The 100th Guy Who Passed by H...

By FelipeNas

2.9M 29.9K 2.4K

[One of 카지노후기's Most Recommended in 2012 and 2013.] [Story published under LIB.] Wala nang kulang sa buhay... More

Dedications
[CHAPTER ONE] Accepting...
[CHAPTER TWO] Count...
[CHAPTER THREE] Too much fame...
[CHAPTER FOUR] Because it's the beginning...
[CHAPTER FIVE] Accept the fact...
[CHAPTER SIX] Because there is...
[CHAPTER SEVEN] Meeting you again...
[CHAPTER EIGHT - 1] Words...
[CHAPTER EIGHT - 2] Words...
[CHAPTER NINE] Faces...
[CHAPTER TEN] The after effects...
[CHAPTER ELEVEN] Searching the world...
[CHAPTER TWELVE] Almost...
[CHAPTER THIRTEEN] Finally...
[CHAPTER FOURTEEN] Why...
[CHAPTER FIFTEEN] Saying... goodbye.
[CHAPTER SIXTEEN] Alone...
[CHAPTER SEVENTEEN] Just like the first time...
[CHAPTER EIGHTEEN] Happiness...
[CHAPTER NINETEEN] Nightmare...
[CHAPTER TWENTY] I just want...
[CHAPTER TWENTY-ONE] Twice the happiness...
[CHAPTER TWENTY-TWO] You're still...
[CHAPTER TWENTY-THREE] When destiny...
[CHAPTER TWENTY-FOUR] I love you but...
[CHAPTER TWENTY-FIVE] I will live...
[EPILOGUE] To love...
SOFTCOPY, anyone?
A peek to The 100th Memory (A sequel to The 100th Guy Who Passed by Her)

[PROLOGUE] Because sometimes...

164K 2K 144
By FelipeNas

IMPORTANT NOTE:

This is the original ONLINE VERSION, and NOT the BOOK VERSION, of The 100th Guy Who Passed By Her. And yes. marami pong differences and online at book version. Mas improved, mas maganda mas okay ang flow, mas makabuluhan, mas maganda ang sentence contruction at choice of words, at mas "so much ang feels" ng book kesa dito sa online version :)

And yes, published na po siya under LIB. PHP 119.75 lang! Bili na! Payamanin niyo ako! Hahaha, biro lang.

Happy reading!

**     **     **     **     **     **     

“86… 87… 88… 89… 90…”

Sabi nila, wala daw swerte o malas sa buhay. Kung anong dinaranas ng isa, dinaranas rin ng iba. Lahat marunong tumawa, lahat marunong umiyak. Lahat nakaranas na ng tagumpay, lahat nakaranas na ng pagkabigo. Lahat nagsasaya, at lahat rin… nasasaktan.

“91…92…93…”

Pero lahat naman daw ng dinaranas ng tao, at lahat ng meron ang tao, mawawala rin balang araw. Hindi pwedeng habambuhay nating hawak ang lahat ng gusto natin. Kahit ano pang higpit ng pagkakahawak natin ‘wag lang mawala ang mga bagay na iniingat-ingatan natin, mabibigo lang tayo sa huli.

“94…”

Ang kaso, hindi Niya sabay-sabay kinukuha ang lahat. May iba na nauuna, may iba na nahuhuli. Isa-isang mawawala ang lahat sa atin, hanggang sa maramdaman na lang natin na may kulang, may nawawala. Hanggang sa mismong ang sarili natin, hindi na natin mahanap.

“95…”

Sa tagal ko nang nabubuhay sa mundo, ngayon ko lang napagtanto na kailangan ko rin pala nito. Kaya heto ako, nagbibilang.

“96…”

Hindi man nadadaan sa tinatawag na ‘tsamba’ ang buhay ng tao, marami man ang nagsasabing hindi totoo ang tadhana, pero susubukan ko. Wala namang masamang sumubok. Ang masama ay iyong wala ka man lang ginawa. Susubukan ko, umaasang walang mawawala sa ‘kin, kahit ang totoo, unti-unti nang nawawala ang bagay na pinakaiingatan ko.

“97… Naku, Lord ang bata naman nito. Ayoko pong makasuhan ng child abuse! Mabuti na lang at 97 pa lang.”

Darating ang araw na maiwawala ko ang ang bagay na iyon. At pagsisisihan ko ang araw na hindi ko man lang nagawa ito, na hindi man lang ako sumubok.

“98… Ah… Wow… Ganito yung description nung nasa ET na libro—”

Konti na lang at malalaman ko na ang resulta ng ginagawa ko. Hindi ako perpektong tao kaya’t wala akong karapatang magreklamo sa matatanggap ko ngayong araw na ito.

“99… Lord! Siya na lang po! Ang pogi! Ang hot! Ulam na ulam na ‘to Lord! Sige na po! Isa na lang naman po eh… Saka… malay niyo po may nakaligtaan akong bilangin. Lord, ito na lang po, ha? Thank You po— Okay, Lord! I’m just kidding!”

Kung ano man ang ipagkaloob sa ‘kin ng Diyos ngayon, tatanggapin ko. Tatanggapin ko nang walang reklamo at pagdududa. Tatanggapin ko katulad ng pagtanggap ko sa ‘bagay na iyon’ na balang araw ay kukunin ang lahat ng meron ako, kahit pa ang pinakamaliliit na bagay na dahilan para mabuhay ako.

“100…”

You'll Also Like

465 20 12
"But I'll abide for my time right now. Pero darating din ang araw na mas bibigyan pa kita ng mas higit pa sa nakukuha mo mula sa trabaho mo ngayon...
2.6M 65.5K 45
Cover Edit: NayinK Illustration: viahebumuno Toby had the mishap of falling for his best friend. But unlike any other best friend-themed love sto...
264K 4.7K 39
The Bride's Man Series (Book 2) "We never fall in love for the person we're supposed to" Mabel left behind when her parents died. Three years of bein...
27 0 12
"Love is something beautiful." But love sometimes bring a pain in our life. "Love is magical." But love can't magic our heart to love back to the per...