Naging duwag akong harapin siya dahil natatakot akong iwanan na naman niya ako habang ako, ipinagpipilitan ang sarili ko sa kanya. Pero ngayon, sisiguraduhin kong ako ang magiging pinakamatapang na taong hindi aalis sa tabi niya. Kailangan niya ko, at mas lalong kailangan ko siya sa buhay ko. Lalabanan namin ang problemang ‘to. Matatapos rin ‘to.
“Kaya mo ‘yan. Kung nakaya kong hanapin ka kahit gaano katagal, makakaya mong labanan ang sakit mo kahit gaano katagal. Kaya mo ‘yan, Midori.”
Patuloy lang siyang umiyak hanggang sa magtagal at mapagod ay makatulog na siya. Inihiga ko na siya sa kama niya at tahimik na pinanood ang pagtulog niya.
“Kanina ka pa ba dito?” napalingon ako sa may pintuan para makita ang isang babae doon.
“Ah. Hindi naman po.”
Ngumiti siya at lumapit sa akin habang nakatingin kay Midori. “Masaya siguro ang anak ko. Masaya ka ba?”
Nakangiting tumango ako sa tanong na iyon.
“Alam mo ba, palagi kang pinapanood ng anak ko sa TV. Kapag may interview ka o ang banda mo, kapag nasa balita kayo. Nagpapabili pa siya ng dyaryo o magazine kapag na-feature kayo. Hanggang sa computer, ikaw pa rin ang pinapanood niya. Araw-araw, ginagawa niya yun. Hanggang sa unti-unti nang mawala ang paningin niya at tuluyan ka na niyang hindi makita.”
“Ma-matagal na po bang hindi siya… nakakakita?”
“Wala pang tatlong linggo. Kaya hanggang ngayon, hirap pa rin siyang mag-adjust. Pero hindi pa rin siya sumuko sa’yo. Pinapakinggan pa rin niya ang mga interviews mo o kapag nagpe-perform kayo sa TV. Nagpapabasa rin siya sa amin ng balita o magazine kung nandoon man kayo. Kapag naman may masamang balita tungkol sa inyo, naku… Ang anak ko… Hanggang sa pagtulog namin, reklamo nang reklamo at pinagtatanggol kayo.”
Tumingin ako kay Midori at hinawakan ang kamay niya. Hindi ko alam lahat nang iyon. Buong pag-aakala ko, may galit talaga siya sa akin at sinadya niyang mahulog ako sa kanya para lang sa huli ay iwan ako. Pero nang marinig ko ang mga bagay na iyon, lalong lumakas ang loob kong huwag umalis sa tabi niya. Buo na ang loob ko. Hinding-hindi ko siya iiwan.
“Gagaling po siya ‘di ba?”
Saglit na hindi nagsalita ang nanay ni Midori. Bakas ko sa mukha niya ang biglang pagkalungkot. “Sa totoo lang… tinapat na kami ng mga doktor. Mahihirapan si Midori. Sobrang mahihirapan siya. Hindi natin alam, bukas… o sa isang araw… hindi na lang bigla gumana ang utak niya. Maaaring magkaroon siya ng mental impairment, biglaang pagkalimot o hallucinations… maraming pwedeng mangyari. Hindi natin alam. Pero araw-araw, nagdadasal ako na sana, kung ano mang plano ng Diyos sa kanya, matanggap ko.”
Nanatili lang ako sa kwato ni Midori habang pinapanood ko siyang matulog nang mahimbing. Tinawagan ko na rin ang driver namin para siya na lang ang sumundo kay Daddy. Marami rin akong dapat sabihin sa kanya dahil sa pagsisinungaling na ginawa niya sa akin.

BINABASA MO ANG
The 100th Guy Who Passed by Her (Online Filipino Version)
Teen Fiction[One of 카지노후기's Most Recommended in 2012 and 2013.] [Story published under LIB.] Wala nang kulang sa buhay niya. Iyon ang buong pag-aakala ni Midori. Hanggang sa nagsimula ang tadhana na paglaruan ang tahimik niyang buhay. She knew things would ne...
[CHAPTER SEVENTEEN] Just like the first time...
Magsimula sa umpisa