Nagpatuloy lang ako sa pakikinig sa interview ni Maisen. Tatlong buwan na rin ang nakakalipas simula nang huli kaming magkita. Tatlong buwan na ang nakakaraan simula nang magpaalam ako sa kanya. Iyon na ang pinakamasakit na pamamaalam na naranasan ko. Pero tiniis ko yun para sa ikabubuti naming dalawa. Hindi na rin ako namamalagi sa ospital dahil napag-alaman kong sina Maisen pala ang may-ari nun. Ama niya pala si Dr. Arc de la Fuente, kaya pala’t pareho sila ng apelyido.
Lumipat na rin kami ng bahay. Nagpatayo na rin si Kuya ng resto niya malapit sa tinitirahan namin ngayon, at iyong resto niya kung saan ko nakita dati si Maisen ay ipinamahala na niya sa iba. Hindi na kami bumabalik doon. Hindi rin kami nag-iwan ng kahit anong bakas na nanirahan kami doon.
Marami nang nagbago. Sikat na sikat na si Maisen at masaya naman ako doon. Kapag may mga issue tugkol sa kanya, kay Jane ako naglalabas ng sama ng loob. At ako naman, heto, patuloy na nilalabanan ang sakit ko. Mabuti na lang talaga at hindi ko na siya dinala pa sa ganitong sitwasyon. Dalawang nakakatakot na bagay lang naman ang pwedeng mangyari: ang madamay siya sa sakit na nararamdaman ko o ang iwan niya ako dahil sa kalagayan ko. Kaya naman pinili ko ang kung saan mas magiging maayos ang lahat. Yun ay ang iwan siya sa pinakamadaling paraan. Kahit na sa huli, mahirap pa rin.
“So, Maisen, ano nga ba ang iyong real name?”
“Mark Isen de la Fuente po,” napangiti ako. Naaalala ko yung unang beses naming nagkita. Yun yung araw na ipinagsigawan niya yung pangalan niya sa harap ng maraming tao. Ayan tuloy, pinagkaguluhan siya. At ako naman, nakatago sa likod ng puno at tatawa-tawa.
“Ah so, kaya pala Maisen. Aside from music, ano pang pinagkakaabalahan mo? Are you studying?”
“Hindi na po. Ako po ay doctor na. Pediatrician po ako sa hospital namin.”
“Ah, so may ospital kayo? Wow!”
“Yes, I am the son of Dr. Arc de la Fuente, he’s a popular brain surgeon,” pinilit kong alalahanin sa isip ko yung pagkakataon na nagkausap kami ni Maisen sa opisina ni Dr. Arc. Nakakatawa. Iyon na yata ang pinaka-awkard na pangyayari sa buong buhay ko. At ang masaklap pa, hindi ko alam na si Maisen pala ang kasama ko sa awkward na moment na iyon.
“Yes, yes. I know him. Anak ka pala nya. Proud daddy siguro siya. Nakakagulat ang mga nalalaman natin dito kay Maisen. How about school? Nag-aaral ka pa ba?”
“Nope. Hindi na po. Masyado na pong mahaba ang ginugol kong time sa pagdo-doktor. Pero um-attend po ako ng special classes sa Bachelor in Music and Theatre Arts sa New Empire University.”
“Role model ka pala. That’s good! Maraming performers ngayon ang hindi na nagpapatuloy sa pag-aaral kaya you are really a role model,” nagpalakpakan ang mga tao sa studio.” “How about… eto ang gustong-gustong malaman ng mga girls. Love life!”
Tumawa siya nang mahinhin. “No, no. Hindi po ako role model pagdating sa lovelife.”

BINABASA MO ANG
The 100th Guy Who Passed by Her (Online Filipino Version)
Teen Fiction[One of 카지노후기's Most Recommended in 2012 and 2013.] [Story published under LIB.] Wala nang kulang sa buhay niya. Iyon ang buong pag-aakala ni Midori. Hanggang sa nagsimula ang tadhana na paglaruan ang tahimik niyang buhay. She knew things would ne...
[CHAPTER SIXTEEN] Alone...
Magsimula sa umpisa