Hindi na rin nakakontra sina Daddy at Mommy. Magsisimula na rin kasi ang therapy ko bukas kaya matagal-tagal rin akong mawawala. Isang linggo muna ako sa ospital. Pagkatapos nun pwede na akong umuwi. Titingnan daw muna ni Dr. Arc kung may mga improvement sa akin. Kung wala, kailangan ko ulit kumuha ng therapy for three weeks, pagkatapos ng kasal ni Kuya. At isa pa, matagal-tagal na rin akong hindi nakakapag-bonding kay Kuya Avril. Nami-miss ko na siya.
“Lalalala—” pakanta-kanta pa ako habang papasok ng restaurant ni Kuya Avril. Katulad ng ine-expect ko, wala ngang tao doon dahil magsasarado na siya. Pero bigla akong nagulat at napatigil.
Hindi dahil sa may tao sa restaurant. Sinabi naman ni Daddy eh, na nandito raw yung kaibigan ni Kuya Avril. Pero ang ikinagulat ko…
“S-sino ka?”
Umupo ako sa harap niya. Masyado na siyang maraming nainom. Lasing na siya.
“Oh? Hanggang dito ba naman sinusundan mo ko?”
Tinitigan ko lang siya. Siya ba talaga ‘yan? Totoo ba itong nakikita ko?
“Sumosobra ka na Betty ha. Hindi na nga… ako… makatulog sa gabi dahil ang kulit-kulit mo. Tapos ngayon, nandyan ka na naman. Umalis ka nga!”
Itinabi ko yung bote palayo sa kanya para hindi na niya maabot yun. Sobrang lasing na siya.
Bigla niyang ibinangon ang ulo niyang nakadantay sa mesa. “Oh… Dati… Picture ka lang. Ngayon, video ka na. Umiibo ka na…”
“Maisen…” nagulat na lang ako nang nasabi ko ang pangalang iyon. Napahawak ako sa dibdib ko. Hindi ako makahinga. Anong nangyayari sa ‘kin?
“Oh… Nagsasalita ka din?” Inilapit niya ang hintuturo niya sa mukha ko. Pero umiwas ako. Ginawa niya ulit yun at nahawakan niya ang mukha ko. “Wow… Para kang totoo.”
“Kanina ka pa bang umiinom?”
“Aish… Betty… Sumama ka na sa ‘kin. Magpakalayo-layo tayo. Marami kaming bahay. Tara na…”
“Maisen… May sasabihin ako sa’yo.”
“Woah… Astig talaga… Nakakausap na kita ngayon. Ang tindi ng imagination ko… Ang… tindi…” Unti-unting bumaba ang ulo niya sa lamesa.
“Maisen… Hindi Betty ang pangalan ko. Midori. Yun ang pangalan ko.”
“Hmmm…”
“Totoo ba yung sinabi mo? Totoo bang gusto mo ko?”
“Hmmm…”
“Nahihirapan na ko. Hindi ko alam kung tama ba ‘tong nararamdaman ko. Gusto kitang makita. Gusto kitang makasama. Maisen… Alam mo ba yung parang ang tagal-tagal na nating magkakilala? Parang kilalang-kilala na kita na gustong-gusto ko nang sumama sa’yo kahit saan ka pumunta.”
“Hmmm...” iniangat ni Maisen ang ulo niya. Dahan-dahan niyang kinuha ang kamay ko at inilagay iyon sa pisngi niya. At pumikit siya. “Betty… Umalis na tayo. Tumakas na tayo.”
I let out a deep breath. Habang patagal nang patagal ay pabilis rin nang abilis ang tibok ng puso ko. Sana lang hindi lasing si Maisen. Sana totoong nakikita niya ko ngayon. Sana… pagdating ng kinabukasan… maalala pa rin niya ako.
“Betty…” inihaplos-haplos niya ang kamay ko sa pisngi niya. “Betty… sumama ka na sa ‘kin. Iwanan na natin sila…”
“Maisen…” Sana maalala mo pa ko bukas, kapag bumalik na ang malay mo. Alam kong hindi tayo pwede. Hindi kita pwedeng kilalanin. Hindi ako pwedeng mapalapit sa’yo. Ayoko. Dahil alam kong darating yung araw na masasaktan lang kita. Pero sana, maalala mo ko. Magiging masaya na ako dun. Kahit isang beses lang… sana maalala mo ko.
“Alam mo ba? Ikakasal ako,” tumawa siya nang mahina. “Ikakasal ako. Kaya umalis na tayo.”
Ikakasal? Hinila ko pabalik ang kamay ko pero kinuha ulit yun ni Maisen at ibinalik sa kung nasa’n iyon kanina.
“Sheesh… Ako? Ikakasal? Sa pangit na yun? Ayoko. Sa… sa’yo na lang Betty… Tayo na lang…”
“Maisen… ano ka ba? Lasing ka na. Iuuwi na kita.” Hinila ko yung kamay niya at tinulungan ko siyang tumayo. “Saan ba ‘yang sa inyo?”
Pero sa halip na tumayo ay isinubsob niya ang ulo niya sa lamesa.
“Tss… Tara na. Ihahatid na kita, kahit gabi na.”
“Ikaw… Sa’n ka ba galing. Ha? Tagal-tagal… tagal kitang hinahanap diyan. ‘Wag ka na ulit aalis sa paningin ko. Betty… Subukan mong mawala ulit…
Hahanapin… at hahanapin kita.”

BINABASA MO ANG
The 100th Guy Who Passed by Her (Online Filipino Version)
Teen Fiction[One of 카지노후기's Most Recommended in 2012 and 2013.] [Story published under LIB.] Wala nang kulang sa buhay niya. Iyon ang buong pag-aakala ni Midori. Hanggang sa nagsimula ang tadhana na paglaruan ang tahimik niyang buhay. She knew things would ne...
[CHAPTER NINE] Faces...
Magsimula sa umpisa