BINABASA MO ANG

The 100th Guy Who Passed by Her (Online Filipino Version)

Teen Fiction

[One of 카지노후기's Most Recommended in 2012 and 2013.] [Story published under LIB.] Wala nang kulang sa buhay niya. Iyon ang buong pag-aakala ni Midori. Hanggang sa nagsimula ang tadhana na paglaruan ang tahimik niyang buhay. She knew things would ne...

#100th #guy #maisen #midori #passed #sad #tragic

[CHAPTER TWENTY-ONE] Twice the happiness...

Magsimula sa umpisa
                                        

          “Ha?” nagtatakang tanong ko. “Eh ‘di ba si Maisen yung dumating?”

          “H-Hindi, Midori. Si Ate Flip yung dumating.”

          Napalingon ako sa boses sa gilid ko. Ang nagmamay-ari pala ng mga kamay na iyon sa mga balikat ko ay si Dwaine. Puno ng pagtatakang prinoseso ko ang mga pangyayari sa utak ko. “Hindi nga?”

          “Midori, ako ‘to. Si Ate Flip. Don’t tell me, boses lalaki ako?” sabi ni Ate Flip kasunod ang mahihinang tawanan ng mga tao dito.

          Doon ko rin lang napagtantong boses nga iyon ni Ate Flip. Pero ano yung kanina? Sigurado ako. At hindi ako pwedeng magkamali. Boses iyon ni Maisen.

          Pero bukod sa hiwagang iyon ay may isang bagay pa ang pumasok sa isip ko. Bakit wala pa rin si Maisen dito hanggang ngayon? Hindi ba siya pupunta?

          “Sorry in advance. Male-late ako sa birthday party ng Mommy mo. Pero I assure you, darating ako. Late nga lang. Well, I’ll do my best to come. Promise.”

 

          Hindi. Darating siya. Nangako siya sa ‘kin at naniniwala akong darating siya. Naniniwala ako kay Maisen. Hindi niya sisirain ang pangako niya.

          “Ah!” nakangiting saad ko, kasunod ang pagbibiro para mapagtakpan ang naunang nagawa ko. “Sorry Ate Flip. Nag-ha-hallucinate na naman ako! Ito kasing sakit ko, isang epekto eh, hallucination. Masyado lang yata akong na-e-excite sa pagdating ni Maisen.”

          Matapos iyon ay nagkainan na kaming lahat. Magkakausap sina Daddy, Mommy, Kuya, at Ate Flip sa mesa habang kumakain. Pinag-uusapan nila ang buhay nina Kuya Avril at Ate Flip matapos silang ikasal, kasama na doon ang pagpa-plano ng dalawang magkaroon ng anak. Si Daddy at Mommy naman ay nag-she-share tungkol sa buhay mag-asawa nila.

          Nandito naman ako, si Jane at Dwaine sa terrace habang nagkukwentuhan at kumakain.

          “Hindi ba darating si Maisen? ‘Di ba two o’clock yung sabi mong time sa kanya? Four o’clock na wala pa siya,” tanong sa ‘kin ni Jane habang ngumunguya ng pagkain.

          “Darating yun ano ka ba.”

          “Ano bang sabi niya? Bakit daw siya ma-le-late? At bakit lagi siyang late?”

          “Wala naman siyang sinasabi eh. Basta ma-le-late—”

          “Ano!?” gulat na tanong niya kasunod ng pagkasamid. Tumikhim si Jane. “Ano? Wala siyang sinasabi sa’yo kung bakit? Tapos pumayag ka pa rin na ma-late siya? Hindi ka man lang nagtanong at nangulit kung bakit?”

          Huminga ako nang malalim. Umiiral na naman ang pagka-“questionnaire” ni Jane. “Kailangan ko pa bang itanong yun? Hindi ba dapat ma-gets ko na na busy talaga siyang tao? International artist si Maisen, at hindi siya ordinaryong tao lang. Sadyang marami siyang priority.”

The 100th Guy Who Passed by Her (Online Filipino Version)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon