'Bakit?' nakangiti siya habang diretsong nakatingin sa mga mata ko. At 'yun ang unang araw na nailang ako sa kanya.
'Uhm, ano... Wala lang," sabi ko habang dahan-dahang nag-iwas ng tingin sa kanya para hindi niya mahalatang na-o-awkward-an ako. 'Kasi, narinig kong meron eh,' sabi ko lang 'yun. Wala naman talaga akong narinig. 'Gusto ko lang i-confirm ang chismis.'
Tumawa siya saka tumingin sa harapan namin kung saan patuloy ang pagdaan ng mga estudyante. Saglit siyang hindi nagsalita. Nang mga panahong 'yun kung ano-ano na ang pumapasok sa isip ko. Pa'no kung gusto nga niya ako? Pa'no kung bigla siyang umamin?
Robyn, wala. Kasi ikaw ang gusto ko. Naririnig ko ang boses ni Riley sa imahinasyon ko habang sinasabi ang mga salitang 'yun. At bumilis ang tibok ng puso ko.
'Meron.'
Nang sabihin niya ang isang salitang 'yun, parang gusto ko nang umuwi sa bahay namin at 'wag nang pumasok kinabukasan. Parang gusto ko na lang manood ng comedy o horror movie malimutan lang na g sagot niyang 'yun. Bakit pa naman kasi ako nagtanong. Dapat hindi na lang.
"Robyn."
"Riley."
Isang araw, nilapitan ako ng girlfriend ni Riley. Sa totoo lang, nang mga panahon ko lang napaniwala ang sairli kong may girlfriend nga siya. Kinabukasan kasi, nang umamin sa 'kin si Riley na may girl friend siya, parang nawala ang hiya ko dahil normal pa rin siya sa 'kin pagkatapos noon. Kung anong ginagawa namin dati, ginagawa pa rin namin noon. Hanggang sa heto nga, lumapit si Cielo sa 'kin. Bigla akong kinabahan. Talaga nga palang may girlfriend si Riley. Ay, mali... Dapat pala, bakit ko ba kinalimutang may girlfriend si Riley?
'Robyn, tanong lang. 'Wag kang magagalit ha? Ano ba kayo ni Riley? Napapansin ko kasi ang close niyo.'
Napalunok ako. Biglang kinabahan. Pero parang sira. Bakit ako kakabahan? It's not as if something's going on. 'Wala.'
'Pa'nong wala?' tanong ni Cielo. Mabait naman si Cielo kaya ang hirap na sabihing maarte siya o matapobre para lang pampalubag-loob sa sarili ko.
'Wala, as in...'
Nang mga panahong 'yun ko naisip kung ano nga ba kami ni Riley. Ang hirap i-describe. Ang hirap hanapin ng eksaktong term. Siguro, friends. Pero hindi ko masabi. Parang mali 'yung salitang friends.
"Robyn."
"Riley."
Simula noon, madalas kong makita si Riley at Cielo. Magkasama. Normal lang naman 'yun. Pero pakiramdam ko palagi affected ako. Na parang may something. Na parang binibigyan kong malisya kung bakit sila magkasama samantalang karapatan naman nila 'yun. I just decided to go with my friends and keep on studying. Wala na naman akong magagawa, eh. May naririnig akong mga sabi-sabing hindi naman daw talaga gusto ni Riley si Cielo. Na kaya lang siya niligawan ni Riley ay dahil maganda si Cielo at madaling mapasagot. At nang mga panahong 'yun rin ay wala siyang girlfriend. Gustong sumabay sa trend. Gusto ko pang mag-usisa, magtanong kung bakit at paano, kumalap pa ng mga impormasyon hanggang sa magpyesta ang isip ko sa katotohanang lamang ako kay Cielo. Pero ang bitter naman yata nu'n. Kaya kahit sinasabi ng chismis na matagal na 'kong gusto ni Riley pero nahihiya siyang umamin, hindi ako nakinig. Kahit sinasabi ng iba na ganoon daw talaga, na pag gusto mo talaga ang isang tao, nahihirapan kang umamin, hindi ako naniwala.
"Robyn."
"Riley."
"Robyn."
"Riley"
"Mahal kita."
"Ri—"
Natigilan ako sa narinig ko. Saglit akong naghintay ng mga sasabihin pa niya. Pero wala nng naging kasunod pa noon. Hindi na muling bumuka ang bibig niya. Unti-unti akong lumingon sa direksyon niya at mas lalo pa akong natigilan nang makita kong nakamulat ang mga mata niya. Nakatitig sa 'kin. Walang sinasabi pero parang ang daming salitang gusto iparating.
"Nananginip ka ba?"
Tinitigan lang niya ako, walang ekspresyon sa mukha niya. Hanggang sa maramdaman ko na lang na ang hirap nang huminga. Na parang bawat salitang gusto niyang sabihin, dumidiretso sa dibdib ko. Nagpapabilis ng tibok ng puso ko.
Hanggang sa unti-unti niyang ipinikit ang mga mata niya.
"Oo."

BINABASA MO ANG
Robyn & Riley (And The Rest is Clich) Filipino One-Shot
Teen FictionMeet Robyn and Riley-- two of the most clich persons in the world. Originally written by: Felipe Nas Language: Filipino/Tagalog Status: Completed (One-shot only) Robyn & Rley (And the Rest is Cliche) ? 2014 All Rights Reserved
Robyn & Riley (And The Rest is Clich) (Filipino One Shot)
Magsimula sa umpisa