BINABASA MO ANG

The 100th Guy Who Passed by Her (Online Filipino Version)

Teen Fiction

[One of 카지노후기's Most Recommended in 2012 and 2013.] [Story published under LIB.] Wala nang kulang sa buhay niya. Iyon ang buong pag-aakala ni Midori. Hanggang sa nagsimula ang tadhana na paglaruan ang tahimik niyang buhay. She knew things would ne...

#100th #guy #maisen #midori #passed #sad #tragic

[CHAPTER TWELVE] Almost...

Magsimula sa umpisa
                                        

          Pero bukod sa kasiyahan ay may iba akong naramdaman. Kung siya nga si Betty, bakit naman siya mapapapunta dito sa ospital namin? Kung may sakit siya, bakit dito sa ospital namin siya dinala? Bakit dito pa ospital na ito kung saan karamihan ng tao ay may brain disease?

          Natatakot ako para sa kanya.

          Natapos ang araw at napag-alaman kong wala naman pala si Betty sa tatlong Betty na pinuntahan ko. Ipinahanap ko rin iyong mga taong ‘Betty’ ang pangalan pero iba ang spelling. Kahit nga iyong ibang kwarto na hindi Betty ang pangalan ng pasyente pero ang edad ay halos kalapit lang nung akin, sinubukan ko na rin. Pero wala talaga siya.

          Patay na rin ang telepono ko dahil kanina pa akong tawag nang tawag doon sa imbestigador pero hindi naman niya sinasagot ang mga tawag ko.

          At ngayon nga, nandito ako sa clinic ni Daddy sa pinakamataas na floor ng ospital. Nagbabakasakali akong may pasyente siyang nagpapa-check up. At sana, si Betty iyon.

          Nang makita ko ang pintuan ng clinic ni Daddy ay tatakbo akong lumapit doon para lang sa huli ay ma-disappoint ako.

          Sarado ang clinic niya. Naalala kong nasa out-of-town activity nga pala si Daddy ngayon.

          Napaupo ako sa isa sa mga upuan sa waiting area sa labas ng clinic niya. Naisandal ko na lang ang ulo ko sa pader at napapikit. Wala naman si Betty dito. Tapos yung binayaran kong imbestigador, hindi pa sinasagot ang mga tawag ko. Paano ko makikita si Betty sa ganitong kalagayan?

          Pero hindi pa rin ako nawawalang ng pag-asa sa’yo, Betty. Alam kong magkikita pa rin tayo. At sa araw ng pagkikita natin. Hinding-hindi na kita pakakawalan.

          At ngayong araw na ‘to… totoong napatunayan kong…

          Mahal nga kita.

*

          “Hello, Jane?”

          “Oh, Midori! Saan ka ba galing?”

          Inilipat ko ang cellphone ko sa kabilang tenga ko  dahil hindi ko masyadong maintindihan ang sinasabi ni Jane. “Ano, pakiulit nga?”

          “Sabi ko saan ka galing! Hinahanap kita sa ospital kanina kasi nami-miss na kita Bessie. Eh wala ka naman. Ayan tuloy, tapos na duty ko. Bukas na lang kita bibisitahin ha?”

          “Ah, yun ba. May dinaanan lang ako kaya ako nawala. Sorry. Ahm… Bessie, nandito ba si Dr. Arc sa opisina niya?”

          “Si Dr. Arc? Para namang hindi ko siya napansin kanina eh. Tingnan mo na lang sa opisina niya. Mag-elevator ka na lang para di ka mapagod kesa naman mag-escalator ka pa.”

          “Ah, sige. Salamat Bessie.” Ibinaba ko na ang tawag na iyon at pumunta sa elevator lobby. Kailangan ko kasing sabihin kay Dr. Arc na nandito na ako para simulan ang therapy. Baka kasi hindi siya aware.

          Pagkabukas na pagkabukas ng elevator ay agad akong sumakay doon at pagbaba ko naman ay diretso akong nagpunta sa clinic ni Dr. Arc.

          Habang naglalakad ako sa hallway ay tanaw ko na ang pintuan ng clinic ni Dr. Arc. Pero bukod doon ay may mas nakaagaw pa ng atensyon ko.

          Iyong lalaking nakaupo at natutulog sa tapat ng clinic...

          Nilapitan ko siya at umupo ako sa tabi niya. Nakangiti ako habang pinapanood ko siyang matulog. Napakaamo ng mukha niya. Hindi na ako magtataka kung bakit napakaraming babae ang nahuhumaling sa kanya.

          Itinaas ko ang kamay ko para hawakan ang mukha niya pero hind ko iyon itinuloy. Baka magising siya. At baka makita niya ako. Baka kapag nakita niya ako, hindi na niya ako pakawalan. At kapag ginawa niya iyon, baka tuluyan na nga akong hindi humiwalay sa kanya.

          Pero lang hindi iyon ang ikinakatakot ng puso ko…

          Parang mas natatakot ang puso ko sa posibilidad na kapag nakita niya ako, hindi man lang siya magpakita ng interes sa ‘kin. O kaya naman baka hindi na niya ako kilala. Kasi nga marami siyang babae. Sino ba naman ako para maalala pa niya? Ang pinanghahawakan ko lang naman ay yung mga ‘sinabi’ niya noong ‘unang beses’ naming magkita. Gaano naman ako kasiguradong totoo nga ang mga iyon?

          Nakakalungkot man pero mas mabuti na rin yun. Tutal, sinubukan niya naman akong kilalanin pero hindi ako nagpakilala. Ito ang landas na pinili ko. Yung landas kung saan wala siya.

          “Maisen… bakit ba palagi kitang nakikita? Alam mo bang habang dumadami yung beses na nakikita kita, mas nahihirapan ako? Naiisip mo ba ko kahit isang beses lang?”

          Hindi ko na napigilang hawakan ang kamay ni Maisen. Siguro kung nakikita nina Jane at Dwaine ang ginagawa ko ngayon, malamang nabatukan na nila ako. Matapos kong ilayo ang sarili ko kay Maisen, hahawakan ko ngayon yung kamay niya? Tapos itinanong ko pa kung naiisip niya ako?

          Kahit ako, naguguluhan sa sarili ko. Epekto ba ‘to ng sakit ko? Pero kasi… ayoko lang naman dumating yung panahon na kailangan ko na siyang iwan. Kaya sa halip na sayangin niya ang oras niya sa pakikipagkilala sa ‘kin, gamitin na lang niya iyon para kilalanin ang ibang babae. Yung babaeng mas karpaat-dapat para sa kanya. Pero hindi ko rin naman mapigilan yung nararamdman ko. Mali ba ‘to?

          Aalisin ko na sana ang kamay ko pero nagulat ako nang higpitan pa ni Maisen ang pagkakahawak doon. Kasabay noon na mas ikinagulat ko pa ay hinila niya ako at hinigit palapit sa kanya dahilan para mapayakap pa ako sa kanya.

          Saglit akong hindi umibo. Pinapakiramdaman ko kung gising ba siya o hindi. Pero parang sinlalim pa rin tulad ng kanina ang tulog niya. Siguro nga ay tulog siya. Pero hindi pa rin ako nakahinga nang maluwag. Dahil may kung anong mangay at nangungulit dito sa dibdib ko.

          Habang nasa yakap ako ni Maisen ay pumikit ako saglit. Sa maigsing oras na nasa mga kamay niya ako, magpapanggap akong wala akong sakit. Sa maigsing oras na yakap niya ako, magpapanggap akong masaya naman talaga ako. Sa maigsing oras na ito, iisipin kong masaya kaming dalawa sa isa’t isa at malaya kaming gawin ang mga bagay na kung saan kami mas sasaya.

          Pero alam ko sa sarili ko na itong maigsing oras na ito… ay parang panagnip lamang.

          Kailangan kong gumising. Dahil ‘pag hindi… tuluyan na kong mahuhulog.

The 100th Guy Who Passed by Her (Online Filipino Version)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon