Dahil marahas na itinulak niya ako palayo sa kanya. At matapos iyon ay tumakbo siya papalayo.
Gulat na gulat ako sa ginawa niya kaya namang saglit akong naestatwa sa kinatatayuan ko.
“Maisen, sundan mo!”
“Bilisan mo! Mabilis ka namang tumakbo eh!”
“Maisen, you can do it! You can leave the concert!”
Napatingin ako sa entablado kung saan nandoroon ang mga kaibigan ko. Nagsisigawan silang sundan ko siya. Napangiti naman ako at mabilis na tumakbo para sundan siya.
“Midori!” sa wakas ay pagtawag ko sa kanya sa tunay niyang pangalan. Nagpalingon-lingon ako sa paligid ko para hanapin kung nasaan siya pero hindi ko siya makita.
“Midori! Midori please! Nagmamakaawa ako!”
Paulit-ulit ko pang tinawag ang pangalan niya habang nagpapatuloy lang ako sa pagtakbo.
Pero napatigil ako nang makita ko siya. Nakaupo siya sa tabi ng kalsada habang nakahawak sa pasamano sa tabi niya.
Dali-dali akong tumakbo at lumapit sa kanya.
“Midori!” agad ko siyang niyakap pero katulad kanina, itinulak niya muli ako palayo.
Masama niya akong tiningnan habang naglalabas ng mabibigat na paghinga na para bang pagod na pagod siya. “Sino ka?”
“Midori, si Maisen ‘to. Hindi mo ba ko naaalala? Nag-date tayo dati. Midori,” hahawakan ko sana siya sa balikat pero pinalis lang niya ang kamay ko.
“Sinungaling ka! Lumayo ka sa ‘kin! Ayaw kitang makita! Hindi naman kita kilala eh! Lumayo ka sabi!” paulit-ulit niyang sambit habang paulit-ulit niya rin akong pinagtutulukan palayo. May halong takot at galit sa boses niya.
Sinubukan kong hawakan ang mga kamay niyang nagwawala para pigilan siya sa ginagawa niya pero patuloy niyang binabawi ito. “Midori, tama na. Masasaktan ka diyan sa ginagawa mo eh… Midori, ano ba…”
Bigla siyang tumigil sa ginagawa niya at nakatulalang tinitigan lang ako.
Hawak-hawak ko pa rin ang mga kamay niya. Hindi ko alam kung bakit siya nagkakaganito. Kaya naman niyakap ko siya. “Midori, galit ka ba sa ‘kin? Naging tayo ba? Isa ka ba sa mga niloko at pinaglaruan ko noon? Sorry, Midori kung nagawa ko yun. Pero nagsisisi na ko. Midori, mahal kita. Mahirap mang ipaliwanag pero mahal kita. Pwede bang ‘wag mo na kong iwan ulit? ‘Wag mo na kong pahirapan, parang awa mo na.”
Nanatili siyang hindi umiibo. Naramdaman kong nanlalamig ang buo niyang katawan kaya naman hinawakan ko siya sa balikat at inihiwalay siya sa pagkakayakap sa ‘kin.
“Midori, okay ka lang ba?” nagtatakang tanong ko.
Nagulat na lang ako nang biglaan ay para siyang nawalan ng malay at unti-unting napahiga. Mabuti na lang at nasalo ko kaagad siya.
“Midori! Midori!” paulit-ulit kong pagtawag ng pangalan niya habang sinusubukan ko siyang gisingin.
Lalo pa akong kinabahan nang makita kong nakamulat naman siya. Inilapit ko ang tenga ko sa dibdib niya at napag-alaman kong tumitibok pa naman ang puso niya. Humihinga pa rin siya. Pero bakit ganun? Bakit hindi siya kumikibo man lang? Ano bang nangyayari?
Sesenyasan ko sana iyong puting sasakyan na dadaan sa harap namin para humingi ng tulong pero kusa iyong tumigil sa tapat namin.
“Midori!” pagsigaw ng isang babae na bumaba mula doon sa sasakyan.
Agad niyang kinuha sa akin si Midori at inakay ito habang nagsisimula nang tumulo ang mga luha sa mga mata niya.
Pero nagulat ako sa mga sumunod na nangyari. Binuhat si Midori ng isang lalaki pero mas nagulat ako nang makita ko kung sino iyong lalaking iyon.
“Dwaine?”
Hindi niya ako nilingon dahil dali-dali niyang isinakay si Midori sa puting van.
“Dwaine, sandali!” muling pagtawag ko sa kanya at sa pagkakataong ito ay nilingon niya ako.
“Sorry, bro. Pero emergency ‘to. Saka na lang tayo mag-usap,” sabi niya habang naglakad siya papasok sa passenger’s sear ng van at dali-dali na nilang pinaalis ang sasakyan.
“Ano bang… ano yun?” tanong ko sa sarili kong puno ng pagtataka.
Napaupo na lang ako sa sahig at isinandal ang ulo ko sa pasamano sa likod ko. Nasabunutan ko ang sarili ko sa inis.
Wala akong maintindihan sa nangyari.
Kung bakit parang nawalan ng malay si Midori, hindi ko alam.
Ang alam ko na lang… tumutulo na ang mga luha sa mga mata ko.
Sabi niya hindi raw niya ko kilala. Sabi niya ayaw niya sa’kin. Sabi niya lumayo daw ako sa kanya.
Magagawa ko ba yun, Midori? Sa tingin mo, magagawa ko ba yun?

BINABASA MO ANG
The 100th Guy Who Passed by Her (Online Filipino Version)
Teen Fiction[One of 카지노후기's Most Recommended in 2012 and 2013.] [Story published under LIB.] Wala nang kulang sa buhay niya. Iyon ang buong pag-aakala ni Midori. Hanggang sa nagsimula ang tadhana na paglaruan ang tahimik niyang buhay. She knew things would ne...
[CHAPTER FOURTEEN] Why...
Magsimula sa umpisa