Pwedeng lahat ng sinasabi niya… gawa-gawa lang niya.
Pwedeng lahat ng sinasabi niya… gawa-gawa lang niya.
Napahigpit ang pagkakahawak ko sa seatbelt. Nagpaulit-ulit sa pandinig ko ang mga sinabi ni kuya Avril. Lasing daw si Maisen. Kaya maaaring lahat ng mga sinasabi niya… ay agawa-gawa lang.
Pwedeng lahat ng sinasabi niya… gawa-gawa lang niya.
Paano ng akung ganun? Paano kung hindi naman talaga ako hinahanap ni Maisen? Paano nga kung gawa-gawa lang niya lahat ng sinabi niya sa ‘kin kanina?
Ang sakit.
“Midori… you want to meet Maisen again, right?”
Bigla akong napatingin kay Kuya Avril dahil sa sinabi niya. “H-Hindi! Grabe ka Kuya ha. Wala… Wala… Wala akong gusto dun! Hindi ko yun mahal. Grabe ka.”
Tumawa nang mahina si Kuya Avril. Itinigil na niya ang kotse. Nandito na pala kami sa tapat ng bahay namin.“Tinatanong ko kung gusto mo siyang makilala. Wala akong sinabing gusto o mahal mo siya.”
Napalunok ako bigla. Lalo pa kong kinabahan nang makita ko yung nakakapanlokong tingin ni Kuya Avril.
“Masyadong defensive. Ang baby ko… Dalaga na.”
Inilapit pa sa ‘kin ni Kuya Avril ang mukha niya at tiningnan ako diretso sa mga mata. Iniiwas ko naman kaagad ang tingin ko.
“Gotcha.”
*
“Mark Isen… bumangon ka na diyan.”
“Ano ba…”
“May practice pa tayo.”
“Teka…”
“Hoy itlog… bangon na!”
“Ten minutes…”
“Oh, Betty… bakit nandito ka?”

BINABASA MO ANG
The 100th Guy Who Passed by Her (Online Filipino Version)
Teen Fiction[One of 카지노후기's Most Recommended in 2012 and 2013.] [Story published under LIB.] Wala nang kulang sa buhay niya. Iyon ang buong pag-aakala ni Midori. Hanggang sa nagsimula ang tadhana na paglaruan ang tahimik niyang buhay. She knew things would ne...
[CHAPTER TEN] The after effects...
Magsimula sa umpisa