“Bakit ka nandito?” pilit niyang pinatatag ang nanghihina niyang boses. Tumingin pa siya sa direksyon ko, nagpapanggap na maayos siya. Pero kahit kelan, kahit isang beses lang kaming nagkasama, alam ko kung kelan nahihirapan siya. Alam kong may gusto siyang itago sa ‘kin.
“Kasi nandito ka,” matapat na sagot ko. “Midori, kung alam mo lang kung gaano kahirap nung mga panahong wala ka. Mababaliw ako. Dahil sa isang babaeng isa beses ko lang namang nakita, mababaliw ako.”
“A-alam mo na ba?” nag-aalalang tanong niya na ang tinutukoy ay ang sakit niya. Alam ko na. Alam kong may brain cancer siya at malala na iyon. Alam kong hindi na siya nakakakita. Alam kong unti-unti na ring kinakain na sakit niya ang kakayahang niyang makarinig. Sinabi sa akin ni Avril ang mga bagay na naging dahilan kung bakit sa matagal na panahon ay hindi nagawa ni Midori na kilalanin pa ako.
Tumango ako na parang nakikita niya ang ginawa ko. Pero sapat na ang katahimikan para malaman niya ang sagot ko sa tanong na iyon.
“Kaya ka ba nandito… dahil alam mo na? Kasi naaawa ka sa 'kin?” kalmadong tanong niya kasabay ng pilit niyang ngiti.
“Hindi. Nandito ako kasi hindi ko kayang pakawalan yung pagkakataong ‘to. Matagal ko nang hinihintay ‘to. At kahit anong mangyari, hinding-hindi na ako aalis sa tabi mo.”
“Pero, Maisen…”
“Bakit? Ayaw mo ba kong makasama?” tanong ko kasabay ng paghawak sa kamay niya.
“Mali ‘to. Hi… Hindi na ko nakakakita,” biglang nagkaroon ng halong lungkot at pag-aalala sa boses niya. “Malapit na rin akong mawalan ng pandinig. Darating rin ang panahong hindi na ko makakapagsalita… makakakilos…”
“Hindi ‘yan totoo…” pagpigil ko sa mga sinasabi niya pero nagpatuloy pa rin siya sa pagsasalita at lalo pa niyang nilaksan ang boses niya.
“Hindi na ko makakagawa ng kahit na ano. Baka dumating rin ang panahon, mawalan na rin ako ng nararamdaman. Maraming pwedeng mangyari, Maisen. Marami! Mali ‘to, dahil darating ang panahong mamamatay rin ako!”
“Hindi ka mamamatay!” pagsigaw ko na ikinagulat naman niya. Sinubukan kong kalmahin muna ang sarili ko at huwag umiyak. Ayokong maging mahina. Kailangan ni Midori nang magpapalakas ng loob niya at sisiguraduhin kong magagawa ko iyon. “Alam mo ba kung bakit namatay si ***? Kasi palagi niyang sinasabi na mamamatay na siya! Dito ka lang sa tabi ko, Midori. ‘Wag kang matakot. Po-protektahan kita hangga’t kaya ko. At kakayanin ko hanggang sa mawala na ko sa mundo. Hindi ka mamamatay. Malalabanan mo ang sakit mo.”
“Natatakot ako…” unti-unti siyang nanlumo at umiyak sa mga palad niya.
Niyakap ko siya nang mahigpit. Nasasaktan ako. Sobra. Pakiramdam ko ang daming sandali ang nasayang. Bakit nga ba kasi hindi ko ipinagpatuloy ang paghahanap kay Midori? Bakit nga ba tinanggap ko nang ganun-ganun na lang ang pamamaalam niya sa akin?

BINABASA MO ANG
The 100th Guy Who Passed by Her (Online Filipino Version)
Teen Fiction[One of 카지노후기's Most Recommended in 2012 and 2013.] [Story published under LIB.] Wala nang kulang sa buhay niya. Iyon ang buong pag-aakala ni Midori. Hanggang sa nagsimula ang tadhana na paglaruan ang tahimik niyang buhay. She knew things would ne...
[CHAPTER SEVENTEEN] Just like the first time...
Magsimula sa umpisa