Napalunok ako. Bakit niya sinasabi sa ‘kin ‘to? Natatakot ako. Ipinapa-realize niya ba sa ‘kin na ganun din lang naman ang tingin niya sa ‘kin?
“Tinatanong nga ako ng ibang tao. Bakit daw hindi ko pinapahalagahan ang mga babae. Kung may masamang background ba raw ako, kung iniwan ba daw ako ng nanay ko o kung sumama siya sa ibang lalaki. Marami silang iniisip na dahilan. Pero ang totoo niyan, simple lang. Wala lang. Trip ko lang. Nagustuhan ko lang yung ganung buhay. May mga bagay naman talagang ginagawa natin dahil wala lang, trip lang natin.”
Tiwala. Iyon lang naman ang pinanghahawakan ko. Bakit ko nga ba ibinigay ang puso ko kay Maisen? Bakit sa isang lalaki pa na hindi ko naman ganoong katagal nakilala? Pwede namang si Dwaine na lang… o yung ibang lalaking mas matagal ko nang kilala. Pero bakit siya pa?
“Hanggang sa nasanay na ako sa ganung buhay. Yung kailangan araw-araw, may babaeng hihigit sa ‘kin. Hahalikan ako. Yayakapin. Magyayayang gumawa ng X-rated scenes na hindi ko naman pinapatulan.”
Wala naman talaga akong alam sa tinatawag na ‘pag-ibig’ o ‘love’ na ‘yan. Pero ngayon… parang naiintindihan ko na. Ang pag-ibig, hindi nasusukat sa tagal. Hindi rin sa lubos ng pagkakakilala o sa dalas ng pagsasama. Kahit gaano pa karaming salita ang meron sa dictionary, wala ni isa doon ang makakapagbigay ng kahulugan ng salitang iyon. Dahil ang pag-ibig hindi salitang binibigyan ng kahulugan, kundi isang damdaming bigla mo na lang mararamdaman, sa pagkakataong ‘di mo inaasahan.
“Lahat ng naging girlfriend ko, hindi lang basta-basta. Mga sikat, magaganda, makikinis, sexy, yung mga tipong pag-uusapan kapag dumaan. Karamihan sa kanila mga sikat na model. Meron ding sikat na artista. Beauty queens. Popular athletes. Elite women.”
“B-bakit mo ba sinasabi sa ‘kin ‘yan?” kinakabahang tanong ko.
“Bakit ko sinasabi sa’yo? Simple lang… Kasi hindi ka ganun. Malayo ka sa lahat ng naging girlfriend ko. Hindi kita type. Sa totoo lang wala ka pa nga sa kalingkingan ng mga naging girlfriend ko. Maganda ka naman. Pero ordinaryo ka lang-”
“Ayaw mo ba sa ‘kin?” naluluhang sabi ko. Natatakot na talaga ako. Bawat sandali ng buhay ko ngayon ay mahalaga at talaga namang iniingatan ko. Pero bakit sa ganitong pagkakataon pa niya kailangang sabihin sa akin ‘to? Ngayon pa kung kelan… “Ayaw mo sa ‘kin ‘di ba? Sa bagay, bakit mo nga naman ako magugustuhan. Eh ordinaryo lang naman akong babae, sabi mo nga ‘di ba.”
Tumalikod ako at dahan-dahang naglakad palayo kasabay ang pilit na pagtawa. Nagbabakasakali akong matatakpan ko ang sakit na nararamdaman ko. “Anong gagawin mo dyan sa dagat? Maglalangoy ka ba?”
Napatigil ako sa paglalakad nang sabihin niyang sa dagat pala ako papunta.
“Paano ka makakaalis sa lagay mong ‘yan? At bakit ka naman aalis?” Naramdaman kong palakas nang palakas ang boses niya, nangangahulugang palapit siya nang palapit sa ‘kin. “Hindi pa ko tapos magsalita kaya makinig ka.”
Katulad ng lagi kong ginagawa kapag kinakabahan ako, kinurot-kurot ko ang palad ko.
“Hindi ikaw ang type kong babae, pero sa lahat ng babaeng nakilala ko, ikaw lang ang sineryoso ko. Hindi naman naging tayo, pero ikaw lagi ang iniisip ko. Simula nang makilala kita, nawalan na ko ng ganang tumingin sa ibang babae. Bawat gawin ko, pakiramdam ko nasa likod kita at nakatingin ka sa ‘kin. Ang hirap matulog sa gabi, ang hirap kumain. Kahit paghinga kung minsan mahirap na rin. Iba ka sa kanila, Midori.”
Tumibok nang mabilis ang puso ko nang marinig ko ang mga sinabi ni Maisen. Parang may karera. Parang konti na lang may lalabas sa dibdib ko, tatakbo at magla-landing sa mga kamay ni Maisen.
“Sapat na yung isang beses nating pagkikita para masabi kong mahal kita. Sabihin man ng ibang sira ulo ako. Kung isulat man ‘to sa libro at sabihin ng mga critics na walang kwenta ang i온라인카지노게임a natin. Kung maging kanta man ‘to at sabihin ng mga music-lovers na patapon ang kantang ‘to, wala akong pakialam. Love-at-first-sight, ka-kornihan, magnet movement, kung ano-anong tawag ng mga tao dito. Pero two words lang naman ‘to eh… mahal kita. Yun lang.”
Pakiramdam ko tumigil ang lahat sa paligid ko. Nananaginip lang ba ako? O biro ba ‘to? Pakitigil naman oh… Hindi kasi magandang biro ‘to. At lalong ayokong maging panaginip ‘to. Gusto kong… maging totoo ‘to lahat.
Mula sa likuran ko ay niyakap niya ako at ipinatong niya ang ulo niya sa balikat ko. “Pwede bang ‘wag na kitang ligawan? Pwede bang maging tayo na kaagad? Hindi ko na kayang maghintay. Konting araw pa na gumising ako at hindi pa rin tayo, ako na mismo ang pupunta sa mental hospital para magpagamot. Mababaliw ako. Promise.”
“Maisen… sigurado ka ba diyan?”
“Oo naman,” hinawakan niya ang mga balikat ko at iniharap niya ako sa kanya. “Midori Vivero. Nakaluhod ako ngayon sa harap mo. I’m giving you my world, everything that I have. I’m surrendering myself to you. Please… be my girlfriend.”
Hindi ko alam ang mga dapat kong isagot. Marami na ring nangyari sa ‘min ni Maisen. Nagkakilala kami. Sinubukan kong lumayo sa kanya kahit ang totoo ay hinahanap-hanap ko rin siya. Ilang beses man akong umiwas at magtatakbo palayo, palagi ko pa rin naman siyang nakikita. Patuloy kaming pinaglalapit ng tadhana. Sapat na siguro iyon na patunay para masabi kong para sa ‘kin talaga siya.
Mahal ko si Maisen. At gusto ko siyang makasama hangga’t nabubuhay ako. Kaya oo, pumapayag ako.
Pero bago ko pa man mabitawan ang mga salitang iyon ay tumigil ang mundo ko. Wala na akong maramdaman. Hindi ko maintindihan kung anong nangyayari. Hindi ako makapagsalita. Pakiramdam ko ay nanliliit ako.
Hindi ko na alam ang mga sumunod na nangyari. Ang huli ko na lamang narinig ay ang boses ni Maisen na paulit-ulit na isinisigaw ang pangalan ko.

BINABASA MO ANG
The 100th Guy Who Passed by Her (Online Filipino Version)
Teen Fiction[One of 카지노후기's Most Recommended in 2012 and 2013.] [Story published under LIB.] Wala nang kulang sa buhay niya. Iyon ang buong pag-aakala ni Midori. Hanggang sa nagsimula ang tadhana na paglaruan ang tahimik niyang buhay. She knew things would ne...
[CHAPTER EIGHTEEN] Happiness...
Magsimula sa umpisa