BINABASA MO ANG

The 100th Guy Who Passed by Her (Online Filipino Version)

Teen Fiction

[One of 카지노후기's Most Recommended in 2012 and 2013.] [Story published under LIB.] Wala nang kulang sa buhay niya. Iyon ang buong pag-aakala ni Midori. Hanggang sa nagsimula ang tadhana na paglaruan ang tahimik niyang buhay. She knew things would ne...

#100th #guy #maisen #midori #passed #sad #tragic

[CHAPTER TWENTY] I just want...

Magsimula sa umpisa
                                        

          “Maisen,” huminga siya nang malalim. “Maisen, itigil na natin ‘to. Sa tingin ko mas magiging masaya tayong dalawa kung… kung magkanya-kanya tayo. Ikaw, hindi mo na ko poproblemahin—”

          “Naiintindihan mo ba ‘yang mga sinasabi mo?” naluluhang sabi ko. Hindi ko sana ilalabas ang ganitong nararamdaman ko dahil baka makaapekto iyon kay Midori. Pero hindi ko kasi matanggap itong iniaalok niya sa ‘kin ngayon.

          “Ang sa ‘kin lang naman, sa tingin ko, mas magiging masaya ka kung wala ako.”

          “Ha?” sarkastikong tumawa ako. “So that’s what you think. Tatanungin kita. Magiging mas masaya ka ba kung wala ako sa buhay mo?”

          Umiling siya.

          “Eh bakit mo ginagawa ‘to? Bakit kaligayahan ko lang ang iniisip mo? Alam mo bang hindi ko alam kung kakayanin ko pang mawala ka ulit sa ‘kin, lalo pa ngayon at nakita na kita? Alam mo ba kung gaano kahirap yung ang tagal kong nagtiis na hindi ka nakikita? Alam mo ba kung gaano ko muntikang saktan ang sarili ko nang malaman kong ganito na ang kalagayan mo pagkatapos wala man lang akong nagawa? Midori naman! ‘Wag naman ganito…”

          “Maisen… ano lang kasi…”

          “May problema ba sa ‘kin? Sabihin mo lang, babaguhin ko. Para sa’yo. Pero ‘wag mo naman akong alisin sa buhay mo. Midori… please…”

           Kumapa siya sa hangin at nang maabot ang balikat ko ay niyakap niya ako. “Sorry Maisen. Binabawi ko na yung sinasabi ko. Hindi ko na uulitin. Akala ko lang kasi mas magiging maayos ang lahat kapag ginawa natin yun. Sorry.”

          Niyakap ko rin siya habang pinapawi ang namumuong luha sa mga mata ko. “I won’t leave you, okay? So please hold on tight. Gagaling ka, Midori. You’re cancer will never be a big deal to me.”

          “Sorry, Maisen,” nanginginig ang boses na sabi niya, dahilan para mapahiwalay ako sa yakap niya.

          “Hey… don’t cry.”

          “Iniisip ko lang kasi… Ang bait-bait mo sa ‘kin. Nakakairita na siguro yung kalagayan ko. Hindi ako nakakakita. Kung ano-anong nangyayari sa ‘kin. Tapos ikaw palaging nandyan para sa ‘kin.”

          “Because it’s you. Kung sa ibang tao hindi ko gagawin ‘to. Pero dahil ikaw ‘yan, ginagawa ko ang best ko. ‘Coz I really really love you. Do you love me, too?”

          Tumango siya habang pinapahi ang mga luha niya. “And if you’d ask me again… Yes. I want to be your girlfriend.”

          Namuo muli ang mga luha sa mga mata ko. Masasayang luha sa isang pakiramdam na ngayon ko lang naramdaman. Niyakap ko muli sa si Midori dahil sa sobrang saya ko. “Thank you! I’ll do my best to make you happy. I’ll be always by your side when you need me. I promise, Midori.”

The 100th Guy Who Passed by Her (Online Filipino Version)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon