The 100th Guy Who Passed by H...

By FelipeNas

2.9M 29.9K 2.4K

[One of 카지노후기's Most Recommended in 2012 and 2013.] [Story published under LIB.] Wala nang kulang sa buhay... More

Dedications
[PROLOGUE] Because sometimes...
[CHAPTER ONE] Accepting...
[CHAPTER TWO] Count...
[CHAPTER THREE] Too much fame...
[CHAPTER FOUR] Because it's the beginning...
[CHAPTER FIVE] Accept the fact...
[CHAPTER SEVEN] Meeting you again...
[CHAPTER EIGHT - 1] Words...
[CHAPTER EIGHT - 2] Words...
[CHAPTER NINE] Faces...
[CHAPTER TEN] The after effects...
[CHAPTER ELEVEN] Searching the world...
[CHAPTER TWELVE] Almost...
[CHAPTER THIRTEEN] Finally...
[CHAPTER FOURTEEN] Why...
[CHAPTER FIFTEEN] Saying... goodbye.
[CHAPTER SIXTEEN] Alone...
[CHAPTER SEVENTEEN] Just like the first time...
[CHAPTER EIGHTEEN] Happiness...
[CHAPTER NINETEEN] Nightmare...
[CHAPTER TWENTY] I just want...
[CHAPTER TWENTY-ONE] Twice the happiness...
[CHAPTER TWENTY-TWO] You're still...
[CHAPTER TWENTY-THREE] When destiny...
[CHAPTER TWENTY-FOUR] I love you but...
[CHAPTER TWENTY-FIVE] I will live...
[EPILOGUE] To love...
SOFTCOPY, anyone?
A peek to The 100th Memory (A sequel to The 100th Guy Who Passed by Her)

[CHAPTER SIX] Because there is...

86K 1K 64
By FelipeNas

Chapter Six

--Because there is one being destined for you.--

           “Kuya Avril, Ate Flip… making kayo.”

          Huminga ako nang malalim bago simulan ang mga sasabihin ko. Kagabi pa ako naghanda para dito. Inihanda ko na ang sarili ko par ahindi ako mayak ngayon. Ayokong magpakita ng kahit anong senyales ng kahinaan sa kanila. Alam ko sa sarili kong mahirap maka-survive sa isang malalang sakit. Pero ayokong panghinaan ng loob ang mga taong nagmamahal sa’kin.

          “Una, ngayon pa lang… Congratulations na! Masaya ako dahil ikakasal na kayo. Kuya, ingatan mo si Ate Flip ha? ‘Wag na ‘wag mo siyang paiiyakin. Isipin mo, ‘pag pinaiyak mo siya, para mo na ring pinaiyak si Midori at si Jane.”

          Tumingin naman ako kay Ate Flip at hinawakan ko ang kamay niya. “Ate Flip, ingatan mo din si Kuya ko ha? Mahal na mahal ko ‘yan! Mabait ‘yan! Saka alam mo ba, pinaghirapan ka talaga niyang makuha. Kung naaalala mo, nabasag yung bintana ng kwarto mo… Sorry ha. Kami ni Kuya ang bumato nun. Yun yung panahon na nagalit ka sa kanya. Kaya naman pinuntahan ka namin sa bahay niyo para lang mag-sorry kahit malalim na ang gabi at kahit takot si kuya Avril sa aso niyong si Pocholo kaso… Ayun nga… Nabasag yung bintana mo. Hehe, sorry Ate Flip.”

          Huminga ulit ako nang malalim. “Ka—”

          “Teka nga, Midang.” Naputol ang sasabihin ko nang magsalita si Kuya. Napangiti naman ako. Iyong ‘Midang’ kasi ay panlokong pangalan niya sa akin nung mga bata pa kami. “ANo ba talaga ‘yang sasabihin mo at ang haba pa ng speech mo?”

          “Kuya, Ate Flip… masaya naman kayo ‘di ba? Kahit wala ako sa inyo… kaya ko namang alagaan ang sarili ko eh! Promise! Saka sasamahan naman ako ni Jane eh,”

          ‘Midori, there’s bitterness in your tone. You don’t want to be away from your Kuya Avril, do you?” nag-aalalang tanong ni Ate Flip.

          Mabilis naman akong umiling. “Naku! Ate, ano ka ba? Masaya ako kasi ikakasal na kayo! Kahit si Kuya ay malalayo na sa ‘kin, okay lang! Bet na bet ko ang love team niyo eh!”

          “So… ano nga ba ang gusto mong sabihin?”

          “A… M…. May…. May brain cancer ako.”

*

          “Hoy, de la Fuente! Ang lakas ng loob mong matulog dito! Samantalang kanina ka pa naming hinahanap para sa practice!”

                     

          “Tsk, ano ba?” Inalis ko ang unan na inihagis sa ‘kin ni Heart.

          “Bumangon ka dyan! Argh! Kakainin kita diyan eh.”

          “Hey, Maisen. Wake up,” napabangon ako bigla nang magsalita si Terrence. Nakakainis kasi. Ang kulit nila eh. Bihira lang kasi umimik ‘yang isang ‘yan. Takot ako sa 6"4'.

          “Ano ba? Ang gulo niyo eh!”

          Galit na galit na tinampal ni Heart ang noo ko. “Sira ulo! Ikaw pa galit! Ikaw na nga ang hindi um-attend ng practice!”

          “AAAARGHHH! Ano ba ha? Ang sakit ha! Ang sakit na nga nito, dadagdag ka pa! Geez, kainis…”

          “A-ano?” takang-takang tanong ni Heart.

          “Ano?”

          “A-ah… Ito? Masakit?” Hinawakan ni Heart ang kamay ko, at noon ko lang napansin na yung kamay ko palang iyon ay nakahawak sa dibdib ko.

          “Aish! Mababaliw na ko! Hindi ko na alam!” sinabunutan ko ang sarili ko at umub-ob sa kama. Hindi ko na talaga maintindihan ang nangyayari sa ‘kin. Pakiramdam ko… sinapian ako kagabi. Sinapian ako ng isang mabuting kaluluwa.

          “Bakit? Napa’no ka?”

          “Sino ba kasi yung babaeng yun! Binigyan niya ko ng sakit! Darn!”

          “Ohhhh?!?!” gulat na gulat na napatayo bigla si Heart. “Sabi sa’yo mag-ingat ka eh! Ikaw talaga! Napaka-ma-chix mo kasi! ‘Yan tuloy! May AIDS ka na!”

          “Sira ka! Maupo ka nga! AIDS ka diyan… Bad yung premarital sex ‘no.”

          “Eh ano nga bang problema mo?” tanong ni Terrence.

          “Kagabi… may naka-date ako. Babae. Hindi naman ganung kaganda… sakto lang.”

          “Oh? Anong bago dun? Eh lagi ka namang may ka-date?” tanong naman ni Heart.

          “Hindi eh. Nung nakilala ko kasi siya… Parang… Parang ayoko nang makipag-date sa iba. Parang gusto ko siya na lang. Parang… gusto ko ulit siyang makita at maka-date. Naman eh! Pinasisikip niya ‘to eh! Alam niya ba yun?” sabi kong tinuro ulit yung dibdib ko.

          Nang dahil sa nangyari kagabi, hindi ako nakatulog magdamag. Sobrang nahihilo na ko pero siya pa rin ang lumalabas sa paningin ko. Naka-mulat man ako o nakapikit. Tapos hindi pa ako makahinga kapag naiisip kong hindi ko na ulit siya makikita. Gustong-gusto ko talagang lumabas at hanapin siya pero paano naman? Hindi ko siya kilala. Wala siyang contact number. Paano ko ulit siya makikita?

          At isa pa… mangkukulam ba siya? Anong ginawa niya sa ‘kin? Bakit ako nagkakaganito?

          “Cholesterol lang ‘yan,” nakangiting umupo ang bagong dating na si Violet sa tabi ko. “Imposible namang in-love ka. ‘Di ba nga ikaw si Mark Isen de la Fuente, ang lalaking walang permanenteng babae?”

          “Oo nga,” pagsang-ayon ni Heart. “Baka kumain lang kayo ng maraming taba habang nagde-date kayo.”

          “Ganun ba ‘yun?” napaisip ako. Iyon lang pala ang kahulugan nang lahat nang iyon. Baka nga nasobrahan lang ako sa cholesterol. Kailangan ko na sigurong magpa-check up.

          “Oo, itigil mo na ‘yan. Tara na sa music room!” tinapik ni Violet ang balikat ko at magkasunod silang nagpunta ni Heart sa music room.

          Tatayo na sana ako para sumunod sa kanila nang biglang magsalita si Terrence. “What’s her name?”

          Nagpapadyak ako at halos magwala na na parang bata. “’Tol naman eh! Five seconds ago nakalimutan ko na nga siya! Bakit pinaalala mo ulit? Mali yun eh!”

          “’Wag kang umastang parang walang pera. Uso ang magpahanap ng tao, bakit hindi mo i-try?”

          Saglit akong napatigil. “Bakit pa? Sino ba siya para ipahanap ko? Ha? Isa lang siyang nakabarang cholesterol sa puso ko.”

          “Siya lang naman yung babaeng unang nagpasakit ng puso mong manhid.”

          “A-ayoko sabi…”

          “Ayaw mo? Bakit? Because girls are just toys for you?”

          “Oo! They’re just sources of entertainment for my boring moments.”

          Tama yun. Ang mga babae ay isa sa mga bagay na hindi dapat seryosohin. Mas madami sila sa mga lalaki. Meaning, ang isang lalaki ay natural na pwedeng mag-angkin ng maraming babae. Palitan man sila nang maraming beses, hindi sila mauubos. Lokohin man sila at paiyakin, madali naman silang iwanan. Hindi dapat ako magpagambala sa ‘isang cholesterol lang na nakabara sa puso ko’. Ipapa-check up ko na lang ‘to mamaya.

          Tumayo si Terrence at hinarap ako. “Whatever kind of person you are, there is someone destined for you. It is either God… or a woman whom you’ll live the rest of your life with. That’s a fact. I-Google mo pa.

You'll Also Like

97.2K 1.2K 10
She was raise in a slum near the Pasig River, Isa siyang batang putok sa buho kung tawagin ng mga tsismosa nilang kapit bahay. By the way her mom is...
1K 32 20
You cheated on her. She left then you realized you love her. Pero pano kung nang subukan mong bumalik sa buhay niya, hindi ka na niya naaalala? At ma...
2.8K 138 38
They started on the wrong foot kaya tila isang epic scene sa teleserye ang una nilang pagkikita. The least she wants is for a man to totally humiliat...
264K 4.7K 39
The Bride's Man Series (Book 2) "We never fall in love for the person we're supposed to" Mabel left behind when her parents died. Three years of bein...