BINABASA MO ANG

The 100th Guy Who Passed by Her (Online Filipino Version)

Teen Fiction

[One of 카지노후기's Most Recommended in 2012 and 2013.] [Story published under LIB.] Wala nang kulang sa buhay niya. Iyon ang buong pag-aakala ni Midori. Hanggang sa nagsimula ang tadhana na paglaruan ang tahimik niyang buhay. She knew things would ne...

#100th #guy #maisen #midori #passed #sad #tragic

[CHAPTER TWENTY-TWO] You're still...

Magsimula sa umpisa
                                        

          Dahil kahit ano mang idikta sa’yo ng mundo, sa huli, ang susundin mo pa rin ay ang sinasabi ng puso mo.

*

          “So, ganun pala ang nangyari…”

          Marahan akong tumango. Nakatulala lang si Jane, marahil iniisip ang mga sinasabi ko.

          Bigla siyang matamang tumingin sa ‘kin. “Pero kahit na. Sana sinabi mo na lang kay Midori yung totoo. Na may problema ang pamilya niyo. Hindi naman gaga ang bestfriend ko ‘no. Maiintindihan nya yun. Sigurado ako.”

          Huminga ako nang malalim at muling pinaliwanag sa kanya ang bagay na iyon na ilang ulit ko nang sinasabi sa kanya. “Jane, hindi nga ganung kadali yun. Siguro nga maintindihan ni Midori na kailangan kong gawin yun, pero alam ba natin kung anong totoong mararamdaman niya sa loob niya? Pwedeng sabihin niya sa ‘tin na ayos lang yun, pero hindi niya pa rin maiiwasang hindi masaktan. Ayoko nang mangyari pa yun. Ayoko nang mamroblema pa sa ‘kin si Midori.”

          Huminga muna nang malalim si Jane bago siya nagsalita. “Oo na, sige na. Pinapatawad na kita. Ano pa nga bang magagawa ko?”

           “Pero Jane, sa tingin ko, hindi lang ako basta-basta pinakawalan ni Sirri.” Tiningnan niya akonang may pagtataka. “Kanina, bago umalis sina Avril at Midori, sinabi ko kay Avril na sasama ako. Pero ang sabi niya lang sa ‘kin, sinungaling daw ako. Naisip ko, sinabi ni Sirri sa kanya yung tungkol sa ‘min. Baka na-misinterpret ni Avril ang mga pangyayari.”

           “I told him that.”

          Sabay kaming napalingon ni Jane sa nagsalita mula sa likod naman para lang makita kung kanino nagmula ang boses na iyon.

          Napatayo ako sa kinauupuan ko at matamang tumingin sa kanya. Binigyan ko siya ng isang tingin na may halong panunumbat at pagtataka.

           “Dwaine,” napatayo rin si Jane sa kinauupuan at katulad ko ay may pagtataka rin sa mga mata niya.

          Unti-unting lumapit sa ‘min si Dwaine. Confidently, he spoke to us… He was so confident it made me hate him. “Ayoko nang sinasaktan mo si Midori.”

           “Wala kang alam—”

           “Wala nga ba? Hindi ba ikaw ang walang alam? Were you here when Midori needed you the most… just like a while ago? Wala ka dito! You don’t know how much she suffered. Enough is enough, you idiot!”

           “Dwaine! Ano ba!”

          Bagaman sinaway na ni Jane ay nagpatuloy pa rin si Dwaine sa pagsasalita. “Alam naming lahat kung gaano na kalala ang sakit ni Midori. Nagdesisyon na ang pamilya niya na ipagamot na siya sa ibang bansa. Pero ayaw sumama ni Midori. Ayaw niyang magpagamot. Ganun niya katanggap na mawawala na nga siya balang araw. Kahit ikaw isinuko na niya! Umiiyak siya gabi-gabi, nagdadasal na sana maging maayos ang pamilya niya… pati ikaw Maisen ipinagdadasal niya! Nakita ko kung gaano siya naghihirap. Bagay na hindi mo maiintindihan dahil wala ka sa tabi niya nang mga panahong hirap na hirap na siya!”

The 100th Guy Who Passed by Her (Online Filipino Version)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon