The 100th Guy Who Passed by H...
By FelipeNas
[One of 카지노후기's Most Recommended in 2012 and 2013.] [Story published under LIB.] Wala nang kulang sa buhay... More
[One of 카지노후기's Most Recommended in 2012 and 2013.] [Story published under LIB.] Wala nang kulang sa buhay... More
Nakatulala akong naglalakad habang iniisip ang mga narinig ko kanina lang. Hindi ako natatakot para sa sarili ko. Natatakot ako para sa ibang tao na malapit sa ‘kin. Ano na lang sasabihin nila kapag nalaman nila ito? Ano na lang ang mararamdaman nila?
Binuksan ko ang envelope na kanina ko pang hawak na ibinigay sa ‘kin ng doktor. Binasa kong muli ang laman nun.
Positive. Napailing ako. “Ano ka ba Midori, wala ‘yan. Okay lang ‘yan. Ganyan talaga. Bata ka pa naman eh. Everything’s fine, Midori.”
“Midori!”
Napalingon ako sa tumawag sa ‘kin mula sa likuran ko. Lumapit siya sa ‘kin at niyakap ako. Siguro, alam na rin niya. “Jane,”
“Midori,” narinig kong umiiyak na siya kaya’t humiwalay ako sa pagkakayakap sa kanya para pahiin ang mga luha niya.
“Ano ka ba? Para kang bakla diyan. ‘Wag ka ngang umiyak. Nauna ka pang mag-drama kesa sa ‘kin eh. Okay lang ako.”
“Hindi ka okay.” Pilit ko siyang nginitian. Sya si Philippe Jan Lim, girlfriend ng kuya ko ang kapatid niya. Sabi niya, ang basa daw sa pangalan niya ay ‘Jane’ at hindi ‘Jan’. At kung bakit panlalaki ang pangalan niya, iyon ay dahil sa akala ng nanay niya noong ipinanganak siya ay lalaki siya. Bestfriend ko siya simula pa noong high school hanggang ngayon.
“Sasabihin mo ba sa kanila?”
Sinapok ko siya nang mahina. “Gaga! Syempre naman sasabihin ko. Pwede ba namang hindi?”
Sinapok din naman niya ako. “Gaga ka din! Tatawa-tawa ka pa diyan eh ganyan na nga ang kondisyon mo.”
Lalo akong napatawa. Mahal na mahal ko kasi si Jane. Isa kasi siya sa tatlong kaibigan ko. Hindi naman sa dahil hindi ako friendly pero kasi… walang lumalapit sa ‘kin masyado noon. Kung meron man, hindi ganoong katagal. Palagi kasi akong nahihilo. Ayaw nilang mapag-abutan ng pagkahimatay ko kaya nilalayuan nila ako. At ito nga lang si Jane ang isa sa mga natirang hindi lumalayo sa ‘kin.
“Sige na. May trabaho ka pa. Mauna na ko.”
“Teka, baka kung mapano ka pa pag-uwi mo. Ipasundo na kaya kita kay Ate? Nandito lang din naman yun. O kung gusto mo mag-out ako nang madali para--”
“Jane,” pagpigil ko sa kanya. “Kaya ko ‘to. Bumalik ka na sa ginagawa mo.”
“Sure ka ha?”
“Sure na sure!”
“Sige, goodbye Bessie! I love you!” niyakap niya ako bago siya tuluyang umalis.
Niyakap ko rin naman siya nang mahigpit. “I love you, too, Bessie!”
Sa halip na umuwi na kaagad ay naupo muna ako sa isang bench sa tapat ng ospital. Nag-isip-isip ako.
“You have brain cancer, Midori. At malala na ‘to.”
Naalala ko na naman yung sinabi sa ‘kin ng doktor kanina. May brain cancer daw ako at malala na ito. Ito pala ang dahilan ng madalas na pagkahilo ko noong high school pa lang ako. Ito pala ang dahilan kung bakit bigla na lang nawawala ang pandinig ko kung minsan. Ito pala ang dahilan ng iba’t ibang ka-weirdohang nagaganap sa katawan ko noon pa man. May brain cancer ako. At malala na iyon.
Tanggap ko naman na may ganito akong sakit. Ganun talaga. Kung ang ibig sabihin man nitong sakit na ito ay pagkamatay, tanggap ko iyon. Lahat naman ng tao dadaan diyan eh. Ang kaso, una-unahan nga lang. Swerte mo ‘pag nauna ka, sabi nila, ibig sabihin, hindi ka masamang damo. Kaya naman yung iba, pinipiling maging masama, para daw tumagal sila sa mundo. Iyon na ang pinaka-corny na joke na narinig ko.
“Haaaay, Midori. Bakit ba masyado kang optimistic?” tanong ko sa sarili ko na kahit ako ay napatawa. Kung ibang tao siguro, nagwawala na sa mga panahong ito dahil sa may ganito silang kalagayan.
Pero bakit naman ako magwawala?
Kumpleto at masaya ang pamilya ko. Hindi na nagtatrabaho si Papa at Mama dahil sinusuportahan na sila ni Kuya Avril. Si Kuya naman, kayang-kaya na niya ang sarili niya dahil mayaman na siya. Nakapagpatayo na siya ng sarili niyang bahay at rest house. May tatlo na siyang kotse. Tapos ni-regaluhan na din niya ako ng kotse. Tinupad na din niya ang pangarap nina Papa at Mama na tumira sa Paris. Masaya na siya sa girlfriend niyang si Ate Flip at ilang buwan na lang ay ikakasal na sila. Si Jane naman ay may trabaho na rin, kaya na niyang mamuhay mag-isa kahit pa namatay na ang Daddy niya. Sina Jane at Ate Flip na rin ang sumusuporta sa Mommy nila.
Wala na kong problema. Madali nang iwan ang lahat ng bagay.
“Kung mapabayaan natin ang sakit mo, anytime pwedeng kumalat ang cancer cells. At ang mahirap pa, nasa utak mo na sila, Midori. Kung ngayon, nahihilo ka lang, hindi natin alam sa mga susunod na araw kung ano na ang pwedeng mangyari.”
Anong pwedeng mangyari? Ano nga ba? Hindi ko rin alam kung ano. Wala akong masyadong alam sa sakit ko.
“I suggest you stay here in this hospital, Midori, so we can observe you. We have complete facilities that can help you with your cancer. Tanggapin mo lang ng maluwag ang therapy at mga activities na gagawin para gumaling ka and everything will be fine.”
“But what if everything will not be fine?”
“Silly. Of course, magiging maayos ang lahat.”
“Paano nga po kung hindi?”
Umiling si Dr. de la Fuente. “Let’s talk about it, soon.”
Ano nga ba ang pwedeng mangyari sa ‘kin kung sakaling hindi ako gumaling?
Maya-maya pa ay nag-ring ang cellphone ko.
“Hello?”
“Baby, where are you? Aren’t you coming home yet? The dressmaker’s waiting for you.”
Napangiti ako. Natataranta na kasi ang boses ni Kuya Avril sa telepono. Siguro susukatan na ko ng isusuot kong gown para sa kasal nina Kuya Avril at Ate Flip. “Bukas na lang, Kuya. Baka mamaya pa ako makauwi eh.”
“Okay. Are you fine? You sound lonely. Are you with Jane now?”
“Hindi, may trabaho siya eh. Kuya…”
“Yes, baby?”
“I love you.”
Tumawa si Kuya sa kabilang linya, dahilan para pumatak ang isang luha mula sa mata ko. “Of course, Kuya loves you, too. Is there something wrong? You should be happy. I’m getting married soon, Midori. Don’t you want me to get married and have my own family?”
Pagkatapos ng isang luhang iyon ay may sumunod pang isa. At may sumunod ulit. At may sumunod ulit. Hanggang sa tuluyan ng lumagaslas ang mga luha sa mata ko.
Naisip ko lang kung anong mangyayari kapag nalaman ni Kuya Avril ang tungkol sa sakit ko. Alagaan niya kaya ako katulad noong bata pa kami kapag may lagnat ako? Magbabago ba lahat ng iyon kapag ikinasal na siya? Paano na ako? Sino na lang ang magmamalasakit sa akin lalo na ngayong may malala akong sakit?
Ibinaba ko na ang tawag na iyon nang hindi ko man lang sinasagot ang tanong ni Kuya. Ayoko namang marinig niyang umiiyak ako. Hindi naman sa ayaw ko siyang ikasal, sa totoo nga lang, masayang-masaya akong ikakasal na ang Kuya ko. Wala kasi sa ugali niya ang magkaka-interes sa babae. Pero ngayon, heto siya, busy para sa nalalapit niyang kasal.
Kakausapin ko na lang siya pag-uwi ko mamaya.
Sa ngayon, dito muna ako. Habang hindi pa ako handang humarap sa kanila.
“You might need this.”
Nilingon ko ang panyong hawak ng isang kamay sa harap ko. Nag-angat ako ng tingin para malaman kung sino iyon.
Nginitian ko siya at kinuha ang panyo sa kamay niya. Pinahi ko ang mga luha sa mukha ko. “Salamat.”
Umupo siya sa tabi ko. “Why are you here… alone and crying?”
“Why are you here, too?”
Nagkibit-balikat siya. “Kasi nandito ka? I don’t really know.”
“Nasaan yung kakambal mo?”
Tiningnan ako ni Dwaine na parang nagsasabing, “Siya pa rin?”
“Dwaine, tinatanong ko lang kung nasaan siya. Kung anoman yung nangyari nung college tayo, tapos na yun. Get over it, okay?”
“Ang hirap eh.”
“Dwaine…” pagtawag ko sa pangalan niya na parang nagmamakaawa.
Kaklase ko si Dwaine simula pa noong high school hanggang noong third year college ako. Matagal nang nagsasabi sa ‘kin ni Dwaine na may balak siyang ligawan ako pero hindi ako pumayag dahil ayoko pang makipagrelasyon kahit kanino. Nagkahiwalay kami noong fourth year college na kaming dalawa at naging kaklase ko naman ang kakambal niyang Shian. Kung gaano kami ka-close ni Dwaine ay naging ganoong ka-close ko din si Shian dahil parang iisa lang silang dalawa. Katulad ni Dwaine, nagsabi rin si Shian sa ‘kin na liligawan niya ko pero hindi pa rin ako pumayag dahil ayoko pa rin. Hindi ko na alam ang mga sunod na nangyari sa kanilang dalawa. Basta ang huling nabalitaan ko lang ay nag-away daw silang magkakambal hanggang umabot sa punto na isa sa kanila ay kailangan pang lumayo at mangibang bansa. Pagkatapos noon, wala na akong nabalitaan pa. Sa tingin ko ay si Shian ang umalis dahil palagi kong nakikita si Dwaine kung saan-saan.
At alam ko sa sarili ko, na kahit wala akong ginawang masama, ako ang dahilan ng pagkasira ng magandang relasyon nilang magkapatid.
At nakokonsensya ako dahil doon.
“Just love me. That’s all you have to do, Midori.”
“Pwedeng bang ‘wag na nating balikan ‘yan—”
“Bakit ba ayaw mo sa ‘kin?”
“Dwaine, hindi sa ayaw ko sa’yo. Gusto kita. Gustong-gusto. Pero bilang kaibigan lang. At hanggang doon na lang iyon.”
“Because of Shian?”
“It’s not because of Shian. It’s just that I don’t want a boyfriend right now.”
Iniiwas ni Dwaine ang tingin niya sa ‘kin at hindi siya nagsalita.
“Dwaine, may mga bagay na gusto natin pero hindi naman para sa ‘tin kaya kailangan na lang nating tanggapin.. tanggapin na kailangan na natin silang iwan at tanggapin kung anong bagong darating,”
Tumawa nang mahina si Dwaine. “Why Can’t You Love Me by Kyela Marjorene, right?”
Ngumiti ako. Paboritong banda kasi namin ni Dwaine ang Kyela Marjorene. At maging mga mensahe ng kanta nila ay naisasabuhay ko na.
“They say the best things in life are for free
But why isn’t she
I just want her… want her a lot.
It’s just that 'we' is a 'cannot'."
Pinapanood ko lang si Dwaine habang kinakanta niya ang Why Can’t You Love Me. Nakangiti siya habang kinakanta niya iyon. Isa si Dwaine sa mga nagbibigay ng lakas sa ‘kin. Kahit pa may mga bagay kaming pinagtatalunan katulad na lang ng pagpipilit niya ng nararamdaman niya sa ‘kin, kailangan ko rin siya sa buhay ko. Kailangan ko ng isang kaibigang katulad niya lalo na ngayon.
“I guess I just have to leave this big bad mess.
I’ll leave her behind, then I’ll move… move forward.
I’ll accept what’s coming
And accept that she’s leaving…
But still, but still, but still…
Answer me:
Why Can’t You Love Me?”
Niyakap ko si Dwaine na ikinagulat naman niya. “Dwaine, kailangan kita. Kaya lang, ‘wag mo nang ipilit ang hindi pwede. Kasi ‘pag ginawa mo ulit yun, baka maiwala na kita.”
“Yeah, yeah. I’m sorry.” Tinapik niya ang likuran ko at niyakap ako nang mahigpit bago siya humiwalay sa ‘kin. “So, I guess, this is how it all ends. I’ll still be here, don’t worry. I’ll just leave my crazy feelings behind and accept what’s coming.”
“Thank you.”
Tanggapin kung anong darating. Marami pa sila, Midori. Maraming-marami pa.