BINABASA MO ANG

The 100th Guy Who Passed by Her (Online Filipino Version)

Teen Fiction

[One of 카지노후기's Most Recommended in 2012 and 2013.] [Story published under LIB.] Wala nang kulang sa buhay niya. Iyon ang buong pag-aakala ni Midori. Hanggang sa nagsimula ang tadhana na paglaruan ang tahimik niyang buhay. She knew things would ne...

#100th #guy #maisen #midori #passed #sad #tragic

[CHAPTER NINETEEN] Nightmare...

Magsimula sa umpisa
                                        

          “I’m sure ikaw ang una niyang hahanapin paggising niya,” pahabol na wika ni Avril na dahilan para muntikan na akong hindi umalis.

          “Pakisabi sa kanya, babalik ako, pangako.”

*

          “Midori, how are you feeling?”

          Narinig ko ang boses ni Kuya Avril sa mula sa kaliwang bahagi ko. Pero sa halip na sagutin ang tanong niya ay ibang bagay ang unang pumasok sa isip ko. “S-si Maisen, Kuya? Asan siya?”

          “Ah… Ano kasi…”

          “Kinukuha lang niya yung mga naiwan mong gamit dun sa pinuntahan niyo kanina. Babalik din yun,” pagsabad ni Daddy. “Kamusta ka na?”

          Ngumiti ako. Akala ko ay panaginip alng lahat ng nangyari kanina. Totoo pala. At kung bakit man wala si Maisen ngayon dito ay ako pa rin ang dahilan. Palagi na lang niya kong inuuuna. “Maayos naman po ang pakiramdam ko. Normal lang po, katulad ng dati.”

          “Ano ba talagang nangyari sa’yo kanina? We’re worried,” nag-aalalang tanong ni Kuya Avril kasabay ng paghawak niya sa kaliwang kamay ko.

          “Hindi ko nga maintindihan. Parang bigla na lang akong nakatulog. Para kong halamang nalanta. Hindi ako makaibo. Pero nairirinig ko naman yung boses ni Maisen. Hindi ko talaga alam.”

          Saglit na katahimikan ang namagitan sa amin bago magsalita si Daddy. “Anak…”

          “Po?”

          “Kailangan mo nang magpa-chemo therapy.”

          “Daddy… alam niyo naman pong ayoko ‘di ba?”

          “Pero Midori, kailangang-kailangan mo nang sumailalim dun.”

          Humiga muli ako at ipinikit ang mga mata ko para magpanggap na mas gugustuhin ko pang matulog kaysa marinig ang pangungulit nila sa ‘kin na sumailalim sa ganoong therapy.

          “We want you to live, Midori,” mariing sabi ni Kuya Avril. “I want to see you get a career. I want you to marry a good guy, have children, and raise a family. Midori, hindi na maganda ang kalagayan mo—”

          “Jan Avril…” pagtawag ni Daddy sa pangalan ni Kuya na parang inuutusan itong huwag nang ituloy ang sasabihin.

          Pero nagpatuloy pa rin si Kuya sa pagsasalita dahilan para mapamulat ako. “Sabi ng doktor malapit ka na raw hindi makarinig—“

          “Jan Avril!”

          “Sabi rin ng doctor na kung hindi ka magpapachemo therapy, baka hindi na tumagal ng isang buwan ang buhay mo.”

The 100th Guy Who Passed by Her (Online Filipino Version)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon