibo ng mga kamay nito ay pag-usad rin ng buhay ng tao.

           “Tik... tok... tik… tok…”

          Hindi ko alam kung ano ang susunod. Bawat parte natin ang katulong sa pagpapatakbo ng buhay natin. Pero kung tumigil na ang mga ito katulad ng pagkaubos ng enerhiya ng baterya ng orasan… titigil ang lahat.

          “Tik… tok… tik… tok…”

 

          Ang pinagkaiba nga lang… yung baterya ng orasan pwede mong palitan. Pero ang buhay ng tao? Wala. Nag-iisa lang ‘yan.

          “Midori…”

          Napamulat ako sa boses na iyon na tumawag sa ‘kin. “Kuya…”

          Nginitian ako ni Kuya Avril. Pumasok siya sa silid kung nasaan ako at lumapit sa ‘kin. “Easy, okay?”

          Nginitian niya ulit ako at niyakap ko siya. “Kuya… hindi ako natatakot. Kaya dapat maging masaya ka ha. Gagaling din ako.”

          Gagaling din ako, gaano nga ba ako kasigurado? Anong panghahawakan ko gayong binigyan lang ako ng maliit na tsansa upang gumaling?

          “Oo, gagaling ka din. Wala ‘yan. Mas malala pa ang bulutong mo diyan.”

          Humiwalay ako kay Kuya Avril  at hinalikan niya ako sa noo. “Kuya, anong oras uuwi sina Daddy at Mommy? Gusto ko na silang makita. Pati na rin si Lolo.”

          “Malapit na sila. Malapit na malapit na.”

          Niyakap ko pa nang mas mahigpit si Kuya. Naalala ko na naman yung araw na sinabi ko sa kanyang may sakit ako. Hindi siya nagalit. Hindi rin siya nalungkot nang sobra. Hindi rin siya umiyak. Ngumiti pa siya at sinabi niyang wala lang daw iyon. Ginusot pa niya at itinapon sa basurahan yung resulta ng mga tests na isinagawa sa ‘kin na nagpapatunay na may brain cancer nga ako. Sabi niya simple lang naman daw iyon. Gagaling din ako kaya’t ‘wag akong mag-alala.

          Napahiwalay ako sa pagkakayakap kay Kuya Avril nang may nagsalita mula sa bumukas na pinto.

          “Excuse me, Midori. Pinapatawag ka na ni Dr. Arc.”

          Nginitian ko si Kuya at iniwan ko na siya. Sumunod ako sa nurse at dinala niya ako sa  isang opisina sa ospital na iyon. Binuksan niya ang pinto at nakangiting pinapasok ako sa loob nun.

          “Oh, hello there Midori. Long time no see. Take a seat.”

          Nginitian ko siya at umupo ako sa upuan sa harap ng table niya. “Good afternoon po, Dr. Arc.”

          “So, are you willing to undergo De La Fuente Neurology Hospital’s therapy?”

          Inalok ako ni Dr. Arc de la Fuente ng isang therapy para makatulong sa recovery ko sa sakit ko. Nag-iisang lang ang De La Fuente Neurology Hospital sa Pilipinas na nag-aalok ng ganitong serbisyo at ayon sa pinakitang papeles ng lalaking nag-asikaso sa amin ng Kuya ko kanina noong dumating kami dito, tagumpay na gumagaling ang mahigit kalahating porsyento ng mga pasyenteng nag-undergo ng therapy o treatment. Advanced ang technology ng ospital na ito at nakakasabay na ito sa mga ospital sa ibang bansa na may ganito ding serbisyo. Si Dr. Arc ang may-ari nito. Isa siyang magaling na doctor.

          Tumango ako at kinuha ko ang inaabot niya sa aking papeles at sinimulan ko nang fill-up-an iyon.

          “So, when is your mother going home?”

          “Mamaya po. Darating po sila mamaya.”

          “That’s good. Tell her to see me when she arrives home. I would love to meet her again. And your Dad, huh? He’s a good man.”

          Nginitian ko siya at ipinagpatuloy na ang pagsasagot sa form ko. Naging kaibigan ni Mommy si Dr. Arc dahil naging doctor din siya ni Lola noong nagka-degeneration disease siya. Pero hindi sumailalim si Lola sa treatment. Namayapa din ang Lola ko kasabay nang pamamayapa ng asawa ni Dr. Arc nang dahil naman sa brain cancer.

          Sa pagsusulat ko ay natulala ako at hindi ko sinasadyang naihulog ang ballpen ko. Napunta yun sa ilalim na lamesa ni Dr. Arc kaya’t bumaba ako sa sahig para pulutin iyon. Pero pagtayo ko ay naumpog ako sa lamesa. Napahawak pa ako sa ulo ko dahil sa sakit. Pero nang tatayo na sana ako ay may naramdaman akong natapon sa likod ko.

          “Midori! Are you okay?” Agad akong nilapitan ni Dr. Arc at tinulungan akong tumayo.

          “Ah…” napatingin ako sa likod ko kahit hindi iyon abot ng tanaw ko. Hinawakan ko iyon at nalaman kong natapon pala sa likod ang tubig sa ibabaw ng lamesa ni Dr. Arc.

          “I’m so sorry. Natapon pa sa’yo itong tubig ko. May dala ka bang pamalit?”

          “Ah… Opo.” Mabuti na lamang at palagi akong may dalang damit sa bag ko.

          “Ah… Punta ka na lang sa may gilid ng kitchen. May comfort room dyan.”

          “Ah, thank you po.”

          Tumayo na ako at hinanap ang sinasabing comfort room ni Dr. Arc. Nang papunta na ako doon ay hindi ko maiwasang humanga sa  ‘opisina’ na iyon na mukhang condo unit. Sobrang ganda nun. Opisina nga yung pagpasok ng pinto pero dito sa loob, may living, dining, leisure at bedroom din. May kaya naman kami pero hindi kami nakapagpagawa ng ganitong kaenggrandeng bahay. Sobrang yaman talaga ni Dr. Arc, ang swerte naman ng anak niya.

          Nang makita ko na ang comfort room ay agad akong pumasok doon. Hinubad ko kaagad ang damit ko. Nagmadali ako dahil nahihiya talaga akong makigamit ng comfort room. Sobrang linis at lawak kasi nun. Nakakahiya talaga.

          Pinapagpag ko ang damit kong basa habang pinagmamasadan ko ang buong banyo. Hindi ko na naman mapigilang humanga.

          “Sino ka— Oh! Sh*t!”

          “Shucks!” Bigla akong tumalikod at itinakip ang basa ko pang damit sa katawan ko. Nagulat ako dahil biglang nagbukas ang pinto ng banyo! Sino naman kaya iyon? Nakakahiya, hubad pa man din ako!

          “S-Sorry, Miss!” paghingi ng paumanhin ng lalaking nakapagbukas ng pinto. Hindi siya si Dr. Arc dahil sa boses niya. Halatang nahihiya din siya dahil sa nangyari. Pero mas nahihiya ako! Grabe talaga!

          “A-ah… Sorry din!” Naku, siguradong mas mapula pa ako sa kamatis ngayon dahil sa hiya!

          “A…ah… I thought there was a robber or something in there. I’m really s-sorry,” Hindi na ako makapagsalita dahil sa sobrang hiya ko. Ano ba naman itong nangyari na ito! Kung bakit ba naman kasi lumaki akong hindi marunong mag-lock ng banyo! “Ka-kaano-ano ka ni Daddy?”

          Daddy? “P…p…pasyente niya ko. Anak ka ba ni Dr. de la Fuente?”

          “Ah. Oo. Sabi niya kasi walang tao dito kaya nagtaka ako kung bakit parang may nakita akong pumasok dito sa banyo. I’m so sorry. Would you mind if I know your name? Para makabawi man lang ako. Sorry talaga.”

          Tinatanong niya ang pangalan ko? Sasabihin ko ba? “Naku, wala yun. Okay lang talaga. Kasalanan ko naman dahil hindi ako marunong mag-lock ng pinto.”

          “S-sige. Masyado nang awkward ‘to. Please get dressed. Sorry again.”

          Dali-dali naman akong nagbihis. Hindi ko pa maintindihan ang gagawin ko kung lalabas na ba ako o hindi. Nakakahiya naman kapag nakita niya ako! Makikita niya ang mukha ng babaeng nakita niyang nagbibihis! Nakakahiya talaga!

          Unti-unti akong lumabas ng banyo nang narinig ko ang pagbukas at pagsarado ng pinto. malamang lumabas na ng opisina yung anak ni Dr. de la Fuente. Agad akong pumunta doon at lumabas rin. Ang nakita ko na lang ay isang nakatalikod na lalaking mabilis na tumakbo paalis.

          Hindi ko maintindihan dahil parang gusto kong sundan siya. Parang gusto ko siyang makita. Kaya naman itong mga paa ko, naglakad ng kusa.

          Pero tumigil ako. Bakit ko naman siya susundan? Para ba humingi ng tawad? Iyon ba? Matatawag ko pa bang magiting ang paghingi ng tawad kung makikita niya ang mukha ng babaeng nakita niyang hubad?

          “Ay! ‘Wag na nga lang! Nakakahiya talaga.” Sana lang talaga hindi niya nakita ang mukha ko.

          Bumalik na ako sa opisina ni Dr. Arc at naupo muli sa kinauupuan ko kanina. Bigla akong may napansing isang plastic sa ibabaw ng lamesa ni Dr. Arc. Umagaw sa atensyon ko ang isang note na nakalagay doon.

          'Dad, I’m destined for a woman whom I will serve and love for the rest of my life. Would you believe that?'

**

--Maisen to Midori's Shadow--

 

          “You have one being destined for you. It is either God… or a woman whom you’ll live with for the rest of your life.”

          Date. Ordinaryo lang sa akin ang makipag-date. Babae. Laruan ko lang sila. Pero dati yun. Nung hindi ko pa nakikilala si Betty. Binago niya ko… biglaan man, pero unti-unti, natanggap ko ring BINAGO niya ako. Bawat babaeng madaanan ko dati kinikindatan ko, nginingitian, inaakit. Pero ngayon, habang naglalakad ako, diretso lang ang tingin ko. Dahil kahit sino pa mang babae ang makita ko, wala nang epekto. Wala na. Dahil isang babae na lang ang gusto kong makita.

          “You have one being destined for you. It is either God… or a woman whom you’ll live with for the rest of your life.”

          Si Betty. Sino bang may sabing siya ang pinakamagandang babaeng nakita ko? Mas maganda pa nga sa kanya ang karamihan sa mga ex ko. ‘Wag niya ring sasabihing napakasexy niya. Ang payat niya eh. Maputi siya at makinis, pero hindi naman niya asset yun eh. Physically? Hindi naman talaga siya kapansin-pansin eh. Para lang siyang isang sunflower na walang pinagkaiba sa mga kasamahan niyang sunflower sa isang garden.

          Hindi man siya yung tipong pagkakaguluhan ng maraming lalaki… pero sinira niya ang ulo ko. Kung bakit hindi ako mapakali, siya ang may kasalanan nito. Kung bakit hindi ako makatulog sa gabi, dahil yun sa kanya. Dahil sa isang ‘ordinaryong babaeng’ katulad niya.

          “Here’s your food, Sir. Sorry for making you wait too long.”

          Nginitian ko yung babaeng nag-abot sa ‘kin ng binili kong pagkain. “Do you have a memo pad and a ballpen?”

          Nakangiti ring iniabot niya sa ‘kin ang hinihingi ko. Kinuha ko ang memo pad at ang ballpen at nagsulat ng isang note doon. Kung ano man iyong isinulat ko, sigurong magugustuhan ni Daddy yun. Isa kasi siya sa mga numero unong hindi sang-ayon sa pagiging ‘timer’ ko. Mabuti na nga lang at sa opisina kadalasang natutulog si Daddy, dahil kung hindi… baka matagal na niya akong naipa-salvage.

          “Thank you!” Ibinalik ko na sa kanya ang ballpen matapos kong magsulat at lumabas ng tindahang iyon. Nasa ospital ako ngayon. Gusto ko kasing bisitahin ang Daddy ko. Ilang araw na kasi siyang hindi umuuwi sa bahay. May tinututukan daw siyang panibagong pasyente niya na na-diagnose na may brain cancer kaya naman nagpapaka-busy na naman siya.

          Papunta na ako sa elevator nang biglang makita ko ang dating kaibigan.

          “Jan Avril!” pagbati ko sa kanya.

          “Uy! Maisen!” nakangiting lumapit siya sa ‘kin at tinapik niya ang balikat ko bilang pagbati.

          “Long time no see, best chef!” Kaklase ko noong high school si Jan Avril. Magaling rin siyang tumugtog ng gitara tulad ko. Music-related din sana ang kukuhanin niyang course sa college. Muntikan na rin siyang mapasali sa Kyela Marjorene pero lumipat siya ng school noong nagkasakit ang lola niya. Dumarami daw kasi ang gastos nila kaya lumipat siya sa mas mura ang tuition na university. At sa halip din na music-related course ay yung mas praktikal na course ang kinuha niya. At tama naman ang naging desisyon niya dahil naririnig at nakikita ko an sa mga television shows ang restaurant niya.

          “Yeah. Sikat na sikat ka ah. Congrats to KM!”

          “Salamat. Congrats din sa’yo. Teka, bakit ka nandito? Nagpa-check up ka ba?”

          “Ah… Hinatid ko lang yung kapatid ko. She’ll undergo your therapy soon.”

          “W-What? May kapatid kang may… may…”

          Tumango siya sa tanong ko. Kahit nakangiti siya, alam kong nalulungkot at nasasaktan siya. Alam ko yung pakiramdam na may mahal ka sa buhay na may ganitoong uri ng sakit.

          “I’m so sorry. But don’t worry. I’m sure our hospital will extend you the greatest help. Plus the discount!” pagbibiro ko para maiba naman ang atmosphere.

          “Thank you Maisen! By the way… I’m getting married next month.”

          “Really? Oh my… You’re really a changed man, huh? Hind ka na talaga torpe! And who’s the lucky girl?”

          “Flip Armaddi Lim.”

          “Sh*t. Kay Flip? Hanggang ngayon? Ang tibay mo talaga, p’re! Ikaw na talaga!” Natutuwa ako sa nalaman ko. High school pa lang kasi kami ay si Flip na ang crush na crush ni Avril. And knowing that it is still her… I envy him so much.

          “Please attend my wedding. I’ll just send the invitation at your house. Please be there, Maisen.”

          “Of course! Asahan mo ‘yan. I’ll cancel all my appointments for your wedding. So… Mauna na ako. Hinihintay na ko ng Daddy kong… alam mo naman. Seloso.”

          “Haha! Yeah. Yeah. Of course! Nice seeing you again!”

          Nagpaalam na kami ni Avril sa isa’t isa. As I rode the elevator, hindi ko mapigilang alalahanin ang nakaraan ko. It is so good to meet old friends.

          Nakangiti akong naglakad sa hallway na papunta sa office ni Daddy. Hahawak pa lang ako sa doorknob para buksan ang pinto nang bigla naman itong bumukas nang kusa.

          “Oh, Daddy? Saan ka?”

          “T-teka, Anak. May tatawagin lang ako.”

          “Pero Dad, binili kita-”

          “Oo. Ipatong mo na lang ‘yan sa lamesa ko. Babalik ako,” dali-daling naglakad palayo si Daddy.

          “Dad, may tao ba dito?”

          “Wala! Wala! Sige na, hintayin mo ko diyan!” sigaw naman sa ‘kin pabalik ni Daddy at nagtatakbo na siya palayo. Si Daddy talaga, napaka-busy. Nakakapagselos.

          Pumasok na ko sa office ni Daddy at nagdire-diretso sa loob. Uupo sana ako sa couch nang marinig kong may mga yabang ng paa. Ipinatong ko ang dala kong pagkain sa lamesa ni Daddy. Ano naman kaya iyon? Sabi ni Daddy wala naman daw tao dito.

          Dahan-dahan akong naglakad papasok sa loob ng opisina kung nasaan ang mga kwarto. I took a step backward as I saw someone pull the door of the comfort room to close. May tao dito? Sino naman iyon? Magnanakaw?

          Dahan-dahan kong inabot ang doorknob at sinubukan kong buksan iyon para tingnan kung ni-lock ba iyon ng tao sa loob.

          Hindi naka-lock ang pinto. Kaya naman binuksan ko na iyon para malaman kung sinong nandoon.

                    “Sino ka— Oh! Sh*t!” Pagkabukas ko ng pinto ay bigla ko ulit iyon isinara dahil sa nakita ko. May babaeng hubad na nagbibihis sa loob ng banyo.

          “Shucks!”

          “S-Sorry, Miss!” paghingi ko ng paumanhin. At paano naman nagkaroon ng babae sa opisina ni Daddy? Sino naman siya? At bakit sabi ng nagmamadaling Daddy ko walang tao dito?

          “A-ah… Sorry din!”

          “A…ah… I thought there was a robber or something in there. I’m really s-sorry.  Ka-kaano-ano ka ni Daddy?”

          “P…p…pasyente niya ko. Anak ka ba ni Dr. de la Fuente?”

          Her voice seems so familiar. Have we met? “Ah. Oo. Sabi niya kasi walang tao dito kaya nagtaka ako kung bakit parang may nakita akong pumasok dito sa banyo. I’m so sorry. Would you mind if I know your name? Para makabawi man lang ako. Sorry talaga.”

          “Naku, wala yun. Okay lang talaga. Kasalanan ko naman dahil hindi ako marunong mag-lock ng pinto.”

          Napansin ko ang kamay ko na nakahawak pa rin sa doorknob. Itinuloy ko nang isarado ang pinto. Nakakahiya talaga itong ginawa ko. “S-sige. Masyado nang awkward ‘to. Please get dressed. Sorry again.”

          Naglakad na ko paalis. Pero tumigil muna ako sandali. “Teka… bakit ako nahihiya? Hindi ba dapat nagsasaya ako? Aish!”

          Nakakainis talaga! Kasalanan ng Betty na ‘yan kung bakit ako namumula ngayon! Kung hindi ko siya nakilala eh ‘di sana hindi ko isinarado yung pinto! Kung hindi ko siya nakilala eh ‘di sana nakipag-lambingan pa ako doon sa babaeng iyon!

          Kaso nakilala ko siya. Ayan tuloy! Ayoko nang tumingin sa ibang babae! Nakakainis ka, Betty!

          Naglakad ako nang mabilis at lumabas nang opisinang iyon. Saan ako pupunta? Sa Heart Center! ‘Pag naaalala ko siya, hindi ako makahinga eh! Magkakasakit yata ako sa puso dahil sa Betty na ‘yan!

You'll Also Like

736 53 23
[COMPLETED] (Buhay Torpe #2 : READ THE BOOK ONE FIRST BEFORE READING THIS) "Nakalimutan ka man ng isip ko, hindi ka nakalimutan ng puso ko. Kasi sayo...
506 0 21
" I fall for you when I laid my eyes in your smile." She's happily contented living with her so many plot-twisted life: -Falling in love with a perso...
11.9K 390 21
Their love 온라인카지노게임 started so fast. A simple transferee student who apparently fall in love with the campus heartthrob. The guy who make her life miser...
467 20 12
"But I'll abide for my time right now. Pero darating din ang araw na mas bibigyan pa kita ng mas higit pa sa nakukuha mo mula sa trabaho mo ngayon...