At nang ma-proseso ng utak ko ang mga nangyayari, ay napapikit na lang ako. Dama ko ang mga maiinit ng likidong isa-isang dumaloy mula sa mga mata ko. Kahit anong gawin kong pagtawag, wala akong matatanggap na kahit anong kasagutan mula sa kanila. At kahit anong gawin nilang pagsagot, walang makakarating sa ‘kin. Gusto kong magsisigaw pero kahit anong buka ng mga bibig ko, tila hindi ko magawa.
Dahil maging ang sarili kong tinig… hindi ko na rin marinig.
*
Palinga-linga ako sa relo na nakasuot sa pulso ko habang palingon-lingon sa paligid ko na parang naghahanap ng pinakamalapit na exit, na pinakamadaling labasan kung sakali mang makaalis na ako sa lugar na ito.
“Why are you so disturbed?”
Nilingon ko si Sirri na hawak ang isang tuxedo. “Can I go now?”
Ibinalik niya ang mga mata sa pagsusuri ng damit na iyon. Ibinalik niya iyon sa sabitan at kumuha muli ng panibago para suriin. “I thought you broke up with her…”
Nanatili lang akong tahimik at inulit ang tanong ko. “Can I go now?”
“Miss,” pagtawag niya sa saleslady ng shop na iyon. “Pakilagay sa groom’s option nito.”
Kinuha naman agad iyon ng saleslady at isinabit kasama ng iba pang tuxedo at coat na pamimilian ko ng isusuot ko.
“Can I have ice cream with you?”
“Ha?” Sirri smiled so angelic. It’s the first time I saw her smile that way. Kaya naman sa halip na maging sarkastiko ay naging mabait rin ang tono ko sa kanya.
“Ice cream. And then you can leave. Just eat with me for five minutes and then you can leave me.”
Tumango naman ako bilang pagpayag.
Nagpunta kami ni Sirri sa isang ice cream shop. Ayon sa kanya, doon daw siya palaging kumakain kapag naaalala niya ako. Nagulat rin ako nang sumakay ako ng sasakyan niya. May isang lalagyan siya doon ng CDs na puro album ng Kyela Marjorene. Sa halip rin na rosary ang nakalagay sa rear mirror niya ay picture ko ang nakatali doon. May poster ko rin sa likod ng sasakyan niya. May nakita rin akong gusot at puro guri na picture na kung hindi ako nagkakamali ay si Avis C.- isang sikat na artistang umaming may munting pagtatangi sa akin.
Ipinatong niya ang in-order niyang cookies ‘n cream sa ibabaw ng lamesa namin. “Are you really leaving me after this?”
Tumingin lang ako sa kanya at nagpasalamat sa ice cream.
“What’s with that girl? And what’s not with me?”
Nagkibit-balikat lang ako. “Masyadong komplikado ang sagot. Baka hindi ka maniwala kung sabihin ko man sa’yo.”
“I’m letting you go, then.”
Mula sa pagkain ko ng ice cream ay napatigil ako at napalingon sa kanya.
“Ayoko ng ganito. Kasama kita sa pagpa-plano ng kasal, pero nasa ibang lugar naman yung isip at puso mo. Parang nagpapakatanga lang ako.
“Sabi ko sa sarili ko, nung lumabas ako ng mental institution, ma-i-in love ka rin sa ‘kin. At magbabago ang tingin mo sa ‘kin. Hindi lang bilang isang babae na katulad ng iba pang naging girlfriend mo at hindi rin bilang isang babaeng tanga at nabaliw. Gusto kong mahulog ka talaga sa ‘kin. Pero kung ganito rin lang, tatanggapin ko nang talo ako. Parang baliw din ako nito eh, pinipilit ko yung ayaw. So go now, Maisen.”
“Seriously?”
“I won’t interfere in your life anymore. Pero hindi ko maipapangakong susuportahan pa ng kompanya namin ang ospital niyo. You solve your own problem, we’ll mind our own business. Parang walang nangyari. Leave everything as is.”
Hindi na ako nakapagpasalamat pa kay Sirri at dali-dali akong lumabas ng restaurant na iyon. Hindi ko na rin siya sinumbatan, tulad na lang ng bakit niya pa ko inipit sa ganitong sitwasyon, susuko rin naman pala siya. Hinayaan ko na lamang ang mga bagay na nais kong isumbat sa kanya. Wala na rin namang silbi ang mga yun. Pinalaya na niya ako at masaya ako ngayon.
Dali-dali akong pumara ng taxi para agad pumunta kay Midori. Katulad ng pinangako ko sa kanyang darating ako ngayon sa birthday party ng Mommy niya, pupunta ako.
Nang makarating ako sa bahay nila ay agad kong nakita si Midori sa loob ng van na nakaparada sa harap ng bahay nila.
Binuksan ko ang pintuan noon. “Midori, sorry. Late ako. Pero nakaabot pa naman ako ‘di ba?”
Nagulat na lang ako nang bigla siyang humagulhol.
“M-Midori… sorry. Pumunta naman ako eh. Patawad talaga.”
“Hindi ka niya maririnig.”
Lumingon ako sa likod ko para makita si Avril na matamang nakatingin sa ‘kin. “What?”
“Midori won’t hear you,” aniya habang naglalakad papasok ng driver’s seat. “She can’t hear anymore. Not even a single sound.”
“What?” gulat na tanong ko. “Are you serious?”
“Of course, I’m serious. Dadalhin ko na siya sa ospital kaya pakisarado na ng pinto—”
“Sasama ako!”
“I’m sory, but this car has no space for liars.” HInigit niya ang pintuan sa tabi ni Midori para isarado iyon habang ako naman ay parang mangmang na pinapanood silang makaalis.

BINABASA MO ANG
The 100th Guy Who Passed by Her (Online Filipino Version)
Teen Fiction[One of 카지노후기's Most Recommended in 2012 and 2013.] [Story published under LIB.] Wala nang kulang sa buhay niya. Iyon ang buong pag-aakala ni Midori. Hanggang sa nagsimula ang tadhana na paglaruan ang tahimik niyang buhay. She knew things would ne...
[CHAPTER TWENTY-ONE] Twice the happiness...
Magsimula sa umpisa