BINABASA MO ANG

The 100th Guy Who Passed by Her (Online Filipino Version)

Teen Fiction

[One of 카지노후기's Most Recommended in 2012 and 2013.] [Story published under LIB.] Wala nang kulang sa buhay niya. Iyon ang buong pag-aakala ni Midori. Hanggang sa nagsimula ang tadhana na paglaruan ang tahimik niyang buhay. She knew things would ne...

#100th #guy #maisen #midori #passed #sad #tragic

[CHAPTER TWENTY-ONE] Twice the happiness...

Magsimula sa umpisa
                                        

          “Eh ‘di ibig sabihin, hindi ikaw ang priority niya?”

          “Jane…”

          “Baka may nahanap na ‘yan na bago,” sabay na komento nina Jane at Dwaine dahilan para mamagitan ang saglit na katahimikan.

          “Really?” tanong ni Dwaine.

          “Galing ah,” sagot naman ni Jane. Nakakailang. Parang matapos akong ilagay sa hot seat ay ipintapon ako ng dalawang ito sa Madagascar para makapag-moment silang dalawa. Nang dahil lang sa nagkasabay silang magsalita, namangha na ang dalawang ito. Ang mga nagkaka-crush nga naman…

          “You know, Jane. I like you in a way,”

          “You know Dwaine, alam kong maganda ako pero hindi tatalab sa ‘kin ang mga jokes mo.” Nakangiting sumandal ako sa upuan ko at kumain ng hawak kong biscuit. Para akong nakikinig ng radyoserye.

          “Should we go out sometimes?”

          “Yes, and I’ll bring my boyfriend to kick your ass.”

          “Oh, then. ‘Wag na lang.”

          Napaangat ulit ang likod ko mula sa pagkakasandal dahil sa narinig ko. Hindi naman awkward ang naging tono ng pag-uusap ng dalawa, parang normal lang. Pero ako yung gulat na gulat.

          “May boyfriend ka na, Jane?” kunot-noong tanong ko. Mag-bestfriend kami pero hindi man lang niya kasi naikwento sa ‘kin. Nakakapagtampo. At isa pa, nagugustuhan na siya ni Dwaine, tapos saka naman siya nag-boyfriend.

          “Oo, Bessie. Mas matanda sa ‘kin ng two years. Si Jaimren Violet Reid.”

          “Si Jaimren?” tanong naman ni Dwaine.

          “Kilala mo?”

          “’Wag kang didikit------”

          “------kasi-------naman?”

          “Bas------kapag-------wanag?”

          “Jane, Dwaine?” pagtanong ko, dahil bigla na lang silang hindi nagsalita. “Jane? Dwaine?”

          “---i------ri!”

          Sinubukan ko pang talasan ang pandinig ko dahil naging malabo ang huling tunog na narinig ko.

          “Jane, Dwaine! Jane! Dwaine!” paulit-ulit na sabi ko. Pero wala pa rin akong naririnig mula sa kanila. Napakapit ako nang mahigpit sa hawakan ng upuan habang paulit-ulit na sumisigaw nang malakas. “Jane! Dwaine!”

The 100th Guy Who Passed by Her (Online Filipino Version)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon