Bigla akong napabangon sa kama ko nang marinig ko ang pangalang iyon.
“Joke lang! Itlog ka talaga. Maligo ka na!” hinatak ako ni Heart patayo sa kama ko.
Napahawak naman ako sa ulo ko dahil nahilo ako bigla nang tumayo ako. “Aaahh…”
“Nag-inom ka ba kagabi?”
Tumango ako. Humiga ulit ako sa kama ko at pumikit. “Mamaya na lang ako a-attend. Susunod ako. Pakisabi na lang…”
“Aish…” umupo si Heart sa tabi ko at iniharap ang mukha ko sa kanya. “Itlog… Ikakasal na ko.”
Bigla naman akong napamulat sa narinig ko. “Ha?”
“Ikakasal na ko.”
“Sira ulo…” pumikit ulit ako. “’Wag kang magbibiro ng ganyan. ‘Pag si Lord nagalit sa’yo.”
“Sheesh… Totoo! Ikakasal ako! Hindi ka ba nagtataka kung bakit pinuntahan pa kita dito? Kinukuha ka ngang best man ni Kei. Ewan ko ba dun sa isang yun kung bakit ikaw pa. Hindi naman kayo close…”
Nagmulat ako ng mata at pinitik ko siya sa noo. “Totoo ba ‘yang sinasabi mo?”
“Oo nga! Tingnan mo kaya yung damit ko,” tumayo si Heart at pinakita sa akin yung dress na suot niya. Hinawakan niya yun saka umikot. Itinaas pa niya yung pa niya para ipakita sa ‘kin na naka-high-heeled shoes siya. “May make-up pa nga ako. Ang kati-kati. Pero kailangan kong maging tunay na babae. Ayokong ipahiya si Kei.”
Napangiti ako. Ngayon ko lang napansin. Ang laki na nga ng pinagbago ni Heart. Samantalang naaalala ko pa kung gaano siya ka-boyish dati. Masasaya na ang mga kaibigan ko. Si Violet hinahabol-habol ni Xaiza. Si Terrence naman nagsisimula nang manligaw kay Harmony. At eto namang si Heart… sinong mag-aakalang ikakasal na siya? Sa isang mayamang Japanese heir pa na first heart break niya.
Tapos ako… Heto…
Napabangon ako nang may maalala ako sa nangyari kagabi. Si Betty ba talaga yung nakita ko? Aish… Kahit saan talaga nakikita ko siya. Mapamulat man o mapapikit. Epal siya palagi sa imaginations ko.
“Ano… Okay ka na bang maging best man?” tanong sa ‘kin ni Heart.
“Oo naman.”
“Aye! Haaay… Naaawa ako sa’yo Maisen Egg. Ikaw na lang ang walang love life.”
Tahimik na nakangiti lang ako kay Heart. Napansin din pala niya.
“Masaya ka na ba diyan sa pagiging babaero mo? Masaya ka bang wala kang sineseryoso? Itigil mo na ‘yan. Kaibigan kita. Kaya gusto kong maranasan mo yung saya na nararanasan naming tatlo ngayon. Yung natural na manliligaw ka… natural kang mag-aalala para sa isang tao. Kapag naisip mo siya, pwede mo siyang tawagan o kaya i-text para sabihan ng “I miss you.” Kapag may mahalagang okasyon, reregaluhan mo siya. At bago ka makapili ng regalo, nailabas mo na lahat ng pawis mo. Yung pakiramdam ba na, ‘pag may problema ka hindi ka malulungkot kasi naiisip mo pa lang siya, nawawala na lahat ng negative feelings mo. Gusto kong maranasan mo yun.”
“Heart…”
“Hmm?”
“Alam mo… sa tingin ko… yung cholesterol na nakabara sa puso ko. Hindi lang basta cholesterol yun eh. Heart, sa tingin ko may gusto talaga ako kay Betty.”
“E… eh? Ano? Sure ka ba dyan?”
“Kahit saan ako lumingon, siya yung nakikita ko. Siya lang yung gusto kong makita. Wala na rin akong pakialam sa ibang babae. Actually, I have no girlfriend right now. Ayoko na. Hinihintay ko na lang talaga si Betty. Sigurado ako gusto ko siya.”
“Grabe… Oh… Eh bakit hindi mo siya puntahan?”
Napakamot ako sa ulo ko. “How? She said she has no contact number. How could that be possible?”
“Ang weak mo talaga mag-isip!” kinuha ni Heart yung cellphone niya at may tinawagan. “Hello, Terrence. ‘Di ba marami kang alam na investigating teams? Tulungan mo nga itong si Maisen at ang hinang mag-isip. Ipapahanap niya kasi si Betty Boop. Okay… Sige… Thank you, Egg.”
“Ano daw?” sabi ko pagkababa ni Heart ng telepono niya.
“Pumunta ka raw sa bahay nila at pag-usapan niyo. Okay?”
“Thank you, Heart! Thank you!”
Betty… Gustong-gusto na kitang makita ulit. Hindi ko alam kung gaano pa katagal yun. Pero maghihintay ako. At sisiguraduhin kong sa pagkikita natin… hinding-hindi na tayo magkakahiwalay.
Pangako ‘yan.

BINABASA MO ANG
The 100th Guy Who Passed by Her (Online Filipino Version)
Teen Fiction[One of 카지노후기's Most Recommended in 2012 and 2013.] [Story published under LIB.] Wala nang kulang sa buhay niya. Iyon ang buong pag-aakala ni Midori. Hanggang sa nagsimula ang tadhana na paglaruan ang tahimik niyang buhay. She knew things would ne...
[CHAPTER TEN] The after effects...
Magsimula sa umpisa