She showed a sarcastic smile. “Mahal? Marunong ka ba nun? Walang pwedeng magmahal sa’yo. Only Sirri Gustav could love you more than anyone else. And I playboy like you could only love Sirri Gustav. Only Srri Gustav, Mark Isen de la Fuente.”
“You’re wrong. Yung dating playboy na Maisen na kilala mo, wala na yun. Nilibing na yun kasama ng mga kagaguhan niya. May mahal ako. At hindi ko pa man ulit siya nakikita, alam kong mahal ko siya. At kung ayaw mong magmukhang kontrabida, umalis ka na. Tumakbo ka na palayo.”
Bago pa man siya makapagsalita ay nauna na akong umalis sa kanya. Dali-dali kong pinaandar ang sasakyan ko para akaalis sa lugar na iyon.
“Sirri Gustav… sisirain mo na naman ba ang buhay ko?”
*
“Midori, will you bring this to the hospital?” nakangiting itinaas ni Mommy yung sweater ko na palagi kong suot kahit luma na at bitin na yun sa ‘kin.
Nginitian ko rin siya. “Syempre. Bigay mo ‘yan eh.”
“How about your Mom? Will you bring your Mom to the hospital?”
Nilapitan ko si Mommy at niyakap ko siya. “Mommy talaga. Nag-e-emote. Kung pwede nga lang dalhin kita, si Daddy, si Lolo, si Kuya, si Shian at Dwaine, si Jane at Ate Flip… Pwede ba yun?”
“Meg,” sabay kaming napalingon ni Mommy kay Daddy na tinawag siya mula sa pintuan ng kwarto. “Pwede bang ikaw muna ang pumunta sa restaurant? Nagpapatulong kasi si Avril. Inihatid lang daw niya si Flip kaya wala siya dun pero babalik rin siya kaagad.”
“Sa restaurant?” tanong ni Mommy. “Bakit? Hindi pa ba nagsasarado si Avril? Gabi na ah.”
“He did. Pero may biglaang customer daw na dumating. Iniwan niya muna dun, tutal kaibigan naman niya yata yung dumating.”
“Nag-aayos ako ng gamit ni Midori. Hindi ka ba pwede?”
“May lakad kami ngayon ni Daddy, remember?”
“Ako na po!” pagboboluntaryo ko. Sabay na napalingon sa ‘kin si Daddy at Mommy. “Ako na lang ang pupunta.”
“But--”
“Ops!” pagpigil ko kay Daddy. Alam ko kasing pipigilan nila ako. “Kayo talagang mag-asawa, ang over protective niyo pagdating sa ‘kin. Okay lang po ako. Saka wala pa ngang one hundred steps ang layo ng resto ni Kuya dito sa bahay. Yakang-yaka ko po ito!”

BINABASA MO ANG
The 100th Guy Who Passed by Her (Online Filipino Version)
Teen Fiction[One of 카지노후기's Most Recommended in 2012 and 2013.] [Story published under LIB.] Wala nang kulang sa buhay niya. Iyon ang buong pag-aakala ni Midori. Hanggang sa nagsimula ang tadhana na paglaruan ang tahimik niyang buhay. She knew things would ne...
[CHAPTER NINE] Faces...
Magsimula sa umpisa