The 100th Guy Who Passed by H...
By FelipeNas
[One of 카지노후기's Most Recommended in 2012 and 2013.] [Story published under LIB.] Wala nang kulang sa buhay... More
[One of 카지노후기's Most Recommended in 2012 and 2013.] [Story published under LIB.] Wala nang kulang sa buhay... More
Chapter Five
Accept the fact that you fell in love.
May mga bagay lang talaga na ang hirap ipaliwanag.
Naglalakad lang ako kanina, sinusubukang lumayo sa magulong mundo ko. Nang biglang may isang babaeng humatak sa akin. Ang nakakagulat pa doon, niyaya niya akong makipag-date sa kanya. Noong una, hindi ako nagsalita. Iniisip ko kasing niyayaya niya ko dahil alam niya na ako si Maisen de la Fuente. Pero noong tatalikuran na niya ako dahil nga sa hindi ako nagsasalita, hinigit ko siya at inakbayan. Hindi niya ko kilala. She aroused my interest. Well, sanay naman ako na kung kani-kanino lang nakikipag-date, ano bang bago dito?
Akala ko noong una, katulad lang siya ng ibang babae. Nakikipag-date dahil sa ‘woman needs’ nila. Pero iba talaga siya. Sa buong maghapong kasama ko siya, hindi niya ko tinuring na isang ka-date, kundi isang kaibigan. Parang ang tagal na naming magkakilala. Hindi siya maarte. Obviously, she’s a conservative lady. Lalo pa kong naging interesado sa kanya. Kahit ngayon pa lang kami nagkasama, parang gusto ko pang maulit itong araw na ‘to.
Hindi siya ang pinakamagandang babaeng nakita ko. Hindi rin siya ang pinakasexy o pinakamputi. Pero sa lahat ng baabeng kilala ko, siya lang yung gusto kong makita araw-araw.
Yeah, I’m totally a playboy. But this girl is changing my life style.
"Tara, pahinga naman tayo? Upo tayo dun oh," itinuro niya yung mga benches sa gitna ng park. Mukhang pagod na siya. Ang dami na rin kasi naming pinuntahan at ginawa ngayong araw na ‘to.
Kinuha ko yung nakaturong kamay niya. "'Wag na diyan. Enjoy muna tayo, last na. Please?"
“Please?” Hinalikan ko yung kamay niya. Muntikan ko pang masuntok ang sarili ko sa harap niya. Kahit ako kasi nabigla sa ginawa ko. Iniisip kong baka sampalin niya ako o biglang iwan dahil sa ginawa ko. Kung yung ibang babae kasing dine-date ko kahit halikan ko sa kung saan-saan, naisisyahan pa. Pero iba kasi talaga siya. Siya yung babae na ang sarap igalang.
Pero hindi… nganitian niya pa ako at sumama siya sa ‘kin.
Dinala ko siya sa ferris wheel ng park. Gabi-gabi kasi ay may nagaganap na fireworks display ditto sa park. At malapit na iyon. Kasabihan ng mga tao ditto na kung sino daw ang kasama mo sa ferris wheel habang nagaganap ang fireworks display ay siyang makakatuluyan mo. Before, I thought that was a very corny belief but now… There’s no harm in trying right?
Binayaran ko pa yung nagpapaandar ng ferris wheel para pababain lahat ng nakasakay doon. Gusto ko kasi kami lang dalawa yung nandito. I want to make this night special for us. Yeah… I know it sounds weird na ang isang playboy na kagaya ko ay nagkakaganito.
Sumakay na kami sa ferris wheel. Parang nagulat pa siya dahil biglang tumigil yung wheel nung nasa tuktok na kami. Kaya naman nginitian ko siya
"Don't be afraid. Talagang titigil yan at one hundred eighty degrees,"
"Ba-bakit pinababa pa yung ibang tao? Bakit tayo lang ang nandito? Kawawa naman sila."
"May gusto lang akong sabihin sa'yo."
Hindi siya nagsalita kaya naman nagpatuloy na ko.
"I had many girlfriends already."
"Ah... Eh... Oh?"
"Kanina, nung una mo kong nakita, hinahabol ako ng mga girlfriends ko noon. Girl friends. Yeah. Hindi lang ako two-timer. Maraming babae ang kaya kong pagsabayin at one time. Dahil hindi pa ko nagseseryoso sa relationships kahit kelan. Meron sa Japan, California, Brazil, Australia, Korea, China, SIngapore, France... marami pa sila. Hindi pa ko nagseryoso sa babae sa tanang buhay ko pero... Sa tingin ko..."
"Sa tingin mo?"
"I think... I think... I like you.”
“Oh? Hahahaha! ‘Wag ka ngang magpatawa diyan!”
“Seryoso ako. I have this strange feeling for you. Sa’yo ko lang ‘to naramdaman ngayon lang. Do you know how happy I am today? I thought you’re just like any other girl out there. But, no. Ikaw yung babaeng gusto kong igalang. Yung gusto kong alagaan.”
“Akala mo lang ‘yan. Imposible ‘yang sinasabi mo. Ngayon lang tayo nagkakilala,” seryosong sabi niya.
“Yun na nga eh. Ngayon lang tayo nagkakilala pero… Pero.. Do you believe in love at first sight? Alam ko ang corny. Kadiri talaga. Kahit ako kinikilabutan sa mga sinasabi ko. Pero don’t you get it? Ngayon pa lang tayo nagkakilala pero ganito na agad ang nararamdaman ko para sa ‘yo?”
“Tigilan mo na ‘yan. ‘Wag ako. Malapit na ang expiration date ko.”
Noon ko lang napansin na nasa ibaba na pala ulit kami ng ferris wheel. Ang bilis ng oras. Dali-dali siyang lumabas pinto noon. Pipigilan ko sana siya pero bigla niya ko ulit hinarap.
“’Wag mo na kong susundan. Salamat sa panahon,” pagkasabing-pagkasabi niya noon ay binilisan na niya ang lakad niya palayo.
“Teka!” sigaw ko sa kanya. “Can I have your number?
“I don’t have one!” sigaw niya pabalik sa ‘kin nang hindi man lang ako nililingon.
“You haven’t introduced yourself to me! What’s your name, Miss?”
“Betty! My name’s Betty!”
“Nice meeting you, Betty! I am Maisen! Maisen de la Fuente of Kyela Marjorene!” Sinubukan kong ipakilala sa kanya kung sino talaga ako. Nagbabakasakali akong babalik siya ‘pag nalaman niya akon pala si Maisen de la Fuente pero hindi. Hindi man lang niya ko nilingon.
Maya-maya pa ay may narinig akong ingay. Nalimutan kong marami nga palang tao doon. Narinig nila kung sino ako. Maya-maya pa ay may lumapit na dalawang babae sa akin at nagtanong kung pwedeng mag-pa picture. Pumayag ako. Pero nang lingunin ko ulit si Betty sa kung saan siya naglalakad kanina, nawala na siya. Hindi ko na siya nakita.
Hindi nagtagal ay dumami na ang taong pumalibot sa akin. Nagpalingon-lingon ako, nagbabakasa-sakali ulit na nandun rin si Betty, nakikigulo. Pero wala siya.
“3…2…1… Whooooo!”
Napalingon ako sa kalangitan. Nagsimula na ang fireworks display. Pero hindi ko na kasama si Betty.
*
“Kuya, sorry. Bukas na lang tayo mag-usap. Nandito naman ako kina Jane ngayon. Safe naman ako dito eh.”
“I just can’t believe that you’re still roaming at this late time of the night.”
“Sorry, Kuya.”
“Sige na. Matitiis pa ba naman kita? Basta ‘wag ka diyang aalis bukas ha. Ako mismo ang susundo sa’yo dyan. Clear?
“Clear.”
“K. Bye. I love you! Take care, okay?”
“I love you too! Sorry, Kuya.” Ibinaba ko na ang telepono. Akala ko talaga sobrang magagalit na sa ‘kin si Kuya Avril. First time kasing ginabi ako nang uwi. Hindi ako dumiretso sa bahay dahil nalulungkot talaga ako ngayong gabi. Lalo naman akong malulungkot kung uuwi ako ngayon tapos ipagtatapat ko pa sa kanila ang tungkol sa sakit ko.
Bukas ko na lang siguro gagawin yun.
“Magkwento ka nga! Sa’n ka ba galing?” Dumapa si Jane sa kama niya at humarap sa ‘kin.
Tiningnan ko lang siya nang malungkot.
“O, anong drama ‘yan? Saan ka ba nagpunta? Nag-date ba kayo ni Shian?”
“’Wag ka ngang patawa, Jane.”
“Ito naman! ‘Di mabiro! Meron ka ba? Bakit parang bad mood ka?”
“Eh… Kasi naman!”
“Kasi? Magkwento ka na! Parang hindi best friend oh!”
“Jane…” hinwakan ko yung mga kamay ni Jane at huminga nang malalim. “Jane, nakipagdate ako.”
Napabangon bigla si Jane sa kama niya at naupo rin kagaya ko. “What?!?!”
“Oo.”
“Oh, anong nangyari? Enjoy ba? Kanino? Kay Shian? Kay Dwaine? Saan? Saka bakit ginabi ka na? Anong nangyari nga! Magkwento ka!”
“Teka, Jane! Maghunos-dili ka nga! Ang OA mo ha. Mas excited ka pa sa ‘kin eh.”
“Oo na! Behave na ko! Kwento ka na! Yiiiiie!”
“Nakipag-date ako sa hindi ko kilala. Masaya naman eh. Masaya talaga… Kaso—”
“Kaso ano? Ninakawan ka niya? Member ba siya ng Budol-Budol Gang?”
“Jane, isa pa sasapakin ko na ‘yang pilikmata mo!”
“Ay, sorry, Bessie. Sorry naman! Sige, kwento na ulit!”
“Ayun nga, masaya naman. Pero kasi. Nagulat ako. Biruin mo, yung favorite band kong Kyle Marjorene na hindi ko pa nakikita… Member nila yung ka-date ko!”
Biglang nagbago ang excited na itsura ni Jane. “Weh? Patawa ka Bessie ano?”
“Ano ka ba Bess. Totoo ‘to. Maisen de la Fuente. Yun yung sabi niyang pangalan niya eh. Kaya pala ang galing niyang mag-gitara. Saka kaya pala naka-shades pa siya at naka-jacket. As in kun-todo cover up. Yun pala sikat kasi siya!”
“Bessie… Yan ba ang epekto ng brain cancer? Hallucination?”
“Bess naman eh. Totoo ‘to. Promise!”
“Sige nga! Tawagan mo siya ngayon! Siguro naman kinuha mo number niya ‘no?”
Umiling ako. “Tinanong niya pangalan ko. Ang sabi ko Betty. Tapos nung hiningi niya number ko, sabi ko wala akong phone.”
“Gaga! Anong Betty? Betty la Fea? Betty Boop? O etty Crocker? Saka bakit ‘di mo binigay yung number mo! Sayang naman! Para kang nakahuli ng tuna tapos pinakawalan mo! Di ka man lang kumurot kahit kaliskis!”
“Bess, kasi… Nung una naman hindi ko alam na siya pala si Maisen ng KM. Ang saya-saya naman namin. Gusto ko din siyang makita ulit. Kaso nagtapat kasi siya sa ‘kin na gusto niya daw ako. Natakot ako bigla. Di ba bihira naman daw ang nakaka-survive sa ganitong sakit? Paano kung hindi ako maka-survive? Paano kung mamamatay na pala ako? Natatakot akong mapamahal sa kanya kasi natatakot akong dumating yung panahon na iiwan ko na siya.”
Hindi ko alam pero naiiyak ako. Siguro dahil sa panghihinayang. Ngayon lang ako nakaramdam ng ganito. Yung pakiramdam na nagging interesado ako sa isang tao. Pero bakit nga ba ngayon lang? Bakit sa panahon pang hindi pwede at hindi dapat? Naiiyak ako sa lungkot. Paano ko nagagawang aminin sa sarili kong mamamatay rin ako dahil sa sakit na ‘to? Nawawalan na ba ako ng pag-asa?
“Bessie, naiiyak ako.” Niyakap ako ni Jane nang mahigpit.
“Alam mo ba, nung sinabi niya sa ‘king siya si Maisen, gustong-gusto kong bumalik sa kanya. Gustong-gusto kong sabihin sa kanyang kahit hindi siya si Maisen, gugustuhin ko pa ring kilalanin pa rin siya. Pero hindi. Mali kasi.”
“Midori…”
“Bess, masaya ako. Ngayon lang ako nakaramdam ng ganito. Gusto kong ituloy pero hindi pwede. Hindi naman lahat ng gusto natin nakukuha natin ‘di ba? Bess, malala na ang sakit ko. Alam ko ikamamatay ko ‘to. Pero bakit ganun? Hindi man lang ako nabigyan ng pagkakataong sumaya? Bakit ngayon lang kung kelan hindi na pwede?”
“Ano ba, Bess! Hindi ka mamamatay. Maliit na challenge lang ‘yan ni Lord! Kaya mo ‘yan! Sisiw lang ‘yan!”
Sana nga sisiw lang ‘to. Sana nga maliit na pagsubok lang ‘to. Dahil bigla akong binalot ng takot. Napakaraming bagay pa pala ang hindi ko nagagawa. Napakarami ko pa palang gusting gawin. Pero mahirap. Masakit isiping baling araw, lahat ng pinaghirapan ko, maiwawala ko din.
Kaya mas mabuti pang huwag ko nang ituloy. Kesa naman makasakit pa ako ng ibang tao ‘kapag dumating na iyong panahong kinatatakutan ko.