BINABASA MO ANG

The 100th Guy Who Passed by Her (Online Filipino Version)

Teen Fiction

[One of 카지노후기's Most Recommended in 2012 and 2013.] [Story published under LIB.] Wala nang kulang sa buhay niya. Iyon ang buong pag-aakala ni Midori. Hanggang sa nagsimula ang tadhana na paglaruan ang tahimik niyang buhay. She knew things would ne...

#100th #guy #maisen #midori #passed #sad #tragic

[CHAPTER FOUR] Because it's the beginning...

Magsimula sa umpisa
                                        

         Nagsimula na kong mag-pluck nung mga strings nung gitara depende sa kung anong lalabas sa screen. Ang daya-daya talaga niya. Perfect yung score niya eh. Siguro saulo na niya yung dapat i-pluck. Samanatalang ako, ang easy na nga lang ang level of difficulty hindi ko man lang ma-perfect.

         "Ang daya!" Hindi ko natapos yung laro dahil nag-game over na dahil ang dami kong maling pluck.

         Tumawa siya nang mahina. "Tara na! Pabayaan mo na 'yan. Maganda ka pa rin naman kahit talo kita."

         "'Wag mo nga kong bolahin."

         "Bola? Bakit? Ano bang sinabi ko?"

         "Sabi mo kasi maganda ako."

         "Ha? May sinabi ba kong ganun?"

         "Oo kaya! Sabi mo maganda ako! Bolero!"

         "Ha? Wala akong sinabing maganda ka. Sabi ko, tara na. Ikaw talaga, nag-i-ilusyon. Crush mo ko 'no?"

         Napaubo ako bigla sa samid dahil sa sinabi niya. "Ano? Di ah. Grabe ka ha."

         "Sus. Tara na nga... ganda." Tumalikod na siya sa 'kin at naglakad palayo. Hindi ko tuloy maintindihan ang gagawin ko. Sinabi naman kasi talaga niyang maganda ako. Tapos ngayon sasabihin niyang ilusyunada ako at may gusto sa kanya?

         Ang sunod naman naming pinuntahan ay yung horror house.

         "O, takot ka ba?" Nagulat ako nang bigla siyang kumapit sa braso ko nang mahigpit kahit wala pa kami sa loob ng horror house.

         "H-Hindi ah!"

         "Tatanggi ka pa eh halata namang takot ka eh!"

         "Hindi nga sabi!"

         "Talaga?"

         "Oo!"

         "Bubuhayin ko 'yang patay na kuko mo 'pag hindi ka nagsabi ng totoo."

         "Buhayin mo na lang ang puso kong matagal nang patay na patay sa'yo."

         Tinampal ko yung noo niya. Sa lahat naman ng lalaking pwede kong maka-date, ito pang corny na duwag na hindi nagtatanggal ng shades kahit gabi na at jacket kahit ang init-init. Ang laki siguro ng problema nitong lalaking 'to.

         Nag-enjoy naman kami sa mga pinuntahan namin. Worth it naman ang gabing ito. Hanggang sa nakaramdam na ako ng pagod. Nag-aalala ako kasi baka mamaya mahilo na naman ako at mahimatay. HIndi ko naman lubusang kilala ang lalaking ito kaya hindi pa sapat ang maghapong kasama ko siya para pagkatiwalaan ko kaagad siya ng sarili ko.

         "Tara, pahinga naman tayo? Upo tayo dun oh," itinuro ko yung mga benches na nasa gitnang park.

         Kinuha niya bigla yung nakaturo kong kamay. "'Wag na diyan. Enjoy muna tayo, last na. Please?"

         Tiningnan ko yung kamay niyang nakahawak sa kamay ko.

         "Please?"

         Nabigla na lang ako nang halikan niya ang kamay ko. Babawiin ko sana iyon. Pero sabi nga ng teacher namin noong high school, ang paghalik daw ng lalaki sa kamay ng babae ay isang uri pa rin ng paggalang. Kaya maaaring paggalang nga ang kahulugan noon. Kaya naman pumayag na rin ako...

         Dinala niya ako sa ferris wheel ng amusement park. Kinausap niya pa yung nagpapaandar ng Ferris Wheel at may inaabot doon. Nagulat na lang ako nang pababain nito yung mga taong nakasakay na doon at naghihintay na mapuno ang ferris wheel. Pagkatapos noon ay hinila na niya ko papasok sa  isang car sa ferris wheel at pinaandar na yun. Sa totoo lang, na-touch ako sa ginawa niya. Sa dami ng nakapaikot na cars sa ferris wheel, kami lang dalawa yung tao dito. Nagulat pa ko nang pagdating sa tuktok ay biglang tumigil yung wheel.

         "Don't be afraid. Talagang titigil yan at one hundred eighty degrees," nginitian niya ko.

         "Ba-bakit pinababa pa yung ibang tao? Bakit tayo lang ang nandito? Kawawa naman sila."

         "May gusto lang akong sabihin sa'yo."

         Biglang may kumabog sa dibdib ko. HIndi ko alam kung ano iyon. Parang bigla akong kinabahan.

         "I had many girlfriends already."

         "Ah... Eh... Oh?" Palihim kong kinurot yung sarili ko. Hindi ko kasi alam kung bakit ako nagkakaganito. Hndi ako makasagot dahil sa  kaba sa dibdib ko.

         "Kanina, nung una mo kong nakita, hinahabol ako ng mga girlfriends ko noon. Girl friends. Yeah. Hindi lang ako two-timer. Maraming babae ang kaya kong pagsabayin at one time. Dahil hindi pa ko nagseseryoso sa relationships kahit kelan. Meron sa Japan, California, Brazil, Australia, Korea, China, SIngapore, France... marami pa sila."

         Nanatili lang akong nakatingin sa kanya dahil wala naman akong masabi. Hindi ko nga alam kung bakit siya nag-sheshare ng ganitong bagay sa 'kin.

         "Hindi pa ko nagseryoso sa babae sa tanang buhay ko pero... Sa tingin ko..."

         "Sa tingin mo?"

         "I think... I think...

         I LIKE YOU."

The 100th Guy Who Passed by Her (Online Filipino Version)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon