“But you have no life with my sister,” Avril let out a deep sigh which made my heart tighten. “Only miracle can save Midori now. Sa kondisyon niya ngayon…” Huminga muli siya nang malalim bago ulit magsalita. “I… I don’t know how short time will be. But the doctor already said a month or less.”
Tila nanghina ako sa mga narinig ko na halos matumba na ako. Mabuti na lang at naalalayan kaagad ako ni Violet. “W-What? I mean… what? And you could just say that easily? How could you Avril? How could you just accept that?”
“Because that’s life Maisen,” iniiwas ni Avril ang tingin sa akin at pinahi ang mga namumuong luha sa mga mata niya. Sa unang pagkakataon, nakita kong umiyak siya. Pero napanatili pa rin niya ang postura niya. He was still strong. But those tears just proved to me that he is fragile at that moment. “Even philosophy says, if you can’t change something because it’s already a fact, then just accept it. Just because I’m losing someone, doesn’t mean I have to stop my whole world from functioning. Kahit si Midori, hindi magiging masaya kung ganun ang mangyayari. Hindi rin ganung kadali sa ‘kin na magpatuloy ng araw nang hindi siya kasama. Hindi madaling bawat araw, buhay pa man yung kapatid ko, pakiramadam ko wala na siya. Pero ano bang magagawa ko? Kinukaha na Niya si Midori eh. So Maisen please. Ayokong masira ang pamilya mo dahil sa umaasa ka wala. You can be with Midori as long as she’s with us and as long as she’s fighting. But please continue your life. Let’s face the sad reality. Masanay ka nang wala siya.”
Masanay ka nang wala siya.
Paulit-ulit na rumehistro sa isipan ko ang mga salitang iyon. Kailangan kong masanay nang wala si Midori sa tabi ko. Paano nga ba ako magpapatuloy sa buhay? Paano magiging katulad ng dati ang buhay ko gayong may kulang na? Paano pa ko magpapatuloy kung pakiramdam ko, sa bawat gagawin ko, hindi na ako buo…
Masanay ka nang wala siya.
Paano ka masasanay sa isang bagay na wala ang nakasanayan mo?
How could I get used to something I can’t even accept?
Tell me.
How?
*
“Sir! Sir! Ayaw pong magpaistorbo ni Ma’am! Nag-aaral po siya! Sir!”
Dire-diretso lang akong pumasok sa bahay ni Sirri kahit pinipigilan ako ng katulong nila. Nang makatuntong ako sa salas nila ay agad akong nagsisigaw para marinig niya kaagad ako. “Sirri! Sirri!”
Hindi naman ako nagkamali dahil hindi rin nagtagal ay dali-daling bumaba si Sirri mula sa second floor ng bahay nila. Ilang Segundo muna niya akong tinitigan na parang nagtataka saka niya pinaalis ang katulong nila at sinabing iwanan na kami.
“O, Maisen. What’s the matter?” sabi niya habang papalapit siya sa akin.
Saglit na katahimikan ang namagitan sa aming dalawa. Huminga ako nang malalim at nag-isip muli. Inisip kong muli ang isang bagay na ilang beses ko nang pinag-iisipan kanina pa.
“Did you do that on purpose?”
Bahagyang nagulat si Sirri sa sinabi ko. “A-alin?”
“My Dad. You know he’s in the hospital now, right? Did you do that on purpose? Is that your punishment?”
“W-wait… I… Your dad’s in the hospital? I… I…” napaatras si Sirri nang humakbang ako palapit sa kanya.
“Don’t you pity me? My girlfriend’s… dying. I’m nearly losing my career as a musician. Some of our hospitals already closed. Hindi ka pa ba naaawa sa ‘kin? Why even my Dad?”
“T-teka lang… Maisen—”
Hindi na niya naituloy ang sasabihin niya dahil nauna na akong lumuhod at yumuko sa harapan niya. I humbled myself and threw away all my pride to do this.
“Maisen… tumayo ka nga dyan. Ano ka ba…”
Hinila niya ako sa braso pero tinabing ko lang ang mga kamay niya. “Help me. Help me, please. Even I don’t know what to do anymore…”
“M-Maisen? Are you crying?”
“I’m confused. My life’s drastically tragic. Help me please.”
“But… Oh my… Please stand. Don’t cry… Maisen, you’re making me panic. What’s happening?”
“Help me please… I can’t afford to lose another life. Please…”
“Okay… okay! Oh my… S-so. What… I’m trembling! My God! I don’t know what’s happening to you! I’ll help you, okay? Calm down please. What do you want me to do?”
“Marry me, Sirri. Please.”

BINABASA MO ANG
The 100th Guy Who Passed by Her (Online Filipino Version)
Teen Fiction[One of 카지노후기's Most Recommended in 2012 and 2013.] [Story published under LIB.] Wala nang kulang sa buhay niya. Iyon ang buong pag-aakala ni Midori. Hanggang sa nagsimula ang tadhana na paglaruan ang tahimik niyang buhay. She knew things would ne...
[CHAPTER TWENTY-THREE] When destiny...
Magsimula sa umpisa