BINABASA MO ANG

The 100th Guy Who Passed by Her (Online Filipino Version)

Teen Fiction

[One of 카지노후기's Most Recommended in 2012 and 2013.] [Story published under LIB.] Wala nang kulang sa buhay niya. Iyon ang buong pag-aakala ni Midori. Hanggang sa nagsimula ang tadhana na paglaruan ang tahimik niyang buhay. She knew things would ne...

#100th #guy #maisen #midori #passed #sad #tragic

[CHAPTER EIGHTEEN] Happiness...

Magsimula sa umpisa
                                        

           Siguro nga iba’t iba lang ang pagtingin ng tao sa “pamilya”. Pero kahit ano pa man iyon, sa isa lang ako naniniwala. Iyon ay ang mahal ko ang pamilya ko kahit anong mangyari, habambuhay ko silang ipagmamalaki.

           “Tao po,”

Natigilan ako nang marinig ang boses na iyon.

           “Nandyan na ang sundo mo.”

*

          “Maisen,”

           “Oh?”

           “Para kang sira.”

           “Ha? Bakit?”

           Ibinaba ko ang mga kamay niyang nakatakip sa mga mata ko. “Bakit mo pa tinatakpan ang mga mata ko eh wala naman akong nakikita talaga.”

           “Ah... Oo nga pala. Sorry.”

           “Nasaan tayo?” nakangiting tanong ko sa kanya.

           “Hulaan mo.”

           Sinubukan kong pakiramdaman ang paligid ko. “Dagat? Alon yung naririnig ko ‘di ba?”

          Hinawakan niya ang kamay ko at iginiya ako para maglakad. “Nung bata ako, dito ako pumupunta kapag nag-aaway ang mga magulang ko. Pagkadating ko dito, bigla na lang ako maghuhubad at magtatatakbo sa dagat para maglangoy. Magpapanggap akong masaya ako kahit hindi naman.”

          “Bakit dito mo ko dinala?”

          “Gusto ko sanang makita mo. Kaso… hindi naman posible. Kaya mag-imagine ka na lang,” ginawa ko naman ang sinabi niya. “Malawak na dagat na kumikislap. Kulay orange na yung langit. Medyo maliwanag pa naman pero may moon at stars na. Maraming ibong nagliliparan. Puti yung buhangin. Malinis ang paligid. Walang tao… kundi tayo. Isang lalaking pogi at former palikero. At isang babaeng normal lang naman itsura pero kina-adikan ng palikero.”

          “Maisen…” Hindi ko alam kung anong dapat kong sabihin, kung meron ba. Bakit ganun ang nararamdaman ko? Nalulungkot ako. Naiiyak ako. Kahit ang totoo naman ay dapat maging masaya ako.

          “Una akong nagka-girlfriend, seventeen years old ako. Unang tuntong ko pa lang sa college, kilala na agad ako sa college department namin. Nilalapitan ako ng kung sino-sinong babae. Pahingi daw ng number, ano daw pangalan ko… ang dami nilang tanong. Doon nagsimulang lumaki ang ulo ko. Pakiramdam ko nang mga panahong yun, akin ang lahat ng babae. Hindi naman ako matalino, pero sa pagkakaalam ko ay four is to one ang ratio ng mga babae sa mga lalaki. Kaya kahit magpapalit-palit kami ng babae, wala lang yun. Ewan ko nga din kung paano ko na-tolerate yung ganitong mentality ko. Sa tingin mo?”

The 100th Guy Who Passed by Her (Online Filipino Version)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon