Nang marinig ko iyong huling sinabi niya ay ibinaba ko na yung vase at kinalma ang sarili ko.
“Tapos sabi naman po nung babaeng pinapahanap niyo hindi naman daw po sila mag-on kaya iniwan ko na po sila. Baka naman po kasi kapatid lang niya yun o pinsan…”
Saglit akong tumahimik. Sino naman kaya iyong lalaking iyon? May boyfriend na ba si Betty? Bakit siya nakipag-date sa ‘kin? Hindi naman siguro siya whore. Napaka-conservative nga niya nung nag-date kami eh.
“Pero Sir…” Napalingon ulit ako doon sa imbestigador na hanggang ngayon ay hindi ko pa alam ang pangalan. “Sa tingin ko po may pagkakamali kayo eh.”
“Ha?”
“Kasi… nung naihatid na po nung lalaki yung pinapahanap niyo sa ospital. Tinawag niya po yung babae sa pangalan nito. At nagtaka po ako dahil ang pagkakaalala ko po ay ‘Betty’ ang pangalan nitong pinapahanap niyo. Tama po ba?”
Tumango ako nang marahan dahil iniisip ko kung anong pagkakamali ko.
“Iba po yung pangalan na itinawag niya dun sa babae. Tapos nung pagkatapos po nun, sinundan ko yung lalaki. Nagpunta po sa club at nag-inom. Ngayon naman po, sinaluhan ko. Tapos pasimple ko pong kinaibigan at tinanong tungkol doon sa babae. Konti lang naman po ang nalaman ko pero hindi na po mahalaga yun. May isang bagay lang po talaga tayong dapat pagtuunang-pansin. Hindi po Betty ang pangalan ng pinapahanap niyo.”
“Anong sabi mo?”
“Midori Vivero po. Iyon po ang pangalang nabanggit nung lalaki na Dwaine ang pangalan.”
“What?” Midori Vivero? At sino naman iyon? Saan ko nga ba narinig yung pangalan na iyon?
Saglit muna akong nanahimik at sinubukan kong i-digest sa utak ko lahat ng sinabi niya sa ‘kin. Kung hindi Betty ang pangalan niya, bakit siya nagpakilala bilang Betty?
Napatungo na lang ako sa lamesa. Grabe! Sa buong buhay ko, ngayon lang nangyari sa akin ‘to. Sa buong buhay ko, ngayon lang ako naloko at nagpaloko sa babae. Siguro pinaglalaruan lang naman yata talaga ako ng Betty… o Midori na ‘yan! Siguro isa siya sa mga nagging girlfriend ko at ngayon, gumaganti siya sa ‘kin. Sinadya niyang mahulog ang loob ko sa kanya. At ako naman, nagpauto sa kanya.
Paano ba nangyayari ‘to? Ito ba yung karma na tinatawag? Na kung dati ako ang nanloloko ng mga babae ngayon ako na ang niloloko? Isang simpleng pangalan lang, naloko ako? Sa isang pekeng pangalan ng babaeng isang beses ko lang nakita, pakiramdam ko ‘in love’ na kaagad ako? At umabot pa sa puntong nabago ang buhay ko at pinahanap ko pa siya sa private investigator? Sinasabi ko na! Hindi dapat ako naniniwala diyan sa ‘love’ na ‘yan. Sino ba naman kasing hangal ang nagpauso niyan. Grabe, Maisen! What’s happening to you now!?
“Sir Maisen, pinapasabi po ni Sir Violet na kayo na lang daw po ang hinihintay sa concert area.”

BINABASA MO ANG
The 100th Guy Who Passed by Her (Online Filipino Version)
Teen Fiction[One of 카지노후기's Most Recommended in 2012 and 2013.] [Story published under LIB.] Wala nang kulang sa buhay niya. Iyon ang buong pag-aakala ni Midori. Hanggang sa nagsimula ang tadhana na paglaruan ang tahimik niyang buhay. She knew things would ne...
[CHAPTER THIRTEEN] Finally...
Magsimula sa umpisa