BINABASA MO ANG

The 100th Guy Who Passed by Her (Online Filipino Version)

Teen Fiction

[One of 카지노후기's Most Recommended in 2012 and 2013.] [Story published under LIB.] Wala nang kulang sa buhay niya. Iyon ang buong pag-aakala ni Midori. Hanggang sa nagsimula ang tadhana na paglaruan ang tahimik niyang buhay. She knew things would ne...

#100th #guy #maisen #midori #passed #sad #tragic

[CHAPTER SEVEN] Meeting you again...

Magsimula sa umpisa
                                        

          Nginitian ko si Kuya at iniwan ko na siya. Sumunod ako sa nurse at dinala niya ako sa  isang opisina sa ospital na iyon. Binuksan niya ang pinto at nakangiting pinapasok ako sa loob nun.

          “Oh, hello there Midori. Long time no see. Take a seat.”

          Nginitian ko siya at umupo ako sa upuan sa harap ng table niya. “Good afternoon po, Dr. Arc.”

          “So, are you willing to undergo De La Fuente Neurology Hospital’s therapy?”

          Inalok ako ni Dr. Arc de la Fuente ng isang therapy para makatulong sa recovery ko sa sakit ko. Nag-iisang lang ang De La Fuente Neurology Hospital sa Pilipinas na nag-aalok ng ganitong serbisyo at ayon sa pinakitang papeles ng lalaking nag-asikaso sa amin ng Kuya ko kanina noong dumating kami dito, tagumpay na gumagaling ang mahigit kalahating porsyento ng mga pasyenteng nag-undergo ng therapy o treatment. Advanced ang technology ng ospital na ito at nakakasabay na ito sa mga ospital sa ibang bansa na may ganito ding serbisyo. Si Dr. Arc ang may-ari nito. Isa siyang magaling na doctor.

          Tumango ako at kinuha ko ang inaabot niya sa aking papeles at sinimulan ko nang fill-up-an iyon.

          “So, when is your mother going home?”

          “Mamaya po. Darating po sila mamaya.”

          “That’s good. Tell her to see me when she arrives home. I would love to meet her again. And your Dad, huh? He’s a good man.”

          Nginitian ko siya at ipinagpatuloy na ang pagsasagot sa form ko. Naging kaibigan ni Mommy si Dr. Arc dahil naging doctor din siya ni Lola noong nagka-degeneration disease siya. Pero hindi sumailalim si Lola sa treatment. Namayapa din ang Lola ko kasabay nang pamamayapa ng asawa ni Dr. Arc nang dahil naman sa brain cancer.

          Sa pagsusulat ko ay natulala ako at hindi ko sinasadyang naihulog ang ballpen ko. Napunta yun sa ilalim na lamesa ni Dr. Arc kaya’t bumaba ako sa sahig para pulutin iyon. Pero pagtayo ko ay naumpog ako sa lamesa. Napahawak pa ako sa ulo ko dahil sa sakit. Pero nang tatayo na sana ako ay may naramdaman akong natapon sa likod ko.

          “Midori! Are you okay?” Agad akong nilapitan ni Dr. Arc at tinulungan akong tumayo.

          “Ah…” napatingin ako sa likod ko kahit hindi iyon abot ng tanaw ko. Hinawakan ko iyon at nalaman kong natapon pala sa likod ang tubig sa ibabaw ng lamesa ni Dr. Arc.

          “I’m so sorry. Natapon pa sa’yo itong tubig ko. May dala ka bang pamalit?”

          “Ah… Opo.” Mabuti na lamang at palagi akong may dalang damit sa bag ko.

          “Ah… Punta ka na lang sa may gilid ng kitchen. May comfort room dyan.”

          “Ah, thank you po.”

          Tumayo na ako at hinanap ang sinasabing comfort room ni Dr. Arc. Nang papunta na ako doon ay hindi ko maiwasang humanga sa  ‘opisina’ na iyon na mukhang condo unit. Sobrang ganda nun. Opisina nga yung pagpasok ng pinto pero dito sa loob, may living, dining, leisure at bedroom din. May kaya naman kami pero hindi kami nakapagpagawa ng ganitong kaenggrandeng bahay. Sobrang yaman talaga ni Dr. Arc, ang swerte naman ng anak niya.

The 100th Guy Who Passed by Her (Online Filipino Version)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon