BINABASA MO ANG

The 100th Guy Who Passed by Her (Online Filipino Version)

Teen Fiction

[One of 카지노후기's Most Recommended in 2012 and 2013.] [Story published under LIB.] Wala nang kulang sa buhay niya. Iyon ang buong pag-aakala ni Midori. Hanggang sa nagsimula ang tadhana na paglaruan ang tahimik niyang buhay. She knew things would ne...

#100th #guy #maisen #midori #passed #sad #tragic

[CHAPTER FIVE] Accept the fact...

Magsimula sa umpisa
                                        

          “Kasi? Magkwento ka na! Parang hindi best friend oh!”

          “Jane…” hinwakan ko yung mga kamay ni Jane at huminga nang malalim. “Jane, nakipagdate ako.”

          Napabangon bigla si Jane sa kama niya at naupo rin kagaya ko. “What?!?!”

          “Oo.”

          “Oh, anong nangyari? Enjoy ba? Kanino? Kay Shian? Kay Dwaine? Saan? Saka bakit ginabi ka na? Anong nangyari nga! Magkwento ka!”

          “Teka, Jane! Maghunos-dili ka nga! Ang OA mo ha. Mas excited ka pa sa ‘kin eh.”

          “Oo na! Behave na ko! Kwento ka na! Yiiiiie!”

          “Nakipag-date ako sa hindi ko kilala. Masaya naman eh. Masaya talaga… Kaso—”

          “Kaso ano? Ninakawan ka niya? Member ba siya ng Budol-Budol Gang?”

          “Jane, isa pa sasapakin ko na ‘yang pilikmata mo!”

          “Ay, sorry, Bessie. Sorry naman! Sige, kwento na ulit!”

          “Ayun nga, masaya naman. Pero kasi. Nagulat ako. Biruin mo, yung favorite band kong Kyle Marjorene na hindi ko pa nakikita… Member nila yung ka-date ko!”

          Biglang nagbago ang excited na itsura ni Jane. “Weh? Patawa ka Bessie ano?”

          “Ano ka ba Bess. Totoo ‘to. Maisen de la Fuente. Yun yung sabi niyang pangalan niya eh.  Kaya pala ang galing niyang mag-gitara. Saka kaya pala naka-shades pa siya at naka-jacket. As in kun-todo cover up. Yun pala sikat kasi siya!”

          “Bessie… Yan ba ang epekto ng brain cancer? Hallucination?”

          “Bess naman eh. Totoo ‘to. Promise!”

          “Sige nga! Tawagan mo siya ngayon! Siguro naman kinuha mo number niya ‘no?”

          Umiling ako. “Tinanong niya pangalan ko. Ang sabi ko Betty. Tapos nung hiningi niya number ko, sabi ko wala akong phone.”

          “Gaga! Anong Betty? Betty la Fea? Betty Boop? O etty Crocker? Saka bakit ‘di mo binigay yung number mo! Sayang naman! Para kang nakahuli ng tuna tapos pinakawalan mo! Di ka man lang kumurot kahit kaliskis!”

          “Bess, kasi… Nung una naman hindi ko alam na siya pala si Maisen ng KM. Ang saya-saya naman namin. Gusto ko din siyang makita ulit. Kaso nagtapat kasi siya sa ‘kin na gusto niya daw ako. Natakot ako bigla. Di ba bihira naman daw ang nakaka-survive sa ganitong sakit? Paano kung hindi ako maka-survive? Paano kung mamamatay na pala ako? Natatakot akong mapamahal sa kanya kasi natatakot akong dumating yung panahon na iiwan ko na siya.”

          Hindi ko alam pero naiiyak ako. Siguro dahil sa panghihinayang. Ngayon lang ako nakaramdam ng ganito. Yung pakiramdam na nagging interesado ako sa isang tao. Pero bakit nga ba ngayon lang? Bakit sa panahon pang hindi pwede at hindi dapat? Naiiyak ako sa lungkot. Paano ko nagagawang aminin sa sarili kong mamamatay rin ako dahil sa sakit na ‘to? Nawawalan na ba ako ng pag-asa?

          “Bessie, naiiyak ako.” Niyakap ako ni Jane nang mahigpit.

          “Alam mo ba, nung sinabi niya sa ‘king siya si Maisen, gustong-gusto kong bumalik sa kanya. Gustong-gusto kong sabihin sa kanyang kahit hindi siya si Maisen, gugustuhin ko pa ring kilalanin pa rin siya. Pero hindi. Mali kasi.”

          “Midori…”

          “Bess, masaya ako. Ngayon lang ako nakaramdam ng ganito. Gusto kong ituloy pero hindi pwede. Hindi naman lahat ng gusto natin nakukuha natin ‘di ba? Bess, malala na ang sakit ko. Alam ko ikamamatay ko ‘to. Pero bakit ganun? Hindi man lang ako nabigyan ng pagkakataong sumaya? Bakit ngayon lang kung kelan hindi na pwede?”

          “Ano ba, Bess! Hindi ka mamamatay. Maliit na challenge lang ‘yan ni Lord! Kaya mo ‘yan! Sisiw lang ‘yan!”

          Sana nga sisiw lang ‘to. Sana nga maliit na pagsubok lang ‘to. Dahil bigla akong binalot ng takot. Napakaraming bagay pa pala ang hindi ko nagagawa. Napakarami ko pa palang gusting gawin. Pero mahirap. Masakit isiping baling araw, lahat ng pinaghirapan ko, maiwawala ko din.

          Kaya mas mabuti pang huwag ko nang ituloy. Kesa naman makasakit pa ako ng ibang tao ‘kapag dumating na iyong panahong kinatatakutan ko.

The 100th Guy Who Passed by Her (Online Filipino Version)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon